Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
BAGAC

BAGAC

ArLaSan
Isang maganda at nakapang-aaya na pook ang BAGAC. Subalit sa aming paglalakbay sa ilang bahagi nito ay di sinasadyang naakit naming sumama sa aming hanay ang ilang paranormal na nilalang na siya ring naging saksi sa aming mga makamundong pagnanasa, malikot na pag-iisip, at pagtatahi-tahi ng mga pinagmulan at solusyon sa aming mga pakikipag-engkwentro sa kanila. Ako si Hardy. Tuklasin ang pusok at pakikipagsapalaran ko at ng aming mga kaibigan, kalaguyo at kapamilya laban sa mga taga-ibang dimensyon.
107.4K viewsCompleted
Read
Add to library
ABLAZE WITH GOLD

ABLAZE WITH GOLD

Mia Ghibee
Sa konsepto ng mga mortal, masasabing taglay sana ni Mark ang perpektong buhay—mayaman, matikas ang katawan, magandang lalaki at magaling sa larangan ng negosyo. Ngunit dahil sa isang insidente, hindi niya naisakatuparan nang lubusan ang kasiyahang hatid ng karangyaan dahil sa kanyang “sixth sense”, na naging dahilan upang hindi siya pangkaraniwan. Dahil dito, naging bahagi na lamang ng kanyang pangarap ang perpekto ngunit tipikal na buhay. Paano siya aarteng normal kung araw-araw siyang nakakakita ng mga paranormal? At ngayon na may kumakatok sa kaniyang puso, paano niya ito pagbubuksan kung ang kanyang pagkatao ay nababalot ng misteryo?
Fantasy
1.9K viewsOngoing
Read
Add to library
The Ceo's Accidental Prodigy Baby

The Ceo's Accidental Prodigy Baby

"Who are you?" tanong ni Arlon habang hawak sa braso ang isang bata na babae. "Let go of me. You scumbag!" The arrival of his daughter awakened a longing for connection and love that he had never known. He loved Charlotte unconditionally but found himself lost, unsure of how to bridge the gap that had formed between them. Umiiyak si Charlotte sa isang kwarto. Puno iyon ng mga laruan na pambata, stuff toys at puno ang closet niya ng magaganda na dress ngunit wala sa mga iyon ang nakakuha ng ngiti at attention ng batang si Charlotte. As fate intertwined their lives, the complexities of love, sacrifice, and the unbreakable bond of family began to unfold. In their journey through the trials of life, would they discover that true strength lies not in perfection, but in the messy, beautiful reality of loving one another? "Wala sa inyo ni Miss Ophelia ang nagmatch ng blood type ng bata. Paano nangyari iyon?" May isang babae ang umiiyak na tumatakbo patungo sa emergency room na talagang kamukha ng nagpakilala na ina ni Charlotte at nakasama niya ng gabi na iyon. Cordelia Monteveros the woman who have a mentally unstable and walang kakayahan makapagsalita. Putikan ang dulo ng suot nito na puting dress at nakapaa. Hinawakan siya ng babae, puno ng pag-aalala at paulit-ulit na hinila ang sleeve niya— gumawa ng mga hand sign language na talagang hindi maintindihan ni Arlon. Nanatili si Arlon na nakatingin sa babae na akala niya na hindi na niya na ulit makikita at doon narealize ni Arlon na nakagawa siya ng malaking pagkakamali. In a world where family ties are tested by secrets, control and power.
Romance
2.6K viewsOngoing
Read
Add to library
ONE NIGHTSTAND: HOT BILLIONAIRE

ONE NIGHTSTAND: HOT BILLIONAIRE

Synopsis Si Luigi Mondragon, isang multi-billionaire at matagumpay na negosyante, ay kilala sa pagiging mapaglaro sa pag-ibig at sa mga babae. Sa likod ng kanyang marangyang pamumuhay, maraming naiinggit at nagtatangkang pabagsakin siya dahil sa kanyang kasikatan at tagumpay sa iba't ibang bansa. Sa isang gabi ng kasiyahan na iniayos ng kaibigan niya sa isang sikat na bar, hindi inaasahan ni Luigi na magbabago ang takbo ng kanyang buhay. Doon niya nakilala si Leona Suarez, isang babaeng lasing at sugatan ang puso, nag-iisa habang naglalasing sa sakit ng pag-iwan sa kanya ng dating kasintahan—pinagpalit ito sa isang bakla. Kaya balis ito nasaktan dahil sa dina-daming pwede ipalit ay bakla pa. Habang umiiyak at sinisigaw ni Leona ang kanyang galit sa mga lalaki, hindi mapigilan ni Luigi ang mabighani sa kanyang tapang at pagiging totoo. Ngunit sa mundo ni Luigi na puno ng intriga, selos, at mga lihim, magagawa ba niyang makuha ang puso ng babaeng pilit iniiwasan ang pagmamahal? O magiging isa lamang si Leona sa mga nadamay sa mapanganib na laro ni Luigi? Isang kwentong puno ng pighati, galit, at pagmamahalan.
Romance
101.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Midnight Temptations

Midnight Temptations

MsDayDreamer99
Mula nang dumating nang walang anumang alaala mula sa party ng kanyang matalik na kaibigan, si Elise ay nagkakaroon ng kakaibang panaginip. Habang lumilipas ang mga araw ay mas nagiging kakaiba ang kanyang mga panaghinip. Natatagpuan niya na lang ang sarili sa isang madilim na kwarto kasama ang isang napakagwapong estranghero. At bawat araw ay hindi niya mapigilan ang sariling mahulog dito. Subalit alam niya na ang kung ano mang namamagitan sa kanila ng estrangherong iyon ay hindi bahagi ng kanyang reyalidad. Hanggang sa nagpakita sa kaniya ang isang lalaking kamukhang-kamukha nito at bumago sa takbo ng kanyang buhay. Ngunit, ano ang misteryong bumabalot sa pagkatao nito? Ano ang mga lihim na pilit nitong itinatago sa kanya?
Paranormal
1.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Signed with Lust

Signed with Lust

"Hindi tinta ang ginamit nya sa kontrata, kundi isang sandata na kasinungalingan ang dala" DISCLAIMER: Ang kuwentong ito ay kathang-isip lamang. Anumang pagkakahawig sa mga tunay na tao, lugar, o pangyayari ay nagkataon lamang. Naglalaman ito ng mga tema ng pagtataksil, sakit, emosyonal na tunggalian, at sekswal na nilalaman na maaaring hindi angkop para sa lahat ng mambabasa. Ito ay nakalaan lamang para sa mga mambabasang nasa wastong gulang. Magbasa nang may bukas na isip at sariling pag-unawa. Copyright Notice: Lahat ng nilalaman sa akdang ito, kabilang ang mga tauhan, plot, at kabuuang istorya, ay orihinal na likha ng may-akda. Ipinagbabawal ang anumang uri ng pangongopya, pag-aangkin, pagbabago, o distribusyon ng akdang ito nang walang pahintulot ng may-akda. Ang paglabag ay maituturing na pagnanakaw ng intelektwal na ari-arian at maaaring humantong sa legal na aksyon. Plagiarism Warning: Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit o pagkopya ng akdang ito sa anumang anyo—printed man o digital—nang walang paunang pahintulot. Respeto sa orihinal na may-akda ang pinakamahalagang bahagi ng bawat likha.
Romance
247 viewsOngoing
Read
Add to library
UNREQUITED LOVE WITH THE COLD CEO

UNREQUITED LOVE WITH THE COLD CEO

Si Xavier Echiverri ay isang napaka-cold, matangkad, napakagwapong bachelor at perfectionist na CEO ng Heaven Shipping Inc.. Siya ang perpektong halimbawa ng isang CEO na parang refrigerator— ‘di basta-basta lumalambot, kahit sa harap ng mga magagandang empleyada. Para sa kanya, ang pag-ibig? Wala sa business plan! Ngunit ang tahimik niyang opisina ay biglang nagka-brownout sa presensya ng bagong empleyada, si Antonette Pinagpala. Si Antonette ay maganda, sexy, at mabait, ngunit isang certified walking disaster! Palaging may natatapong kape (karaniwan ay kay Xavier pa!), nalalaglag na folders, at minsan, siya mismo ang natutumba! Pero kahit laging epic fail, hindi siya nawawalan ng ngiti o ng lakas ng loob na bumati ng, “Good morning, Sir!” kahit na obvious na bad trip si Xavier sa mga bloopers niya. Ang akala ni Xavier, matutuyot siya sa stress ng mga epic fails ni Antonette. Pero sa bawat engot niyang hakbang, natatawa siya—sa umpisa, pilit na tawa lang; kalaunan, hindi niya na mapigilan ang tawang natural na natural. At unti-unti, nadidiskubre niyang ang “perfectionist” niyang puso ay kayang pakiligin ng isang disaster queen na gaya ni Antonette. Ngunit sa gitna ng kanilang nakakakilig na harutan, biglang lumitaw ang matagal nang nakalimutang bahagi ng buhay ni Xavier—si Isabella Maharlika, ang ex-fiancee niyang iniwan siya sa mismong araw ng kasal! At ngayon, bumalik siya upang kunin ang atensyon at pagmamahal ni Xavier, na tila nais niyang mabawi mula kay Antonette. Kaya ba niyang isantabi ang kanyang prinsipyo na "business-only" para sa masaya at nakakakilig na buhay kasama si Antonette?Pero kung magkakaalaman na ang lahat, sino nga ba ang pipiliin ni Xavier—Si Isabella o Siya?-ang perpektong pagmamahalan na minsan nang nagtapos, o ang bagong love story na puno ng epic fails pero walang kapantay na saya?
Romance
103.1K viewsCompleted
Read
Add to library
THE WEIGHT OF THE VEIL

THE WEIGHT OF THE VEIL

Sa mundo ng mga makapangyarihan, ang pag-ibig ay hindi isang pagpipilian—ito'y isang kasunduan. Para kay Klarise Olive, isang mailap at napakagandang ballerina sa Paris, at kay Louie Ray, isang mapagmataas at aroganteng billionaire cosmetic surgeon, ang kasal ay isang tanikalang pilit isinuklob sa kanila. Isang kulungang hindi nila ginusto. Isang sumpaang hindi nila pinili. Isang umaga, dinala sila ng kanilang mga magulang sa isang seremonyang inakala nilang isang simpleng pagtitipon—hindi nila alam, sila pala ang mga bida sa isang kasalang hindi nila alam na kanila. Sa puting bestida at tuxedo, natagpuan nila ang kanilang mga sarili sa harap ng altar, walang ibang pagpipilian kundi ang lumakad at bumigkas ng panatang hindi nagmula sa kanilang puso. At sa simula pa lamang, ang kanilang pagsasama ay puno ng tensyon at pangamba. Si Klarise, na buong buhay niyang inalay sa sining at kalayaan, ay ngayon nakagapos sa isang relasyong hindi niya ginusto. Si Louie, isang lalaking hindi kailanman naniwala sa kasal, ay napilitang pakasalan ang babaeng hindi niya hinangad. Ang digmaan ng mga titig, sagutan, at matitinding emosyon ay namayani sa kanilang pagsasama. Ngunit sa bawat pagtatalo, sa bawat sulyap na puno ng galit at pangungutya, isang pagnanais ng pag-unawa at pagmamahal ang unti-unting sumisilip sa kanilang mga puso. Galit nga ba talaga ang namamagitan sa kanila? O mayroon bang alon ng pagmamahal na higit pa sa lahat ng kasunduan ? O may isang damdaming mas malalim, mas totoo, at mas mahirap ipagkaila? Sa gitna ng kanilang magkaibang mundo at personalidad, magsisimula silang hanapin ang kabuluhan ng kanilang piniling kasunduan.
Romance
102.4K viewsCompleted
Read
Add to library
MY BELOVED MAFIA BOSS

MY BELOVED MAFIA BOSS

Magkaiba dulo ang mundong kanilang kinagagalawan ngunit nakatakda silang magtagpo sa pinakamasalimuot ng bahagi ng kanilang buhay upang hilumin ang isang malalim na sigalot sa pagitan ng kanilang pamilya. Sa kabila ng kasikatan ni Nadja Santiago bilang sa Djana ay matindi ang kanyang pinagdaraanang problema sa buhay. Nakilala siya sa ibabaw ng entablado dahil sa kanyang nakakaantig na mga awitin. Ngunit ang ningning niya sa itaas ay saglit lang dahil sa inggit at kasakiman. Isang misteryosong lalaki ang nagsamantala sa kanya kaya siya tinalikuran ng kanyang pamilya at kaibigan. Napilitan siyang iwan ang music industry at nagpakalayu-layo. Sa ibang bansa na niya ipinanganak ang kambal na sanggol. Pinilit ni Victor na tumayo sa sariling paa. Ngunit isang lihim ang sinisikap niyang pagtakpan dahil sa sikreto ng pamilyang kanyang pinagmulan. Papatunayan niya sa ama na karapat-dapat siya sa pagiging MAFIA BOSS balang araw ngunit hahadlangan siya ng mas ganid sa salapi at kapangyarihan. Ipinalasap sa kanya ang kalupitan ng mundo hanggang makilala niya ang taong tunay na magmamahal sa kanya. Ngunit paano kung ito rin ang magbubunyag sa isang pagkakamali na bahagi ng kanyang nakaraan? Manaig kaya ang pagpapatawad at pagmamahal sa pagitan nina Nadja at Victor? Paano hahadlangan ng kanilang pamilya at mga taong nakapaligid na tunay ang wagas nilang pag-ibig sa isa't isa?
Romance
1018.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Melancholic Wife

Melancholic Wife

Puno ng pagdadalamhati si Jenissa Reillen Sarosa-Bennett matapos siyang tangkaing patayin ng mismong asawa niya at ng kaniyang matalik na kaibigan. Nawala sa kaniya ang kaniyang supling kaya ay puno ng galit ang puso niya at ang hangad nito ay ang makapaghiganti sa mga tumaksil sa kaniya. Sa kaniyang muling pag-bangon ay layunin niyang iparanas sa asawa niya at sa kalaguyo nito ang impiyernong minsan niyang naranasan sa mga kamay nila. Wala siyang ibang hangad kun'di makamtan ang hustisya na nararapat lamang para sa kaniya at sa anak niyang nawala. Matutupad kaya ang nais niyang makapag-higanti? Paano kung ang paghihiganting ito ang maging tulay upang matuklasan niya ang katotohanang gugulantang sa kaniyang natutulog na isipan?
Romance
1014.5K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
1314151617
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status