Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
HIS UNMITIGATED DISASTER

HIS UNMITIGATED DISASTER

Red Solace
Walang matandaan si Mark sa kasunduang nagdala sa kanya sa cruising trip na kasama si Marlyn at Wanda, magkapatid na nakilala lamang niya dahil sa hindi inaasahang pagkakatuklas niya sa kataksilan ng kasintahang si Cleo na dapat sana ay aalukin na niya ng kasal. Sila ang mga berdugong dapat ay magbibigay katuparan sa hangarin niyang mamatay nang gabing iyon--as it turned out, the siblings were tour guides specializing in executing euthanasia to travelers with a death wish. But fate had better plan in store for them. Sinalubong sila ng malakas na bagyo sa gitna ng paglalayag. They were left with nothing but the company of each other and a dead engine that could get them nowhere. Napadpad sila sa isang isla kung saan masusukat ang haba ng pisi ni Mark. Masusukat maging ang kakayahan niyang lumaban sa tukso. Lalo at habang tumatagal sila sa isla, nagkakaroon siya ng hindi maipaliwanag na damdamin para sa dalawa. Umibig siya ng sabay sa dalawang babae na hindi niya puwedeng angkinin pareho. Muli ay natagpuan niya ang sarili sa isang sitwasyon na higit pang kumplikado sa delubyong nagdala sa kanila sa islang iyon. Ano ang naghihintay na kapalaran sa kanilang tatlo sa isla? Sino sa dalawang babae ang higit niyang kailangan at dapat niyang piliin? Kung isip ang piiralin niya, wala siyang pipiliin sa magkapatid para pare-pareho ang laban. Walang masasaktan. Walang magdidiwang. Ngunit dumating siya sa puntong kailangan pa rin naman niyang mamili. Kung sino kina Marlyn at Wanda ang magwawagi sa puso niya, tadhana na ang magtatakda.
Romance
101.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Don't Fall in Love

Don't Fall in Love

Yuki Yceej
Sa gabi ng tinatawag nilang Bluemoon night, ang gabi ng mga single, ay magtatagpo ang landas nina Hunter Ace, isang sikat na modelo at artista at Jolie Vargas na isa lamang ordinaryong babae. Hinahangaan ang binata dahil sa kanyang gwapong mukha, magaling na actor at ganda ng pangangatawan habang si Jolie ay simpleng babae pero palaban. Isang gabi, dahil sa kabiguan sa pag-ibig ay pumayag si Hunter na sumama sa kaibigang si Tom na dumalo sa once a year event na tinatawag nilang Bluemoon night. Ito ang gabi na mapagkakamalan ni Hunter ang No Boyfriend since birth (NBSB) na si Jolie na siya si Danica, ang girlfriend niya. Walang pag-aalinlangan, dinampi ng binata ang labi niya sa labi ng lasing na si Jolie. Dahil sa wala sa tamang katinuan ang dalaga, tumugon naman siya sa halik. Pinagsaluhan nila ang maiinit na halik sa ilalim ng liwanag ng buwan. Hindi lang halik ang kanilang pinagsaluhan, pati ang init ng katawan ay kanilang pinadama. Isang bangongot ang maituturing ni Jolie ang nangyari sa kanya sa gabing iyon nang magising siyang katabi ang mayabang at supladong modelo sa kama at pareho silang walang saplot. Hindi na niya ito ginising bagkos ay umalis na agad sa silid. Magtatagpo pa kaya ang landas nila kung ang akala ni Hunter ay si Danica ang babaeng nakasama niya sa kama? May mabubuo kayang pagtitinginan kina Hunter at Jolie kung ang dalawang babae ay may mukhang pinagbiyak na bunga?
Romance
868 viewsOngoing
Read
Add to library
ANG MUTYA NG HULING MAFIA

ANG MUTYA NG HULING MAFIA

BLURB: Kailanman ay hindi maikakaila na minsan nilang minahal ang isa’t isa. Ngunit ang lihim ng mundong nababalot ng panlilinlang, pagtataksil, at nang makapangyarihan, ang babago sa takbo ng kanilang buhay. Mataas ang pangarap ni Seraphina sa buhay. Upang makamit ang tugatog ng tagumpay, kailangan niyang gamitin ang kanyang kapatid at ang sitwasyon hindi niya kayang tanggihan. Habang si Silhouette, bagama’t nagmamahal lang naman ay naipit sa dalawang malalaking batong lihim na nag-uumpugan at tinutugis ang isa’t isa. Puso ng isang tunay na mafia ang hangad niya kahit sa panaginip. Ang puso niyang iyon ang nagturo sa kanya na puwedeng maging perpekto ang pagkakataon para sa mga imperpektong tao na tulad niya at ni Sandro sa kabila ng malaking agwat ng kanilang edad. Habang si Sandro, sa kabila ng kanyang lihim na pagkatao ay natutong magmahal. Kaya niyang bigyan ng proteksyon ang taong mahal niya, kaya niyang suungin ang panganib at marunong siyang magsakripisyo. Ang kanyang tamang pagpapasya ang magiging susi tungo sa payapang kinabukasan kasama ang kanyang pamilya. Mabubuksan ang maraming pinto ng lihim. Bawat pinto ay maglalapit kina Sandro at Silhouette. At isang pinto naman ang mababalot ng paghahanap ng hustisya at paghihiganti sa muling pagmulat ng mga mata ni Seraphina. May puwang ba ang tunay na pag-ibig para sa tinaguriang mutya ng huling Mafia? Alin ang mas matimbang, ang kapatid o ang pinangarap niyang mafia? Ang pag-ibig ba ang kanilang kaligtasan—o ang kanilang kapahamakan?
Romance
101.0K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
123456
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status