Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER

MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER

Isang gabi, nahuli ni Roxanne Guevarra ang kanyang asawa na si Jameson Delgado na nakikipagtalik sa kanyang sekretarya. Hindi siya nagdalawang isip na hiwalayan ito ngunit papaano kung ayaw siya nitong bitawan? Nakahanap naman siya ng kakampi at iyon ay ang nakakatandang kapatid ng asawa, si Devon Delgado na tutulungan siyang makatakas ngunit hindi iyon magiging madali. *** "Bakit mo ba tinutulungan ang asawa ko? Balak mo bang agawin siya sa akin ngayong nagkakalabuan na kami?" Napangisi si Devon sa kabilang linya, "Hmm...hindi ako mahilig mang-agaw pero binibigyan mo ako ng rason na agawin siya sayo." Kumuyom ang mga kamao ni Jameson na marinig ang sinabi nito. "Subukan mo lang." "Why not? Kasi kung hindi ka magbabago, at patuloy mong sinasaktan si Roxanne, then prepare yourself. Mawawala siya sayo sa isang iglap." Babala ni Devon. "You can't do that to me. Maraming babae sa paligid na pwede mong pulutin pero si Roxanne, pag-aari ko 'yan. So don't you dare!"
Romance
9.667.5K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
I Sold My Innocence

I Sold My Innocence

rosellemarie0530
WARNING:SPG/R-18/MATURE CONTENT Paano mo matutunang mahalin ang lalaking binayaran lamang ang iyong puri para makuha ka niya? Kaya mo ba siyang tanggapin na kahit buhay ng mga magulang mo ay nagawa nyang pagbantaan mapasakanya ka lamang? Mahulog man ang loob mo matanggap mo kaya na pampalit kalang sa dati nyang minamahal? Lumaki si Marie sa Farmhaouse sa gitna ng kanilang farmland at nakagisnan ang Home Study kay Teacher Anne hanggang sa ngayong desi sais na sya.Binibigay sa kanya lahat ng mga matatandang magulang ang lahat ng naisin niya maliban sa paglabas sa kanilang farmland at makipag social sa syudad. Maging ang mga high tech gadgets at stable na internet connection ay mayroon siya. Sa loob ng kanyang silid malaya niyang nagagawa lahat ng gusto nya. Maging ang paglalive streaming sa mga porn sites ay nagagawa nya out of her curiousity. Hindi sinasadyang nakuha nya ang atensyon ng bilyonaryong bachelor na isang negosyante na si Miguel Marquez. Ano ang naghihintay na pangyayari para kay Marie? Gayung porsigido si Miguel na malocate ang lokasyon at mahanap siya.
Romance
102.8K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
My Husband's Hidden Heart

My Husband's Hidden Heart

"A happy girlfriend is a happy life." Iyan ang isa sa mga motto na pinaniniwalaan ni Alexandra Bautista o mas kilalang Alex. Dahil sa sampung taon niyang relasyon kay James Alexander Lopez, ay naging masaya siya. Ngunit ang sayang naramdaman ay napalitan ng pagdududa. Pinilit niyang unawain at huwag bigyan ng kahulugan ang kanyang mga naririnig sa paligid, at piniling pagkatiwalaang muli ang fiance. Ngunit ang pagdududa ay mas lalong napagtibay nang dumating sa buhay nila ang isang babae. Isang babae na tiyak niyang sisira sa sampung taon niyang masayang relasyon sa fiance na si James. Ano ang dapat niyang gawin? Bibitaw na ba o kakapit pa at muling bigyan ng pagkakataon ang sinisinta? Ano naman ang gagawin niya kapag malaman niyang siya ay nagdadalang tao? Paano haharapin ni Alex ang lahat ng pagsubok na darating sa kanyang buhay? Mahahanap kaya niya ang pagmamahal na deserve niya sa taong kanyang iniirog o sa iba niya mahahanap ang pagmamahal na iyon?
Romance
9.240.9K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
My Tiring Life (Tagalog)

My Tiring Life (Tagalog)

Firedragon0315
Dumadating sa punto masakit ang pakawalan ang taong mahal na mahal mo. Subalit mas pipiliin mo ang magpaubaya kung alam mong napapagod ka na at wala na kapag-asa na magbabago ang lahat sa inyong dalawa. Mahal mo na siya ngunit malinaw sayo na may mahal siyang iba. Ganun si Vernice sa pag-ibig na nararamdaman niya sa kanyang asawa. Ngunit mas gugustuhin niya ang palayain ang sarili kesa ang tuluyang saktan ang sarili na makita na may ibang kasama ang kanyang asawang si Raffy. May pag-asa ba pang magkaroon ng isang panibagong yugto ang pagsasama nila na pinangarap lang nuon ni Vernice?
Romance
2.8K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
My Boss, My Fiancé

My Boss, My Fiancé

"Kahit kailan hindi ako magkakagusto sa'yo." Iyan ang mga salitang palaging bukambibig ni Louise sa tuwing aasarin siya ng kaniyang childhood best friend slash boss na si Troy. Guwapo, mayaman, mabait. Halos lahat na yata ng magagandang katangian ng isang lalaki ay nasa kaibigan niya na. Tunay ngang napakadaling sabihin sa isang tao na hindi mo siya gusto, pero napakahirap naman nitong panindigan lalo na kung araw-araw mo itong nakikita at nakakasama. Makakaya nga ba niyang panindigan ang mga salitang sinabi sa kaniyang kaibigan o kakainin niya ang kaniyang sinabi dahil sa paglaon ay hindi niya na rin mapigil ang damdaming nais kumawala sa kaniyang puso?
Romance
9.1103.6K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Mga Kalansay Sa Tabi Ng Basurahan

Mga Kalansay Sa Tabi Ng Basurahan

Ang mga magulang ko, ang pinakamayaman na magkasintahan sa bansa, ay sikat na mga pilantropo. Kailangan ko hingin ang permiso nila kung kailangan ko gumastos ng higit pa sa limang dolyar. Sa araw na nadiagnose ako ng terminal cancer, humingi ako ng 100 dolyar, pero sa halip na tulungan ako, sinigawan nila ako ng tatlong oras. “Anong klaseng sakit ang makukuha mo sa edad mo? Kung hihingi ka lang ng pera, galingan mo naman sa palusot mo.” “Alam mo ba na ang 100 dolyar ay kayang suportahan ang mga bata sa naghihirap na mga lugar ng matagal na panahon? Mas may sense pa kausap ang kapatid mo kaysa sa iyo.” Kinaladkad ko ang katawan ko na may sakit pabalik sa maliit na basement. Pero noong dumaan ako sa mall, nakita ko ang mga magulang ko, live sa malaking screen, gumagastos ng malaking yaman para lang rentahan ang Disneyland para sa kapatid ko. Ang isang daang dolyar ay hindi sapat para sa isang round ng chemotherapy. Gusto ko lang bumili ng bagong damit at lisanin ang mundo ng may dignidad.
Cerita Pendek · Romance
681 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Arrianne's Door

Arrianne's Door

Boss mong akala mo ay galit sa'yo, bigla na lamang magtapat na gusto ka. Maniniwala ka ba? Si Arrianne, isang probinsyanang lumuwas ng Maynila sa kagustuhang mabigyan ng maayos na pamumuhay ang ina. Nagtiwala at umibig sa kababata na akala niya ay tunay siyang mahal, ngunit hindi pala. Paano kung may muling kumatok sa kaniyang puso, na hindi pa tuluyang maghilom. Papapasukin kaya niya?
Romance
1010.4K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Presyo ng Mga Akala

Presyo ng Mga Akala

Tinatawag ako ng kapatid kong lalaki bilang kanyang prinsesa at nagpapadala sa’kin ng perang pangbaon; nagkakamali ng intindi ang kanyang mapapangasawa at iniisip nito na lihim niya akong nobya. Susugurin ng babae ang tirahan ko, na maayos kong pinalamutian, kasama ang grupo ng mga kamag-anak at kaibigan. “Hindi ako makapaniwalang lihim na nobya ka ng iba’t ngayong napakabata mo pa! Tuturuan kita ng leksyon sa ngalan ng mga magulang mo! Ikakalat ko online ang imoral ninyong relasyon para malaman ng mga guro at kaklase mo kung gaano ka kawalang-hiya!” Kinalat nila ang tirahan ko at pinunit ang mga damit ko. Pagkatapos, sinigurado nilang nakunan ang ID ko sa eksena habang nire-record nila ang pang-aapi sa akin. Nagmamadaling pumunta ang kapatid kong lalaki, namumula sa galit ang kanyang mga mata. “Nasiraan na ba kayo ng bait? Ang lakas ng loob ninyong apihin ang kapatid ko!”
Cerita Pendek · Romance
620 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
What if the shoe won't fit?

What if the shoe won't fit?

undertheheat
Adalyn is a graduating student who has been longing for his father. Her mother does not support her idea of looking for his father, so she decided to do it on her own. Before leaving her nest, she was precised about her goal: and that is to find her father and introduce herself to him. Upon her journey, she met new people who will question her goals and plans. Meeting them will lead to confusion and uncertainties. But do they really have a point? Paano nga ba mababago ng ibang tao ang matagal mo nang plano? Gaano naiintindihan ng ibang tao ang pinagdaraanan mo para masabi na mali o tama ang daan na gusto mong tahakin? Do other people really fit to judge your decisions without being on your shoe?
YA/TEEN
102.6K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Ang Pagbuko sa Impostor

Ang Pagbuko sa Impostor

Ikakasal na ang pinakapopular na babae sa amin noong high school. Inimbitahan niya ang lahat sa aming klase para sa kaniyang kasal. Gusto kong kumilos na parang hindi ko nakita ang message na ipinadala niya sa akin pero walang tigil niya akong tinag sa group chat. “Nagkunwari kang mayaman gaya ko noong high school, pero hindi kita masisisi sa ginawa mo. Sa totoo lang, iniimbitahan kita sa kasal ko bukas para makita mo kung paano maging isang tunay na mayaman.” Agad na nagsalita ang iba naming mga kaklase. “Napakabait mo talaga, Haley. Kaya hindi na ako magtataka kung paano mo nagawang pakasalan ang isang miyembro ng pamilya Baumer. Hindi ako makapaniwala na mapapatawad mo ang isang materialistic na kagaya ni Emma!” “Ano ba ang deserve ng isang kagaya ni Emma Larkin para makaattend sa kasal ni Haley? Masyado siyang mayabang.” Habang tumitindi ang mga pangiinsulto, umabante si Haley Stockwell para mapanatili ang kapayapaan sa chat. “Sige na, kalimutan na natin ang mga hindi maganda nating nakaraan. Hindi na ako naaapektuhan sa mga ito dahil masyado nang matagal mula noong mangyari ang mga iyon. Anyway, huwag na tayong maghinanakit kay Emma dahil masyado na itong mahirap at pangit.” Walang tigil na umulan ang mga papuri sa kaniya ng lahat sa group chat habang tinatawag siya ng ilan sa amin na mabait at inosente. Napasinghal ako sa aking nakita. Si Haley ang babaeng nagkukunwaring mayaman sa amin—ako ang tunay na tagapagmana ng isang mayamang pamilya pero pinalabas pa rin niya na sinungaling ako. Ginawa niya akong target ng mga pangiinsulto ng lahat. Tiningnan ko ang digital wedding invitation para makitang gaganapin sa aking villa ang kaniyang kasal. Mukha ring pamilyar ang kaniyang groom—hindi ba’t ito ang driver ng aking asawa? Ngumiti ako nang maisip ko ang mangyayari. Sumagot ako sa chat ng, “Sige! Kailangan kong umattend ng kasal mo!”
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
1314151617
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status