Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
No more secrets, No more lies!

No more secrets, No more lies!

Sa edad na 19, gumuho ang mundo ni Castheophy Ynares nang misteryosong mamatay ang kanyang mga magulang, iniwan siyang nag-iisa upang alagaan ang tatlo niyang nakababatang kapatid. At sa isang iglap, nawala rin ang yaman at seguridad na inaakala niyang habambuhay nilang sandigan. Pero hindi siya sumuko. Sa loob ng limang taon, nagpakahirap siya, tiniis ang lahat ng sakit at gutom, hanggang sa tuluyan siyang makapagtapos bilang Summa Cum Laude sa Ateneo de Iloilo. Ngunit sa pagpasok niya sa bagong mundo bilang isang abogado, isang trahedya ang agad na sumalubong sa kanya—napagbintangan siyang nagnakaw ng mahahalagang files. At doon niya nakilala si Jaiden Wench. Makapangyarihan. Misteryoso. Walang awa. Siya ang lalaking hindi lang may kakayahang manipulahin ang mundo, kundi pati ang puso ni Castheophy. "You think you can escape me, Castheophy?" bulong nito, ang tinig ay malamig at puno ng panunuya. "You stepped into my world—now, you’re mine." Dahil sa isang kontratang wala siyang lusot, napilitan siyang manatili sa piling ni Jaiden. Ngunit sa bawat araw na lumilipas, mas lalong lumalalim ang laban sa pagitan nila. Galit o tukso? Laro o katotohanan? Habang tinutuklas niya ang madilim na nakaraan ng lalaking ito, isang bagay ang hindi niya maitatanggi—unti-unti siyang nahuhulog sa demonyong hindi niya dapat mahalin. Ngunit sa larong ito, may kailangang matalo. May kailangang magsakripisyo. At may kailangang mawala. Sa huli, pag-ibig nga ba ang magpapalaya sa kanya—o ito rin ang tuluyang wawasak sa kanya?
Mafia
10692 viewsOngoing
Read
Add to library
Honey, I don't want the Crown

Honey, I don't want the Crown

Sa mata ng lahat, si Cassandra ay ang “Queen” ng mundo ng negosyo ang asawa ni Nathaniel, isang makapangyarihang negosyante na tinaguriang “King of Business Empire.” Marangya ang kanilang buhay, puno ng pera, impluwensya, at kasikatan. Ngunit sa likod ng kinang, itinatago ni Cassandra ang bigat ng pagiging isang “trophy wife” na nakatali sa imahe at kapangyarihan ng asawa. Habang mas lumalawak ang kaharian ni Nathaniel sa mundo ng negosyo, mas nararamdaman ni Cassandra ang pagkawala ng sarili. Ang mga simpleng pangarap niya maging isang fashion designer, mamuhay nang tahimik at payapa ay natatabunan ng mga korona at trono na ipinipilit isuot sa kaniya ng asawa. Sa pagbabalik ng isang matalik na kaibigan mula sa nakaraan, muling nabuhay ang mga tanong sa puso ni Cassandra: Ano ba talaga ang tunay na halaga ng kaligayahan? Pera, kapangyarihan, at titulo? O ang kalayaan na sundin ang sariling pangarap kahit kapalit nito ay mawala ang lahat ng yaman at impluwensya?
Romance
10507 viewsOngoing
Read
Add to library
My Master Is A Monster (Tagalog)

My Master Is A Monster (Tagalog)

Planet Wayne, isang planeta kung saan itinuturing na Diyos ang mga bampira at tila hayop naman ang mga tao na ginagawang alipin. Bilang isang alipin, isa itong walang katarungang mundo para kay Lana. Mahahanap pa kaya niya ang kaligayahan at kalayaan na pinakaaasam niya lalo pa at isang masamang prinsepe na kilala sa pagpatay ng mga alipin ang nakabili sa kanya?
Mystery/Thriller
9.937.6K viewsCompleted
Read
Add to library
FIELDS OF PLEASURE

FIELDS OF PLEASURE

vivaciouswitch
Si Sabrina Villalon ay isang mapagmahal na probinsyana, na walang ibang hinangad kundi ang mabigyan ng masaganang pamumuhay ang kanyang pamilya. Nayanig ang tahimik at inosente niyang mundo simula nang dumating ang isang Roger Bernardino sa kanilang baryo. Si Roger Bernardino ay ang nobyo ng kaniyang pinakamamahal na ninang--si Marites. Kasabay nang pagdating nito ay ang pagkatuklas niya sa isang nakakawindang na sekreto na matagal nang inilihim sa kanila ng ninang Marites niya. Isang sekretong maaring ikasisira at makapagpabago sa pananaw niya sa buhay. Dahilan upang mabuo ang isang ipinagbabawal na pag-iibigan ng dalawang nilalang. Isang pagmamahalan na marami ang hadlang. Isang pagmamahalan na hahamakin ang lahat para makamit lang ang hustisya para magkaisa ang kanilang mga puso. Ano kaya ang nakakawindang na sekretong itinatago ng ninang niya? Ikakapahamak ba nilang dalawa ito? At papaano nila mapanindigan ang mapanghusgang mundo? o hahayaan nalang nilang mawawasak ng tuluyan ang kaniyang puso?
Romance
102.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Claimed By A Billionaire

Claimed By A Billionaire

Perpekto ang buhay ni Celestine—o iyon ang akala niya. Bilang tagapagmana ng isang kilalang fashion empire, mayaman, sikat, at malaya siya… hanggang sa biglang bumaliktad ang lahat. Pinagpakasal siya kay Enzo, isang misteryosong bilyonaryong Formula 1 driver, at bigla siyang napasama sa buhay ng isang lalaking halos hindi pa niya kilala. Ang inaasahang pormal at maayos na kasal ay nauwi sa isang nakakaalab na laro ng pagnanasa, selos, at init ng damdamin. Nang isama siya ni Enzo sa kanyang high-octane na mundo ng karera, lalong tumindi ang tensyon: may mga karibal na nanliligaw, may panganib sa paligid, at unti-unting lumalabas ang possessive at obsessive na side ni Enzo—hindi siya nahihiya ipakita sa lahat na siya ay pag-aari niya. Sa pagitan ng kanyang pride, takot, at hindi mapigilang atraksyon, kailangan ni Celestine na harapin ang lalaking gustong makuha ang lahat… pati ang kanyang puso. Mapapapayag kaya si Celestine sa bilyonaryong nag-aangkin sa kanya, o hahayaan ba ng mabilis at mapanganib na mundo ng yaman, selos, at pagnanasa na sila’y maghiwalay?
Romance
10167 viewsOngoing
Read
Add to library
Phantom Syndicate: Undercover Wife to the Mafia Trillionaire

Phantom Syndicate: Undercover Wife to the Mafia Trillionaire

WARNING RATED SPG... Si Geraldine ay isang sikat at magaling na undercover agent na walang misyong hindi natatapos. Ngunit ang simpleng pagpapakasal niya bilang substitute bride sa isang lalaking iniwan sa altar ay nagdala sa kanya sa isang masalimuot na kwento ng pag-ibig, tungkulin, at nakatagong lihim. Ang lalaking iyon, si Michael Muller, ay hindi lamang isang negosyante kundi ang emperador ng pinakamakapangyarihang mafia sa mundo—ang mortal na kaaway ng gobyerno kung saan siya nagtatrabaho. Habang sinusubukan ni Geraldine na isagawa ang kanyang misyon laban kay Mike, unti-unti niyang natutuklasan ang kanilang malalim na koneksyon mula sa nakaraan at ang damdaming hindi niya mapigilan kahit pilit niyang nilalabanan. Ngunit sa mundo ng pagkakanulo at panganib, kailangang pumili ni Geraldine: ang sundin ang kanyang tungkulin bilang isang agent, o ang panindigan ang pagmamahal niya sa lalaking kinamumuhian ng organisasyong kanyang pinagsisilbihan. Mapapanindigan ba nila ang pag-ibig sa kabila ng dugo at kasinungalingan? O magwawakas ang lahat sa digmaan ng katapatan at kapalaran?
Romance
1099.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Eu sou a Luna

Eu sou a Luna

Rejeitada, a vida de Zaia Toussaint desmorona quando seu marido se divorcia dela e a troca por sua ex-namorada. Expulsa de sua casa e de sua posição, Zaia abandona o grupo, levando consigo um segredo que ela espera que seu marido nunca descubra. Ela está grávida dos filhos dele.Sebastian King é um belo e conhecido Alfa com um império multimilionário, cujo nome é bem conhecido, não apenas no mundo dos lobisomens, mas no mundo dos negócios.Ele tem tudo, riqueza, poder, uma enorme matilha e, acima de tudo, a esposa perfeita. Uma Luna que toda a sua matilha e família passaram a amar. O retorno de sua ex destrói o casamento deles, fazendo com que Sebastian expulse cegamente sua companheira de sua vida. O que acontecerá quando ele descobrir o segredo que ela esconde dele? Será que ele se arrependerá da decisão que tomou ao deixá-la de lado?Será que ela o perdoará e algum dia o aceitará de volta?
Lobisomem
9.6376.4K viewsCompleted
Read
Add to library
My Lover is a Mafia Boss

My Lover is a Mafia Boss

Akala ko simpleng gabi lang ‘yon. Pero isang sulyap sa kanya—at tuluyan nang nagbago ang mundo ko. He’s the kind of man everyone fears—cold, powerful, dangerously irresistible. CEO sa umaga, mafia boss sa gabi. Isang titig pa lang, alam kong delikado siya. Pero paano kung ‘yung panganib na ‘yon ang siya ring nagbigay-buhay sa’kin? Sabi niya, “Stay away.” Pero sa bawat halik, bawat haplos, lalo lang akong nilalapit sa kanya. Sa mundo niya, walang puwang ang kahinaan. Pero sa piling niya, natutunan kong minsan, ang pag-ibig mismo ang pinakamapanganib na armas. Sa mata ng iba, isa siyang halimaw—walang puso, walang awa. Pero ako lang ang nakakakita ng lalaking may sugatang kaluluwa, na marunong magmahal kahit mali, kahit masakit. Ngayon, nahulog na ako nang tuluyan. At alam kong wala nang balikan. Dahil sa puso ng isang mafia boss, pag pag-ibig ang pinag-usapan… wala nang ligtas. “My Lover Is a Mafia Boss” — isang dark romance na puno ng pagnanasa, lihim, at pag-ibig na handang lumaban kahit sa dilim.
Romance
322 viewsOngoing
Read
Add to library
Framed the Prince to be My Baby Daddy

Framed the Prince to be My Baby Daddy

aiwrites
Gumuho ang mundo ni Aldrick Laureus nang piliin ng babae na pinakamamahal niya ang kan'yang kapatid sa ina. Sa ikalawang pagkakataon ay iniwan siya na lugmok at luhaan ng prinsesa na inalayan niya ng buong mundo niya. Nagpasiya siya na tuluyan nang lumayo at kalimutan ang nakaraan nila ngunit dahil sa isang pakiusap ay mapipilitan siya na muling harapin ang pait ng kahapon na ayaw na sana niyang balikan pa. Isang misyon ang ipinakiusap sa kan'ya: hanapin ang prinsesa na naglayas upang takasan ang isang arranged marriage. Sounds familiar, right? Russia Mercado has been living a good life, but that is until she falls stupidly in love with the wrong person. In a blink of an eye, things have not been easy, especially when she decided to run away from home. Napasok siya sa isang magulong sitwasyon dahil lamang sa pagtalikod niya sa sariling pamilya niya at pagpili sa maling tao. She made the biggest mistake of her life, and now she is paying all the consequences of her actions. She needs to reclaim her life and her freedom, and for her to do that, she needs to complete one mission. Isang misyon na maglalapit sa kan'ya sa isang bagay na pilit na niya na tinatakasan: ang salitang pagmamahal. Pag-ibig ang sumira sa kan'ya, ngunit pag-ibig din kaya ang muling bubuo sa pagkatao niya? Can she frame the prince to be her baby daddy and still find love in the end? Love comes in the most unexpected way at the most uncertain times. Dalawang taong galit sa salitang pag-ibig at hindi na naniniwala sa salitang pagmamahal ang pagtatagpuin ng tadhana upang guluhin ang kanilang paninindigan. Pagmamahal na isinumpa o pagmamahalan na aabot hanggang sa sumpaan? Handa na nga ba sila na muli na sumugal sa magulong mundo ng pag-ibig?
Romance
101.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Sevañas Obsession

Sevañas Obsession

The only man I trusted cheated on me! Ginawa ko ang lahat. Nagpakatanga, nagpaka-martyr, nagpaka-alipin. Siya lang ang minahal ko, siya lang ang pinagkatiwalaan ko, sa kanya lang umikot ang mundo ko, sa kanya lang ako sumugal. Pero hindi pa rin naging sapat. Wala naman sigurong masama kung gaganti ako? Walang masama . . . Pero sa halip na siya ang masaktan, kapatid niya at ako ang nagdusa!
Romance
210 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
45678
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status