Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Zombie Apocalypse-Tagalog

Zombie Apocalypse-Tagalog

The zombies.... Are coming! Sa gitna ng epidemyang kumakalat at pinoproblema ng mundo, Ang mga zombies. Sa gitna ng Apocalypse ay ang dalawang pusoay patuloy pa ring mag-iibigan. Pag-iibigang handang isakripsisyo ang sarili para lamang mailigtas ang taong minamahal.
Paranormal
9.536.6K viewsCompleted
Read
Add to library
ISANG GABI SA PILING MO

ISANG GABI SA PILING MO

WARNING/ R-18+ Bata pa lang si Belyn Kho, sabik na siya sa atensyon ng kanyang magulang. Palagi kasing pabor ang Mommy at Daddy niya sa ate niya. Ika nga lagi siyang second choice kapag wala ng pagpilian.Kaya naman pala ganun kay Belyn ang Mommy at Daddy niya, at ni minsan ‘di niya nararamdaman na minahal siya ng kinagisnang magulang dahil natuklasan ni Belyn, sa mismong debut party niya na ampon lang siya ng pamilya Kho.Okay naman sana kay Belyn dahil wala ng bago. Ano nga naman ang pagkakaiba sa nalaman niyang ampon siya at malamig na turing ng ama at ina. Ni malasakit simula't sapul wala siyang nakuha.Kaya lang, nilayuan siya ng mga kaibigan, lalo na ang kasintahan ng malaman na hindi siya anak ng pamilyang Kho.Pakiramdam ni Belyn siya na ang pinakamalas na nilalang sa balat ng lupa. Walang may gusto sa kaniya. Kaysa magmukmok siya sa bugok niyang nobyo na walang balls, nag-focus na lang si Belyn sa pag-aaral.Paglipas ng dalawang taon, bumagsak ang negosyo ng magulang niya at sa loob ng dalawang buwan ay nakatakda siyang ikasal upang makabangon daw muli ang negosyo na minana pa raw ng Daddy niya sa mga magulang nito.Tumutol si Belyn. This time umalma siya. Gusto ni Belyn sa lalaking mamahalin lang siya magpapakasal, hindi dahil pambayad utang lang.Sa gabi ng kaniyang paglalayas, humingi siya ng tulong sa kaibigan niya. Kaya lang, iba ang dumating — ang bestfriend nito na nagngangalang Aaron Chong, na umaapaw tlsa kisig at hotness. Tuluyan nga kayang makakatakas sa kasal si Belyn?Abangan ang love story ni Belyn Kho at Aaron Chong, Isang gabi sa piling mo.
Romance
1040.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Slave of a Heartless Mafia

Slave of a Heartless Mafia

NAPAPIKIT ako dahil sa ibat-ibang klase at kulay ng ilaw na tumatama sa mukha ko.Isabay rin ang pinagsamang ingay ng mga tao at lakas ng tugtog..This is not my first time being here, I have a friends who love bars and parties and I already used to this, infact this is my leisure. "Klare? Nandito na sila" bulong saakin ni Carlo.pinsan ko..Alam niya ang plano ko at kahit nag-aalangan ay wala na siyang nagawa para pigilan ako....I can't let my family down.Not this time "Ano ng gagawin natin?" aniya "J-just stick to the plan Carl" napailang siya. Alam kong hindi siya sangayon sa gagawin ko..pero gaya nga ng sinabi ko, wala ng mababago..I made my decision BINALIK ko ang atensyon sa lalaking nakasandal sa sandalan ng sofa habang tahimik na pinapanood ang mga taong nagsasayaw sa malawak na dance floor.. Siguro ay kagagaling lang nila sa opisina base na rin sa nakikita kong mga suot nila..Isang puting polo ang suot niya na nakatupi hanggang siko, Sa klase ng tindig at pagkakaupo niya ay masasabing hindi siya basta-bastang tao..He look powerful with that simple aura..Hindi nakapagtatakang kaya niyang maisalba ang kompanya o kabuhayan ng kahit sino Nawala lang ang atensyon ko sa lalaki ng makita si Carlos na nasa mesa na nila..Nakipagkamay sa kanya ang mga lalaki.Nakikita ko ring tila naguusap sila pero hindi ko naririnig,tanging pagbuka lang ng bibig nila ang nakikita ko..They both know each other,Hindi man ganoon kalapit pero magkakilala sila dahil nasa iisang linya lang sila.Bussines Palihim na tumango ako kay Carlos ng bumaling siya saakin...Tumayo siya, sinundan ko ng tingin..Mula sa bar counter hanggang sa makabalik ulit siya sa grupo ng mga lalaki 'tulad ng plano'
Romance
1035.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Love Is Strange

Love Is Strange

Bumukas ang malaking pintuan sa harap ko, at narito ang lalaking minamahal ko, ang mata'y walang damdamin habang lumalapit ako sa altar. Ngumiti ako kahit na masikip ang dibdib ko. Narinig ko ang musika habang dahan-dahang naglalakad patungo sa lalaking naghihintay sa harap. Si Kiel, nakatitig nang seryoso sa akin. Walang kahit anong kasiyahan ang makikita sa kanyang mukha, at ito'y nagdulot ng kirot sa aking puso. Iniharap ko ang aking kamay, ngunit itinuring niyang wala ito at agad na umusad patungo sa harap ng pari. Iniwan akong nakatambad ang kamay sa ere. Yumuko ako, bahagyang nahihiya. Sumunod ako sa harap ng pari, at sinimulan na ang misa. "Maari mo nang halikan ang iyong asawa," ang sabi ng pari. Humarap ako kay Kiel, inaasahan ang isang halik sa labi, ngunit sa pisngi lamang ito dumapo. "Nakuha mo na ang titulong Mrs. Valerian, ngunit tiyak kong hindi mo makukuha ang aking pagmamahal," bulong niya. Pumikit ako, at naramdaman ang sakit sa aking puso. "Tandaan mo 'yan, Sam? Hindi mo makukuha ang aking pagmamahal dahil may iniibig na ako," dagdag niya habang nagpalakpakan na ang mga tao. Tumulo ang isang butil na luha. "Sarap mong pagmasdan habang umiiyak," layo na nito sa akin pagkatapos ng mga salitang iyon at agad na lumabas ng simbahan. Pinalis ko ang luha ko at mag-isang ngumiti sa harap ng mga taong masaya para sa amin. Kumikirot ang dibdib ko sa likod ng aking mga ngiti. Daig ko pa ang sinaksak, ngunit hindi ko pinahalata. "Saan pupunta ang asawa mo?" inosenteng tanong ng isang matanda. Ngumiti ako, ngunit hindi na nagbigay ng pagsasalita. "Baka excited lang," mapanukso ng isa. Tumawa ako, kahit na parang pinipiga ang puso ko. Ako si Samantha Alexandria Perez, o dapat bang sabihin Samantha Alexandria Perez Valerian, and I am his unwanted wife.
Romance
1027.0K viewsCompleted
Read
Add to library
The CEO's Personal Maid

The CEO's Personal Maid

Siya si Erika Fernandez, bata pa lang ay mulat na siya sa hirap ng buhay. Hindi na bago sa kanya ang pagta-trabaho ng mabibigat, at ang paninilbihan sa iba. Isang araw, nakilala niya si Brandon Monteverde, isang gwapong mayaman na sing-lamig ng yelo kung umasta. Palagi itong seryoso at parang galit sa kanya. Pero kahit iritado sa senyorito, ginawa ni Rika ang lahat manatili lang sa trabaho. Iyon ay ang pagiging personal maid ng isang CEO. Si Brandon Montevede, isang lalakeng lumaki sa marangyang pamilya. Lahat ay nagagawa at nakukuha niya. Maliban na lang ang makawala sa planong pagpapakasal sa babaeng 'di niya gusto para lang sa paglago ng negosyo. Iyon ay dahil nahulog ang puso niya sa makulit at anim na taong mas bata sa kanya na si Erika. Palagi siya nitong napapasaya, at siya rin ang naging depinisyon ng salitang "pahinga". Magiging sapat nga ba ang pagmamahal para piliin ni Brandon si Erika kapalit ng lahat ng kayamang meron siya? Lalo na't ang pagmamahalan ding iyon ay nakabuo ng isang tagapagmana?
Romance
1055.1K viewsCompleted
Read
Add to library
My Crush, My Groom (Tagalog)

My Crush, My Groom (Tagalog)

Penelope Samiento ang isang babaeng hindi man gano'n ka talino at kagandahan ngunit siya naman ay puno ng saya, nangangarap ng isang lalaking kinahuhumalingan niya si Darrel Lim, isang vocalista ng banda sa school nila. Suplado pero gwapo at higit sa lahat matalino. Paano kaya kung pagbuklodin sila ng tadhana at itinakdang ikasal para sa isang kasunduan? Magiging masaya kaya sila sa kabila ng pagiging magka-iba?
9.854.5K viewsCompleted
Read
Add to library
I Kissed A Girl (FILIPINO)

I Kissed A Girl (FILIPINO)

Hindi matanggap ni Erica kung bakit lumaki siya sa pamilya na kakaiba. Papaanong kakaiba? Namulat kasi ito na ang kanyang ina ay isang Lesbian habang ang kanyang Ama naman ay isang bakla. Inggit na inggit siya sa normal na mga pamilya, iyon bang straight ang nanay at tatay, hindi katulad ng sa kanya. Palagi siyang tinutukso ng kanyang mga kaklase noong nag-aaral pa lamang ito, hanggang ngayon ba naman na may trabaho na siya? Kaya ipinangako nito sa kanyang sarili na siya ang magbabago ng kapalaran ng kanyang pamilya. Ipinangako nito na hinding-hindi siya matutulad sa kanyang ina o ama. Pero paano kung biglang makilala nito ang bagong CEO ng kanilang kompanya na si Pearl Torres? Kasing ganda nito ang kanyang pangalan na parang perlas na kumikinang. Magiging baliko rin kaya siya kagaya ng kanyang mga magulang? O mas pipiliin parin nito ang magkaroon ng normal na buhay na palagi niyang hinahangad para sa kanyang sarili.
LGBTQ+
1036.1K viewsCompleted
Read
Add to library
The Revenge of Iza

The Revenge of Iza

Iza, isang matagumpay na negosyanteng babae na tila nasa kanya na ang lahat - isang mayaman na asawa, isang pamilya, at isang maunlad na karera. Sa araw kung saan nalaman nyang buntis sya ay wala na syang maihihiling pa. Gayunpaman, gumuho ang kanyang mundo nang matuklasan niya na ang kanyang asawa, si Roman, at ang kanyang kapatid na si Rebecca, ay may lihim na pag-iibigan at nagtaksil sa kaniyang likuran. Hindi makapaniwala si Iza at luhaang umalis sa unit ng asawa, hanggang sa maganap ang aksidenteng babago sa kaniyang buhay. Matapos ang anim na taon, nagpasya si Iza na tanggapin ang mga bagay sa kanyang sariling mga kamay. Taglay ang matibay na determinasyon, masinsinan niyang pinaghandaan ang kanyang paghihiganti laban kina Roman at Rebecca. Habang mas lumalalim ang kanyang paghahanap ng kasagutan, natuklasan niya ang lihim at nakatagong motibo na sumagot sa lahat ng inaakala niyang alam niya tungkol sa kanyang mga mahal sa buhay. Dapat niyang harapin ang sariling mga desisyon at makipagbuno sa kumplikadong pag-ibig at pagpapatawad. Sa paghihiganti na hinahangad ni Iza, mahahanap ba niya ang pagmamahal at hustisyang hinahanap, o uubusin siya ng pagkauhaw niya sa paghihiganti, na hahantong sa kanya sa landas na walang kasiguraduhan?
Romance
9.638.1K viewsOngoing
Read
Add to library
SEDUCING THE MAFIA BOSS

SEDUCING THE MAFIA BOSS

Nagkaroon ng kaguluhan sa coffee shop na pinagtratrabahuhan ni Sabina, isang guwapong customer ang tinamaan ng baril. Duguan itong gumapang sa pinagtataguan niya at hiniling na itago niya at pakaingatan ang maliit na box. Ngunit parang nanadya ang tadhana ng araw na iyon. Pagkatapos ng pangyayari ay tumawag naman ang step-mother niya para sabihing naaksidente ang Papa niya. Hindi na natapos pa ang kanyang kamalasan simula ng araw na iyon. Pagkatapos maratay ng Papa niya sa ospital ng ilang linggo ay binawian na rin ito ng buhay. Pagkatapos ay pinalayas siya ng kanyang madrasta sa kanilang bahay at ibenenta nito ang bahay na pag-aari ng kanyang mga magulang. Hindi pa duon natapos ang kasamaan nito. Nadiskubre niyang hindi aksidente ang nangyari sa Papa niya. Ipinapatay ito ng madrasta niya para makuha nito ang insurance ng Papa niya. Sa sobrang galit at naisipan niyang maghiganti. Aakitin niya ang bilyonaryong fiance ng step-sister niya. Laking gulat niya nang mapagtantong ang fiance nito ay ang guwapong cutomer niya sa coffee shop! At hinahanap nito sa kanya ang ipinatago nitong box. Ang problema, hindi na niya maalala kung saan niya nailagay iyon! Nanganganib ang buhay ng guwapong lalaki kapag hindi niya nahanap ang box. Ngunit mas nanganganib ang puso niya dahil napagtanto niyang umiibig na pala siya sa guwapong lalaki na nadiskubre niyang isa palang Mafia Boss.
Romance
1043.5K viewsCompleted
Read
Add to library
My Billionaire Ex-husband Regrets

My Billionaire Ex-husband Regrets

"Magkano ang kailangan mo, upang layuan ang anak ko?" tanong ni donya Marsha kay Estella, "hindi kita maaaring tanggapin dahil isa ka lamang dukha! saan ka ba napulot ni Ludwig? sa club? At sinong nakakaalam, kung yang dinadala mo, ay sa anak ko?" Isang sampal iyon para kay Estella. Ang inaasahan niyang maayos na pagtanggap sa kanya, ay magiging isa palang bangungot! Ang akala niya, matapos niyang matakasan ang matandang ipinagkakasundo sa kanya ng kanyang ama, ay magiging maayos na ang buhay niya, hindi pa pala. Kaharap niya ngayon ang isang repleksiyon ng matapobre niyang madrasta. Kuyom ang kamao, nilisan niya ang lugar na iyon, upang hindi na maalipusta pa, ng kahit na sino, sa pamilya ni Ludwig, dala dala ang anak nilang kambal, na hindi pa man naiisilang, ay itinakwil na. "Ako ang bahala sa inyo mga anak. Hindi ko hahayaang may mang-api pa sa inyo, gaya ng naranasan ko," kinakausap niya ang mga bata sa kanyang tiyan. "Babangon ako, at maniningil!" Tiningnan niyang muli ang mansiyon, sa huling pagkakataon. Hinulma niya sa isipan ang sinabi sa kanya ng kanyang biyenan. Saka hilam ng luha ang mga matang lumayo, na hindi alam kung saan tutungo.
Romance
9.523.8K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status