Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
ASHEN VEIL | The Assassin's Collaboration

ASHEN VEIL | The Assassin's Collaboration

𝐖𝐀𝐑𝐍𝐈𝐍𝐆: 𝐌𝐀𝐓𝐔𝐑𝐄𝐃 𝐂𝐎𝐍𝐓𝐄𝐍𝐓!!!  “Are you sure about this, Love? Wala na ‘tong atrasan once na pumayag ka na angkinin kita.” - Zach Feitan Huxley “Y-yes, Love. Please make love to me like it's going to be our last night.” - Levana Heididea Lambrix Susulitin ko na lang ang mga sandaling ito na kasama siya dahil baka ito na rin ang huli. Kung magkita man kami ng hindi inaasahan, maaaring hindi niya ako makilala o kung makilala man niya ako, sigurado ako na matinding galit niya ang sasalubong sa akin. Handa naman akong tanggapin ‘yun.  Wala siyang kaalam-alam na ako tao na matagal na niyang pinaghahanap, ang taong nagtangka na tapusin ang buhay ng uncle niya noon at ako pa rin ang taong kikitil sa buhay ng nag-iisang pamilya niya ngayon. Kapag nalaman niya ito, panigurado na kamumuhian niya ako.  ┅┅┅┅┅┅┅༻❁༺┅┅┅┅┅┅┅ Si Levana o Ashen Veil ay nagkaroon ng mission na tapusin ang isang politician, ngunit nagkaroon ng aberya dahil hindi ito napuruhan. Nakatakas ito at itinago ng pamangkin nito. Nang malaman ni Levana kung sino ang pamangkin ni Danilo, agad siya nagsagawa ng plano. Nag-apply siya bilang secretary nito at natanggap naman. Sa hindi inaasahan, nahulog ang loob nila sa isa't-isa pero kahit minahal ni Levana ang binata, priority niya pa rin na tapusin ang buhay ng nag-iisang pamilya ng lalaking pinakamamahal dahil ito ang mission niya at maglalaho na lang na parang bula.  Magagawa nga ba niya takasan ang lalaking minamahal at obsess sa kanya? Paano kung magbunga ang kanilang pagmamahalan?  Ano nga ba ang mas mangingibabaw, mission o pag-ibig?
Romance
104.6K viewsOngoing
Read
Add to library
My Sweet Karma

My Sweet Karma

Naniniwala ka ba sa karma? Sya si Danon Acosta. Nasa tamang edad, gwapo, macho, mayaman at habulin ng babae. Aminado syang hindi sya pahuhuli sa pagiging babaero sa kanilang magkakaibigan. Marami nang babae ang umiyak dahil sa kanya. Hindi naman nya kasalanan yun dahil unang una palang ay sinabihan na nya ang mga ito na wag mai-inlove sa kanya. Ngunit isang araw may isang matandang babaeng wala yata sa sarili nito at hinulaan sya. At ayon nga daw sa kapalaran nya ay nalalapit na ang karma nya. Ang babaeng magpapatibok ng triple sa bato nyang puso. Ang babaeng magpapaiyak sa kanya. Ang babaeng mahihirapan syang mapaibig kahit lumuhod pa sya sa asin. Tinawanan lang nya ito. Hindi sya naniniwala sa karma. Tao lang ang gumagawa ng karma nya. Pero ng makilala nya si Maggie ang hipag ng kaibigan nyang si Austin ay nagiba ang tibok ng puso nya. Unang kita pa lang nya dito ay alam nyang tinamaan na sya. Pero hindi pala ganun kadali ang pagdadaanan nya para mapaibig ito. Dahil desi syete lang ito at malaki pa ang pagkadisgusto sa kanya, laging nakasimangot tuwing nakikita sya. Ang isip nya ay nagsasabi na kalimutan na lang ito at ibaling na lang ang atensyon sa iba, ngunit ang puso nya naman ay ito lang ang hinahanap hanap kahit halos isumpa sya nito ng sirain nya ang date nito sa lalaking gusto nito. Danon Acosta and Maggie Caperiña story
Romance
1025.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Touch Me and You're Dead

Touch Me and You're Dead

Simula ng magkaisip si Hilda Alegre bukod sa pagmamahal at maka-survive wala na siyang ibang hinihiling pa. Inasam niya ang pagmamahal na iyon at proteksyon mula sa sarili nito na ama kalaunan ay nabigo din siya after mag decide ito na ipakasal siya sa italiano na matanda. Naisip ni Hilda hindi nagba-bound sa dugo at laman ang pagmamahal. Pinili ng ama ni Hilda na ibenta siya— dugo niya at laman para mailigtas ang step sister niya na ni walang isang patak ng dugo galing sa ama niya. Umalis si Hilda at tumakas sa kapalarang inilatag sa kaniya ng sariling ama. Hinanap nito ang kalayaan sa italy. "Saan ba ako nagkamamali?" ani ni Hilda na ngayon ay hawak ang ulo habang nakatitig sa pregnancy test na hawak. She marely survive by little lucky of hers and now— may isa pa siyang buhay na kailangan protektahan. "Hindi nga ako sigurado sino ang tao na nakasama ko sa kwarto." May pagkakautang siya na need bayaran kay Arthur Cage Nicastro kaya tinanggap niya ang mission na bantayan ang anak nito na si Aron Nicastro. But during mission may nangyari na aksidente. Lasing siya 'non at ang huling nakasama niya ay si Aron Nicastro. "Importante ba sino ang ama?" bulong ni Hilda tapos sumandal sa sofa. Walang buhay ang mga mata na tiningnan mabuti ang pregnancy test. "If nag-fail ang mission, nakahanap ako ng opportunity at the end— if gusto ko mabuhay. Kailangan ko ulit tumakas at wala ako balak iwan ang bata na ito. Sino 'man sa dalawang Nicastro ang ama."
Romance
6.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Hacienda Del Puedo #1 Hara

Hacienda Del Puedo #1 Hara

Si Hara Del Puedo ay kilala sa buong hacienda bilang pinakamabait, pinakamadaling lapitan at higit sa lahat ay pinakamatapang na apo ni Don Ernesto. Iginagalang at minamahal siya ng mga tauhan nila. Sa edad niyang bente anyos ay marami na siyang naranasan katulad ng isang insidente limang taon na ang nakakaraan. Dahil dito ay umalis ang dalaga sa Hacienda Del Puedo upang makalimot. Ngayon, nagbabalik na si Hara sa kaniyang bayang sinilangan upang harapin ang malagim na trahedya ng kahapon. Sa kaniyang pagdating ay may isang Xandro na naghihintay sa kanya. Kasabay ng mga alaalang muling nanunumbalik ay ang pagkahulog ng loob ng dalaga sa lalaking katulad niya ay may amnesia rin. Sa tulong ng binata ay gagawin ng dalaga ang lahat upang hanapin ang mga totoong salarin sa Hacienda Del Puedo massacre. Unti-unting makakamit ng dalaga ang hustisya ngunit maraming hadlang ang sa kaniya'y naghihintay. Pakiramdam ng dalaga ay pilit ibinabaon ng sinuman ang katotohanan upang wala siyang matuklasan. Gamit ang tatag ng loob at determinasyon ay malalaman ni Hara ang mga lihim ng kahapon kasama na rin ang mga sikreto ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ang katotohanang akala niya ay magpapalaya sa kaniya ay muli palang susugat sa puso niyang durog na durog na kaya gagawin ni Xandro ang lahat upang muling mabuo ang dalagang ngayon ay hindi na kayang magtiwala pa sa kahit sino man.
Romance
9.936.5K viewsCompleted
Read
Add to library
The Monster CEO's Twins

The Monster CEO's Twins

Ava Blythe Jones, isang maganda, masipag, at independiyenteng babae na may kakila-kilabot na nakaraan. Bago masaksihan ang ginawang karumaldumal na pagpatay sa kaniyang mga magulang, ay tumatak sa kaniyang isipan ang kahuli-hulihang habilin ng mga ito, na magtago at lumayo sa makapangyarihang Fonteverde. Nang gabing ginulo na naman siya ng isang masamang panaginip at hindi na muling makatulog ay nagpasya siya na pumunta sa isang night club para pansamantalang makalimot. Hindi aakalain ni Ava na ang gabing iyon ang maglalapit sa kaniya sa anak ng taong matagal na niyang tinataguan. Ang mas malala pa roon ay may nangyari sa kanila. Nagkaroon sila ng kambal na anak, ngunit bago pa malaman ni Alas Fredo Fonteverde, ang makapangyarihan at kilala bilang isang halimaw na CEO, ay tumakbo at nagpakalayo na si Ava. Hindi nanaisin ni Ava na makilala ng kaniyang mga anak ang demonyong ama ng mga ito. Lalo pa nang dahil kay Alas ay nawalay sa kaniya ang kaniyang anak na babae. Sa muli niyang pagbabalik sa Pilipinas ay binabalak niyang paghigantihan ang mga magulang nito at bawiin ang kaniyang anak na babae. At sa pagbabalik na iyon ay malabo na siyang makilala ng isang Alas Fonteverde dahil sa ibang-iba na siya mula sa Ava noon; isa na siyang sopistikada at matalinong babae. Mapagtagumpayan kaya ni Ava ang kaniyang planong maghiganti at mabawi ang anak? O pati siya ay mapapahamak sa mga bisig ng isang kinikilalang “The Monster CEO?”
Romance
9.947.9K viewsCompleted
Show Reviews (22)
Read
Add to library
Blissy Lou
Magandang araw po! ^^ Sa mga mambabasa ng TMCT na maliligaw po rito sa comment section, ako po ay nagpapasalamat ng sobra sa suporta as reader ng kuwentong ito. Hindi ko po inaasahan na tataas pa po ang views, subs., at gems na matatanggap ko po rito. Maging ang share ko po.
cursebyharrrt
Wow, now ko lang nabasa ang blurb/synopsis ng librong ito. From role play world itinuloy ang pagmamahalan nila sa isang kuwento. Ang ganda, maganda rin siguro kung magkakaroon ito ng physical book, iyon lang author keep writing, still waiting for your update sa ibang on-going novel mo ...
Read All Reviews
Maid for You (Hiding Series #2)

Maid for You (Hiding Series #2)

Hirap sa buhay si Yngrid Dela Fuente naiwang mag-isa at siya na lamang ang bumubuhay sa sarili niya. Ganunpaman, nagsumikap siyang maghanap ng trabaho at hindi niya aakalaing matatagpuan niya ang sarili niyang maging personal maid ng isang kinatatakutang tao ng lahat, si Devron Montecillo, isang Mafia Boss. Ngayong isa siya naging personal maid ng taong ito, ano ang mangyayari sa buhay ni Yngrid? Magiging tahimik ba ito o magiging magulo dahil sa taong kasama niya?
Romance
105.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Dare To Kiss The Billionaire

Dare To Kiss The Billionaire

chicaconsecreto
Karleigh Estrada, isang babaeng nangangarap na makilala ang mga Disney Princess na nakikita at nababasa niya sa mga magasin at telebisyon. Sa kagustuhang mapili sa isang Disney Princess Meet and Greet raffle, napasubo siya sa isang dare challenge, kung saan kailangan niyang halikan ang isang estrangherong lalaki. Deshawn Moore, isang babaero at beterano sa pagpapaikot ng ulo ng mga babae. Nang muling magtagpo ang kanilang landas ay inalok niya ito bilang pekeng mapapangasawa, at kapalit nito ang kahit na anong kahilingan ng babae. Sa larong ito, mas pipiliin ba nilang piliin ang isa't-isa? Sino ang matatalo? Sino ang magiging taya?
Romance
2.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Forbidden Love With My Step-Sister

Forbidden Love With My Step-Sister

Silas Cahir is a man who has an intimidating aura. Ngunit kahit ganoon ay gustong gusto pa rin siya ng mga babae, nilalapitan pa rin siya ng mga ito. Sa ibang bansa siya nanirahan ng maraming taon, at sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas para sa isang misyon ay nakilala niya ang isang babaeng ubod ng sungit at talim ang mga salitang lumalabas sa bibig na umangkin ng pamamahay niya. At ang babaeng magpapabago ng takbo ng kanyang buhay, ang babaeng magtuturo sa kanya kung paano umibig at maging masaya, ang babaeng ito ay walang iba kundi si Xandra Williams na sa kasamaang palad ay step-sister niya.
Romance
203 viewsOngoing
Read
Add to library
The Missing Piece

The Missing Piece

Simple lang ang pangarap ng isang simpleng dalaga na si Michaela Gomez. Ang makapagtapos ng pag-aaral at matagpuan ang tunay na mga magulang. Dahil sa tingin niya, ito ang mga bagay na kulang sa kanyang pagkatao. Ngunit nang magtagpo ang landas nila ng isang gwapong binatang bilyonaryo na si Jacob Perkins, ay isa na rin ito sa mga naging pangarap niya. Ipinaramdam nito sa kanya ang pagmamahal na akala niya ay isa sa bubuo sa kanyang pira-pirasong pagkatao. Hahayaan na lang ba niyang magtapos ang kanilang relasyon dahil lang sa isang magulong sitwasyon? O, mas mangingibabaw ang pagmamahal niya rito?
Romance
109.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Magically Bonded

Magically Bonded

Miss Gold
Bitbit ang galit at sakit sa puso ni Selena ay nangako siya sa sariling tatapusin niya ang kanyang misyon at ipaghihiganti ang mga kasamahang walang awang pinatay ng mga Itim na Salamangkero. Pero pano niya gagawin yun kung sa kanyang matagumpay na pagtakas ay may bagong hamon ang Tadhana? Sa isang iglap, nagising nalang siyang walang alaala ng kanyang buhay. Wala na ang misyong ipinangako niyang gawin maging kapalit man nito ay ang buhay niya. Sa kanyang paghahanap ng kasagutan sa mga tanong sa kanyang isipan ay marami siyang makikilalang kaibigan. Hanggang sa pumasok siya sa Akademya ng mga kabataang may Espesyal na Kakayahan. Doon ay magsisimulang bumalik ang mga memorya nang nakaraan. Sa lugar na iyon ay makikilala niya ang mortal na kaaway na siyang may malaking parte sa nakalimutang misyon. Ang lalaking nakatadhana sa kanya. Pero mapaibig niya kaya ito sa kanya kung may minamahal na itong iba? Matapos niya kaya ang kanyang misyon kung kapalit nito ay sisirain niya ang kaligayahan ng lalaking mahal niya? Magically Bonded. Isang kwento ng paglalakbay, paghihiganti at pag-ibig ng isang dalaga. Isang dalagang nakatadhana sa isang dakilang misyon.
Fantasy
1.4K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status