Filtrar por
Status de atualização
TodosEm andamentoConcluído
Ordenar por
TodosPopularRecomendaçãoAvaliaçõesAtualizado
One Night, Bound Forever (SPG)

One Night, Bound Forever (SPG)

‘Isang gabi. Isang babae. Isang pagkahumaling na nagpabagsak sa pinakawalang-awang boss ng mafia.” Si Kristoff Ortega ay hindi lang isang pangalan; isa itong batas sa madilim na mundo ng mafia. Siya ang hari—malamig, kalkulado, at walang sinumang nabubuhay na nangahas sumuway sa kanya. Ang buhay niya ay nakaayos sa tatlong bagay: kapangyarihan, pera at ang takot na ibinibigay niya sa lahat. Sanay siyang nakukuha ang lahat, at ang mga babae para sa kanya ay mga pampalipas-oras lamang. Ngunit ang lahat ng ito ay nagbago sa isang gabi. Sa isang pagkakataon na hindi niya inaasahan, nakasama niya ang isang misteryoso at napakagandang babae, si Paola. Hindi siya katulad ng iba; may tapang sa kanyang mga mata, isang apoy na tila hindi natitinag sa reputasyon ni Kristoff. Para sa kanya, ang gabing iyon ay dapat sana’y isa lang sa marami—gagamitin at iiwanan. Ang pagnanais na iyon ay mabilis na naging isang mapanganib na pagkahumaling (obsession). Si Kristoff, na laging sanay na siya ang may kontrol, ay nagsimulang maging pabigla-bigla. Ginamit niya ang lahat ng kanyang kapangyarihan upang hanapin si Paola, na tila naglaho sa mundo. Ang pagkawala nito ay isang direktang sampal sa kanyang pagkalalaki at kapangyarihan. Nang sa wakas ay muli silang magkrus ng landas, natuklasan niyang ang babae ay may sariling mga sikreto—mga sikretong maaaring ikapahamak nilang dalawa. Dito nagsimula ang tunay na labanan ng kapangyarihan. Habang sinusubukan ni Kristoff na ikulong at angkinin ang babae sa ilalim ng kanyang dominasyon, mas lalo itong lumalaban. Ang bawat pagtanggi ng babae ay lalong nagpa-alab sa kanyang simbuyo ng damdamin, na humila sa kanilang dalawa sa isang mapanganib na laro ng pag-ibig, selos, at panganib. Ang babae ay naging ang kanyang kaisa-isang kahinaan—isang bagay na natutunan gamitin ng kanyang mga kaaway laban sa kanya.
Romance
9.8316 visualizaçõesEm andamento
Ler
Adicionar à biblioteca
Nuestro Amore ( Our Love)

Nuestro Amore ( Our Love)

MsDayDreamer99
" Kapag nasa kakahuyan ka na, tumakbo ka lang. Huwag kang hihinto at higit sa lahat huwag kang lilingon." Ang nagbabadyang luha ni Estella ay tuluyan ng kumawala na sa kanyang mga mata nang bitawan ni Lucas ang mga salitang iyon. Pakiramdam niya mapupunit ang kanyang puso habang naiisip niyang hindi na niya ito makikita pa kailanman. Ito na ang huli at wala siyang magagawa. Hinaplos niya ang maamo nitong mukha. Kitang-kita niya ang lungkot at pait sa abuhin nitong mga mata.  " Ngunit paano ka?Natatakot ako sa gagawin nila sayo kapag nalaman nilang tinulungan mo akong makatakas. Ayokong mawala ka sakin, Lucas. Ayakong-" Hindi niya natapos ang sasabihin ng siniil siya ng binata ng matamis na halik. Ninamnam niya ang nitong labi. Tahimik niyang naipanalangin na hindi na matapos ang halik na iyon kahit na alam niyang impossible. " Mahal kita," anito at dinala kanyang mga kamay sa matipunong dibdib nito. Ramdam niya sa kaniyang palad ang ritmo ng pagtibok ng puso ng binata. "Makakalimutan ka man ng aking isip pero patuloy na titibok ang puso ko para sayo." " A-anong ibig mong sabihin?." Natigilan ang dalawa ng may marinig silang mga yabag mula sa di kalayuan. Umaalingawngaw di ang kanilang mga boses.   " Malapit na sila. Tumakbo ka na at iwan mo na ako dito. " " P-pero..." pagsusumamo ni Estella sa binata. " Lilituhin ko sila upang mabigyan ka ng oras na makatakas dito. Diretsuhin mo lang ang kakahuyan at igigiya ka nito sa pangpang kung nasaan naghihintay ang isang bangka. Gamitin mo iyon upang makatawid sa kabilang isla." Niyakap niya ang binata ng mahigpit  bago tuluyang tumakbo papunta sa madilim na kakahuyan. Tanging ang liwanag ng buwan ang nagpapaninag sa kanyang dinaraanan. Hindi siya tumigil kahit na narinig niya ang napagsigaw ni Lucas sa di kalayuan. 
Mystery/Thriller
1.3K visualizaçõesEm andamento
Ler
Adicionar à biblioteca
Kidnapped By My Possessive Husband

Kidnapped By My Possessive Husband

"I'll stop running away, Jago! Promise, hindi na ako tatakas!" Pagmamakaawa ko sa asawa or soon-to-be ex-husband ko kapag nakatakas ako rito. Pinilit kong makatayo sa pagkakahiga pero hindi ko kaya dahil nakagapos ang kamay ko sa headboard. "You already told me that earlier and yet, you still tried to run away from me... Hindi na gagana sa'kin 'yan..." Madilim ang ekspresyong sagot nito. Lumapit ito kaya naman napapikit ako. Naramdaman ko ang pagsikip ng tali sa kamay ko kaya napadilat ako. "Promise, totoo na talaga 'to! Tanggalin mo na yung tali, please? Natatakot na ako sa'yo!" Kinakabahang usal ko kay Jago pero hindi ito sumagot. Pumatong ito sa'kin at malambing na sinapo ang mukha ko. Impit akong napaung*l nang marahan nitong halikan ang aking leeg. Alam nito kung paano ako kunin dahil kaagad nanghina ang katawan ko sa ginawa nito. "Uhm, Jago! Please!" Hiyaw ko sa pangalan nito nang magsimulang maglandas ang kamay nito sa katawan ko. "I'll make you love me again. You're mine, Isla. You're only f*cking mine..." *********** Matapos ang pagtatalo ng mag-asawang sina Jago River Laxamana at Allona Isla Avellino ay inihagis ni Isla ang wedding ring niya kay Jago upang mapagtanto nitong seryoso siya sa kagustuhan niyang makipaghiwalay. Matapos gawin iyon ay nanakbo ito paalis sa bahay nilang mag-asawa. Nasa bingit na talaga sila ng hiwalayan dahil sa pagkawala ng sana'y panganay nilang anak. Walang araw na hindi nagbabangayan ang mga ito kaya hindi maayos ang kanilang relasyon. Kinidnap ni Jago si Isla. Nang magising ito ay mahimbing ang pagkakatulog ni Jago sa tabi niya. Napagtanto nitong nasa island sila kaya nagpatuloy ang bangayan nila at nagtangkang tumakas si Isla mula kay Jago. Makakatakas kaya si Isla sa asawa niyang si Jago? O magtatagumpay itong muling kuhanin ang kaniyang puso at angkinin siya?
Romance
10314 visualizaçõesEm andamento
Ler
Adicionar à biblioteca
ANTERIOR
1
...
67891011
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status