Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Fine Print of Falling in Love

The Fine Print of Falling in Love

“Isang halik lang dapat… pero bakit parang gusto kong ulitin?” ani Alexis Vergara sa sarili, habang hinahabol ang sariling hininga matapos ang mainit na tagpo sa pagitan nila ni Ralph Santillian — ang bestfriend ng ex niyang cheater na si Julio. Isang gabing puno ng emosyon, galit, at alak, nagbago ang lahat sa isang iglap. Ang halik na dapat ay para lang ipamukha kay Julio na hindi siya nasira, ay bigla na lang nag-iwan ng init at kaguluhan sa puso’t isipan ni Alexis. Si Ralph, tahimik, misteryoso, at hindi interesado sa drama ng paligid, ay bigla na lang naging bahagi ng isang planong puno ng kasinungalingan: isang contractual marriage. Hindi sila in love, hindi sila magkaibigan, pero pareho silang may gustong patunayan — na kaya nilang makabangon mula sa mga nanakit sa kanila at gumanti sa ginawang pananakit ng mga taong minsang minahal nila ngunit sumira din sa kanila. Habang ginagampanan nila ang papel ng mag-asawa, unti-unting nabubura ang mga linya ng kasunduan. Si Alexis, na dating galit at puno ng poot, ay nahuhulog kay Ralph. Samantalang si Ralph, na tila bato ang puso, ay natutong ngumiti at masaktan para sa babaeng minsang bahagi lang ng isang plano. Ngunit paano kung bumalik si Julio para muling guluhin ang lahat? At paano kung ang dating kasunduan ay maging totoo na sa mata ng batas… at sa tibok ng puso?
Romance
9.97.1K viewsOngoing
Read
Add to library
The Mafia Kings Melody

The Mafia Kings Melody

Thunder Bird
NAGING tagapagmana si Nikolai sa Under ground organization ng kaniyang pamilya nang namatay ang mga magulang nito sa isang ambush sa bahagi ng Palawan. Ang layunin ni Nikolai ay ang mabigyan ng hustisya at maipaghiganti ang mga magulang. Sa kabila ng kaniyang pagiging mahilig sa musika at pagsusulat ng kanta, wala na siyang nagawa kun 'di tuluyang yakapin ang mundo ng kanilang organisasyon. Pero paano kung anak pala ng mga taong hinahanap niya si Melody Enriquez, ang babaeng bumihag sa puso niya't dahilan ng inspirasyon sa bawat kantang nabubuo niya? Makakaya niya bang maging kasangkapan sa paghihiganti niya ang dalaga? O titiwalag sa organisasyon at layunin ng pamilya?
Romance
1.3K viewsOngoing
Read
Add to library
LOCK ME IN YOUR HEART

LOCK ME IN YOUR HEART

Isang bilyonaryo si Enrico Royo na mas piniling maglingkod sa bayan bilang isang pulis. Sa edad niyang tatlumpu't tatlo ay wala pa itong naging kasintahan. Masyado itong abala sa kanya trabaho bilang Chief of Pulis ng Maynila. Cherry Cristobal isang babaeng ulila na. Namuhay itong mag-isa at kalaunan ay nakilala niya si Caye Blake ang babaeng tutulong sa kanya na makapag-aral ulit. Magtatagpo ang landas ng dalawa noong napasama sa mga nahuli sa bar si Cherry at napagkamalan ni Chief na isa sa mga nagtatrabaho doon. Paano magtitiwala ang pusong lubos na nasaktan? May pag-asa kayang makapasok sa puso ni Cherry ang matinik na pulis?
Romance
1033.3K viewsCompleted
Read
Add to library
My Brother-In-Law Is My Fake Husband

My Brother-In-Law Is My Fake Husband

TheInvisibleMind
Hindi maalala ni Angela ang kaniyang nakaraan dahil sa isang aksidente. Pero madalas siyang dalawin ng mga masasamang panaginip kung saan binubugbog daw siya ng isang lalaki dahil sa labis na selos. Mabuti na lang tuwing gigising siya ay niyayakap siya ng kaniyang asawang si Kyle, at sinasabi nitong isang bangungot lang ’yon, walang katotohanan, at lalong hindi parte ng kaniyang naburang alaala. Kaya lang pakiramdam ni Angela minsan ay ayaw sa kaniya ng kaniyang asawa at parang hindi siya nito mahal, lalo na't madalas siya nitong iwan sa Mindoro dahil madalas itong pumunta ng Maynila para sa negosyo raw nito na hindi naman niya alam kung ano. Kaya minsan ay naiisip na lang niya na baka may babae itong tinatago sa kaniya at iyon ang pinupuntahan nito sa Maynila. Kaya naman para malaman ang madalas na pag-iwan sa kaniya ng asawa ay gumawa siya ng paraan. Sinundan niya ito sa Maynila nang hindi nito alam. Ngunit paano kung sa pagdating niya ng Maynila ay doon na mag-uumpisang bumalik ang lahat ng kaniyang mga naburang alaala, at malalaman ang mga sekretong pilit na itinatago ng kaniyang asawa? At paano kung malaman niya na lang na hindi pala siya tunay na asawa ng kaniyang pinaniwalaang asawa, but his brother’s wife?
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Add to library
The Cruel Desire (Tagalog)

The Cruel Desire (Tagalog)

Rated SPG || Matured Content Sheena Angeles is older than Clyde Jay Montecalvo. Kahit ganun pa man ay walang nakakapagpigil sa kanilang mga damdamin. Kahit na 7 years ang gap nang kanilang edad ay di iyon naging hadlang para mahalin nila ang isa't-isa. Ika nga nila age is just a number. Age is doesn't matter, if love's conquer all. Pero dahil sa isang eskandalo na kinasasadlakan ni Clyde ay napilitang lumayo si Sheena sa lalaking mahal nito. Nabuntis nito ang kanyang kaibigan na si Ivy. Kailangan niyang magpaubaya para sa kapakanan ng magiging anak nila Ivy at Clyde. After 10 years, Clyde and Sheena unite again. Nagkita sila sa di inaasahang pagkakataon. Maibabalik pa kaya nila ang kanilang dating pagmamahal kung may mga taong masasaktan? Paano kung gumawa na naman ng paraan si Ivy para paglayuin silang muli? Ano ang gagawin nila. Lalaban ba silang dalawa o hahayaan na lang na paglayuin ulit sila gaya ng dati? Paano kung may malaman si Sheena na, isang sikreto na alam niyang makakapabago sa kanilang buhay.
Romance
1022.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Agent LUCY (SPG /R-18)

Agent LUCY (SPG /R-18)

Spg sang masunorin ,mapag mahal at Hindi makabasag pinggan ang dalagang si Lucy !iyan ang alam ng lahat Lalo na sa mga magulang nito at sa mga nakapaligod sa kanya. Ang Hindi nila alam ay may tinatago itong sicreto sa kanyang pagkatao . alam niyang magagalit sila sa kanya.at baka ito'y kanilang itaboy. Paano Kong isang araw magkatagpong muli ang landas nila ng lalaking una niyang inibig at ito Pala ang kanyang misyon . May pag-asa na kayang may mabubuong pagmamahalan sa kanilang dalawa .Abangan Agent Lucy/ Agent Precilyn/One Night Stand with The Billionaire Boss Series
War
9.748.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Moonlight Warriors (Tagalog)

Moonlight Warriors (Tagalog)

"What if I turned out to be someone you'd despise the most?" tanong ni Calista. "Then I'll be there to save you before that thing happens." Iyan ang binitawang pangako ni Clyde sa kasintahang si Calista bago ito naglaho nang parang bula. Ni minsan hindi sumagi sa isip ni Clyde na darating ang araw na mararanasan niyang ibigin at umibig nang tunay. Sa isang iglap, biglang nagkaroon ng kabuluhan ang dati ay magulo niyang buhay nang makilala niya si Calista. Subalit ang sayang ipinadama sa kan'ya ng tadhana ay hindi rin nagtagal nang isang gabi, natagpuan na lamang niyang walang buhay si Calista at ang mga magulang nito sa kanilang tahanan. Kasabay ng trahedyang ito ang biglaan ding pagkamatay ng kan'yang mga magulang. Pinaniniwalaan na ang may gawa ng mga pagpaslang na ito ay ang isa sa mga pinaka kinatatakutang nilalang sa mundong ito; ang mga taong-lobo. Isinumpa ni Clyde na kan'yang ipaghihiganti ang kan'yang mga mahal sa buhay mula sa mga mapaminsalang halimaw na ito. Subalit paano kung sa paglipas ng maraming taon ay muli niyang matagpuan ang pinakamamahal niyang babae na buong akala niya ay matagal nang patay? Paano kung malaman niya na ito na ngayon ang pinuno ng mga taong-lobong matagal niya nang inaasam na patayin? Mananatili kaya ang pag-iibigan nila sa isa't isa kung ang kapalaran nila ay ang puksain ang lahi ng bawat isa?
Other
1011.4K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire's Contract Bride

The Billionaire's Contract Bride

Ginawang pambayad utang ng kanyang tiyuhin si Lara Veronica Martinez. Dahil sa desperasyon na matakasan ang lalaking hindi niya gusto, pumayag ang dalaga na magpakasal sa kanyang bilyonaryong boss na si Jason Timothy Lagadameo o Jace na nangangailangan ng contract bride upang matupad ang kahilingan ng abuela nitong may sakit. The marriage will last for only six months. At may dalawang rules na inilatag si Jace kay Lara; mananatiling lihim ang kanilang kasal sa iba at hindi dapat ma-in-love si Lara sa kanya. Wala iyong problema kay Lara. Alam niyang hindi siya mahuhulog sa mga gaya ng kanyang boss. He is the cold billionaire and she is the bubbly ordinary employee. He is the ruthless CEO and she is the poor woman with a heart of gold. Paano kaya nila pakikibagayan ang isa’t-isa gayong tila langit at lupa ang kanilang pagitan? Kaya ba nilang panatilihing lihim ang kanilang kasal sa iba gaya ng kanilang napagkasunduan? Paano kung sa paglipas ng panahon, unti-unting mahulog si Lara kay Jace sa kabila ng katotohanang, nariyan lang ang ex-girlfriend ni Jace, handa ulit paumuin ang binata sa kahit na anong paraan? Ipaglalaban ba ni Lara ang kanyang damdamin para sa asawa? O mas pipiliin niya ang umalis pagkatapos ang anim na buwan gaya ng kanilang napagkasunduan kahit na… dala-dala na niya sa kanyang sinapupunan ang pinakaaasam na tagapagmana ng mga Lagdameo na siyang magiging susi upang mabuksan ang mga lihim ng kanilang nakaraan?
Romance
10209.7K viewsCompleted
Read
Add to library
The Rejected Son-In-Law

The Rejected Son-In-Law

snowflower
"I want a divorce, Luke." sambit ng asawa niya. Buong akala ni Luke ay makukuntento na ang asawa niyang si Hannah sa kung anong kaya niyang ibigay. Ngunit gaya ng inaasahan, hindi nito kayang mamuhay kasama ang isang mahirap na gaya niya. Isang office staff sa umaga, delivery man sa gabi. Ilan lamang iyan sa mga dahilan kung bakit puro pambubuska at panlalait ang natatamo ni Luke sa mga ka-trabahon at maging sa asawa niyang si Hannah. Ngunit... Paano kung bigla na lamang nila nalaman na ang lalaking inakala nilang mahirap ay isa palang ubod na yamang tagapagmana ng pinakamalaking kompanya sa bansa?
Romance
2.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Seducing My Hot Tycoon Stepbrother

Seducing My Hot Tycoon Stepbrother

Gabriella Castillo, isang adopted child ng mayamang pamilya Castillo ang magkakaroon ng lihim na pagtingin sa kaniyang Kuya Francis— ang Hot Tycoon na panganay na anak ni Señora Marianna. Hindi niya inaasahan na mahulog siya nang tuluyan sa gwapo niyang kuya dahilan para ialay niya ang sarili rito. Ngunit, paano kapag dumating ang araw na malaman ng kanilang pamilya ang tungkol sa lihim at bawal nilang relasyon? Mapapanatili niya pa kaya ang pagiging bunso sa pamilyang umampon sa kaniya? O mawawasak nang tuluyan ang relasyon niya sa pamilya Castillo?
Romance
10482 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status