Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The BILLIONAIRE'S Cupid: My Baby is a Mind Reader

The BILLIONAIRE'S Cupid: My Baby is a Mind Reader

"Kailangan ko ng may mataas na Yang energy para hindi ako pasabugin ng kapangyarihan ko, pero teka! Bakit ang pinakamakapangyarihang billionaire ang nabiktima ko?!" Si Celestia ay ang huling Alchemist ng mga White Witches. Sa modernong mundo, nabubuhay siya sa paggawa ng mga mahiwagang pildoras at gamot. Subalit dahil sa isang matinding sumpa, nag-overheat ang kaniyang mahika na mayroong yin. Ang tanging lunas? Ang kumuha ng Pure Yang Energy sa isang lalaki. Pumasok siya sa isang VIP hotel suite at doon naganap ang one-night stand nila. Ang hindi niya alam, ang lalaking kaniyang ninakawan ng enerhiya at iniwanan lang ng limang daang piso bilang 'tip' ay walang iba kundi si Alexander Vance—ang malupit at kinatatakutang billionaire CEO ng bansa. Limang taon ang lumipas. Pumasok si Celestia bilang isang simpleng empleyado sa kumpanya ni Alexander para itago ang kaniyang pagkatao. Ngunit ang kaniyang limang taong gulang na anak na si Basti—ang bunga ng gabing iyon—ay may ibang plano. Dahil sa halo ng mahiwagang dugo ng isang alchemist at ng Pure Yang ng isang billionaire, ipinanganak si Basti na may kakayahang makabasa ng isip ng tao. Sa unang araw pa lang ng trabaho ng dapat na trabaho niya, tumakbo na ang makulit na bata, niyakap ang binti ng supladong CEO, at sumigaw sa harap ng lahat: "Daddy! Sa wakas, nahanap ka na namin ni Mommy! Sabi ko sa'yo, huwag mo na kaming tataguan, eh!" Nakataas ang mga kilay at naguguluhan si Alexander sa batang kamukhang-kamukha niya, lihim namang bumubulong si Basti sa isip ng kaniyang nanay: 'Mommy, relax ka lang. Nabasa ko ang isip ni Rich Daddy. Type ka niya! Ako na ang bahala sa love life niyo!' Paano kaya niya matatakasan ang mapanuring tingin ng isang billionaire kung ang asungot niyang anak ang gumagawa ng paraan para sila ay paglapitin.
1028 viewsOngoingIdinagdag sa Library 1 Beses bilang nanay tatay
Read
+Library
Adored By My Evil Billionaire Boss

Adored By My Evil Billionaire Boss

Isang gabing puno nang pagkakamali at walang pag-iingat ang bumago sa buhay ni Hermoine. Matapos siyang pagtaksilan nang kanyang pinakamamahal na kasintahan at ipahiya sa isang salu-salo ay nilunod niya ang kanyang pagdadalamhati sa pag-inom ng alak. Nagbabakasali na kahit manlang dito ay maibsan ang sakit na kanyang nararamdaman. Ngunit nang magising siya kinabukasan ay katabi na niya ang isang estrangherong ubod ng gwapo na hindi man lang niya alam ang pangalan. Ang akala niya ay pagkakamali lamang iyon na dapat kalimutan. Kaya ibinaon niya ito sa limot at nagpasyang magpokus na lamang sa pagtatatag ng kanyang buhay at sarili. Ngunit nagbago ang lahat ng kanyang plano nang makita niya ang dalawang pulang linya sa hawak niyang pregnancy test. Buntis siya at hindi niya kilala ang ama nang kanyang dinadala. Nagbunga ang isang beses na gabing pagkakamali sa buhay niya. Dahil sa takot at pag-iisa, nagpasya siyang ilihim ang tungkol sa sanggol at palalakihin niya ito nang mag-isa. Ngunit sa unang araw pa lamang niya sa kanyang trabaho tila mas matindi pa sa palaso ni kupido ang naging epekto nang tadhana. Dahil ang malamig, istrikto at walang awang Billionaire CEO na pumasok sa conference room......ay ang misteryosong gwapong lalaking nakasama niya sa gabing iyon na hinding-hindi niya makakalimutan. Wala sa sariling napaisip siya sa kanyang anak. 'Ang Milyonaryong Boss Ko ay Ang Tatay ng Anak Ko?' Sigaw nang kanyang isipan. Ano na ang gagawin niya ngayon? Si Chase Justin Monteverde, ang bilyonaryo na dating naniniwalang kahinaan lamang ang pag-ibig ay unti-unting nahuhumaling sa misteryosong empleyada at sa batang tila may kakaibang pagkakalapit sa kanya. Ano ang mangyayari kapag nalaman niya ang katotohanan na ang batang kinahuhumalingan at napalapit na sa puso niya ay siya ring sarili niya palang anak? ~ADORED BY MY EVIL BILLIONAIRE BOSS~ M.A.B. WRITES
10154 viewsOngoingIdinagdag sa Library 4 Beses bilang nanay tatay
Read
+Library
Chained with my boy bestfriend

Chained with my boy bestfriend

ArEnJayne
"Alam mo ikaw ha, masyado kang pala-desisyon. Buhay ko ito kaya huwag kang makialam lalo pa at wala naman ako’ng naging say sa love life mo,” naiinis na pahayag ko kay Franco. Naiinis kasi ito nang malaman na gusto ko ng magkaanak. Lagpas na ako sa kalendaryo at sa takot ko na mapag-iwanan ay ito ang naisip ko na solusyon. Wala sa vocabulary ko ang pag-aasawa dahil na rin sa naging karanasan ng nanay ko at sa nakikita ko sa paligid ko kaya nawalan na ako ng interes lalo na sa mga lalaki. Maraming nanliligaw subalit lahat sa akin ay red flags. Dagdagan pa nitong kaibigan ko na walang inaayawan basta naka-palda sa paningin nito lahat ay maganda. Mabait naman ito, matalino, responsable, masipag at madiskarte subalit sadyang palikero. “Ako ha, concern lang ako sa iyo. Huwag sanang masamain. Mamaya sa kagustuhan mo ay mapahamak ka pa.” Patuloy na litanya ni Franco sa akin. “Kaya nga bago pa mangyari iyon ay uunahan ko na. Hindi ako mai-inlove, hindi ako magiging martir at lalong hindi ko hahayaan na masaktan lang ako ng kagaya mo. Kaya nga anak lang ang gusto ko at iyon na ang pupuno sa pangarap ko. Hindi ako mag-aasawa at sakit lang iyan sa ulo,” masungit na sagot ko. “Ganun ba? Bakit ka pa maghahanap sa malayo at hindi mo kilala kung mayroon naman sa harapan mo? Ako na lang kaya, ano? Makakasiguro ka pa na galing sa magandang lahi at pamilya ang magiging anak mo,” tugon ni Franco. Napamaang ako sa naging sagot n’ya. Pwede kaya o baka magiging mitsa lang ito ng bagong kalbaryo sa buhay namin? Mas makapagpapatibay o makakasira kaya ito sa aming pagkakaibigan? Subalit hindi ko maiwasan kiligin at makadama ng challenge na baka ako lang pala ang makapagpapatino kay Franco.
2.1K viewsOngoingIdinagdag sa Library 42 Beses bilang nanay tatay
Read
+Library
PREV
1
...
67891011
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status