Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Billionaire's Sassy Fiancée

The Billionaire's Sassy Fiancée

Hinalikan ni Irene Smith ang isang lalaking hindi niya kilala upang matakasan ang ka-blind date, subalit hindi niya akalain na ang lalaking aksidente niyang hinalikan ay isa palang bilyonaryo na noon ay nakatakda nang ikasal. Si John Maki Montealegre, isang mayamang lalaki na nangangailangan ng mapapangasawa. Kailangan niyang mapapayag ang kanyang lolo na magpa-opera. Dahil sa ginawa ni Irene, siningil siya ni Maki sa kalapastanganan ng dalaga. Ang kabayaran? Ipakikilala ni Maki si Irene sa kanyang pamilya bilang kanyang fiancée.
Romance
1.2K viewsOngoing
Read
Add to library
The Bride of the Nine Tailed

The Bride of the Nine Tailed

Aurum Jazmine
Tinanggap ni Celestina ang isandaang bilyong dolyar kapalit ay pakakasalan niya at pakikisamahan si Lestre Sylverstain sa loob ng isang buwan. Akala niya ay matanda na ang pakakasalan subalit isa palang guwapo at matipunong lalaki ito. Ngunit sa kabila ng taglay na kakisigan ay nagtatago ang lihim nitong itinatago. At kung kailan mahal na siya ni Celestina ay saka pa magbabalik ang babaeng tunay na iniibig ni Lestre. Subaybayan ang kuwento ni Lestre at Celestina at ang lahat ng gusot sa kanilang buhay.
Romance
105.5K viewsOngoing
Read
Add to library
ONE NIGHT STAND WITH MR.MAYOR

ONE NIGHT STAND WITH MR.MAYOR

Ares Edriel Ledezma lalaking mas matibay pa sa bakal ang prinsipyo at paninindigan. Kaya n'yang ibigay maging ang sariling buhay maprotektahan lang ang bayang minamahal. Almera Leonor Villafuerte isang dalagang anak ng makapangyarihang Congressman sa Camarines Sur. Nagpanggap s'ya bilang si Maria na pangkaraniwang babae.Ngunit, sa hindi n'ya inaasahan na sa katauhan ni Maria mahahanap n'ya ang tunay niyang sarili at natagpuan n'ya ang lalaking gagawin ang lahat para sa kaniya. Pagkatapos ng anim na taon na pananatili sa America, naisip ni Almera Villafuerte na umuwi sa Pilipinas. Nag-krus ang landas nila ni Ares Ledezma at pinagsaluhan ang isang mainit na gabi. Nagpanggap na pangkaraniwang tao si Almera sa katauhan ni Maria na isang apo ni Nanay Maribeth. Lingid sa kaniyang kaalaman na malapit 'din dito sa Ares Ledezma at dahil sa matanda ay naging malapit ang loob nila sa isa't-isa hanggang sa nalaman ni Ares na nagdadalang-tao ang dalaga kaya inalok n'ya ito ng kasal. Ngunit, nag-iba ang takbo ng bawat pangyayari ng malaman ni Ares na iba ang katauhan ng babaeng lubos n'yang minahal at pinagkatiwalaan.
Romance
9.974.8K viewsOngoing
Show Reviews (22)
Read
Add to library
Ma Sofia Amber Llanda
wla pa rn update sayang ung mga ganitong story magaganda sana worth reading kaso pag tinamad na c author kahit anong request ng mga readers ayaw na talaga ituloy sana mabigyan pansin ni Good novel ung mga ganito sayang lng kc kahit gusto ng mga readers pg ayaw na ituloy ni writer wla na Kami magawa
Rowena Mamalangkay
hanggang ngayon wala ka pa din update author, sana bago kayo gumawa ng iba pang novel tapusing nyo mona kung ano ang nauuna nyong sinusulat sayang naman kasi maganda pa naman ang story ni almira at ares hays
Read All Reviews
Seducing My Billionaire Stepbrother

Seducing My Billionaire Stepbrother

Heather Shine Villafuerte, isang kilalang model at nag-iisang anak na babae ng mga Villafuerte. Sa murang edad ay nakabisado na niya ang bawat sulok ng entablado at ang bawat kislap ng camera na nakatutok sa kaniya. Sa kabila ng karera, isang mortal na kaaway ni Heather and hating-kapatid niya na si Philip Raven Kingsley. Si Philip ang lalaking anak ng ina ni Heather sa ibang lalaki. Sa mga kamay ni Philip ipinaubaya ng mga magulang ni Heather ang kumpanya na dapat ay nasa kaniyang pangangalaga magmula nang maging sangkot ito sa aksidente. Pinili ni Heather gumawa ng sariling landas upang magkaroon ng lakas ng loob na bawiin ang kumpanya sa mga kamay ni Philip. Hindi niya alam na si Philip ay isang self-made billionaire. Pinapangalagaan lamang niya ang kumpanya upang maisalin ito sa tamang panahon kay Heather, at sa oras na mangyari ay aalis na rin siya sa pamilya Villafuerte. Sa pagkadesidido ni Heather na makuha ang kumpanya, naisipan niya na akitin na lamang si Philip at kapag napaikot na niya sa kaniyang mga kamay, kukunin niya ang loob upang ibigay sa kaniya ang mga ari-arian na naiwan ng kaniyang mga magulang. Ngunit hanggang saan nga ba ang plano na ito ni Heather? Maaari nga ba na mahulog na siya ng tuluyan kay Philip?
Romance
133 viewsOngoing
Read
Add to library
He Tricked Me Into Becoming His Daughter's Nanny

He Tricked Me Into Becoming His Daughter's Nanny

(Ship of Temptation 2) Nang dahil sa wine, nalagay sa panganib ang buhay ni Meldy. Muntik na siyang ipakulong ni Eliot Santisas, ang mayamang negosyante sa bayan nila sa pag-aakalang ninakaw niya ang isang box ng wine na nagkakahalaga ng isang milyon. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, biglang dumating si Elise—ang anak ni Eliot at inakalang si Meldy ang ina niya. “Bad ka papa! Inaway mo si mama!” Umiiyak na sabi ni Elise habang yakap-yakap si Meldy. Nakita yun ni Meldy na oportunidad para hindi tuluyang makulong. “Sir, b-babayaran ko po ang wine. Pagta-trabahuan ko po yun sa inyo kung maaari.” Tumingin si Meldy kay Elise. “Pwede po akong maging yaya ng anak niyo. Magta-trabaho po ako ng libre hanggang sa mabayaran ko po ang halaga no'ng nawalang wine niyo.” Isang mahabang katahimikan ang namayani bago sumagot si Eliot. “Pag-iisipan ko,” sabi nito at kinuha si Elise at umalis. Nakahinga si Meldy at inakalang nakalusot siya sa kamalasan sa buhay, hindi niya alam na pinasok niya pala ang pa-in na nilaan para sa kaniya ni Eliot Santisas. Ngumisi siya habang binabaybay ang daan papunta sa kwarto ni Elise. “I think it’s time for you to pay your sin.” Ang mga salitang naglalaro sa isipan ni Eliot.
Romance
1046.7K viewsCompleted
Read
Add to library
LOVE IN CRIME (Crime Series 1)

LOVE IN CRIME (Crime Series 1)

itsmeaze
Dahil sa kagustuhan ni Xavier Collins na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kaniyang kapatid, hinanap at pinilit niyang pinaamin ang babaeng maaaring may kinalaman sa kaso—si Ashley Fate Anderson, isang hindi kilalang manunulat na gustong maibahagi ang kaniyang mga akda sa buong mundo kahit hindi pabor sa kaniya ang tadhana. Matapos mahanap ang kopya ng manuscript ni Fate sa mismong pinangyarihan ng krimen ay naisipan ni Xavier Collins na ipadukot at ikulong ito sa mala palasyo niyang bahay. Noong una ay ginawa lang ito ni Xavier para sa imbestigasyon ng pagkamatay ng kanyang kapatid ngunit habang tumatagal ang pananatili ni Fate sa pamamahay niya ay hindi niya namalayang umiibig na siya sa dalaga.
Romance
101.9K viewsOngoing
Read
Add to library
HEARTLESS MARRIAGE WITH THE COLD BILLIONAIRE

HEARTLESS MARRIAGE WITH THE COLD BILLIONAIRE

Sa limang taon nilang kasal, kailanman ay hindi naramdaman ni Aina na asawa siya ni Alexander Montero. Ang lalaking minsan niyang iniligtas, ang dahilan kung bakit siya ngayon ay pilay, ay nanatiling malamig at mailap, at bawat taon, parehong relo lang ang ibinibigay bilang regalo. Hanggang sa gabing narinig niya itong umuungol ng ibang pangalan. Si Juliana. Ang babaeng unang minahal ni Alex, at ang babaeng bumalik para bawiin ang lahat. Habang muling bumabalik si Julie sa buhay ni Alex, unti-unti namang napupuno ng sugat ang puso ni Aina. Pero ngayong may pagkakataon na siyang makaalis, pipiliin ba niyang manatili sa piling ng lalaking hindi siya kayang mahalin o tuluyan nang tapusin ang isang kasal na kailanman ay hindi naging kanya?
Romance
191 viewsOngoing
Read
Add to library
MY BILLIONAIRE EX-BOYFRIEND WANTS TO WIN ME BACK

MY BILLIONAIRE EX-BOYFRIEND WANTS TO WIN ME BACK

BOOK #2 :OLIVIA and TRISTAN STORY Akala ni Olivia ay perpekto ang relasyon nila ni Tristan, pero akala lang pala niya. Sa gitna ng kanyang kasikatan, bigla itong nagpakalat ng malaswa niyang larawan sa internet na naging dahilan ng pagbagsak ng kanyang karera sa ngalan ng pagsunod nito sa ina nito upang magpakasal sa iba. Nagpakalayo-layo siya, ngunit hinanap siya ni Tristan hanggang sa matagpuan siya nito ilang taon pagkatapos niyang mawala. --- "Olivia, pwede bang kalimutan na natin ang nangyari? Ilang taon na ang nakalipas." Tumaas ang sulok ng kaniyang labinat ngumiti. "Kalimutan? Kahit na mamatay ako, hinding-hindi kita patatawarin tandaan mo yan." Magagawa kayang palambutin muli ni Tristan ang naging batong puso ni Olivia?
Romance
109.0K viewsOngoing
Read
Add to library
My Ruthless Possessive Doctor (POSSESSIVE BOYS SERIES 3)

My Ruthless Possessive Doctor (POSSESSIVE BOYS SERIES 3)

Si Dylan Asher del Valle, isang sikat at mayamang psychiatrist, ay mayroong lahat maliban sa tunay na pag-ibig. Isang hopeless romantic at possessive, patuloy siyang naghahanap ng babaeng mamahalin siya ng buong puso. Samantala, si Xena Celeste, isang simpleng dalaga at anti-romantic, ay kuntento sa kanyang buhay at pamilya. Ngunit ang lahat ay magbabago nang magtrabaho si Xena bilang sekretarya ni Dr. Dylan. Sa loob ng isang buwan, puro pang-aapi ang natanggap ni Xena mula sa kanyang boss. Ngunit dahil sa pangangailangan sa pera, nagtitiis siya. Isang araw, aksidenteng nasaksihan ni Xena ang mapait na hiwalayan ni Dylan sa kanyang kasintahan, na akala niya ay magpapakamatay. Kung kaya sinagip niya ito. Dahil dito, inalok ni Dylan si Xena ng isang kakaibang deal: isang "Dating Experiment" para sa kanyang research, kapalit ng 6 milyon. Ang twist? Si Dylan mismo ang magiging "boyfriend" ni Xena sa experiment. Pagkatapos ng isang buwan, kailangan nilang magpakasal para sa susunod na level, at manirahan sa iisang bubong. Sa gitna ng isang kontrata na puno ng mga clause at kondisyon, haharap si Xena sa isang malaking pagsubok. Mapapanalo kaya ni Dylan, ang isang hopeless romantic, ang puso ng isang anti-romantic na babae? Ano kaya ang mangyayari sa kanilang Dating Experiment? At higit sa lahat, matutuklasan kaya ni Xena ang tunay na kahulugan ng pag-ibig?
Romance
1027.5K viewsOngoing
Read
Add to library
My Husband's Karma

My Husband's Karma

aiLa'veinz
Pumayag sina Hyder at Jihan na magpakasal sa isa't isa base sa napagkasunduan ng magulang nila. Napag-usapan ni Hyder at Jihan na palabas lamang ang gagawin nilang pagpapakasal at magdidivorce sila pagkatapos ng dalawang taon dahil may girlfriend na si Hyder. Nasasaktan man ay tinitiis ni Jihan dahil totoong mahal nya si Hyder. Nagkaroon ng lakas ng loob si Jihan na aminin ang totoong nararamdaman sa asawa. Mula noon ay naging malamig na ang trato ni Hyder at madalas gumagawa pa ito ng mga bagay na ikakadurog ni Jihan. Napagpasyahan ni Jihan na palayain na Hyder dahil hindi na nya kinakaya ang sitwasyon nya. Hanggang sa isang kakaibang uri ng sakit ang dumapo kay Jihan. Nilihim ni Jihan ang kanyang sakit. Sumusubok si Jihan na magpagamot pero hindi nya alam kung hanggang kailan kakayanin ng katawan nya. Muling makikipag-ugnayan si Jihan kay Hyder upang ipagbigay alam ang buong katotohan ngunit sarado na ang isip at puso ng binata. Sa pagkakataong malalaman ni Hyder ang kalagayan ni Jihan, lalambot kayang muli ang kanyang puso? Hanggang kailan lalaban si Jihan para sa lalaking mahal nya? Hanggang kailan din nya lalabanan ang sakit na dumapo sa kanya? "Kahit isa man lang sa laban na ito ang maipanalo ko, masaya na ako"- Jihan
Romance
1.0K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status