Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
The Probinsyana and the Heartless CEO

The Probinsyana and the Heartless CEO

Dahil sa kahirapan ay napilitang huminto sa pag-aaral si Sonata, at magtrabo sa Maynila para makatulong sa kanyang pamilya. Ang matulungan ang kapatid na may sakit at para sa pag-aaral ng mga nakababata pa niyang kapatid. Namasukan siyang katulong sa isang mansyon na mataas kung magsweldo, at halos ikinalula niya kung magkano ang sasahurin at ang tanging gagawin lang niya ay bantayan ang mga anak ng kanyang among lalake na ubod ng sungit at laging galit sa mundo. Si Gabriel San Diego na isang mayamang bilyonaryo at may mga anak pero walang asawa, sa isip ni Sonata ay marahil kaya walang asawa ang amo dahil halos lahat ng tao sa paligid nito ay kinatatakutan ito, pero isang araw ay natagpuan niya ang sarili na humahanga at may kakaibang damdamin na umuusbong sa kanya tuwing nakikita ang masungit niyang amo. Posible kaya na magkaroon ng katugon ang damdamin niya sa amo niya, o hanggang dito lang ito dahil ni minsan ay hindi man lang siya sinulyapan nito. Date started: September 17 2019 ORIGINAL STORY BY: Seirinsky
Romance
9.321.6K DibacaOn going
Baca
Tambahkan
 MAKE YOU MINE : Possesive Boys  Series 1

MAKE YOU MINE : Possesive Boys Series 1

Miguel Felix Montemayor, anak ng isang bilyonaryo, gwapo, at pinapangarap ng lahat. Pero ang totoo, isa lang ang laman ng puso niya: si Serenity Delavega. Isang gabi ang magpapatindi ng pagtingin niya sa dalaga. Subalit nagbago ang lahat nang malaman niyang may boyfriend na si Serenity, at ito ay walang iba kundi ang kanyang pamangkin. Anuman ang gawin ni Miguel, hindi niya pa rin makalimutan si Serenity. Labis-labis ang pagmamahal niya sa dalaga, at kahit lumipas man ang mga taon, mas lalo pa itong lumakas, naging isang masidhing obsesyon. Ano ang handa niyang gawin para makuha ang puso ni Serenity? Handa ba siyang itaya ang lahat para sa isang pag-ibig na hindi sigurado, at kahit na ang ibig sabihin nito ay pakikipag-agawan laban sa sariling pamangkin? Matagumpay ba niyang mapapaibig si Serenity, o masisira ang lahat dahil sa kanyang matinding obsesyon sa dalaga?
Romance
1018.8K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
The Possisive Mafia King ( TAG-LISH )

The Possisive Mafia King ( TAG-LISH )

**MATURE CONTENT** Territorial Mafia Series 1: DEMETRI SYLVESTRE Si Demetri Sylvestre ay isang makapangyarihan at walang-awang pinuno ng sindikato. Sanay siyang palaging nakakakuha ng gusto niya. Ngunit nagbago ang takbo ng kanyang mundo nang makilala niya si Snow Hidalgo, isang maganda at mabait na aktres na nakatakdang ikasal sa half-brother niyang si Marcus. Lingid sa kaalaman ng dalawa, may mas madilim pala silang koneksyon sa nakaraan. Isang lihim na matagal nang ibinaon sa limot at siyang ugat ng trauma ni Snow. Nang matuklasan ni Demetri na si Snow ay kasintahan ni Marcus, ginamit niya ang kanyang kapangyarihan at talino sa manipulasyon upang sirain ang relasyon ng dalawa. Sa gitna ng sakit at kalituhan, nauwi sa kasalan si Snow at Demetri. Naging mag-asawa nga sila, ngunit nananatiling hindi niya hawak ang puso ni Snow dahil ito’y naiwan pa rin sa nakaraan. Habang lumalalim ang kasinungalingan, galit, at pagnanasa, mas tumitindi ang labanan hindi lang para sa pag-ibig ni Snow kundi para sa kontrol sa kanyang buhay. Hanggang sa isang panahong puno ng pagkawala at muling pagbabalik, kinailangan niyang pumili; hindi lang sa pagitan ng dalawang lalaki, kundi sa kapayapaan ng kanyang puso. Tatlong taon ang lumipas. Muling bumangon si Snow. Umangat ang kanyang karera, at sa wakas, natuklasan niya kung sino talaga ang tunay na mahal niya. At gaya ng isang dasal na sinagot ng tadhana, bumalik ang lalaking pinili ng kanyang puso… pero hindi siya nag-iisa. Sa muling pagkikita, kinailangan ni Snow harapin ang nakaraan at ang kasalukuyan. Sa huli, pinili niya ang pagmamahal, hindi bilang isang tanikala, kundi bilang isang desisyong malaya at totoo.
Romance
1022.8K DibacaOn going
Baca
Tambahkan
NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO

NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO

Twenty-three years old si Tori nang makilala niya si Taj na isang bombero sa isang maliit na bayan sa Guimaras. Nasa kasagsagan siya noon ng tagumpay bilang isang popstar ngunit na-in love siya sa lalaki at ang dating organisado niyang buhay ay nagulo. It was a whirlwind romance ngunit dahil sa pangingialam ng kanyang ina ay napilitan siyang magpakasal nang lihim kay Taj. Kung gaano sila kabilis na nagkalapit ng lalaki ay ganoon din sila kadaling nagkalayo nang pumutok ang balitang nabuntis si Tori ng CEO ng Crystal Music na si Sid Rodriguez kasunod ng pagkakatuklas niya sa tunay na pagkatao ni Taj. Limang taon na ang dumaan at pareho na silang may magkaibang landas na tinatahak. Ayaw na ni Tori na magkaroon pang muli ng kaugnayan kay Taj ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana dahil muling nagsanga ang landas nila sa isang hindi inaasahang pagkakataon. Muli kaya silang magkakalapit o tuluyan na nilang tutuldukan ang ugnayang siyang naging dahilan ng kirot sa puso na pareho pa rin nilang nararamdaman?
Romance
1021.5K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
When She Cries

When She Cries

Sa ilang taong pagsasama ni Lhaurize at Jaxon ay ni minsan ay hindi siya nito nabigyan ng kahit katiting na pagmamahal. Ginawa niya ang lahat upang maging mabuting asawa rito ngunit hindi pa rin sapat ang lahat ng iyon para mahalin siya ng kanyang asawa. Lahat ay ibinigay niya kay Jaxon ngunit sa huli ay nagawa pa rin nitong iwan siya at sumama sa iba. Tatlong taon ang lumipas nang muling magtagpo ang kanilang landas. Maayos na sana ang lahat ngunit isang pangyayari ang magiging dahilan upang naisin ni Jaxon na bumalik sa kanya. Handa nga ba si Lhaurize na patawarin at muling tanggapin sa buhay niya ang lalaking pinakamamahal o tuluyan ng ibaon sa limot ang lahat ng pagmamahal dito?
Romance
8.718.3K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
IRISH "My Little Bride"

IRISH "My Little Bride"

Gwapo, simpatiko at kilalang magaling na negosyante. Sino nga bang babae ang hindi maghahangad na paibigin ang isang Gabriel Villaflor? Bukod kasi sa kagwapuhan nito, ito rin ang nagmamay ari ng kilalang pagawaan ng ilang fashion trends clothes sa bansa. Mayaman man pero naipagkasundo na itong ipakasal sa anak ng matalik na kaibigan ng pamilya, kay Irish No. Kabaligtaran ng ideal girl n'ya, at kahit pa sa panaginip ay hindi ito ang tipo n'yang babae. May mabubuo kayang pag-ibig sa pagitan nila? Kung maging ang dalaga ay hindi rin s'ya ang pinapangarap nitong makasama?
Romance
1020.0K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Prinsesa Aleyah

Prinsesa Aleyah

Pao_Consyyy
Sa mundong pinamamahalaan ng iba't-ibang kaharian, isang prinsesa ang gumawa ng kaniyang sariling pangalan. Kilala siya bilang si Prinsesa Aleyah, ang matapang, palaban at pasaway na prinsesa mula sa palasyo kung saan nababalot ng mga alitan, ang Kaharian ng Vireo. Sa taglay niyang husay, karamihan ay humahanga ngunit hindi mawawala sa kaniyang landas ang mga paninira. Ang kaniyang buhay ay punong-puno ng aksiyon at hiwaga. Kakabit na ng kaniyang pangalan ang mga kaguluhan. Nang dahil sa kaniyang natatanging istilo sa pamumuno at pakikipaglaban, kaniyang mararanasan ang mapagtaksilan at itakwil ng kaniyang sariling kaharian.Kaya naman sa panahon na ang kaniyang minamahal na kaharian ay nasa bingit na ng pagbagsak at kapahamakan, handa kaya niya itong ipagtanggol sa mga kalabang higit na makapangyarihan?Ito ang nobelang magpapatunay na ang prinsesang tampulan ng kaguluhan sa kasaluyan ay posible pa ring maging tagapaghatid ng kapayapaan sa hinaharap.
1020.9K DibacaOn going
Baca
Tambahkan
One Night Stand With My Domineering Billionaire Boss

One Night Stand With My Domineering Billionaire Boss

Dahil sa labis na kabiguan sa pag-ibig, isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap sa buhay ni Freya at iyon ay ang ipagkaloob ang isang sarili sa estranghero. Handa na sana niyang ibaon sa limot ang pangyayaring iyon kaya lang ay muling nagkrus ang landas nila ng lalaking iyon dahil siya pala ang CEO ng kanilang kumpanya na ni minsan ay hindi pa niya nakikita sa loob ng dalawang taon na pagtatrabaho niya roon. Ang masakit pa ay tandang-tanda siya nito at hindi lang iyon, kinuha siya nitong personal na sekretarya ngunit front lang pala nito iyon para mapalapit sa kaniya. Mukhang wala itong balak na basta na lang kalimutan ang gabing namagitan sa kanila. Sa likod ng pagiging boss at sekretarya ay may isang relasyon ang mabubuo sa pagitan nila. Pero paano kung sa kalagitnaan ng relasyon nila ay bigla na lang silang subukin ng tadhana dahil maaksidente si Dalton at hindi na siya maaalala? Paano niya magagawang harapin ang sitwasyon lalo pa at buntis siya?
Romance
1017.6K DibacaOn going
Baca
Tambahkan
Carrying My Ex-Boyfriend's Child

Carrying My Ex-Boyfriend's Child

Sa araw na nalaman ni Nikita na siya'y nagdadalang-tao, nakipaghiwalay si Kent sa kaniya, upang makipagbalikan kay Lauren, ang dati nitong kasintahan. Pinili niyang ilihim na lamang dito ang tungkol sa pagbubuntis niya sa isiping ayaw niyang mapilitan ang binata na magpakasal sa kaniya upang panagutan lamang ang anak nila. Ayaw niyang mamuhay sa isang pilit na pamilya ang anak kung kaya't minabuti nalang nitong huwag sabihin sa lalaki. Nang malaman ni Nikita na ikakasal na si Kent at Lauren, nagdesisyon itong sumama sa kaibigang si Hanz papunta sa ibang bansa upang doon manirahan at palakihin ang anak nila ni Kent. Si Hanz ay may lihim na pagtingin sa babae. Nang umamin ang kaibigan kay Nikita sa kaniyang totoong nararamdaman ay sinubukan ulit ng babaeng buksan ang puso niya para sa pagmamahal. Sino ang mananaig sa puso ng dalaga, ang ama ng anak niyang minsan na siyang iniwan o ang kaibigang matagal ng may pagtingin sa kaniya na walang ibang ginawa kung 'di ang mahalin sila at ang anak nila ni Kent? Pipiliin mo ba ang buong pamilya o ang masayang pamilya? Maaayos pa ba ang relasyon sa pagitan nila Kent at Nikita o mabubuo ang bagong relasyon sa pagitan ng dati pang dalawang matalik na magkaibigan?
Romance
1021.8K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Exchanged Heart

Exchanged Heart

Long-time boyfriend ng actress na si Hannah Lindsey ang male actor na si Froilan Dantes. Pero katulad nang ibang mag karelasyon, dumaan din sila sa isang mabigat na pag subok na humantong na sa hiwalayan. Nahuli ni Hannah Lindsey ang nobyo sa kuwarto nito na may kasamang ibang babae na walang iba kundi si Maricar Asuncio - Isang sikat actress at may long time boyfriend na non-showbiz na nag ngangalang Duwayne Fuentez. Ngunit sadyang mapag laro ang tadhana. Natagpuan na lamang ni Hannah ang kanyang sarili na kasama ang lalaking mainit ang dugo sa kanya, si Duwayne Fuentez. Mapigilan pa kaya ni Hannah ang namumuong pag-ibig niya para kay Duwayne? Paano kung siya lang ang nagmamahal? At ang binata ay gustong gumanti lamang?
9.920.3K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
4445464748
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status