Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
 The Billionaire’s Chosen Nanny

The Billionaire’s Chosen Nanny

SYNOPSIS Nanny to the billionaire’s baby? Sino ba naman ang tatanggi sa trabahong 'yon? Certainly not Renata Cinco, isang certified nurse na sanay sa alaga at sakripisyo. Bukod sa malaki ang suweldo, gwapo pa ang kanyang bilyonaryong boss na si Hugo Santillan—a walking temptation in a suit. Pero sa unang araw pa lang niya sa trabaho, nawindang na siya sa eksena: isang parade ng mga babaeng desperadong maging "mommy" ng billionaire’s baby! At dahil certified competitive si Renata, desidido siyang hadlangan ang mga ambitious wannabes. Bakit? Simple lang. Dahil gusto na rin niyang maging mommy ng alaga niya—at asawa ng kanyang boss.
Romance
106.5K viewsCompleted
Read
Add to library
My Beloved Corazon

My Beloved Corazon

Imyham
Dahil sa hindi inaasahang aksidente nawalan ng paningin ang binatang si Benny, ang mundo niya ay binalot ng kadiliman kasabay noon ay ang pagnanais n'yang muling babalik ang kaniyang minamahal. Sapagkat gusto niya na kahit hindi na bumalik ang kaniyang paningin ayos na sa kaniya basta makasama niya lang si Corazon. Bulag ang kanyang mga mata ngunit hindi nawawalan ng pagasa ang kaniyang puso na hintayin ang dalaga sa muli nitong pagbabalik kahit batid niya na suntok sa buwan ang pangarapin na muli pa niyang makikita ang babaeng unang nagpatibok ng kaniyang puso.
Romance
104.0K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire And The Island Girl

The Billionaire And The Island Girl

Si Kaelen Vireaux ay isang makapangyarihang bilyonaryo na kinatatakutan at hinahangaan sa mundo ng negosyo. Ngunit sa likod ng kanyang tagumpay ay ang mga taong lihim na naghihintay ng kanyang pagbagsak. Isang gabi, matapos siyang ipagkanulo ng sarili niyang mga kasosyo at tangkaing patayin, nawalan siya ng malay sa gitna ng dagat. Nagising siya sa isang liblib na isla—walang alaala kung sino siya, kung saan siya nanggaling, o kung bakit siya naroon. Ang tanging taong tumulong sa kanya ay si Aelira Bloom, isang tahimik na island girl na namumuhay nang simple sa gitna ng isang maliit na hardin ng mga gulay at halaman. Kilala siya sa sitio bilang kakaiba, dahil tila may malalim siyang koneksyon sa kalikasan. Sa kanyang mga kamay, ang mga halaman ay mabilis tumubo, at ang mga baging ay tila gumagalaw na parang sumusunod sa kanyang kagustuhan. Habang tinutulungan ni Aelira si Kaelen na makabangon at matutong mamuhay muli, unti-unting nabubuo ang isang malalim na ugnayan sa pagitan nila. Sa gitna ng katahimikan ng isla at ng simpleng buhay na natagpuan niya roon, dahan-dahang nahuhulog ang puso ni Kaelen sa babaeng nagligtas sa kanya. Ngunit ang nakaraan ay hindi madaling takasan. Kapag bumalik ang kanyang mga alaala, babalik din ang mga taong nagtangkang pumatay sa kanya mga taong handang sirain ang lahat para sa kapangyarihan at kayamanan. At kapag nalaman nila kung nasaan siya, hindi lamang si Kaelen ang magiging target… kundi pati na rin ang babaeng nagbigay sa kanya ng bagong buhay. Sa isang mundong puno ng pagtataksil at kasakiman, kaya ba nilang ipaglaban ang pag-ibig na umusbong sa isang tahimik na isla? O tuluyan itong mawawala, tulad ng mga lihim na tinatago ng dagat?
Romance
56 viewsOngoing
Read
Add to library
POSSESSION OF LOVE

POSSESSION OF LOVE

  Simula pa lang ay nagkagusto na si Kariel sa lalaking inampon ng kanilang mga magulang, na si Darrius. Minsan na rin niyang inamin ang nararamdaman rito. Ngunit dahil sa respeto at malaking utang na loob sa kinilalang magulang ay hindi siya binigyang pinansin nito. Ngunit na-realize ni Darrius na kailangan niyang ipaglaban ang kanyang nararamdaman para kay Kariel kahit labag pa sa kagustuhan ng magulang. Lalong-lalo na nang malamang ikakasal na ito sa anak ng kaibigan at kasusyo ng kinilalang magulang. At naisipan niyang pigilan ang kasal ng dalawa nang napagalaman ang totoong motibo ng pamilyang gustong ipakasal sa dalaga ng kinilala n'yang ng magulang. Nagtagumpay siya sa kanyang plano at sa wakas ay ipinagtapat niya sa huli ang totoong nararamdaman. Naging lihim ang kanilang relasyon. at kalaunan ay napagalaman din ang kanilang lihim at pilit silang pinaghiwalay ng mga magulang. Masakit ngunit kailangan nilang tanggapin ang kanilang kapalaran. Pinaghiwalay man ng isang sirkumstansya pero hindi sila nawalan nang pag-asang balang araw ay muli silang pagtagpuin ng tadhana para punan ang mga pusong nangulila sa matagal na panahon.
Romance
9.927.3K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire Secret Surrogate Maid

The Billionaire Secret Surrogate Maid

‎Si Sasha ay isang simpleng katulong sa mansyon nina Lucas. Maayos ang lahat hanggang sa malaman ni Lucas ang isang katotohanan: habang siya ay hirap na hirap magkaroon ng anak na lalaki sa asawa niya, si Sasha ay may kambal na lalaki na at buntis pa ulit sa isa pa. ‎ ‎Desperado si Lucas at ang pamilya nito na magkaroon ng tagapagmana. Lingid sa kaalaman ng asawa nito ay isang madilim na deal ang inalok nila kay Sasha—maging surrogate mother sa tradisyonal na paraan kapalit ng malaking halaga. Noong una ay tumanggi si Sasha, pero nang ma-diagnose ng leukemia ang isa sa kanyang mga anak, wala na siyang ibang pagpipilian, lalo na at wala syang katuwang dahil iniwan na din sya ng ama ng mga anak nya.
Romance
220 viewsOngoing
Read
Add to library
PERFECT TIME

PERFECT TIME

“Ano ba ang pagmamahal? Saan ba nakakahanap nito?" Bigo sa pag-ibig si Katherine dahil sa mga pagkakamali na nagawa niya sa nakaraan. She was the ex-wife of Governor Adam Sebastian Dela Vega. Pero dahil sa mga maling desisyon niya ay naghiwalay sila at nakagawa siya ng isang malaking pagkakamali. Ang pagkakamali na habang buhay niyang pinagsisihan. Kaya nawalan na siya ng pag-asa na may magmamahal pa sa kanya. Hanggang sa dumating ang isang lalaki. Ang lalaki na hindi tumigil na i-persue siya. Ang lalaking magpapaniwala sa kanya na masarap pa lang magmahal. Ang pagmamahal na nasa tamang oras at panahon. Pipigilan ba niya ang kanyang sarili o hahayaan niya ang sarili na sumaya?
Romance
104.9K viewsOngoing
Read
Add to library
The Run Away Fiancee.

The Run Away Fiancee.

Isang mapagmahal at mabuting asawa si Dave Justin Alarcon at malapit na sana siyang maging ama nang sa hindi inaasahang pangyayare ay nabaril ang kanyang asawa sa isang bank robbery na ikinamatay nito. Nabiyudo ng maaga at nawalan ng direksyon ang buhay ni Dave. Isang dalagang guro si Leslie Hidalgo na nakatira sa maynila, Kinailangan niyang umuwe ng probinsya sa pakiusap ng mga magulang ng kanyang ina. Sa pagbalik niya ng probinsya ay nalaman niyang nagawa siyang ipagkasundo ng kanyang abuelo sa apo ng isang mayamang angkan sa kanilang lugar, na pinagkakautangan ng malaki ng kanyang lolo Arturo. Labag man sa kanyang kalooban ay pumayag na rin siya sa kasunduan dahil nakasalalay ang kanilang koprahan, ganoon na rin ang bahay at lupa ng lolo't lola niya. Ngunit nakita niya agad ang masamang ugali ng lalaking kanyang pakakasalan, kaya bago dumating ang araw ng engagement party ay tumakas na si Leslie at bumalik ng maynila. Pinagtagpo ng tadhana ang kanilang landas ng mabundol ng kotseng minamaneho ni Dave si Leslie ng dahil sa kalasingan. Naging kargo niya ang babae dahil nagpanggap itong nawalan ng ala-ala upang mapagtaguan ang lalaking pakakasalan. Naawa ang ina ni Dave sa babae kaya kinupkop ito at inalagaan. Sa paglipas ng mga araw ay nahulog ang loob ni Dave sa babae ngunit pilit namang pinaglabanan nito ang nararamdaman. Paano kung malaman niya na ang babaeng kinupkop nila ay ikakasal na pala sa iba? May patutunguhan pa kaya ang nararamdaman ni Dave para sa dalagang tumakas sa napagkasunduang kasal? Ano kaya ang magiging reaksyon ni Dave kung mabatid niya na nagpapanggap lang na may amnesia ang babaeng muling nakapagpaibig sa kanya?
Romance
1015.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Love Me Simply

Love Me Simply

Gulong-gulo ang isip niya. Hindi niya inaasahang sa isang iglap ay magbabago ang takbo ng buhay niya. “Huwag kang mag-alala baby Elisha, mula ngayon ako na ang mag-aalaga sa’yo,” pumatak ang luha niya ng hindi niya namamalayan. Labis ang pagdaramhating kanyang nararamdaman. Wala na ang nanay niya, maging ang bunsong kapatid na si Troy at ang girlfriend nitong si Elizabeth Del Castillo. Pupunta sana ang mga ito sa health center upang i-pacheck up ang tatlong buwang sanggol na noon ay mataas ang lagnat at kinukumbulsiyon. Sa di inaasahang pagkakataon ay nabalitaan na lamang niya ang masakit na pangayayri. Naaksidente ang sinasakyang dyip ng mga ito at tanging si Baby Elisha lamang ang nakaligtas. Handa siyang alagaan at ituring na tunay na anak ang pamangkin, hanggang dumating ang araw na gusto itong kunin ng mayamang pamilya ni Elizabeth. Nagdadalawang isip siyang palakihin ito sa mga Del Castillo. Natatakot siyang makuha nito ang masamang ugali ng tiyuhin nitong si George Del Castillo... ngunit higit sa lahat, natatakot siyang mawalan ng dahilan upang magkita pa sila ng binata.
Romance
2.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Maid of the Ruthless CEO

Maid of the Ruthless CEO

Dahil sa isang business scandal na sinimulan ng pamilya ni Thalia Salvador, naapektuhan nang malaki ang kumpanya ni Rio Velasco. Nawalan siya ng milyon-milyong pera at nasira ang reputasyon ng kanyang kumpanya. Kasabay nito, iniwan siya ng babaeng dapat sana niyang pakasalan. Sa halip na ma-merge ang kumpanya ni Rio sa pamamagitan ng kasal, pinili ng babae na magpakasal sa ibang lalaki—at doon nag-merge ang kanilang mga kumpanya. Dahil sa galit at paghihiganti, nagdesisyon si Rio na ipakulong ang pamilya ni Thalia upang pagbayarin sila sa ginawa nila. Wala silang ibang choice kundi magmakaawa sa kanya. Pumayag si Rio na tulungan sila, pero may isang kondisyon. Si Thalia ang magiging personal maid niya. Kailangan niyang sumunod sa lahat ng utos ni Rio—kahit pa sa mga personal na bagay. Para kay Thalia, ito lang ang paraan para mailigtas ang kanyang pamilya, kahit ang kapalit ay ang sarili niyang kalayaan.
Romance
106.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Unveiling Her Wrath: The Power of Her Revenge

Unveiling Her Wrath: The Power of Her Revenge

Pinuntahan ni Monique si Aidan sa condo niya pero sunod-sunod na tumulo ang mga luha niya nang makita niyang walang saplot ang dalawang taong mahalaga sa kaniya. Hindi siya makagalaw sa sobrang gulat. Nang makita siya ni Aidan ay blangko lang ang mukha ni Aidan. Pinulot ni Aidan ang damit niya at isinuot niya yun saka niya nilapitan si Monique. Ang buong akala ni Monique ay magpapaliwanag sa kaniya si Aidan kung bakit kasama ni Aidan ang bestfriend ni Monique pero para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang paalisin siya ni Aidan at hindi man lang nagpaliwanag kung ano bang nangyayari. Tiningnan ni Monique ang bestfriend niya pero umiwas ito ng tingin. Minahal ni Monique si Aidan kahit na sa kabila ng alitan ng kanilang mga pamilya. Ang buong akala niya, katulad niya ay ipaglalaban din siya ni Aidan pero nagkamali pala siya. Paano niya nagawang pagkatiwalaan ang dalawang taong mahalaga sa kaniya? Hindi niya akalaing mga taong malapit pala sa kaniya ang wawasak ng puso niya.
Romance
1027.1K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
1617181920
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status