Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Collateral for the Billionaire

Collateral for the Billionaire

Duchess GN
Sapat nga bang gawing pambayad utang ang pagmamahal at katawan? Desperadong maibalik ni Quinton James ang yamang nawala nang dahil sa panloloko sa kaniya ng isang paluging business tycoon na si Oscar Santibañez. Kaya't gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya maibalik lang ang multi-million peso na ninakaw nito sa kanyang kompanya. Sa kanyang paghahanap sa nawawalang tao ay matatagpuan niya sa isa sa properties nito ang 24 taong gulang na si Renata Santibañez, ang ulilang pamangkin ni Oscar. Sa kagustuhang maibalik agad ang yamang nawala, gagawing collateral ni Quinton ang dalaga at habang hindi pa nagpapakita si Oscar ay gagawin niya ang lahat ng kanyang nais kay Renata. Walang kalaban-laban na bibigay ang dalaga sa lahat ng kagustuhan ni Quinton kapalit ng kanyang buhay. Hanggang sa isang pangyayari ang babago sa ikot ng kanilang mundo. Sino nga ba talaga si Renata at ano ang kinalaman ng kanyang nakaraan sa kinatatayuan ni Quinton?
Romance
1.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Hiding His Mistress: Diovanni de Marcel

Hiding His Mistress: Diovanni de Marcel

Si Shuen de Marcel ay nag-alay ng kanyang buhay bilang isang full-time na maybahay, ang tanging kasama ng negosyanteng si Diovanni Al Tiera de Marcel. Ang kanyang buhay ay puno ng katapatan at tungkulin, hindi lang bilang asawa kundi pati na rin bilang manugang. Bagama't hindi sila nagkaroon ng anak, ibinuhos ni Shuen ang lahat ng kanyang pagmamahal at atensyon sa kanilang pagsasama, at inalay ang lahat ng kanyang sarili kay Diovanni. Ngunit, isipin mo ang gulo sa kanyang puso nang isang umaga, siya ay nagising sa isang pagbubunyag na napakalalim na maaaring magwasak sa kanyang pinaniniwalaan at pinahahalagahan. Paano kung ang mga katotohanang kanyang pinanghawakan at ang buhay na kanyang iningatan ay isa lamang malaking pagpapanggap?
Romance
5.76.3K viewsCompleted
Read
Add to library
She's Mine (Battle of the Gangsters)

She's Mine (Battle of the Gangsters)

Chrispepper
"What the memory forgets, a heart can remember." Yan ang mga katagang pinaniniwalaan at pinanghahawakan ni Ken lalo na nang malaman niyang ang lahat ng ala-ala ni Ciashet patungkol sa kanya at sa mga taong related sa kanya ay nakalimutan nito. Gusto ni Ken na maalala ni Ciashet ang feelings ng babae para sa kanya pero mayroong puwang sa isip niya na nagsasabing ayaw niya ring makaalala pa ang nobya dahil natatakot siya sa mga posibleng maalala nito. Baka hindi lang pagmamahal ang maalala nito kundi pati na rin ang galit na maging dahilan pa ng pag-iwas at pag-alis ulit ng babae palayo sa kanya. Paano nga ba haharapin ng magkasintahang ito ang mga ala-ala sa nakaraan na nakalimutan ng babae at ala-ala naman sa kasalukuyan na makakalimutan naman ni Ken dahil sa isang aksidente. Posible kayang magtagpo pang muli ang mga ala-ala nila? O tuluyan na lang nilang kakalimutan ang isa't isa?
YA/TEEN
102.6K viewsOngoing
Read
Add to library
My Slave Wife

My Slave Wife

Annaliza Benavidez BediaBillionaireDramaArrogant
Inalok ng kasal ni Glazer si Maureen hindi bilang asawa kundi bilang slave ninto upang maging kabayaran sa tulong na ibibigay niya sa ama ninto,ngunit ang kasal ay paraan lamang ni Glazer upang makaganti sa ama ni Maureen,nais niyang si Maureen ang magbayad ng lahat ng kasalanan ng ama ninto sa kanya,kaya't gagawin niyang lahat upang maiparamdam kay Maureen ang ganti ng pagkapoot niya,pahihirapan niya ito, hangga't maramdaman ninto ang sakit at pagdurusa na naranasan din niya ng dahil sa ama ninto. Ngunit lumipas ang panahon na nasasaktan na rin siya sa ginagawa niya kay Maureen at may parte sa puso niya na sumisigaw na mahal na rin niya ito at handa na siyang iparamdam dito ang kanyang pagmamahal ngunit sa paanong paraan dahil sa panahong iyon ay puno na ng pagkapoot ang puso ni Maureen para sa kanya at handa na siya nintong talikuran.
Romance
1042.9K viewsOngoing
Read
Add to library
His Ruthless Revenge: Eros Freniere My CEO Stepbrother

His Ruthless Revenge: Eros Freniere My CEO Stepbrother

Tahimik at simple lamang ang buhay ni Analeia at ng kanyang ina na naninirahan sa syudad kahit isa lamang siyang secretary sa isa sa pinaka-maimpluwensyang kompanya sa bansa, ang Moreau Corporation. Ngunit ang payak niyang buhay ay panandalian lamang nang isang araw ay may ipinakilalang lalaki ang kanyang ina, at inaaya na ito ng kasal. Tutol man si Analeia ay gusto niya pa ring pagbigyan ang ina dahil na rin sa maaga itong nabyuda at nangungulila sa makakasama sa buhay. Hindi makapaniwala si Analeia nang malaman niya sa mismong araw ng engagement party ng kanyang ina at nobyo nito na magiging stepbrother niya ang mabagsik nilang CEO na si Eros Freniere ng Moreau Corporation. Ano na lamang ang kanyang gagawin sa oras na malaman niya na ang kanyang ina ang dahilan kung bakit nasira ang pamilya ni Eros at kung bakit ito mabagsik sa kanilang dalawa? Walang kamalay-malay si Analeia na matagal na siyang pinapasundan ni Eros simula pa lamang. Kaya nakabuo ito ng plano upang maipaghiganti ang pamilya niyang nasira. Will Analeia sabotage the relationship of her mother and Eros’ father para lamang lumaya sa kasalang nagawa ng kanyang ina sa mga Freniere? Or will she fight her love for Eros kahit na ang pag-asa na mahalin siya pabalik nito ay isang suntok lamang sa buwan? Will Eros be able to forgive Amelia Cervantes and show his real feelings to Analeia or will they both bleed their own hearts?
Romance
10317 viewsOngoing
Read
Add to library
"Alipin Ng Bulag Na Pag-ibig"

"Alipin Ng Bulag Na Pag-ibig"

⚠️SPG  "Bulag na Pagmamahal: Ang Kwento ni Rheana Belmonte" Si Rheana Belmonte, 20 taong gulang—bulag, ngunit marunong magmahal. Sa kabila ng kanyang kapansanan, ibinuhos niya ang buong puso sa lalaking inakala niyang tagapagtanggol niya... si Darvey Gonsalo. Pero ang pag-ibig na inaakala niyang kanlungan, unti-unting naging impyerno. Nang dumating sa buhay nila si Cindy Buena, unti-unting naglaho ang halaga ni Rheana. Sa mismong tahanan nilang mag-asawa, nasaksihan niya—harapan—ang kababuyang ginagawa ng kanyang asawa’t kabit. Sa harap ng lipunan at ng pamilya ni Darvey, ibinaba siya sa pagiging isang katulong—walang karapatan, walang boses, at lalong walang dignidad. Ang masakit? Hindi lang siya binulag ng kapalaran, kundi pati ng pag-ibig. Hanggang kailan mananatiling martir si Rheana Belmonte? Lalaban ba siya sa sistemang sumira sa kanya—o mananatili siyang bulag habang tuluyang nilalamon ng karimlan ang kanyang mundo?
Romance
101.8K viewsCompleted
Read
Add to library
A Mistress's Revenge

A Mistress's Revenge

Paano nga ba maging masaya lalo na kapag nalaman mong isa ka na lang kabit ng lalaking unang nangako sa'yo ng kasal at pagmamahal? Si Joy Fuego, isang simpleng babae na masaya at kuntento na sa buhay pag-ibig niya kay Ricks Gregorio-- ang kan'yang nobyo dahil kahit na mahirap lang sila pareho ay responsable at mapagmahal naman ito sa kan'ya. Hindi man nito naibibigay sa kan'ya ang lahat ay alam niyang mahal na mahal siya nito at kahit na kailan ay hindi siya nito magagawang lokohin. Pero paano na lang kapag dumating ang isang malaking pagsubok sa pagsasama nila at malaman niyang kasal na pala ito sa iba? At ang masakit pa ay bago lamang nito nakilala ang babaeng pinakasalan. Matitiis ba niyang maging isang kabit lang ng lalaking pinakamamahal alang-alang sa magiging anak nila o nakahanda na siyang palayain ito at hayaang lumigaya sa piling ng babaeng pinili nitong pakasalan?
Romance
106.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Marry Me, Mr. CEO

Marry Me, Mr. CEO

“Mary me, Mr. CEO.” Lakas loob niyang saad na nakapagpasinghap sa mga nakarinig. Nanatiling blangko ang mukha ni Aiden at nakatitig lang sa empleyado niyang lasing. Kung titingnan mo ay isang magaling na empleyado si Mia at kung makipag-usap ito sa Boss niya ay maayos at magalang ito pero sa mga oras na ito, ibang-iba sa nakasanayan niyang makita kay Mia. “Please, marry me, Sir!” ulit niya. Lasing na si Mia, nagpakalunod siya sa alak dahil sa ginawang panloloko sa kaniya ng ex-boyfriend niya. “Bakit ba hindi man lang kita napansin, Sir? Ang kinis-kinis ng mukha mo, ang perfect ng itsura mo. Kaya siguro nababaliw sayo ang lahat ng mga babaeng empleyado at guest dito. Iyan ba ang asset ng hotel na ito kaya marami kayong guest?” lasing niya ng saad. “Bakit, ang gwapo gwapo mo.......Sir?” "Just answer me if you’re gonna marry me, hindi ako aalis hangga’t hindi ka sumasagot.” pamimilit pa rin niya. Bahagya lang namang nakangiti si Aiden. “Yeah, sure. I will marry you.” sagot niya, halos mawalan pa ng balanse ang isang babaeng nakikinig sa kanila dahil sa narinig nilang sagot ng Boss nila. What will happen after that? Paano kung paggising mo kinabukasan ay fiancee ka na ng isang pinakamayamang batang CEO sa bansa dahil sa kalasingan mo?
Romance
10127.6K viewsCompleted
Read
Add to library
ONE NIGHT STAND WITH A CEO

ONE NIGHT STAND WITH A CEO

Si Diane ay isang simpleng mahirap na dalaga lamang na lumaki sa isang squatter area ng Metro Manila. Ang tanging gusto niya ay ang maiahon sa kahirapan ang pamilya at maging isang inhinyero. Ngunit naging mapagbiro ang tadhana nang isang gabing kalakasan ng ulan ay nagkrus ang landas nila ni Gerald, isang mayamang CEO. Nagkaroon sila ng one night stand. Nang sumunod na araw na pumasok si Diane sa kanyang trabaho, hindi niya inaasahang magkrus muli ang landas nila. Nagulat siya na ang boss niya ang matagal na pala niyang hinahanap na naka-one night stand niya. Si Gerald ay nagulat din. Ang isang babaeng di niya makalimutan ay siyang magiging Office Assistant niya. Mabubuo kaya ang pag-iibigan sa pagitan ng CEO na hindi naniniwala sa relasyon at sa kagaya ni Diane na isang hopeless romantic? Paano niya mailalaban ang pagmamahal niya sa kanya mismong boss?
Romance
20.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Blooming Season (Russo #1)

Blooming Season (Russo #1)

Isang Half Irish-filipino na dating mayaman ngunit naghirap dahil sa malaking pagkakautang ng kaniyang ama sa isang kilalang pasugalan. Nawala ang lahat ng yaman na meron sila at walang nagawa kundi ang umalis sa malaking mansyon na kaniyang kinalakhan dahil may ibang tao na ang bumili. Bata pa lamang siya ay kinailangan na niyang tulungan ang kaniyang ina na magtinda ng mga gulay sa palengke habang nakakulong ang kaniyang ama dahil sa pagkakalulong sa ipinagbabawal na bisyo. Hanggang senior high school lamang ang kaniyang natapos dahil sa matinding hirap at sa laki ng kanilang gastusin sa pang-araw-araw. Kinailangan niyang tumigil sa pag-aaral para makahanap ng trabaho upang may pangtustos sa pag-aaral ng kaniyang dalawang kapatid. Kahit anong klaseng trabaho ang tinatanggap niya para lang magkapera. Akala niya ay doon lang tumatakbo ang kaniyang buhay sa mga trabahong tinatanggap niya, hanggang sa may mapulot siyang pitaka na naglalaman ng malaking halaga. At dahil napalaki siya ng maayos ng kaniyang Mommy ay ibinalik niya sa isang kompanya ang pitaka kung saan nagtatrabaho ang taong nakahulog nun. Lingid sa kaniyang kaalaman ay doon na pala magsisimulang magbago ang kaniyang buhay. Dahil ang taong nagmamay-ari ng pitaka ay walang iba kundi ang pure Italian na bilyonaryo at kilala sa buong bansa na gwapo, hot at masungit na business tycoon at may kulay-langit na mga mata. Si Azzurro Cielo Russo.
Romance
783 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
4445464748
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status