Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Chasing Justice

Chasing Justice

Dalawang puso ang tumitibok at naglalayong magpaalab ng sumibol na pag-ibig sa hindi inaasahang pagkakataon at panahon. Ang pag-ibig na hindi mapapantayan ang inaalay ni Brael Montegarde at Hasumi Mitsunabi sa isa't isa. Ilang beses na pinaghiwalay ng tadhana subalit muling natatagpuan ang mga sariling tapat na sumisinta sa isa't isa at pinipiling iraos ang pag-ibig na pilit hinahadlangan ng mga taong nakapaligid sa kanila. Isang trahedya sa nakaraan ang muling binabalikan ng kasalukuyan. Ang madugong pagpatay sa mga magulang ni Brael at ang bangungot na patuloy na gumugulo kay Hasumi ay tila ba konektado.  Sa pagsiwalat ng katotohanan ay magugulantang ang mga pusong nagiibigan. Ang pumatay sa mga magulang ni Brael ay ang babaeng minamahal niyang si Hasumi.  Layunin ni Brael Montegarde ang maghiganti sa taong pumaslang sa mga magulang niya. Subalit guguluhin ng pagmamahal niya ang paghangad niya ng hustisya.  Kaya niya bang paslangin ang babaeng mahal niya? O mananaig ang pag-ibig na napunla sa mga puso nilang lubos na nagmamahal sa isa't isa?
Romance
104.4K viewsCompleted
Read
Add to library
AFTER THE DIVORCE: MY EX-HUSBAND WANTS ME BACK

AFTER THE DIVORCE: MY EX-HUSBAND WANTS ME BACK

Nang dahil sa utang na loob ng mga magulang ni Liliana Cruz sa pamilyang Silverio ay ipinakasal siya sa bilyonaryo at tagapagmanag si Dwayne Silverio. Hindi niya ‘yon tinutulan dahil lihim na niyang iniibig ang binata noon pa man. Ngunit sa loob ng apat na taon nilang mag-asawa, ay ni minsan hindi siya nito nagawang mahalin. Hindi niya akalain na sa pagmamahal niya at pagiging butihin niyang may bahay ay “divorce paper” pa ang isusukli ni Dwayne. Ayaw niya sanang pumayag, ngunit nang makita niya ang babaeng minamahal ni Dwayne habang magkasalo ang mga ito sa kama ay tuluyan siyang nawasak. Dwayne’s first love, and ex-fiance came back. Kaya sino siya para hadlangan ang pagmamahalan ng dalawa? Matapos niyang pirmahan ang divorce paper, saka pa lamang siya ginulat nang balitang nagdadalang tao siya– hindi lang isa, kundi kambal pa! Paano kung mag-krus muli ang landas nila at willing si Dwayne na makipagbalikan at bumawi sa kaniya? Maniniwala pa rin ba siya o tuluyan na ngang magiging bato ang puso niya?
Romance
1036.3K viewsOngoing
Read
Add to library
The Hard Boss

The Hard Boss

Matagal nang hinahangaan ni Tamara si Alas mula highschool hanggang sila’y magkatrabaho, kaya laking tuwa niya nang malaman na parehas sila ng nararamdaman para sa isa’t isa. Magsisimula na sana ang kanilang happy ever after, ngunit dumating ang kakambal ni Alas na si Apollo, isang strict, cold at self-centered Boss. Siya ang bagong Chief Executive Officer ng kompanya na kanilang pinagtatrabahuhan. Gumawa si Apollo ng mga patakaran at paghihigpit, kabilang ang pagbabawal ng romantic relationship sa pagitan ng mga empleyado na naging dahilan para maputol ang kanilang relasyon. Matutuloy pa ba ang pagkakamabutihan ni Tamara at Alas sa kabila ng hadlang ng kakambal nito? O dito mabubuo ang kanyang magandang relasyon sa estriktong Boss na si Apollo? At May pag-asa pa bang lumambot ang matigas nitong puso?
Romance
1013.2K viewsOngoing
Read
Add to library
GAIA AKADEMIA: The Place of Myth and Tales

GAIA AKADEMIA: The Place of Myth and Tales

Isang binatang nagngangalang Hagan Agustino ang dinala ng kanyang kapalaran sa mundong ni sa panaginip ay ayaw niyang paniwalaan. At ito ay ang mundo ng Gaia, o ang nakatagong mundo para sa mga kakaibang nilalang at alamat sa libro. Ang misyon niya roo'y bantayan ang pinakabatang myembro ng m
Fantasy
4.715.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Runaway from My Jerk Husband

Runaway from My Jerk Husband

Sa mata ng buong mundo, si Catherine Adams ang pinakamapalad na babae—minahal, pinrotektahan, at pinangakuan ng habang-buhay ng lalaking pinapangarap ng lahat: si Nolan Martinez. Mula pagkabata hanggang sa proposal na isinahimpapawid sa buong mundo, saksi ang lahat sa tila perpektong pag-iibigan nila. Ngunit sa likod ng matatamis na ngiti at engrandeng singsing, may lihim na pilit niyang nilulunok—ang pagkakanulo ng lalaking minahal niya ng buong puso. Sa bawat "overtime", sa bawat palusot, unti-unting nalaman ni Catherine ang sakit ng katotohanang may ibang babae sa buhay ni Nolan. Kaya’t isang desisyon ang binuo niya: maglaho. Sa mismong araw ng kasal, ang bride na inaasahang pupuno ng altar ay isang “patay” na katauhan. “Wala na kaming kinabukasan.” Ito ang paniniwala ni Catherine, kahit pa sa bawat sulyap ni Nolan ay tila may lambing na totoo. Pero sa isang mundong puno ng kasinungalingan, may lugar pa ba para sa tunay na pagmamahal? Isang kwento ng pagkakanulo, paglimos ng katotohanan, at ang masakit na pagpili—pag-ibig o paghilom?
Romance
5.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Hot Sugar Mommy (Tagalog)

Hot Sugar Mommy (Tagalog)

Kwarenta anyos na si Romana ngunit never na sumagi sa kaniyang isip ang pag-aasawa. Nasa kaniya na halos ang lahat; talino, ganda, marangyang buhay, at koneksiyon . . . kabiyak na lamang ang kulang. Hanggang sa nakilala niya si Vincent. Isang lalaki na namasukan bilang dancer sa bar upang matustusan ang pangangailangan ng kaniyang asawang may sakit sa puso. Sa kauna-unahang pagkakataon ay napukaw ang interes ni Romana ng isang lalaki. Ngunit sa kasamaang palad, ito ay nakatali na. Nalagay sa peligro ang asawa ni Vincent. Ginamit ni Romana ang pagkakataon na iyon upang makuha ang nais. Binayaran niya nang malaking halaga ang lalaki kapalit ang isang kasunduan; ang maging kaniyang fvck buddy. Pumayag si Vincent sa kagustuhan ni Romana upang maisalba ang buhay ng asawa. Sapat nga ba ang pera at galing sa kama upang makuha ang puso ng taong minamahal? Paano kung ang pag-ibig na nais ay makasisira ng isang masaya at buong pamilya? Handa bang maging makasarili o pipiliin na magpaubaya?
Romance
10140.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Sold To Be His Wife

Sold To Be His Wife

Sold to Be His Wife Hindi kailanman inakala ni Siena na isang kasal ang magiging kabayaran sa kasalanang hindi niya ginawa. Isang kasunduang panandalian lamang—isang papel na unti-unting magtatalik ng kanilang mga mundo. Zachary never intended to keep his temporary wife. He only needed Siena as a pawn, a way to make her family pay for the accident that ruined his fiancée’s life. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, unti-unti niyang napagtanto na hindi ganun kadali ang bitawan ang isang babaeng dapat ay ginagamit lang niya. Ngunit ano nga ba ang mas mabigat? Ang galit na matagal na niyang kinikimkim, o ang damdaming hindi niya dapat maramdaman para sa babaeng itinali sa kanya ng kasunduan? Hahayaan ba ni Zachary na matapos ang kasal na ito sa isang divorce, o tuluyan niyang aangkinin si Siena bilang kanya—kahit pa nagsimula ang lahat sa paghihiganti?
Romance
102.3K viewsOngoing
Read
Add to library
The Forgotten Zillionaire

The Forgotten Zillionaire

Sa isang maliit na isla na tinatawag na Tabon nakatira si Lavender, isang simpleng dalagang sanay sa tahimik at payak na buhay. Isang gabi, habang inuutusan siyang puntahan ang kaniyang ama sa dalampasigan, natagpuan niya ang isang estrangherong lalaki—basang-basa, sugatan, at halos walang malay. Tinulungan niya ito at doon niya natuklasang wala itong maalala—hindi kung sino siya, saan galing, o kahit ang sariling pangalan. Ngunit isang bagay ang siguradong malinaw: hindi siya ordinaryong tao. Sa mamahaling suot, ginto niyang relo, at tindig na tila sanay sa karangyaan, malinaw na malayo ang pinanggalingan niya sa simpleng mundo ni Lavender. Sa paglipas ng mga araw, unti-unting nabuo ang isang koneksyon sa pagitan nila, kahit hindi alam ng lalaki ang sarili niyang nakaraan. Ang hindi alam ni Lavender—ang lalaking sinagip niya ay si Adrian Zevion Alcantara, ang nawawalang tagapagmana ng isang malakihang negosyo sa siyudad, na tinutugis ng mga taong gustong kontrolin ang yaman at kapangyarihan ng kaniyang pamilya. Ngunit sa muling pagbabalik ng kaniyang alaala, kailangang pag-desisyunan ni Adrian kung saan siya kabilang—sa marangyang mundong pinagmula niya o sa simpleng buhay na nagbigay sa kaniya ng bagong dahilan para mabuhay… at magmahal.
Romance
68 viewsOngoing
Read
Add to library
Marrying My First Love

Marrying My First Love

Leigh Green
Si Alexandra Jane Diaz ay isang book illustrator na simple at ordinaryong namumuhay araw-araw kasama ang aso niyang St. Bernard na ang pangalan ay Smarty. Nang isang araw ay sadyang pagkainteresan siya ng isang kapritsusong estranghero at basta na lang alukin ng kasal. Ang pangalan nito ay Daniel. Si Daniel St. Claire ay isang tahimik subalit magaling na negosyante. Isa siyang uri ng lalaki na maraming baliw na ideya at mas nanaising manahimik kaysa magsalita pero magaling magpatsutsada o mangulit. Mahal niya ang kababata niyang kaibigan na si Sarah. Si Sarah Geneva Kale ay isang magandang babae na nagmamay-ari ng isang makulay na flower shop. Hindi niya alam na ang batang lalaki na nagustuhan niya ng bata pa siya ay mahal pa rin siya hanggang ngayon hanggang sa napagpasiyahan nito na magpakasal sa isang babaeng hindi niya kilala kaysa sa kanya. Damay sa gulo't buhol ng pag-ibig at pagtatago ng mga puso, kailangan ni Alex na sumabay sa plano ni Daniel at magpakilalang pekeng fianceé nito hanggang makilala niya ang mahiwagang Sarah Kale. Makakatuluyan ba ni Daniel si Sarah at ang dalawa ang magpalitan ng "I do" sa altar? O makakatugma niya si Alex sa isang hindi inaasahang pagbabaliktad ng tadhana?
Romance
2.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Maid for YOU

Maid for YOU

Dala-dala ni Sofia ang kanyang nakuhang gamit nang tumakas ito sa kanilang mansyon. Narinig kasi nito na kailangan nyang makasal sa isang biyudong matandang bilyonaryo na kaibigan ng pamilya nito kaya naman sa takot nito ay naisipan nyang maglayas na lamang. Namasukan bilang maid si Sofia sa mansyon ng mga Monteverde, at naitago nito ang kanyang katuhan bilang isang heredera ng pamilyang Del Mundo. Pero habang naroon si Sofia sa mansyon ay unti-unting nakikilala nito ang pagkatao ng binata at hindi inaasahan ay nagkamabutihan ang dalawa at minsan pang nagsalo sa isang mapusok na tagpo. Lumipas pa ang buwan ay mas nakikilala ni Sofia ang kasintahan na si Benedict. Dumating ang kinatatakutan ni Sofia nang malaman nito na ang lalaking mahal nito ay apo ng matandang bilyonaryo na nakatakdang ipakasal sa kanya kaya agad itong umalis sa mansyon. Lumipas pa ang ilang buwan ay hindi pa rin natatagpuan ni Benedict ang babaeng kanyang pinakamamahal, ilang mga detectives na rin ang inutusan nito para hanapin ang dalaga, maging ang pamilya ni Sofia ay hindi na rin mapakali kung nasaan ang kanilang nag-iisang heredera. Hindi na malaman ni Benedict kung makikita pa ba niya ang dalaga o mananatili na lang isang masayang alaala ang pag-iibigan nilang dalawa?
Romance
101.2K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3132333435
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status