Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Billionaire's Aggressive Maid

The Billionaire's Aggressive Maid

Tahimik ang mansyon. Tahimik… maliban sa mahinang iyak ni Princess sa bisig ko—isang buwang gulang, walang alam, walang kasalanan. Pero siya ang unang nasaktan sa lahat ng ‘to. Siya ang naiipit sa pagitan ng dalawang taong hindi na alam kung paano magmahal nang sabay. Nakaluhod ako sa harap ni Elise. Mahigpit ang hawak ko sa laylayan ng bestida niya, parang batang takot na maiwan sa dilim. Nanginginig ang labi ko, pinipigilan ang mga luhang ayaw na sanang lumabas—pero hindi ko na kayang kontrolin. “Please, Elise…” garalgal kong pakiusap. “’Wag mo kaming iwan. Hindi ko alam kung paano palalakihin si Princess nang wala ka. Hindi ko alam kung paano mamuhay kung wala kayo…” Pero wala. Wala siyang emosyon. Wala siyang luha. Matigas ang titig niya, parang ako pa ang mali. Bitbit niya ang maleta niya—hindi lang punô ng damit, kundi punô ng lahat ng alaala namin. Lahat ng pangarap. Lahat ng ‘akala ko tayo.’ “Hindi ko ‘to pinlano, Levi,” mahina niyang sagot. “Pero kailangan kong piliin ang sarili ko. Pagod na akong umasa. Pagod na akong maging pangalawa sa trabaho mo, sa mundo mo. Hindi ko kayang maging ina habang ako mismo’y hindi buo.” Gumuho ako. Literal. Napayuko ako habang yakap ko si Princess, habang nararamdaman ko ang init ng iyak niya sa dibdib ko. Halik ako nang halik sa noo niya, para bang kaya kong takpan ng pagmamahal ang kawalan ng ina niya. “Anak mo ‘to, Elise. Anak natin…” pabulong kong daing. “Kung hindi mo na ako kayang mahalin… kahit siya na lang. Kahit siya. ‘Wag mong iwan ang anak mo…” Pero wala. Ni hindi siya lumapit. Ni hindi siya tumingin. Tumalikod siya, dala ang katahimikang mas malakas pa sa kahit anong sigaw ng pagtanggi. "Ayoko na" mahina niyang sabi at hinila ang maleta palabas ng mansion.
Romance
107.9K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Save Me

Save Me

Ang saya ko habang sakay ng isang magandang sasakyan, labis ang aking katauwaan ng makalabas sa ampunan. Buong akala ko ay magbabago na ang takbo ng aking buhay sa paglabas sa bahay na aking kinagisnan. Ngunit bakit,bakit mas sobra pa ang lupit na aking naranasan sa mga taong ang akla ko ay kaya akong iahon sa kamangmanangan. Maawa ka tulongan mo ako__Anne Gonzalis.
Romance
108.1K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Unwanted Wife

Unwanted Wife

Asawa ko siya pero hindi ko siya matawag na akin dahil may nagmamay-ari na ng puso niya. Gusto kung ipaglaban ang pagmamahal ko para sa kan'ya dahil mahal ko siya at asawa ko siya. Subalit ang hirap ipaglaban ng taong kahit kailan hindi nakita ang halaga mo dahil para sa kan'ya ikaw ang sumira ng buhay niya. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magpapakatanga sa pagmamahal ko para sa kan'ya. Asawa niya lang ako sa papel pero hindi sa puso niya. I am Isla Madison Buenaventura Alcantara the UNWANTED WIFE.
Romance
107.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
I Love You, Katty (Tagalog)

I Love You, Katty (Tagalog)

Amazona Irita
"Katty" ang pangalang gustong-gusto ko noon pero simula ng makilala ko si Ryan at malaman ko ang katotohanan ay kinamuhian ko ang pangalang iyan. Katotohanang hindi ko inaasahan. Katotohanang sisira sa buhay ko. Katotohanang hindi ko na sana nalaman pa. KATTY? Ano ba'ng mayroon sa'yo?
9.97.0K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Revenge of Billionaire's Wife (Tagalog Version)

The Revenge of Billionaire's Wife (Tagalog Version)

"Sino ka para pigilan akong pumasok sa gusaling ito?" sabi nung babae. “Wala kang karapatang pumasok dito, patay ka sa isip ng asawa mo. Ako na ang mahal niya ngayon.” Sagot ng babae. “Babawiin ko ang akin. Hindi ako papayag na kunin mo lahat ng meron ang asawa ko.” Galit na sabi ng babae. Masaya ang mag-asawang Taylor. Isang araw ay nagbakasyon sila sa isang isla kasama ang kanilang magandang anak. Sumakay sila sa yate kasama ang kanilang Yaya. Sa hindi inaasahang pagkakataon bago sila makarating sa isla ay may masamang panahon, bumuhos ang malakas na ulan at humampas ang malalakas na alon. Sinubukan ng mister na iligtas ang kanyang asawa at ang kanyang anak ngunit dahil sa alon ay nabitiwan niya sila. Habang ang kanyang asawa at anak ay agad na tinulungan ng kanilang Yaya. Ngunit dahil sa malalakas na alon ay bumagsak silang dalawa ng kanyang anak. Nahulog ang mag-ina, ngunit kumapit ang babae. Tinulungan siya ng Yaya na bumangon ngunit sinamantala ng kanyang Yaya ang sitwasyon dahil sa kanyang masamang intensyon. Sa halip na ipagpatuloy ang pagtulong sa kanyang amo na asawa, inalis niya ang kamay ng kanyang amo na asawa sa pamamagitan ng paghawak nito sa tubo hanggang sa mawala ito at tuluyang nahulog sa dagat ang mag-ina. Makalipas ang ilang araw, natagpuan ng isang estranghero na mangingisda ang bata na umiiyak. Inakala ng lalaki na nag-iisang anak ang nandoon, kinuha niya ang bata ngunit paglingon niya ay nakita niyang walang malay ang ina ng bata ay nilapitan niya ito at tinulungan. Nang magising ang babae ay wala siyang naalala, hanggang sa naisipan ng dayuhang mangingisda na bigyan siya ng pangalan at sinabing asawa niya ito at anak nila ang bata. Paano niya maipaghihiganti ang kanyang karapatan bilang isang legal na asawa?
Romance
1012.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Unexpected Wife of a Billionaire

Unexpected Wife of a Billionaire

"Mamili ka, siya, o ako?" tanong ni Danica kay Jethro. Natatawa pa ang lalaki ng bahagya sa kanyang sinabi, "anong kalokohan naman ang naiisip mo at pinapapili mo ako?" "Puro ka na lang. Lovely, lovely.. lovely! ni hindi mo nga naalala ang birthday ko eh. " may hinagpis sa kanyang tinig. Tiningnan lang siya ni Jethro, at tumalikod sabay labas ng bahay. Hindi siya makapaniwala na pipiliin nito ang babaeng iyon. Agad siyang nag alsa balutan, upang iwanan ang lalaki.
Romance
109.6K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Ace and Diamond

Ace and Diamond

Pennieee
"Aakitin ko ang hot bodyguard ko!" Pagkatapos ng dalawang buwan nang maging CEO si Savannah ng Williamson’s Company ay may nangyari na kaagad na trahedya. Isang sunog ang naganap sa palapag kung nasaan mismo ang opisina niya. Pero hindi niya kayang lumabas upang iligtas ang sarili! may takot siya sa maraming tao! ngunit hindi rin siya maaaring manatili sa loob dahil tiyak na mamamatay naman siya sa sunog! Takip-takip niya ang kaniyang ilong at bibig habang unti-unti nang napupuno ng usok ang buong opisina niya. Thinking about what she will going to do Savannah felt a strong pair of hands held her shoulder and before she could say a word the person put a wet blanket on her and guided her to the exit. "Careful." Rinig niya ang baritonong boses nito! When they left the building she saw her savior. Napalunok siya, the man is tall. He has light brown skin, dark eyes, thick eyebrows and his eyelashes are long! She doesn’t want to mention his lips but she can’t help because it was luscious! Okay, she’s checking on him, but no, indeed, the man is good looking! Nakuha kaagad nito ang atensyon niya! He introduced himself as Ace. Her personal bodyguard. Pero hindi sukat akalain ni Savannah na guguluhin ng kaniyang guwapong bodyguard ang isip niya lalo sa gabi! She's having dreams with him in her bed. Her screaming his codename in pleasure, them doing nasty things!
Romance
9.39.6K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
THE MISTRESS: AGAWAN NANG ASAWA (PART 2)

THE MISTRESS: AGAWAN NANG ASAWA (PART 2)

🔞 "APAT NA KATAWAN, ISANG KASINUNGALINGAN" ⚠️ Babala: Ang kuwentong ito ay hindi angkop sa mga menor de edad. Naglalaman ito ng matitinding eksena ng pagtatalik, pagkakanulo, at karahasang emosyonal. Paano kung ang kabit ng asawa mo… ay may asawa ring kabit? Sa isang gabing punô ng lihim at init, isang sigaw ang yumanig sa kwarto— “Anong ginagawa niyo ng asawa ko?!” Tatlong katawan ang nagkagulatan. Tatlong puso ang biglang nasaktan. Ngunit nang bumukas ang pinto sa ikatlong pagkakataon… isang mas malalim na sikreto ang nabunyag. Sino ang tunay na biktima? Sino ang tunay na traydor? Sa larong apoy at tukso..
Romance
109.7K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
My Extraordinary Wife

My Extraordinary Wife

 I was married to this sexy hot chic. Nung sinabi ni Dad at Lolo na ipagkakasundo niya ako sa babaeng yun ay hindi na ako nagpatumpiktumpik pa at pumayag agad sa alok nila. Isa pa maganda na nga, sexy at hot pa ang mapapangasawa ko. Kaya nga hindi ko lubos maisip kung bakit nangangamba ang mga Montefalco sa anak nila. Sabi nila baka daw hindi mag asawa ang anak nila at maging tomboy ito. Fck! Sa ganda at sexy niyang yan nangangamba silang maging tomboy yun? Eh baka 'pag nakita niya itong walong abs ko ay magwala na yan. Pero napaurong ang dila ko nang malaman ko ang kinakatakutan nila at pinangangambahan. Mukhang tomboy nga ito eh! Damn! I was just married to my wife, not just an ordinary wife but fck, to an EXTRAORDINARY WIFE!  Lolo, Daddy pwede pa bang mag backout?  
Romance
107.4K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Mr. Gabriel Bought Me

Mr. Gabriel Bought Me

"Buy me, Mr. Gabriel Esguerra and I will do everything for you basta bayaran mo ako katumbas ng utang ng pamilya ko kay Oliver," buong tapang na sabi ni Gianna. Wala na siyang ibang choice kung 'di lunukin ang pride at kahihiyan, maisalba lamang ang kaniyang pamilya mula sa pagkakalugmok. Seryoso siyang tinitigan ni Gabriel na tila ba binabasa siya pero walang panghuhusga sa mga mata nito. "Sigurado ka ba sa sinabi mo, Gianna?" "I-I don't have a choice, Gabriel at kung may kaya akong gawin for my family, I'm willing to do it." Nangingilid na ang luha sa kaniyang mga mata dahil kahit siya'y naaawa sa sarili. "Five millions is really a huge amount of money and do you think, papayag akong ikaw lang ang kabayaran niyon?" "H-hindi pa ba ako sapat?"
Romance
9.8K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
454647484950
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status