Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Finding Daddy

Finding Daddy

Nicolet Mae Talessdo, mabait, matlino at magandang bata. Sa napakamura nitong edad ay nakitaan na ito ng mga talent na higit para sa kanyang gulang. Ngunit sa kabila ng mga bagay na kanyang nakukuha at ibinibigay sa kanya ni Maeve, ang kanyang mommy, nanatiling kulang. Lumalaki si Nami na may pagtataka kung sino ang kanyang tunay na ama ngunit hindi iyon magawang sagutin ng kanyang ina. Gusto niya magkaroon ng ama tulad ng mga bata kung kaya nang sandaling makauwi sila ng kanyang Mommy Maeve sa Pilipinas ay agad niyang sinimulan ang paghahanap sa kanyang tunay na ama. Nang sandaling makita niya si Nicholas Sandoval, ang boss ng kanyang mommy, tinawag niya itong ‘Daddy’. Ano ang kaugnayan ni Nicholas kay Nami? Siya na ba ang tunay na ama ni Nami? Abangan ang mangyayari sa buhay ni Maeve at ang paghahanap ni Nami sa kanyang tunay na ama.
108.8K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 184 kali sebagai na at nang
Baca
+Pustaka
My Heartless Husband's Regret: No Longer His Obedient Wife

My Heartless Husband's Regret: No Longer His Obedient Wife

“Emerald Buenavista, kung iniisip mong maaari kang magpakasal sa ibang lalaki, nagkakamali ka. Akin ka lang, noon at magpakailanman!” **** Buong buhay ni Emerald Buenavista, hinangad niyang mamahalin siya ng asawang si Sebastian Montemayor matapos mabuntis sa anak nito at matapos ang kanilang kasal, pero doon pala nagsimula ang mas malaking dagok ng kanyang buhay, ang mas malalang pighati ng kanyang puso sa paulit-ulit na pagpapakita ng lalaki nang hindi pagkagusto sa kanya, at ang panloloko nito. Walong taon na niyang mahal ang lalaki nang hindi nito alam, at pagkatapos ng sakit na kanyang nakuha mula rito, sa wakas ay sumuko na siya. Dala ang wasak na puso, umalis siya at bumalik matapos ang limang taon. Sa pagbalik niya, hindi na siya ang dati. Isa na siyang matagumpay na babae. Akala niya ay tapos na ang lahat sa pagitan nila ng kanyang ex-husband, pero nagkakamali siya. Doon, natuklasan niyang, ito naman ngayon ang humahabol sa kanya.
93.4K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 100 kali sebagai na at nang
Baca
+Pustaka
My Lovely Wife

My Lovely Wife

"Yes! I want to be your girlfriend, Kairus Dhan Alvarez. Sinasagot na kita," sigaw ng kaibigan ko. Ouch! Nanigas ako sa kinatayuan ko ng pagpasok ko pa lang sa university kung saan ako nag-aaral, ng marinig ko ang sigaw ng isang pamilyar na boses, o should I say, ng aking best friend. Ang ganda naman ng bungad. Hindi ako makagalaw sa kinatayuan ko. Para akong natulala. Para akong binagsakan ng langit at lupa. "WOAH, CONGRATS NEW COUPLE." Nanlalabo ang paningin ko habang pinagmamasdan ang kaibigan ko at ang lalaking mahal ko. Kitang kita ko kung gaano kasaya si Kairus nang sagutin siya ni Amara. Nagyayakapan silang dalawa, at worst, they kissed each other in front of me. Mas lalong lumakas ang sigawan ng mga tao habang ako naman ay parang nabingi. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Basta alam ko lang, unti-unti nang nawawasak ang puso ko. Yumuko ako. Ramdam na ramdam ko ang physical na sakit sa puso ko. "I LOVE YOU, AMARA... SO MUCH!" D@MN! Tuluyan nang nawasak ang puso ko nang marinig ko ang katagang iyon mula sa bibig ng mahal ko na para sa kaibigan ko. Kinagat ko ang aking ibabang labi upang pigilan ang luha na gustong kumawala sa aking mga mata. Dapat handa na ako sa ganito, alam kong darating ang araw na ito, pero p*tangina, bakit parang sobrang sakit? Bakit parang hindi ko kaya? "BESH...!" Kaagad kong pinunasan ang isang butil na luha na tuluyan itong kumawala sa mata ko. Huminga ako ng malalim at saka inangat ang paningin sa kaibigan kong patakbong palapit sa akin na may malaking ngiti. Ngumiti din ako, pero pilit lang. Sinubukan kong maging masaya para hindi siya makahalata. "KAMI NA... I ALREADY SAID YES TO HIM," masaya niyang sabi bago ako niyakap.
8.6111.0K DibacaTamatDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 4.4K kali sebagai na at nang
Baca
+Pustaka
Kasalanan Ko Ba Ng Iniibig Kita

Kasalanan Ko Ba Ng Iniibig Kita

Sa dalawa taong mag kaiba ang katayuan, may pag ibig kaya mabubuo sa kanila. Paano sa umpisa palang ay sinubok na nang tadhana ang pag mamahalan nila mananatili ba ang isa o hahayaan na lang na mawala ito. samahan ninyo po ako sa kwento ni William at Belyn
1012.8K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 384 kali sebagai na at nang
Baca
+Pustaka
Mr. Saltzman Rejected Wife

Mr. Saltzman Rejected Wife

Isa sa pinakamasakit para sa isang babae ay halos ibigay mo na ang lahat sa isang lalaki, pero hindi pa pala iyon sapat. Labis-labis ang pagmamahal na ibinigay ni Diana para kay Jeremy. Wala na siyang itinira para sa sarili niya. Kahit alam niya na hindi pa rin nakaka-move on si Jeremy sa ex girlfriend nito ay hindi iyon inisip ni Diana. Kaya naman nang alukin siya ng ama ni Jeremy na magpakasal kay Jeremy ay hindi na nagdalawang-isip pa si Diana. Pumayag siya agad. Akala niya ay makakalimot din si Jeremy, na mahahalin din siya nito katulad ng pagmamahal nito sa ex girlfriend. Pero iyon ang malaking pagkakamali na nagawa ni Diana. Two years being Mrs. Saltzman, pero ni isang beses ay hindi niya naramdaman na naging asawa si Jeremy sa kanya. Mas lalo pang sinampal ng katotohanan si Diana nang biglang bumalik ang ex girlfriend ni Jeremy at mag-file ito ng divorce pagkatapos niyang malaman na buntis siya.
9.420.3K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 488 kali sebagai na at nang
Baca
+Pustaka
Dela Vega's Surrogate Wife

Dela Vega's Surrogate Wife

Ang simpleng buhay ni Lyvette Andrea Castillo ay naging masalimuot nang madukot ng isang baliw na direktor. Dahil sa matinding takot at banta sa kanyang buhay, napilitan siyang ibigay ang sarili sa isang kapwa bihag na nagngangalang Sandro Dela Vega. Mabuti na lamang at nakaligtas silang dalawa. Makalipas ang isang buwan, nabuntis si Lyv. Mula sa kanyang kapatid, napag-alaman niyang interesado ang mga Dela Vega na panagutan ang ipinagbubuntis niya. Nais ng dalawang pamilya na sila'y maikasal. Kaya lang, pareho silang mayroon nang minamahal. Dahil dito, nabuo ang isang kasunduan sa pagitan nila, ipawawalang-bisa nila ang kanilang kasal pagkatapos manganak ni Lyv. Ayos na sana ang lahat, kung hindi lamang nag-iba ang plano ng tadhana. Magagawa ba nilang panindigan ang kanilang kasunduan? O hahayaan ang kanilang mga sariling magpatangay sa kanilang nararamdaman?
1044.0K DibacaTamatDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 1.2K kali sebagai na at nang
Baca
+Pustaka
Prae High

Prae High

MarkusJuan
Taong 2000, isang pandemya ang sumakop sa buong mundo na naging sanhi ng malaking pag baba ng populasyon. Lahat ng may buhay ay naapektuhan. Lahat ng natamaan ng virus ay nawawala sa sarili, kinakain ang sariling laman pati na rin ang sa kapwa nila, na sa kalaunan ay mapaparalisa hanggang sa maagnas ang natitirang parte ng katawan nito. Ang pandemyang umabot ng dalawang dekada ay kusang naglaho gaya ng mga naagnas na mga bangkay. Pero naging daan din ito para umusbong ang panibagong kababalaghan at misteryong dala ng virus na ito. Si Migi Baldemor na simpleng estudyante ay mababago ang buhay mula nang masaksihan niya ang karumaldumal na pagkawala ng mga kaibigan niya. Kasabay nang pagkawala ng kanyang ina ay siya rin paghahanap nito ng hustisya. Makikila niya ang lalaking tutulong at magdadala sa kanya sa Prae High. Sari-saring emosyon ang mararamdaman niya habang nakikipagsapalaran at nakikipaglaban na nakataya ang kanilang buhay. Hanggang saan sila dadalhin ng problema? Sino ang kakampi at sino ang tunay na kalaban?
102.8K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 87 kali sebagai na at nang
Baca
+Pustaka
CARAMEL MORGAN: THE GAY'S BADASS BODYGUARD

CARAMEL MORGAN: THE GAY'S BADASS BODYGUARD

**MATURE CONTENT** When a Gay Meets His Match: A Badass Lady Bodyguard with a pretty cheeky brain. Si Fourth Misuaris ay isang mayamang A-list actor—rebellious, palaban, at sanay sa buhay na siya ang nasusunod. Ngunit magbabago ang lahat nang dumating si Caramel Morgan, isang dating secret agent na ini-hire ng daddy niya na maging bodyguard at office secretary niya. Hindi alam ni Fourth, matagal na silang may koneksyon. Limang taon na ang nakalipas mula nang maganap ang isang gabi ng pagkakamali sa pagitan nila. Isang gabi na nagbunga ng isang lihim na anak. Habang pilit tinatago ni Caramel ang nakaraan, hindi niya maitanggi ang muling pag-usbong ng damdamin sa pagitan nila. Ngunit kasabay ng paglapit ng mga puso nila ay ang lalong paglala ng mga komplikasyon: arranged marriage, mga lihim, at mga planong hindi natuloy. Pagkalipas ng ilang taon ng pagkakahiwalay at sakit, muling bumalik si Fourth, handang ipaglaban ang kanyang pamilya. Ngunit puno pa rin ng sugat ang kanilang nakaraan. Isang dramatic rescue, isang gabi ng katotohanan, at isang muling pagkakataon ang magtutulak sa kanila sa desisyong piliin ang isa’t isa hindi dahil kailangan, kundi dahil mahal nila ang isa’t isa nang totoo. Isang kwento ng pagmamahalan, pamilya, at tapang kung saan ang tunay na pag-ibig ang magtatapos sa lahat ng sakit.
107.8K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 203 kali sebagai na at nang
Baca
+Pustaka
Contracted To The Mafia : A Plus-Size Bride (Tagalog)

Contracted To The Mafia : A Plus-Size Bride (Tagalog)

WARNING! ⛔️⛔️ : 18+ ONLY "Hindi ba ito ang unang gabi natin bilang mag-asawa? Handa akong ialay ang katawan ko sa iyo, Ginoong Alexandro," sabi ni Lucia habang nakasuot ng isang seksi at mapang-akit na lingerie. Tahimik lamang na pinagmasdan ni Alexandro si Lucia mula ulo hanggang paa. Yumuko si Lucia, dahil hindi rin siya sigurado kung gugustuhin ng lalaki na hawakan ang mataba niyang katawan. Lumapit si Alexandro nang lumapit hanggang sa itinulak niya si Lucia, dahilan upang mapaupo ito sa sahig habang nakatingala sa kanyang asawa. "Mahilig ka ba sa BDSM?" tanong ni Alexandro. Napalunok nang mariin si Lucia. Ito na ang simula ng kanyang bangungot. Hindi kailanman naranasan ni Lucia ang mabuhay bilang isang anak na minamahal. Mula nang pumanaw ang kanyang mga magulang, lumaki siya sa bahay ng kanyang tiyuhin at itinuring na parang isang pabigat. Mataba si Lucia, tahimik, at palaging ikinukumpara sa kanyang magandang pinsan. Natutunan niyang tanggapin ang mga pang-iinsulto bilang bahagi ng kanyang buhay. Hanggang sa isang araw, dahil sa lihim na pagkakautang ng kanyang tiyuhin, napilitang mapasok si Lucia sa isang kontratang kasal kay Alexandro De Luca, isang makapangyarihang lalaking malamig, malupit, at hindi madaling lapitan. Ang kasalang walang pag-ibig na iyon ang naging dahilan upang siya'y pagtawanan sa malupit na mundo ng mga elitista, maging sa sarili niyang tahanan. Itinuring siyang isang kahihiyan at isang asawang hindi karapat-dapat na tumayo sa tabi ng isang Alexandro De Luca.
96 DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 2 kali sebagai na at nang
Baca
+Pustaka
Ako’y Ibigin Mo, Babaeng Matapang

Ako’y Ibigin Mo, Babaeng Matapang

Si Alexandria Saavedra— Maangas. Basagulera. Walang trabaho. May bisyo. Matigas pa sa adobe ang puso. Higit sa lahat, galit sa mundo. Lalo na sa sariling amang ginamit lamang siya para sa pansariling pangangailangan... Hanggang ang magulo niyang mundo ay binulabog ni Heiz Mikael. Isang binatang basta na lamang sumusulpot sa t'wing nasa panganib ang kanyang buhay. Sa pagdating ni Heinz sa kanyang buhay, 'di inaasahan ni Alexandria na pati na ang nananahimik niyang puso ay ginulo ng binatang ito. . . Sa unang pagkakataon, ang pusong niyang kasintigas ng adobe ay napalambot nito. Subalit isang araw, gumuho ang kanyang mundo nang matuklasan niya ang totoong dahilan nang biglang pagsulpot nito sa kaniyang buhay...
1026.7K DibacaTamatDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 774 kali sebagai na at nang
Baca
+Pustaka
Sebelumnya
1
...
4344454647
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status