Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Unexpected Heir: The Billionaire's Chef

The Unexpected Heir: The Billionaire's Chef

Isang pagkakamali sa delivery ang nagpabago sa buhay ng working-class girl na si Ysabelle Rivera. Dahil sa pagpapalit ng package, na-trap siya sa loob ng penthouse ng ruthless billionaire na si Lucian De Castro sa gitna ng isang biglaang security lockdown. Sa dilim at sa ilalim ng impluwensya ng isang sabotahe, isang mapusok na gabi ang pinagsaluhan nila. Bago mag-umaga, tumakas si Ysabelle gamit ang fire escape para hindi mapagbintangang espiya. Limang taon ang lumipas matapos silang palayasin at maghirap, bumalik si Ysabelle sa Maynila kasama ang anak nila ni Lucian na si Neo. Pero ang limang taong gulang na anak niya ay may sariling plano dahil napakatalino nito sa computer. Palihim na in-apply ni Neo ang kaniyang nanay bilang Personal Chef ng sarili nitong ama. Nang magkaharap silang muli sa mansyon, hindi nakilala ni Lucian si Ysabelle. Akala ni Ysabelle ay ligtas na ang kaniyang sikreto, hanggang sa pumasok si Neo sa isang seryosong international business meeting ni Lucian. Hinarangan ng bata ang camera at nagtanong sa harap ng mga investor: “Mister, bakit mo ninakaw ang mukha ko?” Ngayong lumabas na ang katotohanan, paano pa maitatago ni Ysabelle ang anak niya kung ang mismong bata na ang naglapit sa ama nito? At kapag nalaman ni Lucian na ang bagong chef niya at ang babae nang gabing iyon ay iisa, hahayaan niya pa kaya silang makatakas muli?
103 viewsOngoingAdded to Library 2 Times as ni jiu manhua
Read
+Library
Attorney Zander Velasquez Excessively Adores Me

Attorney Zander Velasquez Excessively Adores Me

Alam ni Tessa na hindi siya ganoon kamahal ni Zander, ngunit nanatili pa rin siya sa tabi nito dahil may kailangan siya kay Zander at ganoon din naman ang lalaki sa kanya. Pero nang bumalik ang dating minahal ni Zander, bihira na lamang itong umuwi sa kanila. Nanatili si Tessa sa walang laman na silid, ginugugol ang hindi mabilang na gabi na hindi niya kasama si Zander. Kalaunan, nang mapagod na si Tessa, tinanggap niya ang isang tseke at tuluyan na niyang iniwan si Zander. Nang muli silang magkita, may iba nang lalaking kasama si Tessa. “Mr. Velasquez, ikaw ang unang nakipaghiwalay. If you want to date me, kailangan mong pumila.” — Tessa Jewel Morales. Kinabukasan, nakatanggap si Tessa ng deposito na isang daang bilyong piso at isang dyamanteng singsing. May pag-asa pa kayang magkabalikan ang dalawa? O mas pipiliin ni Tessa na hindi na bumalik sa buhay ni Zander?
101.2K viewsOngoingAdded to Library 44 Times as ni jiu manhua
Read
+Library
Trapped in a Fake Marriage with my Billionaire Ex-Lover

Trapped in a Fake Marriage with my Billionaire Ex-Lover

Lily is the picture-perfect wife ng kilalang businessman na si Giovanni Yuchengco. Ngunit ayaw ng pamilya ni Giovanni kay Lily dahil hindi nito kayang mabigyan ng anak ang lalaki. Lingid sa kaalaman ng lahat, nagdadalang-tao na si Lily, ngunit pinili niyang ilihim ito matapos niyang matuklasan ang pagtataksil at panlilinlang ni Giovanni. Kaya ang nais na lamang ni Lily ay makakuha ng compensation sa limang taong sinayang niya para sa lalaki at magpokus sa kanyang anak at career. Ngunit tila may ibang plano ang tadhana para sa kanya. Madalas magtagpo ang landas ni Lily at ng apo ng matandang kanyang niligtas, na pursigidong pilitin siyang pakasalan ito. Dagdag pa rito, tila ayaw ng tadhana na tuluyan siyang maglaho sa buhay ni Giovanni, na lalo pang nagpapalala sa masasamang plano ng ‘mistress’ at lihim na asawa nito laban sa kanya. In the end, what will happen to Lily? Sino ang magwawagi, at sino ang uuwing luhaan?
136 viewsOngoingAdded to Library 3 Times as ni jiu manhua
Read
+Library
The Revenge Of Mistreated Wife

The Revenge Of Mistreated Wife

WennieWrites
Matagal nang umiibig si Irine Evangelista kay Ruyi Walton mula pa noong bata pa sila. Kaya nang itinakda ng kanilang mga magulang na magpakasal sila, buong puso pumayag si Irene kahit alam niyang hindi iyon ang gusto ni Ruyi. Sa loob ng tatlong taon ng kanilang pagsasama, iginugol ni Irene ang kanyang buhay para kay Ruyi, umaasa na magbabago ang isip nito at sa huli'y mahulog sa kanya. Ngunit biglang gumuho ang lahat nang magising na lamang si Irene isang araw na nasa tabi ng kapatid ni Ruyi, si Kyler, wala silang mga saplot at magkayakap. Hindi alam ni Irene kung paano iyon nangyari, pero isa lang ang sigurado siya—hindi niya magagawang saktan at lokohin si Ruyi. Pero kahit anong paliwanag ang gawin ni Irene ay hindi nakinig sa kanya si Ruyi, sa halip ay nag-file ito ng divorce.
10836 viewsOngoingAdded to Library 24 Times as ni jiu manhua
Read
+Library
Love Me One More Time

Love Me One More Time

SweetyRai88
Walang choice si Darine kundi tumakas. Dahil sa ipapakasal siya ng kanyang Lolo sa apo ng kanyang matalik na kaibigan. Handa niyang iwan ang lahat, pagod na rin siya lagi siyang kinokontrol ng kanyang Lolo. Ang mahalaga ay hindi siya makasal sa taong hindi niya kilala. Jasper Guillermo, 34 years old. Business Tycoon, wala sa kanyang vocabulary na mag-asawa mula ng niloko siya ng unang babaeng minahal. Kung hindi niya masunod ang kagustuhan ng kanyang Lolo ay mawawala sa kanya ang kumpanya na inaalagaan niya. Dahil labag kay Jasper ang kagustuhan ng kanyang magulang kaya gumawa siya ng sariling paraan. Hindi siya papayag kung ano gusto ng kanyang Lolo ay masusunod. Yes mahalaga sa kanya ang kumpanya pero hindi siya papayag pagdating sa sarili niyang buhay ay panghimasukan ng kanyang magulang lalo na ang kanyang Lolo. Pagkalipas ng isang linggo ay muling nagtagpo ang landas ni Jasper at Darine. Naglakas loob si Darine na kausapin ang binata kung pwede siya nitong tulungan. Hindi naman nagddalawang isip ang binata tinulungan niya si Darine. "Be my girlfriend sa harapan ng mga magulang ko," sabi niya kay Darine. Paano kung nasa kay Darine ang katangian na taglay na hinahanap ni Jasper sa babae? Kaya bang panindigan ni Jasper ang lumabas sa bibig niya na hindi niya kayang lumagay sa tahimik? Isip o puso ba ang susundin ni Jasper? Paano kung ang darating ang isang araw na ang lalaking pinakamamahal ni Darine ay bigla siya nitong hindi maalala. Kung sino ba si Darine sa buhay niya? Matatanggap ba ni Darine ang biglang pagbabago ni Jasper sa kanya? Lalo na ibang-iba na sa dati ang pakikitungo ni Jasper sa kanya.
6.44.6K viewsOngoingAdded to Library 125 Times as ni jiu manhua
Read
+Library
Falling for my Ex-Fiance's Uncle

Falling for my Ex-Fiance's Uncle

Si Hailey Gaile ay pinagkasundong ipakasal kay Cedric na isang good for nothing playboy. Hindi sumipot ang lalaki sa araw ng kasal nila. Ikatutuwa na sana ni Gaile ang hindi nito pagsipot pero mukhang to the rescue ang gwapo at bilyonaryong uncle ni Cedric na si Tristan Venzon! Kayanin kaya ni Gaile ang buhay may asawa sa piling ng dominanteng CEO na 10 years ang agwat sa edad niya?
10828 viewsOngoingAdded to Library 24 Times as ni jiu manhua
Read
+Library
Unveiling Mr. CEO's Daughter

Unveiling Mr. CEO's Daughter

Ang akala ni Monica Prado siya na ang magiging masyaang babae sa araw ng kasal niya kay Jericho Mendel pero kabaligtaran niyon ang nangyari dahil hindi siya nito sinipot sa mismong kasal nila. Dahil sa sakit na nararamdaman ni Monica, uminom siya sa isang bar at doon niya nakilala si Zymon Coreal at inakala niyang si Jericho ang binata. Dahil sa matinding tama ng alak hindi namalayan ni Monica na may nangyari sa kanila ng binata nagbunga ng isang supling. Lumayo si Monica sa Manila para layuan ang mga taong naging parte ng buhay niya roon. Tumungo siya ng Davao para roon itaguyod ang anak niya. Ngunit paano kung habang nililimot niya ang nakaraan saka naman babalik si Zymon at Jericho sa buhay niya? Paano kung pareho nilang akuin ang pagiging ama sa bata? Handa ba si Monica na malaman ng dalawang lalaki kung sinong tunay na ama ng bata? May pag-ibig bang muling mabubuo sa pagitan ni Monica at Jericho o uusbong ang pag-ibig ni Monica kay Zymon?
1042.7K viewsCompletedAdded to Library 1.2K Times as ni jiu manhua
Read
+Library
Collateral for the Billionaire

Collateral for the Billionaire

Duchess GN
Sapat nga bang gawing pambayad utang ang pagmamahal at katawan? Desperadong maibalik ni Quinton James ang yamang nawala nang dahil sa panloloko sa kaniya ng isang paluging business tycoon na si Oscar Santibañez. Kaya't gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya maibalik lang ang multi-million peso na ninakaw nito sa kanyang kompanya. Sa kanyang paghahanap sa nawawalang tao ay matatagpuan niya sa isa sa properties nito ang 24 taong gulang na si Renata Santibañez, ang ulilang pamangkin ni Oscar. Sa kagustuhang maibalik agad ang yamang nawala, gagawing collateral ni Quinton ang dalaga at habang hindi pa nagpapakita si Oscar ay gagawin niya ang lahat ng kanyang nais kay Renata. Walang kalaban-laban na bibigay ang dalaga sa lahat ng kagustuhan ni Quinton kapalit ng kanyang buhay. Hanggang sa isang pangyayari ang babago sa ikot ng kanilang mundo. Sino nga ba talaga si Renata at ano ang kinalaman ng kanyang nakaraan sa kinatatayuan ni Quinton?
1.7K viewsOngoingAdded to Library 59 Times as ni jiu manhua
Read
+Library
Taming The Wild CEO (Tagalog)

Taming The Wild CEO (Tagalog)

Ethan Choi
[Mature Content] Sa halos apat na taon, sekretarya si Ella Stanford kay Javier Summers, at loob ng panahon na iyon, palagi niyang nilalabanan ang nararamdaman para rito. Jave was undeniably sexy, pero alam ni Ella na hindi siya mahuhulog kailaman sa isang babaero. Ni minsan, ‘di man lang siya nito binigyang pansin. Kahit hindi naman ito naging problema para kay Ella, kinimkim niya itong mag-isa. Hanggang sa isang araw, sa magarbo at sosyal na birthday party ni Jave, dumating si Ella na suot ang isang napakagandang pulang dress, kasabay ang isang accessory: another man. Isang business trip sa Sicily, Italy kasama si Jave ang nagtulak sa kanila upang mas mapaglapit pa. Kinailangan pa ni Jave na magpanggap na mapapangasawa ni Ella para lumayo ang kanyang manliligaw. Soon, this led to an intense, passionate affair. Pero nang magdulot ng ‘di inaasahang pagbubuntis ang mainit na pagtatagpong ito, papayag ba ang isang malayang CEO na magpatali sa kasal? Naglalaman ang kuwentong ito ng mga sekswal na eksena at ‘di angkop na mga salita.
11.5K viewsOngoingAdded to Library 380 Times as ni jiu manhua
Read
+Library
Gangster and His Bride

Gangster and His Bride

XessameStreet
Bukod sa isang drag racer, maraming kwestyon sa pagkakakilanlan at pagkatao ni Kane Talens. Kabilang ang mga tanong patungkol sakaniyang pinanggalingan. Ngunit tadhana na ang gumuhit at nakilala niya ang gangster na si Gabriel at sa hindi inaasahan, ito ang nagsilbing tulay upang magkaroon ng sagot ang kaniyang mga katanungan sa sarili, at kung sino ang nasa likod ng pagkakait ng mga bagay na ito sakaniya noong sanggol pa lamang siya. Sa kanila rin namang pagtatagpo ni Gabriel ay kaniya ring natagpuan ang una niyang pag-ibig, ang pag-ibig na magpaparanas sakaniya kung ano ang pakiramdam ng pagiging kumpleto. Ngunit may sorpresa pa pala ang tadhana, hindi lang para sakaniya kung hindi para sakanila ni Gabriel. Ito ay ang pagdating ni Shian na nagsilbing unang pag-ibig naman noon ni Gabriel, at ang balitang ikagigimbal nilang dalawa. Sa pagdating ni Shian kasama ang balitang iyon ay pag-usbong naman ng mga bagay na kailangang i-sakripisyo ng dalawa. Maaari nga bang magmahal ang taong hindi pa tapos magmahal ng iba? at sa pagbabalik ng nakaraan alin ang kaya nilang talikuran at alin, ang kaya nilang ipaglaban? Sa pagpunta sa punto ng pilian, marami 'mang pagsubok at pagdaanan, mananaig ang mas matimbang at iyon ay ang pag-ibig na kanilang nasimulan.
1.8K viewsOngoingAdded to Library 61 Times as ni jiu manhua
Read
+Library
PREV
1
...
2728293031
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status