Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Tears of the Wife

Tears of the Wife

Ang masayang buhay ni Janess kasama ang kanyang asawang si Nathan ay nawasak simula nang maglagay ng bomba ang kanyang kakambal at pinasabog ang mall kung saan naroon ang kanilang anak. Araw-araw, si Janess ay nagdurusa sa pagkamatay ng kanilang anak at mas lalo pang lumala nang bumalik ang kanyang kambal na si Janelle makalipas ang dalawang taon at sinabing mayroon silang anak ni Nathan. Ang luha ni Janess ay tulad ng tubig sa ilog na walang katapusan sa agos at mas lalo pang bumuhos ang luha nito nang malaman ni Nathan at sinabi niya sa kanyang asawa na ang sinasabing anak ni Janelle ay ang kanilang Anak. Luha ng saya ika nga nila. Ngunit ang kasamaan ni Janelle, ang kakambal ni Janess ay kagagawan lamang pala ng sariling anak ng mga taong umampon sa kanila, ang taong itinuring nilang tunay na kapatid ngunit kinamumuhian sila dahil sa matinding inggit at kawalan ng pansin mula sa kanyang sariling mga Magulang . Ngunit ang lahat ng kasamaan ay may katapusan at ang lahat ay maibabalik sa tamang lugar. Nabilanggo si Justin ngunit nagawa niyang magbago sa loob ng kulungan, siya ay naging mas mabuting tao at mabuting kapatid sa kanilang magkambal ngunit hindi nagtagal ay nagkasakit ito at agad na namatay. Ang kambal ni Janess na si Janelle sy dinala sa mental hospital. Tumagal ng maraming taon bago siya gumaling at nakalabas. Sa kanyang bagong buhay ay nahanap niya ang totoong pagmamahal mula sa lalaking minsan ng minahal ang kanyang kakambal. Sina Janess at Nathan ay namuhay nang masaya kasama ang kanilang dalawang anak pagkatapos ng maraming taon na pakikibaka sa kanilang buhay pag-aasawa.
Romance
13.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Insensitive SPG

Insensitive SPG

Si Izzy Abella ay kinailangang magpaalila sa isang bilyonaryong nagngangalang Karson dahil sa kasalanan ng kaniyang ama rito. Matapos kasing maaksidente ang minamanehong kotse ng kaniyang ama ay basta na lamang itong tumakas. Posible kayang magkagusto si Izzy sa tao na walang ibang ginawa kun 'di ang pagsalitaan siya ng masama?
Romance
10883.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Binili Ako ng Ex-Husband Kong Bilyonaryo

Binili Ako ng Ex-Husband Kong Bilyonaryo

Nexus White
Vivienne Alvarado secretly married Rogue Montague five years ago. Ngunit isang araw, isang magandang balita sana ang sasabihin ni Vivienne sa asawa niya nang makatanggap siya ng isang video kung saan makikita si Rogue, kasama ang kambal nilang anak at isang babae na kung tawagin nila ay Aunt Celeste, ay masayang nagdiriwang ng kaarawan ng mommy ni Rogue. Nadurog ang puso ni Vivienne kaya hindi siya nag-atubiling makipag-divorce kay Rogue dahil para sa kaniya ay panloloko ang ginagawa nito. Kahit ilang beses nagpaliwanag si Rogue, hindi ito pinakinggan ni Vivienne. Rogue had no choice but to accept Vivienne's decision. They went back to the U.S.—where they had married secretly—and got divorced. However, three years later, fate would bring them together again. At hindi inaasahan ni Vivienne na hahantong siya sa isang matinding desisyon—iyon ay kung papatuluyin niya ang ngayo'y ex-husband niyang si Rogue kasama ang magkambal sa kaniyang bahay sa gitna ng nararanasan nilang unos o hindi. Gayunpaman, akala ni Vivienne ay iyon lamang ang magiging hamon sa kaniyang buhay, ngunit nagkamali siya nang lokohin siya ng taong pinagkakatiwalaan niya at nang magkasakit ang kaniyang anak. Desperate to save her daughter, Vivienne had no choice but to auction herself off. But she’ll be shocked to discover who bought her: her billionaire ex-husband, Rogue Montague.
Romance
106.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Oh my venus

Oh my venus

Si Venus ay isang babaeng mataas ang pangarap. Gusto niyang yumaman! Ginagamit niya ang kaniyang magandang mukha at katawan para kumita. Isang araw ay may nag-alok sa kan'ya ng trabaho ngunit ano nga bang trabaho ito at bakit siya nakulong dahil dito? Oh my venus
Romance
1018.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Thou Shall Not Covet  Thy Neighbor's Wife

Thou Shall Not Covet Thy Neighbor's Wife

Michelle Vito
Paalala: Ang kwentong ito ay hindi angkop sa mga bata. "Hindi ako tatanda na kagaya ninyo na kuntento na lamang manilbihan sa mga Montero," Giit ni Mariz sa ina na katulong sa mansion at ama na katiwala sa hacienda. Gusto niyang makapagsuot ng magagarang damit , pagsilbihan na gaya ng isang Montero. Ang pamilya Montero kasi ang pinakamayaman at makapangyarihan sa buong San Mateo. Ito ang batas sa lugar nila at kung kaya't kinatatakutan at tinitingala ang buong angkan nito. Hanggang sa makilala niya at mapaibig ang isang Gerald Montero. Ito na ang pagkakataon niya . Gagamitin niya si Gerald upang maisakatuparan ang kanyang mga pangarap. Ngunit isang trahedya ang naganap. Pinasok siya sa kuwarto ng isang nakamaskarang lalaki at ni-rape. Kasabay niyon ay ang biglang paglaho ni Gerald sa buhay niya. Nagbunga ang malagim na sinapit niya. Ang kanyang kababata na si Jay-are ang nagligtas sa kahihiyan na sinapit niya. Pinakasalan siya nito at naging ama sa kanyang anak. After 7 years, muling nagbalik si Gerald Montero , this time nakatakda na itong ikasal kay Andrea , ang matindi niyang katunggali sa ganda at talino sa bayan ng San Mateo Muling nagkurus ang landas nila ni Gerald.Nagkaroon siyang muli ng pagkakataong akitin at paibigin si Gerald.Hanggang unti-unti ay masumpungan niya ang sariling nalulunod na sa sobrang pagmamahal niya kay Gerald. Balewala na sa kanya ang ang yaman at kapangyrihan nito. Mahal na niya itong talaga. Ano ang kaya niyang isakripisyo sa ngalan ng pag-ibig? Ngunit paano kung isang umaga ay natagpuan siyang duguan sa tabi ng wala ng buhay niyang asawa? Siya ba ang pumatay kay Jay-are? Bakit wala siyang maalala bago ito paslangin? At sino ang lalaking gumahasa sa kanya seven years ago? May pag-asa pa bang muling mabuo ang naudlot nilang pag-iibigan ni Gerald?
Romance
102.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Ang Unang Tagapagmana

Ang Unang Tagapagmana

Miranda Stone
Limang daang libong piso ba ang katumbas ng pride at dignidad ni Lorenzo Villaverde? Pilit siyang pinapaluhod ng asawa sa mga biyenan para sa pampagamot ng nagaagaw buhay nilang anak. Nang nagmatigas si Lorenzo ay isang ahas na kaibigan naman ang tinakbuhan ng asawa. Pride nga lang ba ang dahilan ng pagtanggi ni Lorenzo na mangutang sa biyenan at sa dating kaibigan? Tuklasin kung sino ba Ang Unang Tagapagmana.
Urban
1010.7K viewsOngoing
Read
Add to library
TRAPPED WITH HIM

TRAPPED WITH HIM

WARNING: MATURED CONTENT. READ AT YOUR OWN RISK! YOU HAVE BEEN WARNED! (Alaric Martin's Story) Mala-fairytale ang kwento ng pag-ibig nina Pamela at Alden, galing siya sa hirap, samantalang ito ay galing sa kilalang angkan. Nang niyaya siya nitong magpakasal ay pumayag siya, bukod sa nasa tamang edad na sila ay hindi naman tutol ang pamilya nito sa kanya. Ngunit tila isang bangungot nang magising siya sa araw ng engagement party nila na may ibang lalaki na katabi sa kama. Dahil sa nangyari ay nabaliktad na ang sitwasyon, dahil ang kailangan na niyang pakasalan ay walang iba kundi ang bilyonaryong si Alaric Martin! Ang kuya ng fiancé niya! Paano niya makukumbinse ang mga ito na isang pagkakamali lang ang lahat kung si Alaric mismo ay pumayag agad na pakasalan siya! TRAPPED SERIES#1. Trapped Series Titles ⬇️ 1.Trapped with him (Alaric) COMPLETED 2.The lonely billionaire and his maid. (Damon) COMPLETED 3. His intention (Zandro) COMPLETED 4.Trapped in his wrath (Red) COMPLETED 5.Broken hearts and promises (Miguel)completed 6. The hidden wife tears (Nickolas)completed 7. The billionaire's trick (Liam) SOON 8.His dangerous trap. (Tres) SOON 9.Forbidden desire (Jack) SOON 10.The billionaire's secret love (Wendell) SOON Genre: ROMANCE/DARK ROMANCE/STEAMY READ AT YOUR OWN RISK!!!!
Romance
9.680.8K viewsCompleted
Show Reviews (17)
Read
Add to library
SEENMORE
MARAMING SALAMAT SA MGA FOLLOWERS KO AT SA MGA READERS NA TALAGANG SUMUSUBAYBAY SA BAWAT CHAPTER. HINDI MAN AKO SIKAT KATULAD NG IBA AY SOBRA AKO AKONG NAGPAPASALAMAT SA INYO DAHIL BINABASA NIYO PARIN ANG GAWA KO...️ THANK YOU!
alana
ngayon lang ako napadpad sa page ni autho, kaka discover ko lang.. maganda ang comments and na curious ako so ito ang una kung binasa at nagustohan ko ang story ni alaric and pamela.. kilig, sexy and intense. Im excited to read the other stories
Read All Reviews
MIREYA, The Miracle Heiress

MIREYA, The Miracle Heiress

HIDING THE MIRACLE HEIRESS BOOK 1 MIREYA, THE MIRACLE HEIRESS BOOK 2 Mireya Ballarta ay isang miracle heiress. Isa siyang mabuting anak at kapatid. Mayaman ang pamilya nila pero mas pinili niyang humiwalay manirahan sa isang maliit na apartment. She wants a simple and peaceful life. Mas pinili niyang maging mag-isa dahil nais niyang maranasan na mamuhay ng normal kagaya ng karaniwang mga tao. Pangarap niyang maging isang mahusay na doktor. Nakatakda rin siyang ikasal sa kanyang kasintahan. Ngunit niloko siya nito. At doon niya makikilala si Alexandro Santillan na isa sa mga driver nila at siyang ring magbabago sa buhay ni Mireya. Isa ba siyang kakampi o isang kaaway?
Romance
1052.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Pag-aari Ako ng CEO

Pag-aari Ako ng CEO

Matapos malaman ni Lorelay ang katotohanan na may kaugnayan si Mr. Shein sa pagkamatay ng papa niya, iniwan niya ito ng walang pagdadalawang isip. Nabuo ang galit sa puso niya para sa kaniyang asawa kaya kailangan niya ng oras para makabangon siyang muli. After she spent her last night with her husband, she decided to leave without leaving any traces behind. Because of her disappearance, maraming pagsubok ang dumaan sa kanila. Many third parties involved na naging daan kung bakit napagdesisyunan ni Lorelay na huwag ng bumalik sa asawa. After 5 years, bumalik si Lorelay. With the lawyer in front, she signed the contract stating that she'll be Mr. Shein's assistant kapalit ang isang milyon. Lorelay knew that the contract is not on her favor. She knew what will gonna happened to her while staring at Mr. Shein's cold eyes. Gone with the loving husband. Gone with the caring husband. All she can see now is the ruthless, and cold-hearted CEO. 'Para sa mga anak ko at kay auntie Lorena, lahat ay gagawin ko.' Ang sinasabi ni Lorelay sa isipan niya habang tinatahak ang daan papunta sa asawa niyang minsan na niyang nilayasan. She’s back in his husband’s embrace, knowing that she’ll taste his wrath for leaving him 5 years ago.
Romance
9.8110.5K viewsCompleted
Show Reviews (38)
Read
Add to library
MeteorComets
List of my completed stories you can read. The Lust Love Hiding The CEO's Quintuplets Binili Ako ng CEO Pag-aari Ako ng CEO Asawa Ako ng CEO Binihag Ako ng CEO His Personal Affair Love In Mistake Shade Of Lusr I Put A Leash On My Boss
Ani Ca
pa publish po sa novela Hanggang addss la po kaya ko🥹 but maganda Ang story kahit Hanggang chapter 4 lang abot ko no monar kaya dikona mabasa Ang iba but I want to read it sana ma publish sa novela in adds lang Ang kilangan hehe thank u...
Read All Reviews
The Vampire's Maid Servant (Tagalog)

The Vampire's Maid Servant (Tagalog)

Sa edad na siyam, naging kapalit si Anastacia ng malaking pagkakautang ng kanyang ama sa isang mayamang ginang. Pumayag din ang kanyang ama dahil sinabi nitong pag-aaralin siya sa ibang bansa at magkakaroon ng magandang buhay. Pero lingid sa kaalaman ni Anastacia at ng kanyang ama na ipagbibili pala siya nito sa isang Black Market. Sa Black Market na 'yon pula ang mga mata ng mga nanonood. Para 'tong mga halimaw na nagpapanggap na tao. Sa ibang lengguwahe at kurensiya ipinagbili si Anastacia sa isang subastahan. Mag-asawang bampira ang nakabili sa kanya at may dugong Royal. Ang buhay na tila isang bangungot ang inaasahan ni Anastacia sa piling ng mga 'to, pero hindi 'yon nangyari, lalo at iniregalo siya ng mag-asawa sa anak ng mga ito na kaedaran niya, si King. Si King ang bampirang itatangi niya at suwerteng katugon ng kanyang damdamin. Nagmamahalan silang dalawa at maraming pangako sa isa't isa nang nasa wastong edad na. Pero ang pangako na 'yon ay mabibigo dahil ang lalaking minamahal niya ay pinatay. Katumbas ng kamatayan nito ang kanyang kalayaan na kahit kailan ay hindi niya hinahangad. Pinatay raw si King ng isang organisasyon ng mga bampira. Kung ano man ang dahilan, hindi niya 'yon masasagot kung isa lamang siyang tao at isang alipin. Sa paglaya niya sa lugar ng mga bampira, binago niya ang sarili at naging isang kilalang Vampire Hunter. Ang layunin niya'y maubos ang nasa organisasyon na pumatay sa lalaking minamahal at malaman ang dahilan bakit 'to pinaslang. Bago siya lumagay sa tahimik kasama ang bagong nobyo, papatayin niya muna ang mga kalaban niya, para sa ikatatahimik niya. Pero paano kung ang inaakala niyang namatay ay magbalik?
Fantasy
1067.7K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
2627282930
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status