One Sinful Night With My Possessive Uncle (SSPG)
One Sinful Night With My Possessive Uncle (SSPG)
“One sinful night was all it took to ruin us. This love is forbidden. But tell me, Kiara… if loving you is wrong, why does it feel so right?”
***
Akala ni Atty. Kiara Montero ay hawak niya ang lahat sa kaniyang buhay—ang karera, reputasyon, at relasyon sa fiancé na pinili niya para sa sariling kaligayahan. Ngunit isang gabi, nahuli niya ang fiancé na nakikipaghalikan sa kaniyang stepsister, si Kara. Sa isang iglap, muntik nang mabuwag ang kaniyang mundo. Pinili niyang umiwas, ngunit sa halip na makahanap ng katahimikan, natagpuan niya ang sarili sa isang bar, nagpakalasing upang pansamantalang takasan ang sakit.
Ngunit sa sobrang kalasingan at pagkalito, nagising si Kiara kinabukasan sa bisig ni Chase Montefalco—ang kaniyang tiyuhin, adopted brother ng kaniyang ina, at isang lalaking kilala sa malamig at makapangyarihang presensya bilang CEO ng Montefalco Group. Isang gabing puno ng kasalanan at lihim na hindi dapat mangyari at pareho nilang pinipilit kalimutan.
Nang matuklasan ni Kiara na siya ay buntis, alam niyang isang eskandalo ang naghihintay—isang lihim na kayang sumira hindi lamang sa kaniyang reputasyon kundi pati sa pamilya at imperyo ni Chase. Ngunit sa kabila ng takot, hiya, at galit, hindi niya kayang lumayo sa lalaking minsang nagbigay sa kaniya ng init at pang-unawa sa isang gabing mali ngunit hindi niya malilimutan.
Para kay Chase, ang bata ay hindi lamang bunga ng kasalanan kundi dahilan upang ipaglaban si Kiara, kahit pa ang mundo ay laban sa kanila. Nagpasya siyang pakasalan siya ng lihim upang maprotektahan ang kanilang anak.
Pero sa huli, posible nga bang ang isang gabing puno ng kasalanan ang magdala ng pag-ibig na hindi kayang sirain ng mundo?