Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Bitter Sweet Lover (ATS2) TAGALOG COMPLETED

Bitter Sweet Lover (ATS2) TAGALOG COMPLETED

Kilalang walang sinasanto ang katulad ni Novice De Guzman. Pagdating man sa business world o usaping buhay. Hindi siya nangingiming kalabanin ang sino man hahadlang sa kaniyang mga plano. Kung kinakailangan niyang pumatay, magagawa niya. Sa kabila ng lahat ay mapapasunod siya ng taong higit na kinasusuklaman nito- ang sariling ama. Iminungkahi nitong magpakasal siya, pumayag si Novice kahit labag sa kaniyang loob. Natuklasan niyang kilala niya ang babaeng napipisil nito para sa kaniya. Walang iba, kun'di si Shaina Monuz, ang dating nobya ng binata! Ipapakita niya sa nagmamagaling na ama na maling-mali ito na ipakasal siya. Pakikisamahan ni Novice ang babae at sasaktan katulad ng dati... Pero namamalayan na lang niyang unti-unti siyang nahuhulog dito, kasabay ng pagkasira ng pagsasama nila, dahil na rin sa mga maling desisyon ng binata. Maisasalba pa ba niya ang pagsasama nila? O hahayaan niyang muling mawala ito sa kaniyang buhay...
Romance
9.519.5K viewsCompleted
Read
Add to library
The Beast CEO Paradise

The Beast CEO Paradise

THEGUYWITHTHEGLASSES
Sa hirap ng buhay at dahil sa malaking utang dahil sa pagkalulong sa sugal, walang nagawa ang Tiyahin ni Kylie kung hindi ibenta siya sa isang strip club. Doon— makukuha ng dalaga ang interest ng isang halimaw na nagbalat kayo bilang isang guwapong binata. Maangkin siya nito at may mabubuo sa loob niya. Umalis si Kylie sa syudad dahil doon at piniling tumira sa isang probinsya— lumipas ang ilan taon, naging matagumpay ang buhay ni Kylie. Isa na siyang Restaurant owner at Hotelier. Pero sa kasamaang palad, paglalaruin muli siya ng tadhana, dahil mamumukatan niya, ang VVIP guest pa lang hinihintay niya ay ang lalaki pa lang umangkin sa kanya. Sa pagtatagpong muli ng landas nilang dalawa, ano ang gagawin ng dalaga sa pagkikita nilang ulit ng lalaking nagbigay sa kanya ng malaking trauma? Masasabi niya ba sa binata na may nabuo sa sinapupunan niya ng gabing iyon? Pero paano niya magagawa iyon, kung ang binata ay nakatali na sa iba at magpapakasal na? May pag-asa pa bang magka-isa ang dibdib ng dalawang pusong nag-umpisa sa mali? A novel written by: TheGuyWithTheGlasses
Romance
102.3K viewsOngoing
Read
Add to library
My Orphan Wife

My Orphan Wife

Noong birthday ng single mother na si Grace Saavedra ay hinayaan ng anak nito na si Dexter na matupad ang hiling ng ina. Ang magkaroon pa ng isang anak. Anak na babae. Sa isang ampunan, nakita ni Grace ang sampung-taong gulang na si Heather. Dinala sa bahay, at doon nakilala ni Dexter ang bagong kapatid niya. Si Heather na madalas niyang kaaway pero naging malapit sa kanya. Hanggang lumipas ang taon, ang batang si Heather ay isa ng dalaga, magandang dalaga. At iba na ang nararamdaman sa kanyang kuya na sampung taon ang agwat sa kaniya? Paano ba masasabi ni Heather ang nararamdaman para sa kapatid niya na hindi man niya tunay na kadugo ay para na niyang tunay na pamilya? Matatanggap ba kaya ni Dexter ang pag-ibig ng ampon niyang kapatid?
Romance
613 viewsOngoing
Read
Add to library
Billionaire's Hidden Heir

Billionaire's Hidden Heir

Sophia Bennett, the enchanting violin teacher of a private musical school. Not just a violinist but also a great painter. Lumaki sya kasama ang batang inabandona at mga wala ng magulang. A woman who will do everything to survive in this cruel world. Lukas Harrington, the ruthless and intelligent CEO. Tingin ng mga tao sakanya ay isa syang walang awang tao pero hindi nila alam, sya ay mapagmahal na kapatid at anak sa kanyang pamilya. Sa kanilang pagtatagpo, he will be captivated by the beauty of the woman. Marami na syang nakita at nakilalang magagandang babae pero iba ang babaeng nasa harapan nya. Bumibilis ang tibok ng puso nya kapag nakikita nya ito, hindi sya mapakali kapag hindi nya ito nakikita. Gusto nyang angkinin ang babaeng nagparamdam sakanya ng ganito.
Romance
104.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Marrying my Step Brother

Marrying my Step Brother

Isang pangyayari ang nagpabago sa takbo ng kanilang Buhay. Matapos ang isang gabing may nangyari sa kanila. Parihong lasing Si David at Samantha ng gabing iyon, kaya hindi sinasadyang may nangyari sa kanila. Nagbuanga ang gabing iyon at napilitan silang magpakasal kahit na alam niya na may iba itong mahal. At ngayong kasal na sila, anong uri ng impiyernong buhay Ang naghihintay sa kaniya sa Bahay nito? Ano ang gagawin niya? Makakaya ba niyang pakisamahan ang lalaki kung sukdulan ang galit nito sa kanya? Alamin ang kanilang kwento....
Romance
6.344.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Flirting the Cold Billionaire

Flirting the Cold Billionaire

Ehryn Writes
Si Emily Chavez yung tipo ng babae na hindi nagseseryoso sa relasyon. She thinks men just come and go. Pero nagbago ang lahat ng iyon nang tuluyang maagaw ni Kier Montenegro ang atensyon ng dalaga. Cold, aloof, but drop-dead gorgeous billionaire. Noong una ay wala lang kay Emily ang lahat, na alam niyang balang araw ay magsasawa rin siya sa pagpapapansin sa lalaking iyon. Pero paano kung iba ang nangyari? Paano kung sa pagsubok niyang paibigin ito ay siya ang mahulog sa lalaking kailanman ay hindi siya kayang mahalin?
Romance
102.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Her Indecent Love

Her Indecent Love

KheiceeBlueWrites
Lovely Girl Series 1: Her Indecent Love Isang modelo si Patrisha Cruz na siyang lumipad patungo sa ibang bansa, upang tahimik na iluwal at mag-isang palakihin doon ang kanyang anak. Utos iyon ng kanyang mga magulang upang hindi na mapag-usapan pa ang nangyaring disgrasya sa kanya, sapagkat nabuntis siya ng hindi naman niya nobyo. Pagkalipas ng limang taon ay pinauwi na siya ng kanyang mga magulang upang tahimik na manirahan sa isang probinsya kasama si Don Carlo, ang kanyang lolo. Mula doon ay makikilala niya ang driver slash bodyguard ng kanyang lolo na si Archer Sebastian Tuazon, na kanyang pagkakainteresan. Halos lahat kasi ng lalaki sa lugar na iyon ay sinasamba ang kagandahan niya, maliban lamang kay Archer na kahit tingnan siya ay hindi nito ginagawa. Maganda naman siya at maganda din ang katawan niya kahit pa may anak na siya, siguradong-sigurado siya doon sapagkat lahat ng lalaking nagdaan sa buhay niya ay iyon lang naman ang gusto sa kanya. Kaya nga matagal na siyang hindi naniniwala sa tunay na pag-ibig. Dahil para sa kanya ay pare-pareho lamang ang lahat ng lalaki. Ngunit tila kakaiba si Archer sa mga lalaking nakilala niya. At dahil doon ay gagawin niya ang lahat upang makuha ang atensyon ng tahimik at supladong binata na si Archer Sebastian. Magtagumpay naman kaya siya? Paano kung sa bawat pang-aakit na gawin niya ay mas lalo lamang mahulog nang tuluyan ang loob niya sa binata? Paano kung hindi niya namamalayan na unti-unti na palang nagmamahal ng totoo ang puso niya? Mapapaibig niya nga kaya ang lalaking nagturo sa puso niyang magmahal muli?
Romance
101.5K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Stupid Maid [TAGALOG]

The Billionaire's Stupid Maid [TAGALOG]

Dahil sa kakulangan ng pondo para sa kanyang matrikula, pumasok si Emena bilang part-time maid sa Dankworth Residence kung saan nakilala niya ang bilyonaryong si Seniorito Aries. *** Si Emena ay isang matapang at masipag na dalaga. Lumaki siya mula sa isang mahirap na pamilya. Nagtitinda ng bibingka sa eskinita. Walang ibang layunin ang dalaga kundi maiahon ang kanyang pamilya. Sa kawalan ay pumasok siya bilang part-time maid sa Dankworth Residence kung saan makikilala niya ang isang guwapo, makisig ngunit antipatiko at topakin na si Seniorito Aries. Sa pamamasokan niya sa mansion ay kalaona'y may natuklasan si Emena na isang madilim na sikreto ng kanyang Seniorito. Kakayanin kaya niyang harapin ang kanyang among topakin at aroganteng si Seniorito Aries matapos matuklasan ang sikreto nito?
Romance
1038.3K viewsCompleted
Read
Add to library
The Governor's Identity

The Governor's Identity

Sa ilang taon na panunungkulan ni Laxon Ace Montemayor bilang Governor ay malaki na ang naitulong niya sa lalawigan ng Laguna lalo na ang mga tagong lugar at hindi nabibigyang pansin ng ibang nasasakupan. Sa dami ng death threats, kaaway, kalaban niya sa loob ng pulitika ay hindi niya ito pinapansin at binibigyang oras. Para sa kanya ay unti-unti rin itong mawawala at mananawa ang ibang taong gusto siyang mawala. Sa loob ng ilang taon niyang pagtutok para sa bayan at sa tingin niya ay tahimik na uli ang mundo at puso niya pero muli itong naging magulo nang makita niya ulit ang babaeng umalis sa tabi niya limang taon na ang nakalipas. Walang iba kundi ang babaeng minahal niya, si Alira Rain Gonzales. Ang babaeng iniwan siya limang taon ang nakalipas.
Romance
6.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Marrying My Ex's Billionaire Uncle

Marrying My Ex's Billionaire Uncle

Isang kasal na nagsimula sa isang kasunduan… pero paano kung ang puso ay hindi marunong sumunod sa kontrata? *** Nang matuklasan ni Belle ang pagtataksil ng kanyang kasintahan, hindi niya inasahang ang lalaking mag-aalok ng kasal sa kanya ay walang iba kung 'di ang misteryosong billionaire na tiyuhin nito—Damian Villareal. Isang pormal na kasunduan, isang papel na kasal—iyon lang dapat ang namamagitan sa kanila. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, unti-unting nagkakaroon ng kahulugan ang kanilang pagsasama. Sa likod ng malamig na maskara ni Damian, natuklasan ni Belle ang lalaking may malalim na sugat sa puso. Sa kabila ng kanyang sariling pangamba, hindi niya napigilang mahulog sa isang lalaking hindi naman dapat mahalin. Ngunit paano kung ang nararamdaman nila ay hindi na kayang itago ng kahit anong pirma sa papel? Sa larong ito ng kapalaran, sino ang tunay na panalo—ang puso o ang kontrata?
Romance
1011.7K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status