Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Love Between The Words

Love Between The Words

Si Thalia Hernandez ay isinilang sa mundo na kailanman ay hindi nasilayan ang liwanag, sa kabila ng kanyang kapansanan ay nanatili pa rin siyang matatag. Hindi naging hadlang ang kapansanan ng dalaga bagkus naging inspirasyon pa niya ito upang maipakita ang natatangi niyang talento. Isa sa talento niya ay lumikha ng tula kaya normal na sa dalaga ang pagiging makata. Siya ang isang malaking sikreto ng pamilyang Hernandez. Dahil isang pulitiko ang kanyang ama ay itinago siya sa lahat upang maprotektahan. Kaya inakala ng lahat na nag-iisa lang ang anak ni Cong. Hernandez, at iyon ay si Ashley Hernandez. Sa hindi inaasahang pangyayari ay namatay ang kanilang mga magulang mula sa isang car accident ngunit hindi lingid sa kaalaman ng magkapatid na bago mamatay ang mga magulang ay nakipagkasundo ito sa pamilyang Welsh sa isang marriage agreement. Isang lalaki na tinatamasa ang lahat ng karangyaan ngunit ang ugali ay kakaiba sa lahat, inilalayo ang sarili para sa lahat upang makaiwas sa mga taong mapanlinlang higit sa lahat ay sa mga babaeng tanging yaman lang ang habol sa kanya. Siya si Alistair Welsh ang nag-iisang tagapagmana sa kanilang pamilya at kasalukuyang CEO ng isang dambuhalang kumpanya sa bansa. Natakot si Ashley ng malaman niya na ikakasal siya sa isang binatang baldado na may masamang ugali kaya nagawa niyang lokohin ang sariling kapatid. Sapilitang naikasal si Thalia kay Alistair ngunit labis siyang nasaktan ng matuklasan na siya ay panakip-butas lamang upang mapag takpan ang relasyon ng magpinsan. Paano kung malaman ni Thalia na ang lalaking ikinasal sa kanya at ang Nobyo na nang-iwan sa kan’ya noong kasalukuyang siya ay bulag ay iisa pala? Mangibabaw pa rin kaya ang pag-ibig sa puso ni Thalia o patuloy itong kamumuhian dahil wala na itong ginawa kundi ang saktan siya sa simula pa lang?
Romance
106.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Tres Marias: Ada

Tres Marias: Ada

Hindi naging hadlang ang yaman at pribilehiyo upang tuparin ni Atty. Ada Esquivel--- isang matapang at ma-prinsipyong babae--- ang kanyang misyon sa buhay. Bagaman lumaki siyang laki sa yaman at karangyaan, pinili niyang i-alay ang kanyang buhay upang tulungan ang mga mas higit na nangangailangan. Ang kanyang pangalan ay isang malaking tinik sa lalamunan ng mga mayayamang mapang-abuso, sapagkat kilala siya sa pagpanalo ng ng mga kasong isinasampa laban sa ilan sa kanila. Sa kauna-unahang pagkakataon ay natalo siya sa isang kaso. Kasunod nito ay ang kalunos-lunos na pagkamatay ng kanyang dating Propesor. Dahil dito ay mapapadpad siya sa isang malayo at maliit ngunit tahimik na bayan ng Bagong Silang. Sa patuloy na pakikibaka para sa karapatan ng mga taong naninirahan dito, unti-unti ring mabibigyan ng linaw ang sinapit ng kanyang propesor, maging ang misteryo sa likod ng kauna-unahang kasong hindi niya naipanalo ay mabubunyag din. Lingid sa kaalaman ni Ada ang bawat sikretong matutuklasan niya ay magiging mitsa ng kanyang buhay. Makakaligtas kaya siya sa tiyak na kapahamakang nakaabang sa kanya? Posible kayang makatagpo siya ng pag-ibig sa gitna ng digmaan? How much will it take to win against the fight outside the courtroom?
Mystery/Thriller
1.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Dangerous Love

Dangerous Love

KhioneNyx
Napapalibutan ng tungkol sa politika si Marina Hidalgo, isang vice mayor ang kanyang ina at isa namang attorney sa public attorney’s office ang ama niya. Galing siya sa pamilyang matagal nang nagseserbisyo sa gobyerno, ngunit iba ang tumatakbo sa kanyang isipan at plano niya sa kanyang buhay. Siya lang ang sumalungkot sa generation ng pamilya nila nang kumuha siyang kursong journalism dahil gusto lang niya ng tahimik na buhay, hindi rin niya gaanong pinangangalandakan sa buong unibersidad niya na galing siya sa pamilya ng mga Hidalgo. Marami siyang iniiwasan at isa na roon ang pamilya Sanchez, ang namamayagpag ngayon sa municipality nila lalo na’t Sanchez ang nakaupo na mayor sa lugar nila at isang dahilan na kaaway na pamilya sa politika ng mga Hidalgo ang Sanchez. Pero kung anong iniiwasan niya iyon naman ang lumalapit sa kanya, nang makilala niya sa isang press conference si Filan Sanchez, ang pangalawang anak ng mga Sanchez, bilang journalism student siya ang naatasang mag-interviewed nito para sa kanilang school newspaper. It all started in the interview, press conference at ang mga tanong na kailangan niyang ibato sa batang Sanchez, akala niya roon lang matatapos ang lahat, but nag-uumpisa pa lamang ang lahat.
Romance
104.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Mamamatay Na Ako... Bukas!

Mamamatay Na Ako... Bukas!

Maja Rocha
Pito kami sa barkada: sina Laila, Janine, Eve, Alden, Dan, Jomari at ako —si Bianca. Sa maniwala kayo’t sa hindi, apat na ang nalagas sa amin matapos magpunta ng iba sa isang bulung-bulungang manghuhula sa University. Hindi nito hinuhulaan ang love life mo, o kung ano ang magiging career mo in the future, kundi ang petsa ng kamatayan mo at kung paano ka mamamatay. Sundan ang kuwento ni Bianca. Makatakas kaya siya sa kamatayan niya, o magaya rin kaya siya sa mga barkada niya? “BUKAS” na... Nakahanda ka na ba?
Paranormal
7.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Minsan, Madalas (Life Series 1)

Minsan, Madalas (Life Series 1)

Ito ay kuwento ng isang binata at dalaga na bigla na lamang nagkakilala sa hindi inaasahang panghuhula. Si Jaq, isang simpleng I.T student na pilit tinatago sa mga taong malapit sa kaniya ang mga hiwa na siya mismo ang may gawa sa ilalim ng kaniyang paboritong bomber jacket. Si Sining, isang business major at dean's lister sa parehong unibersidad; ang makulit na dalagang gustong pumasok sa magulo at miserableng buhay ng binata. Sa likod ng masigla at makulit na si Sining, ano nga ba ang kaniyang motibo upang ipagsiksikan ang kaniyang sarili sa magulong buhay ni Jaq?
Romance
10225 viewsCompleted
Read
Add to library
ALEXANDER ZAAVEDRA, Brutal at Walang Kinatatakutan

ALEXANDER ZAAVEDRA, Brutal at Walang Kinatatakutan

Ang kapangahasan ni Rose ang nagdala sa kanya sa isang malaking panganib. Kung saan sa malayong probinsiya at liblib na bayan sa Cotabato siya ay napadpad. Habang nasa biyahe ay hinarang ang kanyang sinasakyang bus ng mga masasamang loob. Binitbit siya ng mga armadong lalaki na may nakakatakot na mga pagmumukha. Animo mga buwitreng gutom na nakakita ng karneng pag-aagawan sa katauhan niya. Nanganganib siyang malapastanganan. Subalit sa kabila ng takot ay hindi pinanghinaan ng loob si Rose. Dinala sya ng grupo sa kuta ng mga ito at ginawang bihag. Sa puntong iyon alam niyang nasa panganib ang kanyang buhay lalo na at natipuhan siya ni Horan ang mabagsik na pinuno ng mga bandidong dumukot sa kanya. Napasakamay siya sa pangangalaga ni Dimitri. Ang lalaking may mala-leon na lisik ng mata. Ngunit Imbis na mas lalong mangamba sa kaligtasan ay natagpuan niya ang sariling nais na mahulog sa mga bisig ng lalaking tulisan.
Romance
1010.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Rejected Wife of A Heartless CEO

Rejected Wife of A Heartless CEO

Sabi nila, isa raw sa magagandang araw sa buhay ng isang babae ay ang maikasal sa lalakeng mahal niya. Pero hindi ako. Dahil iniwan ako ng lalakeng nangako sa akin na sasamahan ako habang buhay sa mismong seremonya ng aming kasal. Iniwan niya akong nag-iisa sa altar at mas pinili ang nakababata kong kapatid. Hindi lahat ng kasal ay masaya. Isinumpa ko ang araw  na iyon at nangako sa sariling maghihiganti. Pero paano pa ako makapaghihiganti kung namatay ako mismo sa araw na iyon?
Romance
8.534.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Here Comes the CEO’s Wife

Here Comes the CEO’s Wife

Ang huling tanda ni Alina, kulang na lang ay maglagay siya ng sign na “fresh grad for hire” sa kanyang noo dahil sa hirap makahanap ng trabaho. Kaya laking gulat niya nang magising siya sa langit—este sa ospital pa lang naman. Sumalubong ang mukha ng isang batang lalaki na ‘mommy’ ang itinawag sa kanya! Aangal pa ba siya kung sunod na pumasok sa eksena ang super hot nitong daddy? At parang hindi pa sapat ang pagkawindang, pagtingin sa kalendaryo’y mistulang bumaliktad ang mundo niya. Paano’y limang taon na ang lumipas mula sa huling tanda niya! Parang may nag-fast forward sa kanyang buhay at ngayon, wala siyang choice kung hindi humabol!
Romance
105.7K viewsOngoing
Read
Add to library
MALAYA (A Tagalog Story)

MALAYA (A Tagalog Story)

Malaya will never live up to her name. Hindi siya kailanman naging malaya at hindi magiging. Namumuhay siyang tila daga na nagtatago sa malulupit na mga pusa. Sa kagustuhang matakasan ang kinalakhang buhay at mahanap ang kalayaan, napadpad si Malaya sa isang malayong probinsya. Sa kanyang pagtakas, nasumpumgan niya si Thorin Fuentebella— ang binatang kumupkop sa kaniya. Sa pagtira niya sa mansyon nito, napalapit at minahal niya ang lalaki— na walang kaalam-alam sa tunay niyang pagkatao. Subalit nang dumating ang pagkakataon na kinailangan niyang aminin ang lahat—ang tunay niyang pagkatao at dahilan ng kanyang pagtakas ay hindi niya inaasahang ang binata pa pala ang magtutulak sa kanyang balikan ang nakaraan na ayaw na niyang maranasan...
Romance
1058.7K viewsCompleted
Read
Add to library
HELP ME: West Severino

HELP ME: West Severino

Malinaw na nakikita ni Rosie Frey Israel ang magiging kinabukasan niya sa kanyang boyfriend na si Rico. Tanging alok na kasal na lamang ang hinihintay niya mula rito. Ngunit hindi niya inasahang sa pagpunta niya sa night club ay malalaman niyang pinagtataksilan pala siya nito. Sa gabing iyon, hinayaan niya ang sariling uminom at kalimutan ang pagiging guro ngunit mas hindi niya inasahan na sa muling paggising niya sa umaga ay ibang lalaki na ang nasa tabi niya. Hindi niya napaghandaan na isang West Severino pala ang magpapabago sa takbo ng kanyang buhay. Kakayanin niya kayang tumaliwas sa tukso o mas pipiliin niyang sumabay sa agos at magpalunod?
Romance
1020.5K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status