Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Island's Doctor

Island's Doctor

Professional, intelligent and almost perfect for being passionate for her job as a doctor, that's Sandra Olivarez. She is the best doctor that PPS Hospital has and envied because of her incomparable talent. She also have a great and loving family na wala na ata siyang mahihiling pa dahil sa suportang ibinibigay ng mga ito sa kanya. Well, maliban na lamang pala sa kanyang Daddy na wala nang ibang ginawa kung hindi ay ipagtulakan siya na maghanap na ng magiging kasintahan at agad nang magpakasal dahil gusto na daw nito ng apo sa kanya. At the age of 29 kasi ay wala pa siyang nobyo dahil sa wala ni isang pumapasa sa dami ng sumusubok na manligaw sa kanya. Kung kailan naman siya nakahinga ng maayos dahil umalis ang kanyang mga magulang para sa isang bakasyon sa Berlin ay saka naman niya nakabungguan ang lalaking hindi niya ata makakalimutan. Ang estrangherong naka-one-night stand niya nang magbakasyon siya ng dalawang araw sa isang isla sa Romblon. She tried to ignore his presence and pretended she doesn't know him. Pero mas makulit pa ata ito sa Daddy niya dahil simula ng magkita sila ay hindi na siya nito tinantanan hanggat hindi siya um-oo sa alok nitong kumain sa labas. Halos napanganga pa siya ng sabihin nito na liligawan siya nito at hindi siya titigilan hanggat hindi niya ito kinakausap o pinapansin. Paano na lamanh kung malaman nito na buntis siya at ito ang ama? Makakaiwas pa kaya siya kung ang tadhana na rin ang gumawa ng paraan dahil nakita niya itong kusap ang ama habang naghihintay sa lobby ng ospital at nagpaalam pa ito na liligawan siya nang malaman na Daddy niya pala ito.
Romance
713.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Tasteless Price [FILIPINO]

Tasteless Price [FILIPINO]

Lumaki si Lushiane nang hindi buo ang kaniyang pamilya. Pero hindi iyon naging hadlang upang siya ay sumuko sa mga hamon ng buhay. Hindi kalaunan ay nakilala niya ang taong nagbigay ng iba't ibang bugso ng damdamin na kahit kailan ay hindi niya pa nararanasan. Ngunit, ang kasiyahang iyon ay agad ding nadagukan nang malaman ang katotohanan, sunod-sunod na problema ang natikman niya. Nagmistulang walang kwenta ang kaniyang buhay, pero nanatili siyang nakatayo. Sa mahigit sampung taon at sa lahat ng problema, sakit, at panlolokong kinaharap niya... Makaya niya pa kaya? Matanggap niya pa kaya ang lalaking gumulo at sumira sa kaniyang sarili?
Romance
13.2K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire's Two Wives

The Billionaire's Two Wives

"Karma has no menu. You get served what you deserve." Nang pagtaksilan ni Megara ang karelasiyon niya nang limang taon para sa lalaking si Russel, hindi niya kailanman naisip na babalikan siya ng karma. Buong akala niya ay siya lang ang babae sa buhay ng asawa, pero isang araw ay dumating sa harap niya si Narissa. Napag-alaman niyang kabit ito ni Russel ngunit pangalawang asawa ang pakilala nito sa kaniya. Kahit anong pakiusap at pagtataboy, hindi iniwan ng dalaga si Russel. Hanggang kailan niya matitiis ang paghihirap ng damdamin kasama ang asawa at ang kerida nito sa iisang bubong?
Romance
1024.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Lucifer's Downfall

Lucifer's Downfall

MnemosyneMin
Upang mabuhay tinaggap ni Rann ang alok ng lalaking estranghero isang gabi ng kanyang pagtakas. Ginawa niya ang sinabi nito, naging asawa siya ng kanyang tagapagligtas, at handa siyang ibigay dito ang lahat. Ngunit pagdududahan ni Rann ang sariling desisyon nang matuklasan ang demonyong nagtatago sa likod ng matamis na ngiti ng kanyang asawa.
Romance
103.6K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Impostor Bride

The Billionaire's Impostor Bride

Nang mamatay ang kanilang ina noong siya ay siyam na taong gulang pa lang ay nagmistulang ulila si Sierra at tila itinakwil na ng kanyang ama, sinisisi siya nito dahil sa pagkamatay ng kaniyang ina. Kahit na ganoon ang trato sa kanya ng kanyang ama ay walang namuong sama ng loob sa kanyang puso at sa halip ay inisip na totoo ang sinusumbat nito at tinanggap iyon. Sa kagustuhan niyang mabigyan ng kahit kaunting pansin at pagkalinga ng kanyang ama ay sinusunod niya ang lahat ng mga utos nito kahit na labag sa kanyang kalooban. Mas lalong nagpabigat ng kanyang kalooban nang hilingin ng kanyang ama na palitan ang kanyang kapatid at magpanggap na siya si Noemi Sienna sa araw ng kasal nito sa isang bilyonaryong bulag. Hanggang sa kasalan lamang ba magtatapos ang lahat? Ano ang mararamdaman ng lalaking ikakasal kapag nalaman nitong ibang babae pala ang kanyang napakasalan?
Romance
9.97.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Prae High

Prae High

MarkusJuan
Taong 2000, isang pandemya ang sumakop sa buong mundo na naging sanhi ng malaking pag baba ng populasyon. Lahat ng may buhay ay naapektuhan. Lahat ng natamaan ng virus ay nawawala sa sarili, kinakain ang sariling laman pati na rin ang sa kapwa nila, na sa kalaunan ay mapaparalisa hanggang sa maagnas ang natitirang parte ng katawan nito. Ang pandemyang umabot ng dalawang dekada ay kusang naglaho gaya ng mga naagnas na mga bangkay. Pero naging daan din ito para umusbong ang panibagong kababalaghan at misteryong dala ng virus na ito. Si Migi Baldemor na simpleng estudyante ay mababago ang buhay mula nang masaksihan niya ang karumaldumal na pagkawala ng mga kaibigan niya. Kasabay nang pagkawala ng kanyang ina ay siya rin paghahanap nito ng hustisya. Makikila niya ang lalaking tutulong at magdadala sa kanya sa Prae High. Sari-saring emosyon ang mararamdaman niya habang nakikipagsapalaran at nakikipaglaban na nakataya ang kanilang buhay. Hanggang saan sila dadalhin ng problema? Sino ang kakampi at sino ang tunay na kalaban?
Mystery/Thriller
102.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Reborn for Vengeance

Reborn for Vengeance

Si Amanda Hale ay minsang naging biktima ng pang-aabuso, pagtataksil at kamatayan sa kamay ng mga taong pinakamalapit at tinuring niyang pamilya. Ngunit nang muling bigyan ng pagkakataon upang mabuhay dala niya ang lahat ng sugat at galit mula sa nakaraan. Sa ikalawang buhay na ito siya ba’y matututong magmahal muli o tuluyan na siyang lalamunin ng apoy ng paghihiganti?
Romance
521 viewsOngoing
Read
Add to library
Hidden Mafia Don

Hidden Mafia Don

Docky
"Knowing my real identity means DEATH." - Mafia Don Daven Verrano Costello **** Mahigit pitong taong naging consigliere ng Mafia Don sa bansang Italy si Daven Costello. Siya rin ang misteryosong CEO ng Philippines Bank Corporation (PBC) na may paid-in capital na 20 Billion Pesos. Nang mamatay ang boss ng kanilang mob ay nahirang siya bilang bagong pinuno. He's protective when it comes to his family's safety so he decided to keep it a secret. Ang akala ng marami ay isa lamang siyang hamak na secretary sa sarili niyang kompanya. Elera Luciano - ang nakamaskarang lider ng Asian Assasins at nagtatrabaho bilang General Manager sa PBC. Pinasok niya ang magulong mundo ng mafia para hanapin at pagbayarin ang taong pumaslang sa kaniyang tunay na ina. Dahil sa kalasingan, kalituhan at kapusukan, nagbunga ang isang gabing pinagsaluhan nina Daven at Elera. It was indeed a marriage before love set up dahil kapwa infatuation lang naman ang nararamdaman nila sa isa't isa bago pa may mangyari sa kanila. Nang magpakasal ang dalawa, naranasan ni Daven kung paano maliitin at ituring na parang basura ng kaniyang mga biyenan. Inalipusta, inapak-apakan at inalila. Maging si Elera ay itinuring na isang malaking kahihiyan ng kaniyang mga magulang. Hanggang isang araw, hindi na natiis ni Daven ang lahat. Nagimbal ang mundo ng angkan ng Luciano nang malaman nila ang tunay na katauhan ni Daven.
Romance
107.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Obsessed With My Stepsister

Obsessed With My Stepsister

“Akin ka lang, Vespera. Kahit stepsister kita sa papel, kahit bawal tayo sa dugo at mata ng mundo—hindi na kita pakakawalan ulit.” Ako si Vespera Luxienne Salazar, 29 anyos na nagtago limang taon sa Italy kasama ang kambal kong anak—sina Azrael at Nyxienne—mula sa lalaking sumira at sumakop sa puso ko: si Draven Kairos Valtieri. Siya ang ruthless na mafia heir ng Valtieri empire—guwapong mapanganib, puno ng tattoos, at may obsession na hindi na matitinag. Simula nang mag-merge ang pamilya namin dahil sa arranged marriage ng mga magulang, bawal na pag-ibig ang naging simula namin: isang gabing puno ng galit, pagnanasa, at kasalanan na nag-iwan sa akin ng kambal. Nang malaman kong may kinalaman ang ex niya sa aksidenteng muntik nang pumatay sa akin at sa mga anak ko, umalis ako. Ngayon, bumalik ako dahil sa sakit ng ina ko—handa na sanang harapin ang nakaraan, pero hindi ang muling pag-alab ng obsession niya. Habang nagmamakaawa siya at pinoprotektahan kami, lumalabas ang mga lihim: ako pala ang lost heiress ng ancient Moretti bloodline, at ang kambal ang may dalang kapangyarihan na gustong agawin ng mga kaaway. Sino ang tunay na traidor? Makakalaya ba kami sa bawal na pag-ibig na ito, o mas lalo lang kaming mabibitag sa dilim?
Mafia
10332 viewsOngoing
Read
Add to library
Unveiling Her Wrath: The Power of Her Revenge

Unveiling Her Wrath: The Power of Her Revenge

Pinuntahan ni Monique si Aidan sa condo niya pero sunod-sunod na tumulo ang mga luha niya nang makita niyang walang saplot ang dalawang taong mahalaga sa kaniya. Hindi siya makagalaw sa sobrang gulat. Nang makita siya ni Aidan ay blangko lang ang mukha ni Aidan. Pinulot ni Aidan ang damit niya at isinuot niya yun saka niya nilapitan si Monique. Ang buong akala ni Monique ay magpapaliwanag sa kaniya si Aidan kung bakit kasama ni Aidan ang bestfriend ni Monique pero para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang paalisin siya ni Aidan at hindi man lang nagpaliwanag kung ano bang nangyayari. Tiningnan ni Monique ang bestfriend niya pero umiwas ito ng tingin. Minahal ni Monique si Aidan kahit na sa kabila ng alitan ng kanilang mga pamilya. Ang buong akala niya, katulad niya ay ipaglalaban din siya ni Aidan pero nagkamali pala siya. Paano niya nagawang pagkatiwalaan ang dalawang taong mahalaga sa kaniya? Hindi niya akalaing mga taong malapit pala sa kaniya ang wawasak ng puso niya.
Romance
1027.4K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
4243444546
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status