The Zillionaire's Pretended Fiancée (SPG/TAGALOG STORY)
Hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Caleb kahit tinanguan niya ng isang beses si Marco matapos ko silang ipakilala sa isa't isa.
"S-so... saan na nga ba tayo?" baling ko ulit kay Marco, pilit na ibinabalik ang usapan para mawala na ang tensyong namagitna.
Halatang nailang na si Marco pero nagawa niya pa rin akong ngitian. Pagkatapos ay mabilis niyang dinukot ang isang calling card mula sa bulsa niya. "Ganito na lang, Lana. This is my card. Tawagan mo na lang ako kapag desidido ka na. Sayang ang Japan, alam kong para sa'yo 'yun."