Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Married To A Billionaire Beast

Married To A Billionaire Beast

“What did you do to me?!” Galit na galit ang boses ng lalake, mababa at matalim. Nag-panic si Katrice. Hindi niya alam ang nangyayari. Hawak pa rin ang kanyang leeg, napailing siya at pilit nagsalita, “A-Ako, wa-wala po akong ginawa... H-hindi ko alam…” Bigla siyang binitiwan. Pero hindi pa siya nakakahinga nang maayos, naramdaman na lang niyang hinawakan siya sa bewang at idinikit sa katawan ng lalake. Mainit ang balat nito, parang may lagnat, at sobrang lapit nila sa isa’t isa. Nang magsalita ang lalake, halos dumikit sa balat niya ang mainit na hininga, “Binibigyan kita ng pagkakataon. Itulak mo ako. Lumabas ka dito.” Napamulagat si Katrice. Pinalalabas niya ako? Hindi ba siya kuntento? Iniisip ba niyang hindi ako interesado? Pero hindi siya puwedeng umalis. Hindi para sa sarili niya—kundi para sa kapatid niya. Wala na siyang karapatang mag-inarte pa. Nandito na siya. Wala nang atrasan. “Hindi ako lalabas. Tonight… I’m yours,” mahinang bulong niya.
Romance
8.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Dangerous Love

Dangerous Love

KhioneNyx
Napapalibutan ng tungkol sa politika si Marina Hidalgo, isang vice mayor ang kanyang ina at isa namang attorney sa public attorney’s office ang ama niya. Galing siya sa pamilyang matagal nang nagseserbisyo sa gobyerno, ngunit iba ang tumatakbo sa kanyang isipan at plano niya sa kanyang buhay. Siya lang ang sumalungkot sa generation ng pamilya nila nang kumuha siyang kursong journalism dahil gusto lang niya ng tahimik na buhay, hindi rin niya gaanong pinangangalandakan sa buong unibersidad niya na galing siya sa pamilya ng mga Hidalgo. Marami siyang iniiwasan at isa na roon ang pamilya Sanchez, ang namamayagpag ngayon sa municipality nila lalo na’t Sanchez ang nakaupo na mayor sa lugar nila at isang dahilan na kaaway na pamilya sa politika ng mga Hidalgo ang Sanchez. Pero kung anong iniiwasan niya iyon naman ang lumalapit sa kanya, nang makilala niya sa isang press conference si Filan Sanchez, ang pangalawang anak ng mga Sanchez, bilang journalism student siya ang naatasang mag-interviewed nito para sa kanilang school newspaper. It all started in the interview, press conference at ang mga tanong na kailangan niyang ibato sa batang Sanchez, akala niya roon lang matatapos ang lahat, but nag-uumpisa pa lamang ang lahat.
Romance
104.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Illicit Affair With My Billionaire Cousin

Illicit Affair With My Billionaire Cousin

Kaya mo bang iwan ang taong mahal mo para sa ikabubuti niya? Matagal nang lihim na minamahal ni Jenna Levanier ang kaklase niyang si Yves Roize—ang lalaking laging nagaalaga at nagtatanggol sa kanya mula pagkabata. Hindi alam ni Jenna, matagal na rin pala siyang tinitibok ng puso nito. At nang sa wakas ay umamin sila sa isa’t isa, parang handa na ang mundo para sa kanilang unang pag-ibig. Hanggang dumating ang tawag na nagpabago ng lahat. Napilitang lumayo si Yves nang walang paliwanag. Iniwasan niya si Jenna, iniwan ang pangako, at iniwang nakabitin ang isang pag-ibig na kakasimula pa lamang. Sa sakit ng biglaang paglayo, napuno ng pagdududa si Jenna—totoo ba ang sinabi niya? O sinubukan lang siyang mahalin saglit? Pagkalipas ng mga taon, muling nagkita sila sa hindi inaasahang pagkakataon—sa reunion ng Altrius Academy. Doon niya muling nasulyapan ang binatang minahal niya noon… ngunit sa pagkakataong ito, hawak-hawak na ni Yves ang isang lihim na magbubura sa lahat ng akala niya. At habang sinusubukan niyang manatiling tama at matatag, hindi niya maiiwasang ipaglaban ang damdaming inilibing niya noon—damdaming bawal na, mapanganib, at imposibleng ipaglaban: ang Illicit Affair sa kaniyang bilyonaryong pinsan.
Romance
10330 viewsOngoing
Read
Add to library
Unwanted Wife Revenge

Unwanted Wife Revenge

Hindi naniniwala sa pag-ibig si Armani Sevilla. Naging matigas na ang puso nito matapos iwanan ng ina nito ang kanyang ama noong bata pa siya. But he needed a wife to claim the inheritance his father left him. Georgia Alcazar needed to take revenge on cheating her ex-husband. Kaya naman nang magtagpo ang landas nila ni Armani at alukin siya nito ng kasal, kapalit nang pagtulong nito na maghiganti sa dati niyang asawa ay tinanggap niya ito.
Romance
1.3K viewsOngoing
Read
Add to library
LIBRA SERIES 1: The Arrogant Actor is a Billionaire

LIBRA SERIES 1: The Arrogant Actor is a Billionaire

Nuebetres
Si Aula Maglaya ay isang ordinaryong babae na masayahin, matapang, prangka, masipag at matalino ngunit kulang sa common sense. Si Hanz Nicolo Bernales ay isang sikat na artista, mayaman, arogante, simpleng babaero, tinitingala at tinitilihan ngunit may isang babae ang ilag sa kanyang kasikatan at kailanman hindi siya tinilian. Nang magtagpo ang mga landas ng dalawa sa isang aksidente hindi na nagkaroon ng katahimikan si Nicolo. Si Aula na yata ang pinakiinisan nitong babae dahil wala itong finesse kung magsalita, putak ng putak! Ngunit natatakpan naman iyon ng angking kagandahan ng dalaga na kahinaan ni Nicolo. At nang madawit ang pangalan ni Nicolo sa isang "Blind Item" na kasama si Aula ay mas lalo pang gumulo ang buhay nito. Paano kung nagka-totoo ang tsismis sa dalawa? Gugustuhin kaya ni Aula na mapabilang sa magulong industriya na kinabibilangan ni Nicolo?
Romance
102.7K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Nanny Contract

The Billionaire's Nanny Contract

Title: The Billionaire’s Nanny Contract Blurb: Mahirap ang buhay ni Ariana Natividad—isang simpleng saleslady na biglang natanggal sa trabaho matapos mapagbintangan sa isang bagay na hindi niya ginawa. Sa desperasyon niyang makahanap ng bagong hanapbuhay, isang kaibigan ang nag-alok sa kanya ng kakaibang trabaho: maging yaya ng isang batang hindi mapigil sa kakulitan—Emanuel Luca Madrigal, ang anak ng mayamang negosyante na si Zephyr Madrigal. Wala nang nagtatagal na yaya sa bata, at ang asawa ni Zephyr, si Noime, ay nasa hangganan na ng kanyang pasensya. Dahil aalis siya patungong ibang bansa para sa trabaho, kailangan nilang kumuha ng yaya na hindi lang magaling mag-alaga kundi… pangit. Oo, pangit—para hindi ito type-in ni Zephyr! Desidido si Ariana na kunin ang trabaho, lalo na nang marinig ang alok—sampung milyong piso bilang reward kung matatapos niya ang isang taong kontrata. Mukhang madali lang, ‘di ba? Pero paano kung ang tinaguriang “playboy billionaire” na si Zephyr ay hindi lang mahirap pagsilbihan kundi tila may ibang plano rin sa kanya? At paano kung ang yaya na dapat ay "pangit" ay unti-unting nagugustuhan ng boss na hindi dapat ma-in love sa kanya? Sa isang bahay na puno ng kalokohan, asaran, at hindi maiiwasang tensyon, kaya bang tiisin ni Ariana ang isang taon nang hindi mahulog sa patibong ng The Billionaire’s Nanny Contract? A romantic comedy na siguradong magpapatili at magpapatawa sa iyo!
Romance
1016.4K viewsCompleted
Read
Add to library
NINONG KONSI (SPG)

NINONG KONSI (SPG)

Anim na taon ang nakalipas, muling nakaluwas sa Manila si Apple Gallardo upang makatulong sa kanilang business. Nang gabing din iyon ay niyaya siya ng matalik niyang kaibigan na pumunta sa bar para sa kanyang welcome back party. Kasagsagan na ng init at kasiyahan bumaba si Apple, may nakabagga si Apple, isang lalaking matipuno na siyang natipuhan niya agad. Zamuel Zimmerman, isang konsehal sa Kyusi. Ang pamilya niya rin ang may hawak na Internet provider sa buong Pilipinas. Ang lalaking nabunggo ni Apple ng gabing iyon. Nang dahil sa alak ay uminit ang katawan ni Apple nang makita ang binata, hinalikan niya ito na siyang may nangyari sa kanila ng gabing iyon. Nang magising si Apple kinabukasan, nauna siyang umalis at hindi pinagsabi ang tungkol sa nangyaring one night stand sa kanya at ng lalaki. Sa hindi inaasahan, nakita muli ni Apple ang lalaking naka—one night stand niya. Nagpakilala ito at nalaman niyang barkada ito ng kanyang kuya at isa rin siyang konsehal, lalo naʼt Ninong pala niya ang lalaki. Sa pagkagulat niya ay gusto na sana niyang umalis pero nakita na lamang niya ang kanyang sariling umuungol muli habang sinasamba siya. Kaya inalok niya itong itago ang kanilang relasyon, kahit naguguluhan si Zamuel ay pumayag siya sa gusto ni Apple. Lumipas ang buwan, naging masaya ang tagong relasyon nilang dalawa. Balak na sana sabihin ni Apple ang tungkol sa kanila ni Zamuel, pero biglang dumating ang problema sa pagitan nila. Si Tanya — ang babaeng nakalaan na ipakasal kay Zamuel. Sa pagdating ng babae ay magbabago ang pakikitungo ni Zamuel sa kanya, lalo naʼt nalaman niyang ikakasal na sila. Ilalaban kaya ni Apple ang pagmamahal niya sa binata kung mismo ng lalaki na ang pumutol sa pagitan nila? Lalaban pa ba si Apple para sa salitang pag-ibig?
Romance
715.9K viewsOngoing
Read
Add to library
We'll Be Counting Stars ( The Billionaire Series 3 )

We'll Be Counting Stars ( The Billionaire Series 3 )

Juvy Pem
Walang kaawa-awang pinalayas ng kanyang step-mother si Luna, dahil hindi na sila mapapakinabangan nito. Ang ama niya ay nakaratay sa hospital dahil sa sakit na cancer. Kaya dahil dito biglang lumubog ang negosyo nila at nagkabaon-baon sila sa utang. Lumaki si Luna Marie sa magarbo at maluhong buhay, kaya hindi siya sanay sa biglang pagkalugmok ng kanyang buhay. Ang dating buhay prinsesa ngayon ay nasa lansangan na at hindi alam kung saan hihingi nang tulong.   Si Adrian De Vera ay minsan ng nakaranas ng pang-aalipusta mula mismo kay Luna at sa harapan pa ng mga kaibigan nito. Paano kung ang babaeng minsan nang nagpahiya sa kanya ay matagpuan niya sa lansangan at walang mapuntahan. Makakaya niya kayang pabayaan? O, 'di kaya'y kanyang tutulungan.    Si Luna ay walang kaalam-alam sa totoong pagkatao ni Adrian. Hihingi man siya ng tawad sa lalaki ngunit huli na ang lahat. Dahil ang lalaking minsan niyang pinagtawanan at kinutya ay malayo pala sa kanyang inakala ang katayuan nito sa buhay.  Paano paglapitin nang tadhana ang dalawang nilalang na may madilim na nakaraan. Huli na ba ang lahat para sa dalawa? At paano magbago ang isang katulad ni Luna na lumaki sa masaganang pamilya? Abangan ang kwento ni Adrian at Luna Marie. 
Romance
103.1K viewsOngoing
Read
Add to library
The Divorced Wife Is Back

The Divorced Wife Is Back

Author Eli
Abot tainga ang ngiti ni Elisa habang naglalakad papunta sa opisina ng kanyang asawa. Pinaglalaruan niya sa isip at ini-imagine ang mga eksena kung paano maaaring mag-react ang asawa niya sa balita tungkol sa kanilang magiging anak. Buntis siya, dalawang buwan na. Habang papalapit siya sa opisina, napansin niyang bahagyang nakabukas ang pinto, sapat na para makita at marinig ang usapan sa loob. “Tama na, Azrael, ang kulit mo talaga!” malakas na hagikgik ng isang babae. "Nakikiliti ako!" Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Elisa, at pakiramdam niya ay dumaloy nang mabilis ang dugo sa buong katawan niya. Hindi siya sigurado sa narinig, kaya napagpasyahan niyang sumilip—ingat na ingat na hindi makita o marinig. Dahan-dahan siyang yumuko at nakita niya si Azrael, ang kanyang asawa, nakayakap sa baywang ng babae at mapusok na hinahalikan ang leeg ng babae. Nanlaki ang mga mata ni Elisa sa nakita, lalo pa nang sakupin ni Azrael ang mga labi ng babae. Parang sinasaksak nang dahan-dahan ang puso niya, hindi niya alam ang gagawin. Hindi niya rin namalayan na tumutulo na pala ang mga luha niya. "A-Azrael..." nanginginig niyang bulalas, dahilan kung bakit napatingin sa kanya ang asawa.
Romance
10600 viewsOngoing
Read
Add to library
Nabaliw Ako Dahil sa Kasinungalingang Brain-dead Ang Anak Ko

Nabaliw Ako Dahil sa Kasinungalingang Brain-dead Ang Anak Ko

Pagkatapos ideklara ng doktor na brain dead ang anak kong si Mia Powell, kinumbinsi ako ng asawa kong si Liam Powelle na pirmahan ang organ donation consent form. Kasalukuyan ako noong nalulunod sa pagdadalamhati at malapit na ring mawala ang katinuan sa aking isipan. Dito ko aksidenteng nadiskubre na ang doktor ng aking anak na si Blair Lincoln ay ang dating kasintahan ng aking asawa. Nagsinungaling sila sa pagiging brain dead ni Mia para pirmahan ko ang form at makuha ang puso nito na kanilang gagamitin para mailigtas ang anak ni Blair na si Sophia. Pinanood ko ang pagsundo ni Liam kay Sophia sa ospital. Nakangiting umalis ang mga ito para bang isa silang perpekto at masayang pamilya. Nang kumprontahin ko ang mga ito, agad nila akong itinulak para mahulog mula sa isang building na siyang ikinamatay ko. Nang mabigyan ako ng ikalawang pagkakataon, bumalik ako sa araw kung kailan ko dapat pirmahan ang organ donation form. Tahimik akong nangako habang tinititigan ko ang nakahigang si Mia kaniyang hospital bed. Buhay ang sisingilin ko sa lalaking iyon at sa ex nito nang dahil sa ginawa nila kay Mia.
Short Story · Rebirth
761 viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status