Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
ONE NIGHT STAND WITH A CEO

ONE NIGHT STAND WITH A CEO

Si Diane ay isang simpleng mahirap na dalaga lamang na lumaki sa isang squatter area ng Metro Manila. Ang tanging gusto niya ay ang maiahon sa kahirapan ang pamilya at maging isang inhinyero. Ngunit naging mapagbiro ang tadhana nang isang gabing kalakasan ng ulan ay nagkrus ang landas nila ni Gerald, isang mayamang CEO. Nagkaroon sila ng one night stand. Nang sumunod na araw na pumasok si Diane sa kanyang trabaho, hindi niya inaasahang magkrus muli ang landas nila. Nagulat siya na ang boss niya ang matagal na pala niyang hinahanap na naka-one night stand niya. Si Gerald ay nagulat din. Ang isang babaeng di niya makalimutan ay siyang magiging Office Assistant niya. Mabubuo kaya ang pag-iibigan sa pagitan ng CEO na hindi naniniwala sa relasyon at sa kagaya ni Diane na isang hopeless romantic? Paano niya mailalaban ang pagmamahal niya sa kanya mismong boss?
Romance
20.6K viewsCompleted
Read
Add to library
THE BILLIONAIRE’S REPLACED WIFE (SSPG)

THE BILLIONAIRE’S REPLACED WIFE (SSPG)

LOVE blooms in unexpected circumstances. Pinilit ipakasal si Hannah sa isang lalake na sa tanang buhay niya ay hindi niya pa nakikita at ang masaklap pa ay pangit at may taning na ang buhay ng tatlong buwan. Siya ang ipinalit na bride ng mga magulang niya nang basta- basta na lang lumayas ang nakakabata niyang kapatid na may isang taong agwat sa kanya na parang kakambal niya na rin. Baon at nalugi na sa utang ang negosyo nilang mag-anak kung kaya’t upang maisalba ito ay kailangan niyang magsakripisyo at magpakasal sa estranghero. Paano na lang kung sa araw mismo ng kasal niya ay masilayan niya ang pinakaperpekto at makisig na lalake na walang iba kung hindi ang kanyang groom na isa pa lang multi-billionaire at eligible bachelor sa buong bansa at higit sa lahat ay hindi pa mamamatay at tinatago lang ang totoong katauhan nito. Mahuhulog kaya siya kay Hanz Leonard Carlson na sobrang lambing at mabait pala.? Paano kung magbabalik si Heleana at iladlad siyang nagbabalat-kayo lamang sa katauhan ng kanyang kapatid kung kailan natutunan niya ng ibigin ang kanyang asawa, magbabago kaya ang pagtingin sa kanya ng asawa sa kabila ng kanyang kasinungalingan? Pipiliin kaya siya ni Hanz na isa lamang siyang impostora o si Heleana na siyang una at tunay nitong fiancee?
Romance
575 viewsOngoing
Read
Add to library
Phantom Syndicate: Undercover Wife to the Mafia Trillionaire

Phantom Syndicate: Undercover Wife to the Mafia Trillionaire

WARNING RATED SPG... Si Geraldine ay isang sikat at magaling na undercover agent na walang misyong hindi natatapos. Ngunit ang simpleng pagpapakasal niya bilang substitute bride sa isang lalaking iniwan sa altar ay nagdala sa kanya sa isang masalimuot na kwento ng pag-ibig, tungkulin, at nakatagong lihim. Ang lalaking iyon, si Michael Muller, ay hindi lamang isang negosyante kundi ang emperador ng pinakamakapangyarihang mafia sa mundo—ang mortal na kaaway ng gobyerno kung saan siya nagtatrabaho. Habang sinusubukan ni Geraldine na isagawa ang kanyang misyon laban kay Mike, unti-unti niyang natutuklasan ang kanilang malalim na koneksyon mula sa nakaraan at ang damdaming hindi niya mapigilan kahit pilit niyang nilalabanan. Ngunit sa mundo ng pagkakanulo at panganib, kailangang pumili ni Geraldine: ang sundin ang kanyang tungkulin bilang isang agent, o ang panindigan ang pagmamahal niya sa lalaking kinamumuhian ng organisasyong kanyang pinagsisilbihan. Mapapanindigan ba nila ang pag-ibig sa kabila ng dugo at kasinungalingan? O magwawakas ang lahat sa digmaan ng katapatan at kapalaran?
Romance
1099.2K viewsCompleted
Read
Add to library
His Forgotten, Unwanted Wife

His Forgotten, Unwanted Wife

Anim na taon nang ibinuhos ni Mildred ang lahat ng oras, puso, at buhay niya para palakihin sina Sophia at Lucas. Hindi man niya sila anak sa dugo, itinuring niya silang kanya. Akala niya, sapat na ang pagmamahal para mapatatag ang isang pamilya. Hanggang sa bumalik si Irene, ang tunay na ina ng mga bata. Isang gabi lang, nagbago ang lahat. Ang mga taon ng sakripisyo ni Mildred ay biglang nabura, at ang lalaking minahal niya, si Oliver, ay mas piniling ipagtanggol ang babaeng minsan niyang iniwan. Ngayon, kailangang pumili si Mildred: Ipaglalaban ba niya ang pamilyang itinuturing niyang kanya o lalayuan ang pag-ibig na matagal nang nakalimot sa kanya?
Romance
943 viewsOngoing
Read
Add to library
My husband is a Billion-Dollar

My husband is a Billion-Dollar

Minsan na silang nagmahalan, pero biglang nawala si Jazeah, iniwan si Raven nang walang paliwanag. Pagkalipas ng ilang taon, bumalik siya—hindi para humingi ng tawad, kundi para mag-alok ng kasal kapalit ng isang milyon. Kailangan niyang magpakasal para makuha ang mana ng kanyang lola at iligtas ang kanilang kompanya. Pero hindi niya alam, ang lalaking iniwan niya noon ay hindi na mahirap. Siya na ngayon ang may-ari ng pinakamalaking kompanya sa bansa—at hindi niya basta-basta tatanggapin ang kasunduan nang hindi siya nito napaglalaruan muna.
Romance
1018.3K viewsOngoing
Read
Add to library
The CEO'S Abandoned Wife

The CEO'S Abandoned Wife

Lunoxlovesyou
Si Julia Perrywickles ay inabandona ng kanyang pamilya sa kanyang murang edad at napunta siya sa Isang bahay ampunan. Pinangarap niya na makadama ng pagmamahal ng Isang pamilya pero malabo itong mangyari hanggang sa pinakasalan niya si Harry Warner na Isang CEO na itinuring niyang kanyang kaligtasan. Inakala niya na masaya at madali ang buhay Kasama ang lalaki pero doon siya nagkakamali. Kabaligtaran lamang ang nangyari ng kanyang inaasahang masayang buhay. Lalo siyang nakaranas na abandonahin dahil harapan niyang ipinamumukha ang pambababae niya. Kung kaya siya tinaguriang "The CEO'S Abandoned Wife" Si Daniella na kanyang kabit ay Isang prostitute at naghahangad na umangat ang pamumuhay kaya pumatol sa lalaking may asawa. Ngunit paano kapag nalaman niya na hindi iba sa kanya ang Asawa ng kanyang nobyo?? At isang araw ay dumating sa buhay niya si Herbert Warner ang lalaking nagpadama sa kanya ng tunay na pagmamahal. Pero paano kung Ang lalaking ito ay Kapatid pala sa ama ni Harry at mortal nitong kakompitensya sa lahat ng bagay?
Romance
103.2K viewsOngoing
Read
Add to library
FORBIDDEN TO MY MOTHER'S EX-HUSBAND

FORBIDDEN TO MY MOTHER'S EX-HUSBAND

Tahimik na buhay. Ipinagbabawal na pag-ibig. Isang lihim na maaaring sumira sa lahat. Para kay Elicia Torrez, nagsimula ang lahat sa isang pagkakamali—ang umibig sa dating asawa ng kanyang ina, si Demon Villamor. Ngunit ang pagkakamaling iyon ay nag-iwan ng isang lihim: siya’y buntis, at si Demon ang ama. Ayaw niyang sabihin ang katotohanan. Ex-husband ng ina niya si Demon, at anak ni Demon ang lalaking ngayo’y papasok sa kanyang buhay—si Daniel Valdez. Ngunit si Daniel ay may puso, at handang maging ama ng bata, kahit hindi niya ini-expect na ang pagmamahal na ibibigay niya ay magdadala rin ng panganib at sakit. Dahil si Daniel… anak din ni Demon. Sa pagbabalik ng ina, at sa pagbubunyag ng mga lihim, pipili si Elicia sa dalawang lalaking magdudulot ng kapahamakan sa kanya: Ang lalaking bawal na ama ng kanyang anak… o ang lalaking tapat na magmamahal sa kanya, kahit dala niya ang sugat ng nakaraan?
Romance
102.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Nakakahumaling na Pag-ibig

Nakakahumaling na Pag-ibig

Nahatulang ng tatlong taon sa kulungan si Ling Yiran dahil sa car accident na pumatay sa kanyang fiancee na si Yi Jinli, ang pinakamayaman sa Shen City.Nang makalaya sa kulungan, sa hindi inaasahang mga pangyayari napukaw niya ang atensyon ni Yi Jinli. Lumuhod siya sa sahig at nagmakaawa, “Yi Jinli, parang awa mo na, pakawalan mo na ako!” Ngunit ngumiti lang si Yi Jinly at sinabi, “Sister, hindi kita papakawalan kahit kailan.”Bali-balita na tila walang pakialam si Yi Jinli sa kahit sinuman, pero sa di malamang dahilan, ginagawa niya ang lahat para lang suyuin ang isang sanitation worker girl na nakulong sa loob ng tatlong taon. Ngunit dahil sa aksidente na nangyari noon, naubos ang pagmamahal niya para kay Yi Jinli at nagdesisyon na lisanin siya.Makalipas ang maraming taon, lumuhod si Yi Jinli at nagmakaawa, “Yiran, bumalik ka lang saking tabi, gagawin ko ang lahat para sayo.” Ngunit tinigan lang siya ni Yiran at sinabi, “Edi magpakamatay ka.”
Romance
9.5259.4K viewsCompleted
Read
Add to library
The Disguised Billionaire

The Disguised Billionaire

Sa mismong araw ng masaya niyang kaarawan, excited si Jessica na ianunsyo ang kanyang engagement. Hinihintay niya ang pagdating ng kanyang magiging fiancé, ngunit nang dumating ito, hindi siya nag-iisa. Sa harap ng lahat, ipinakilala ng lalaki ang babaeng kasama niya—hindi bilang fiancée, kundi bilang kanyang tunay na kasintahan. Napahiya at pinag-usapan si Jessica ng kanyang mga bisita. Dahil sa matinding kahihiyan, tumakas siya palayo. Sa kanyang paglalakbay, napadpad siya sa isang malayong probinsya, kung saan nakilala niya ang isang simpleng mangingisda na si Darius. Sa kabila ng sakit ng nakaraan, unti-unting gumaan ang kanyang loob kay Darius. Dahil sa kabutihang ipinapakita nito, hindi niya napigilang mahulog sa kanya. Ngunit isang araw, natuklasan niya ang matagal nang lihim ni Darius—isang rebelasyong lubos na ikinagulat niya. Ipagpapatuloy pa rin ba ni Jessica ang pagmamahal sa lalaking bumago sa kanyang buhay? O tatakasan niya ito, tulad ng pagtakas niya sa kanyang engagement party?
Romance
1079.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Owned by the Devil

Owned by the Devil

Minchin
[FILIPINO] Jeanna De Lara is stuck to her past love. Hindi man niya binibigyan ng pansin; alam niyang malaki ang nagawa ng nakaraan sa kanya—lalong-lalo na sa pagtitiwala at pagmamahal muli ng iba. Moving on seems impossible alone. Hindi na masama kung may darating para tumulong na sa kanya.At nangyari iyon dahil sa isang pulang stiletto! She finally had the chance to meet someone who could possibly be her solution... or not.Kieth Leandro Montelvaro is one silent killer. Literal na mas gusto niyang manatiling tahimik lang para sa tahimik niyang buhay. But Fate seems to plan something else for him. Kahit kailan ay hindi niya naisip na darating ang babaeng makakatapat niya at nakakapagpabago sa lahat. She brought change—and a lot of trouble.With that faithful red stiletto, their lives collides into a very life-changing situation.Love. Trauma. Lies. Right timing.Saan nga ba hahantong ang kwentong noong una pa lang ay hindi na sana nabuo?
14.8K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status