AKAS
Puno ng kuryosidad na itinuro ni Alas ang tattoo sa kanang abdomen ni Klinton na umaabot hangang sa tagiliran.
Isa iyong magandang babae na may kargang baby. Maihahalintulad iyon ni Alas kay Mama Mary na karga si Jesus. Sa tabihan niyong may buwan, petsa, at taon.
Nagbaba ng tingin si Klinton sa tattoo niyang iyon. Sumilay ang ngiti sa kaniyang labi.
Larawan nila ng kaniyang Inang si Cecilia Salvador, kuha 'yon sa hospital ng araw na ipinanganak siya. Iyon ang nagsisilbing ala-ala niya sa namayapang ina.
ตอนยอดนิยม