Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Melancholic Wife

Melancholic Wife

Puno ng pagdadalamhati si Jenissa Reillen Sarosa-Bennett matapos siyang tangkaing patayin ng mismong asawa niya at ng kaniyang matalik na kaibigan. Nawala sa kaniya ang kaniyang supling kaya ay puno ng galit ang puso niya at ang hangad nito ay ang makapaghiganti sa mga tumaksil sa kaniya. Sa kaniyang muling pag-bangon ay layunin niyang iparanas sa asawa niya at sa kalaguyo nito ang impiyernong minsan niyang naranasan sa mga kamay nila. Wala siyang ibang hangad kun'di makamtan ang hustisya na nararapat lamang para sa kaniya at sa anak niyang nawala. Matutupad kaya ang nais niyang makapag-higanti? Paano kung ang paghihiganting ito ang maging tulay upang matuklasan niya ang katotohanang gugulantang sa kaniyang natutulog na isipan?
Romance
1014.5K viewsCompleted
Read
Add to library
UNCHAINED MY HEART

UNCHAINED MY HEART

Si Michael Luna ay isang bilyonaryong abogado, malakas ang dating at malamig ang titig—parang pader na imposibleng maabot ng sinuman. Sa kanyang mga kamay, ang batas ay isang larong kanya nang napagtagumpayan.Siya ang bilyonaryong tagapagmana ng Luna Hotelier, isang marangyang hotel chain na itinayo ng kanyang pamilya, at may-ari ng Luna Law Firm, ang pinakaprestihiyosong law office sa bansa. Ngunit sa kabila ng yaman at kapangyarihan, si Michael ay tila baga natutulog na bulkan, puno ng galit at pagkamuhi sa pagmamahal, isang damdaming sinira ng isang taong kanyang minahal at pinagkatiwalaan nang lubusan. Si Michael ay may nakaraan na puno ng sakit—si Isabella Lopez, ang kanyang dating fiancée, ay nagtaksil sa kanya kasama ang kanyang pinakamatalik na kaibigang si Brent. Ang pagtataksil ay natuklasan ni Michael dalawang araw bago ang kanilang kasal, nang makita niya ang kanyang fiancée sa kompromisong sitwasyon sa loob ng condo nito. Labis na nasaktan, si Michael ay kumuha ng video bilang ebidensya ng kanilang pagtataksil at plano niyang isiwalat ito sa mismong araw ng kasal. Mula noon, isinumpa niya ang pag-ibig at naging mailap sa mga babae. Ngunit ang pusong matagal nang sarado sa pagmamahal ay biglang nayanig nang makilala niya si Jasmine Estrada, isang matapang at makatarungang prosecutor sa Pasig Police Department. Sa kabila ng kasikatan bilang “diyosa” ng departamento, si Jasmine ay may paninindigan at puso para sa mga naaapi—isang bagay na labis na humanga kay Michael. Sa bawat pagharap nila sa korte, sa bawat tunggalian ng prinsipyo at batas, unti-unting nabuksan ang pinto ng kanyang pusong matagal nang nakakandado. Magiging handa kaya si Michael na buksan ang kanyang puso para kay Jasmine, o patuloy siyang magiging bilanggo ng nakaraan? At si Jasmine, kaya ba niyang lumaban hanggang dulo sa pagmamahal niya sa lalaking puno ng sakit at galit?
Romance
104.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Greenville: The Homecoming

Greenville: The Homecoming

It was supposed to be a joyful celebration for the homecoming of Mayor Javier's family. But, everything turned into a nightmare. Ang inaasahang gabi na puno ng kasiyahan ay napalitan ng takot at misteryo. Ang bayan na minsa'y nabalot ng kapayapaan, sa isang iglap, nabalot ng mga kagimbal-gimbal na pangyayari. Little did they know, that homecoming is not just for the Javier Family...but also for him. He's gone for a long time... He's a psycho... and now, he's back.
Mystery/Thriller
2.6K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire's Ugly Wife

The Billionaire's Ugly Wife

Dahil sa isang aksidente nasira ang mukha ni Sonia Salazar. Isang batikan na actress at kilala sa taglay nitong ganda at talento. Sa pagbabago ng kaniyang mukha ay kasabay 'non ang pagbabago ng mga tao sa paligid niya. Iniwan siya ng kaniyang asawa, kinatakutan ng anak at tuluyang nasira ang kaniyang career. Pinalayas din ito sa mansion ng mga Valencia at tinalikuran ng mga inaakala niya na kaibigan. Sa pag-aakala na iyon na ang katapusan at sa pagkakataon na malapit na siya sumuko. Dumating ang dalawang tao na tuluyan na magpapabago sa buhay niya. "Mommy!" "Sonia." Lumapit ang dalawang tao na 'yon habang ang mga camera ay kumikislap galing sa iba't ibang bahagi ng lobby. "Pasensya na ngunit nagmamadali kami ng asawa at anak ko. Malapit na mag-start ang movie," ani ni Fabian habang hawak sa bewang si Sonia na nakatingala at nakatingin kay Fabian na buhat ang anak na si France. Noong nagtama ang mata nilang dalawa kasunod 'non ang pagyakap ni France sa leeg no Sonia at tumawag ng mommy. "Ibig sabihin si Sonia Salazar ang nababalitaan na second wife ni Fabian Martinez? Oh my gosh! big news ito!"
Romance
1020.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Honey, I don't want the Crown

Honey, I don't want the Crown

Sa mata ng lahat, si Cassandra ay ang “Queen” ng mundo ng negosyo ang asawa ni Nathaniel, isang makapangyarihang negosyante na tinaguriang “King of Business Empire.” Marangya ang kanilang buhay, puno ng pera, impluwensya, at kasikatan. Ngunit sa likod ng kinang, itinatago ni Cassandra ang bigat ng pagiging isang “trophy wife” na nakatali sa imahe at kapangyarihan ng asawa. Habang mas lumalawak ang kaharian ni Nathaniel sa mundo ng negosyo, mas nararamdaman ni Cassandra ang pagkawala ng sarili. Ang mga simpleng pangarap niya maging isang fashion designer, mamuhay nang tahimik at payapa ay natatabunan ng mga korona at trono na ipinipilit isuot sa kaniya ng asawa. Sa pagbabalik ng isang matalik na kaibigan mula sa nakaraan, muling nabuhay ang mga tanong sa puso ni Cassandra: Ano ba talaga ang tunay na halaga ng kaligayahan? Pera, kapangyarihan, at titulo? O ang kalayaan na sundin ang sariling pangarap kahit kapalit nito ay mawala ang lahat ng yaman at impluwensya?
Romance
10491 viewsOngoing
Read
Add to library
The Sin of Loving You

The Sin of Loving You

She thought the only thing between them was work and everyday banters. Akala niya, kaya niyang balewalain ang mga tingin ng lalaking madalas laman ng mga panaginip niya kapag akala nito ay hindi niya napapansin. But when Ainara Del Carmen discovers her mother is marrying Andres Bernardino’s father—Everything unravels. Andres is her boss. Her soon to be stepbrother. Ang lalaking bawal niyang mahalin. Ainara lives by legacy and loyalty. Andres breaks rules just by breathing. Sa mundo ng pamilyang puno ng drama, kasinungalingan, at mga pangakong hindi kayang pangatawanan- How do you choose love when the whole world says it’s wrong? If loving him is a sin… Then let her be guilty, again and again.
Romance
102.1K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire and his Maid

The Billionaire and his Maid

ladyaugust
Si Alexis ay isang dalagang puno ng pangarap sa buhay. Pero paano niya matutupad ang pangarap kung puro naman kamalasan ang nangyayari sa kanya? Nawalan na ng magulang, at ngayon namang binubuhay ng mag-isa ang sarili ay natanggal pa siya sa trabaho? Hanggang panaginip nalang ba ang kanyang mga pangarap? Paano kung isang araw ay makatagpo at makilala niya si Colt isa sa mga top billionaires sa bansa.Subalit sa kabila ng pagiging bilyonaryo nito ay marami ang naghahangad sa kanyang kayamanan at kapangyarihan na naging mitsa ng buhay nito. Ang binata na kaya ang makakapagpabago ng kanyang kapalaran o isa rin ito sa magdadala ng kamalasan sa kanyang buhay?
Romance
103.1K viewsOngoing
Read
Add to library
That Frigid Mafia!

That Frigid Mafia!

[AL MONLEON SERIES #1—EVAN CHRAYSTLER AL MONLEON] Nang ipapatay ni Lord Amanncio Al Monleon, ang kilalang mafia king, ang mga magulang ni Andrea Maureen “Ada” Salvegas, inakala niyang tapos na ang lahat—hanggang sa ginawa siyang pambayad sa utang ng mga ito at pinasok bilang lingkod sa mansyon ng mga Al Monleon. Sa ilalim ng marangyang bubong ng kasamaan at lihim, nakilala ni Ada ang limang anak ni Lord Amann. Ngunit tanging ang pang-apat na si Evan Chraystler Al Monleon, o Young Master Evan ang nagpatibok ng kaniyang puso. Itinaga ni Ada sa sarili, na kailanman ay hindi siya magpapasalamat sa taong pumatay sa kaniyang mga magulang nang hayaan siya nitong mabuhay. Dahil para sa kaniya ay mas nakakabuting namatay nalang din siya. Ngunit paano kung ang mismong anak ng halimaw na iyon ang maging dahilan ng muling pagtibok ng kaniyang puso? At paano kung matuklasan niyang si Evan ay bahagi pala ng isang nakaraan na matagal nang binura ng kaniyang alaala? Handa ba siyang ipaglaban ang pag-ibig sa isang Frigid Mafia Prince, o pipiliin niyang kalimutan ito kapalit ng hustisya at galit na matagal na niyang pinanghahawakan?
Romance
101.7K viewsOngoing
Read
Add to library
UNEXPECTED MARRIAGE TO A RUTHLESS BILLIONAIRE

UNEXPECTED MARRIAGE TO A RUTHLESS BILLIONAIRE

Isang buhay ang biglang papasukin, buhay na hindi pinangarap, kasal na aksidente at sapilitang pinasok na puno ng alinlangan. Si Fei Zandaya dalagang puno ng mga pangarap, at lumaki mula sa may kayang pamilya ngunit isang pangyayari ang sisira. Hindi inaasahan siyang maipagkakasundo sa lalaking hindi niya pa nakikilala dahil sa halip na ang nakakatanda niyang kapatid na babae ang maikasal sa estrangherong si Mr. Demirci, siya ang napilitan iharap bandana. Ano kaya ang buhay na sa kanya ay naghihintay sa piling ng hindi pa kilalang lalaki? May pag-ibig kayang umusbong o poot ang tanging mamumuo?
Romance
1042.1K viewsCompleted
Read
Add to library
AGATHA "The Dangerous Slave"

AGATHA "The Dangerous Slave"

Walker, G.R.O, Prostitute. Iilan lang na tawag sa uri ng trabaho ni Agatha. Ganda ng mukha at katawan ang tanging puhunan ng isang kwela at pilyang dalaga na mula nang magkaisip ay nasa mundo na ng bahay-aliwan ng mga lalakeng sabik sa tawag ng laman at handang magbayad para sa panandaliang-aliw. Maaari kayang baguhin ng tadhana ang maruming kapalaran niya kapag nakilala niya ang gwapong CEO na si Mr. Khevin Tolentino? Isang istriktong Boss na umpisa pa lang ay nandidiri na sa pagkatao niya? Paano mabubuo ang pagmamahalan ng dalawang nasa magkabilang uri ng mundo? May pag-asa ba ang gaya ni Agatha na makapasok sa mundo ni Khevin? Kung sa simula pa lang ay ayaw na siya nito bigyan ng pagkakataong maging bahagi ng buhay ng gwapong CEO?
Romance
1014.1K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
1415161718
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status