Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Room Mate wife

The Room Mate wife

Sa masiglang lungsod ng Makati, kung saan tila hindi kailanman humihinto ang buhay, tatlong buhay ang nalalagay sa isang sapantaha ng pag-ibig, lihim, at pagtataksil. Si Talia, isang batang babae na may misteryosong aura, ay kasama ang kanyang kasintahan, si Robert. Ang kanilang pag-ibig ay tila tunay, isang ugnayang nabuo sa loob ng maraming taon ng pagsasama. Ngunit sila parehong may itinatagong lihim sina Talia at Robert na nagbabanta na sirain ang lahat ng kanilang itinaguyod. Ang bagay na iyon ay si Nelson, ang kanilang charismatic at kaakit-akit na kasama sa bahay sa prestihiyosong Ayala Condominium. Si Nelson ay hindi lamang isang kaibigan o tagapagtapat—siya ang lalaking nakakuha ng puso nina Talia at Robert sa mga paraang hindi nila maipaliwanag. Bawat nakaw na sulyap, bulung-bulong na usapan, at ipinagbabawal na haplos ay nagpapalalim ng tensyon sa kanilang pinagsasaluhang tahanan, na lumilikha ng isang emosyonal na bagyo na wala sa kanila ang handang harapin. Habang nagtatagpo ang kanilang mga buhay sa hindi inaasahang mga paraan, kailangan nilang maglakbay sa malabong tubig ng pag-ibig, pagnanasa, at katapatan. Ang misteryosong kalikasan ni Talia ay nagtatago ng kanyang sariling mga lihim, at ang tila kalmadong asal ni Robert ay nagsisimulang mabasag sa bigat ng kanyang guilt. Samantala, si Nelson, na nahuli sa gitna, ay nahihirapan sa kanyang sariling emosyon at sa kaguluhang hindi niya sinasadyang nalikha. Sa likod ng masiglang kalakaran ng mga kalye ng Makati at marangyang pamumuhay sa mga mataas na gusali, ito ay sumasalamin sa mga kumplikadong aspeto ng pag-ibig at ang kahinaan ng tiwala. Ito ay isang kwento tungkol sa mga pagpipiliang ginagawa natin, mga lihim na itinatago natin, at mga hindi sinasambit na pagnanasa na maaaring magbuklod—o sumira—sa ating mga relasyon. Kapag nagbanggaan ang mga puso at lumabas ang mga pagtataksil, makakaligtas ba ang pag-ibig sa mga epekto nito?
Romance
10426 viewsOngoing
Read
Add to library
My Ex and Whys

My Ex and Whys

Sa lahat ng school, may maituturing na Campus curshes, Queen Bee, Ice Princess and Mr & Ms. Popular. Sikat na sikat ang pangalan na Cassandra Monteralba sa isang University sa Maynila hindi lamang dahil sa ganda o talino niyang taglay kundi dahil sa pagiging malamig, supalda, mataray at walang kinikilingan na kahit sino, kaya binansagan itong Ice Princess Pero kahit gaano kataas at lamig ng pader na matagal ng naitayo ni Cassandra ay walang hirap itong binasag at nilusaw ng isang masiyahin, malambing at hindi susuko na si Aubree Gonzales. Magagawa nga bang mapaibig at mapainit ni Aubree ang nagyeyelong puso ni Cassandra? Don't steal my story, this is my original.
LGBTQ+
1012.6K viewsOngoing
Read
Add to library
The Star

The Star

Sa likod ng ilaw, palakpakan, at mga kantang minahal ng marami, may mga buhay na tahimik na nasisira at muling binubuo. Si Alexa Emmanuella Padilla Villa—mas kilala bilang Axelle—isang babaeng piniling magningning nang mag-isa, hiwalay sa anino ng sikat na apelyidong kanyang pinagmulan. Sa murang edad, napatunayan niya ang sarili bilang isang singer at negosyante, dala ang paniniwalang ang tagumpay ay mas matamis kapag pinaghirapan. Ngunit noong 2026, nagsimulang magbago ang lahat nang mawala sa kanilang pamilya ang kanyang kapatid isang pag-alis na puno ng lihim, sakit, at katahimikan. Ang pagkawala nito hindi lamang nag-iwan ng lungkot, kundi nagbukas ng mga sugat sa kanilang pamilya na pilit tinatakpan ng paghihinagpis. Habang patuloy ang paghahanap, natutunan ni Axelle na ang katanyagan ay hindi sapat na panangga laban sa pagkawala. Sa gitna ng paglalakbay patungong South Korea at France, isang aksidenteng banggaan ang naglapit kay Axelle at kay Ryo Red “RR” Eun, isang dating K-pop idol na may imaheng matigas ngunit may pusong puno ng sugat at responsibilidad. Ang kanilang mundo ay parehong puno ng ingay, ngunit ang koneksyon nila ay nagsimula sa katahimikan at pag-unawa. Habang unti-unting lumalabas ang mga lihim ng nakaraan sakit, mga anak na iniwan, pag-ibig na hindi natuloy napilitan si Axelle na harapin ang katotohanang ang pagmamahal hindi perpekto. Sa gitna ng trahedya, pagkawala ng magulang, kapatid, at mga kaibigang minahal, natutunan niyang ang tunay na bituin hindi lamang ang kumikislap sa entablado, kundi ang nananatiling nagniningning kahit unti-unting nauubos ang liwanag.
Romance
973 viewsOngoing
Read
Add to library
My Bestfriend, My Lover

My Bestfriend, My Lover

paano kapag matatali ka sa isang kaibigan mong matagal mo nang minahal pero hindi ka naman mahal? hanggang saan ang kaya mong isakripisyo para sa inyong pagsasama kung alam mo namang may ibang pangalan ang isinisigaw ang puso niya? kaya mo bang magpakatanga para lang makasama siya kahit na alam mong hindi ka niya kayang mahalin kagaya ng pagmamahal mo sa kanya?
Romance
108.1K viewsOngoing
Read
Add to library
The Contract

The Contract

Catchline: "Maid niya lang ako! Ina lang ng magiging anak niya! Wala akong karapatang mag-inarte dahil kasalanan ko kung bakit ako nasa ganitong kalagayan. Kailangan kong itatak sa aking isipan na ang nasa sinapupunan ko ay kahalili ng anak niyang namatay— namatay nang dahil sa akin. Oo nga at masakit, pero wala pa ito sa kalingkingan ng nararamdaman niyang sakit no'ng pinatay ko ang anak niya." SYNOPSIS Dahil sa kahirapan napilitang pumunta ng Maynila si Olivia upang mamasukang katulong. Sa edad na beinte-sinco, second year college lamang ang kaniyang natapos sa kadahilanang hindi na kaya ng kaniyang mga magulang na sabay silang pag-aralin ng kaniyang kapatid. Nang tumuntong siya ng Maynila, akala niya doon na niya matatagpuan ang kaniyang pinapangarap na Prince Charming— sa katauhan ng kanyang gwapo ngunit masungit na among si Vanadium Abejero, na pangalan pa lamang ay malalaman mo na kaagad na galing ito sa mayamang pamilya. Ngunit nasira ito nang malaman niyang may asawa na ito't anak. Napakabuti ng kaniyang Senyora Isabel kaya hininto niya na ang anumang nararamdaman para sa kaniyang napakasungit na amo. Pero makalipas lamang ang ilang buwang panganganak nito sa kanilang anghel, namatay sa isang car accident si Isabel Abejero. Kaya muling nabuhay ang kaniyang pilit na tinatagong nararamdaman para kay Vanadium. At makalipas lamang din ng tatlong taon matapos mamatay ang kaniyang Senyora Isabel ay naganap ang isang aksidenting siya ang may kasalanan, na naging dahilan upang mabuo ang isang kasunduan sa pagitan nila ni Vanadium. Kasunduang maghahatid sa kaniya ng isang mapait ngunit masayang karanasan.
Romance
1014.7K viewsOngoing
Read
Add to library
RUTHLESS OFFICER

RUTHLESS OFFICER

Assassin's Series ️ SPG️ Read At Your Own Risk Nag-iisang anak na babae si Savannah. May dalawang kapatid na lalaki kapwa mga Assassin's. Isa siyang miyembro ng Assassin's World Organization.Pumapatay ng mga bigating tao, lalong-lalo na sa mga mayayamang negosyante. Ang Daddy niya ay isang pinakamayamang negosyante. Lahat ng mga negosyo ng Daddy niya ay mga illegal. Siya ang naglilinis sa mga taong gustong pabagsakin ang Daddy niya, lalong-lalo na si General Fuentebella. Hindi sinasadyang nagtagpo ang landas nila ni Kurt Fuentebella ang anak ni General Fuentebella. Nakaplano na ang lahat, kailangan niya kunin ang loob ni Kurt upang makalapit siya sa ama ng binata.
Romance
9.8218.1K viewsCompleted
Read
Add to library
SIRENS OF ATARGATIS  ⚫FILIPINO⚫ || WIP ||

SIRENS OF ATARGATIS ⚫FILIPINO⚫ || WIP ||

AiriiTheCoffeeCat
Si Melodia ay isang nilalang sa ilalim nang madilim at malawak na dagat. A heart full of hatred, ang puso ng mga taong may kinikimkim na kasakiman, selos at pagkamuhi ang nagbibigay buhay sa kanila. Silang mga sirena'y may kagandahang tinataglay at boses na pang-akit sa biktima. Ngunit isang insidente ang magbabago ng lahat nang buhayin muli ni Melodia ang taong nag-aagaw buhay. Ang simpleng sitwasyon ay naging sumpa ang dulot. Ang kanyang buntot ay maging paa at ang paa ng tao 'yon ay naging buntot. Kaya napagpasyahan niya na manatili muna sa lupa kahit walang ideya kung paano mamuhay bilang tao. Isinama naman sa ilalim ng dagat ang taong ngayo'y nagibg sirena. Nakita siya ng isang lalaki na noo'y namamangka na kaagad siyang tinulungan. Sa paglipas ng mga araw ay muling nagbalik ang taong tinulungan i Melodia. Ngayon ay hatid niya ang pakiusap na tanggalin na ang sumpa, na ibalik na sa kanya ang mga paa ngunit hindi alam ni Melodia kung paano.
104.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Lusift Series 1: Empire of Obsession (RATED)

Lusift Series 1: Empire of Obsession (RATED)

Secrets, seduction, and the darkness within. Sa likod ng bawat halik at yakap, may mga kwentong hindi sinasabi—mga lihim na naglalantad ng tunay na kahulugan ng pagnanasa at kapangyarihan. Ang Lustful Series ay koleksyon ng iba’t ibang kwento ng pag-ibig, kasakiman, at panganib—mga kwentong magpaparamdam ng init, gigil, at kilabot sa bawat pahina. Mula sa mga relasyong bawal, hanggang sa mga damdaming hindi maamin, at sa mga lihim na kayang sumira o magligtas ng buhay—ihanda ang sarili sa seryeng puno ng tensyon, tukso, at misteryo. Sa mundo ng Lustful Series, walang kasiguraduhan kung saan hahantong ang bawat uhaw na puso.
Romance
1015.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Lahid

Lahid

Rick Resonable
Ang nobelang ito ay pagbalik-tanaw sa taong 1884 kung saan ang Pilipinas ay nasa pamumuno pa ng kahariang Espanya. Ang kuwentong ito ay tungkol sa isang Italyano-Pilipinong mestisa na gustong ibaon sa limot ang pagiging isang bampira at ninais mamuhay ulit ng karaniwan bilang isang tao. Mula sa mga magagandang kuwento ng kanyang yumaong ina, naisipan ni Carmela Salvanza na manirhan at simulan uli ang ibig na pangkaraniwang pamumuhay sa isang bansang tinawag na Felipinas (dating pangalan ng Pilipinas noon), sa bayang ipinangalang Santa Lucia kung saan ang siyang lupang tinubuan ng kanyang ina. Lingid sa kaalaman na siya ay isang bampira, tinanggap siya ng kanyang nag iisang tiyuhin na si Don Graciano Agoncillo kung saan naman nakilala niya at naranasan ang mainit na pagtanggap nang masaya at karaniwang pamilya nito. Nakilala din ni Carmela ang isang Kastila-Pilipinong mestiso na si Eduardo Ramirez na siyang naging kanyang irog at pinakatatanging minamahal. Ngunit sa buong akala ni Carmela ay nalalasap na niya ang inaasam-asam na pamumuhay bilang tao ulit dahil sa nararanasang init ng pagtanggap ng isang pamilya at sa masaya't puno ng pagmamahal na pag-ibig , siya ay madadala sa isang malagim at nakatagong lihim ng Santa Lucia, ang mga sekreto ng mga sumpa at dugo na itinago ng maraming nagdaang taon.
Fantasy
108.1K viewsOngoing
Read
Add to library
The Ugly Duckling Squad: Rias

The Ugly Duckling Squad: Rias

MC Chan
Nakilala ni Rias si Dana noong binu-bully siya ng grupo ni Moira. Si Dana na malapit ang puso sa mga inaapi at galit sa mga taong judgmental na kagaya ni Moira. Si Moira na matagal ng may crush kay Aaron Samuels - ang kasalukuyang captain ng basketball team ng university nila. Handa siyang gawin ang lahat mapasakanya lamang si Aaron. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat ay matagal nang may gusto ang binata kay Rias. Tanggap niya ang kung anumang kapintasan ng dalaga. Subalit matatanggap din kaya niya oras na makalimutan siya ni Rias? Si Rias na may CTRL+ALT+DEL sa utak? Kakayanin ba ni Aaron na patuloy na mahalin si Rias kahit na hindi na siya naaalala ng dalaga? Sino ang sasalo sa kanya? At bakit nga ba napakadali kay Rias na burahin siya sa memorya nito?
3.1K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2728293031
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status