Mine Even After Divorce
Habang nasa ika-anim na buwan ng pagbubuntis, nahuli ni Marikit Valejo ang sariling asawa na may ibang babae sa mismong araw ng kaniyang prenatal checkup.
Mabigat ang kaniyang katawan dahil sa pagdadalantao, gusot ang buhok, at hirap siyang alalayan ang lumolobong tiyan habang palihim siyang pinagtatawanan ng mga tao sa ospital. Mas masakit pa rito, tinawag siyang “losyang” ng bata at magandang kabit ng kaniyang asawa—habang walang pakialam na hinayaan iyon ng lalaki.
Ngunit bago naging ganoon ang lahat, si Marikit Valejo ang dating pinakamarikit na babae sa kanilang panahon—tulad ng kanyang pangalan.
Subalit naniwala si Mikael na ginamit lamang ni Marikit ang kaniyang katawan upang makapasok sa alta sociedad at mapalapit sa pamilyang Altaverde. At dahil doon, malamig nitong inihain ang divorce paper, bago pa man siya makapanganak. Pagkatapos manganak, nilagdaan niya ang mga papeles at tuluyang naglaho.
Limang taon ang lumipas. Nagbalik si Marikit bilang isang makapangyarihang negosyante sa industriya ng cosmetics at luxury brands. Mas maganda, mas makapangyarihan, at isa nang business tycoon na may hundred of billions networth. Bukod pa roon, siya na ngayon ang babaeng pinag-aagawan ng mga elite bachelor sa Pilipinas.
Habang ang lalaking dating itinapon siya— si Mikael Altaverde hindi pa rin pala tuluyang naka-move on. Dahil kahit matagal na silang hiwalay, hindi pa rin pirmado ni Mikael Alteverde ang annulment papers.
At nang mag-file muli si Marikit para tuluyan na siyang makalaya sa kasal na iyon, bigla na lamang naging baliw sa selos ang lalaking minsang tumanggi sa kaniya.
“Subukan mong magpakasal sa iba, Marikit…” paos nitong bulong. “at susunugin ko ang buong mundo para pigilan ka.”