Bound to the Enemy CEO
Limang taon na ang nakalipas nung pilit na tinapos ni Celestina "Tina" Roxas ang relasyon nila ni Inigo—ang lalaking pinakamamahal niya. Para kay Inigo, ginawa 'yun ni Tina dahil sa pera. Pero ang totoo, 'yun lang ang tanging paraan para mailigtas ni Tina ang pamilya niya.
Ngayon, sagad na sa hirap ang buhay ni Tina. Sa sobrang pangangailangan sa pera, nag-apply siya bilang Personal Assistant sa isang sikat na kumpanya.
Pero mapaglaro ng tadhana—ang dating mahirap na lalaking minahal at itinaboy niya noon, isa nang napakamakapangyarihang CEO ngayon. At nasa kamay na nito ang kaniyang kapalaran.
Tinanggap siya ni Inigo sa trabaho—hindi dahil sa awa, kundi para pahirapan at iparamdam