Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Secret door in the dark forest

Secret door in the dark forest

Aya Lyka C.
Sa Isang mahiwagang mundo na binuo ng pag iibigan ng isang diwata at isang engkanto, isang kilalang hari at reyna sa palasyo ng gardenya. Nabuo ang kanilang pagmamahalan sa pagdating ng isang supling na babae. Isang napakagandang bata na may taglay na kakaibang kapangyarihan. Binigyan ng pagkakakilanlan ang sanggol at tinawag nila itong Princess Lucia. Pinagdiwang nila ang pagdating ng bagong itinakdang maghari sa buong gardenya. Subalit sisirain ito ng isang mapaghiganti na may maitim na mahika ang kasiyahang nagaganap. Dumilim ang kalangitan at namatay ang lahat ng mga puno at halaman ang buong kaharian. Kagimbal-gimbal ang mga pangyayari dahil napakalakas ng itim na mahikang taglay ng kung sino man ang gumagamit nito. Dahil sa takot na mapahamak ang sanggol ay pinaubaya ng hari at reyna ang kanilang anak sa isang diwata na si Lila. Mabilis na itinakbo ng diwata at inilayo sa lugar na yun ang prinsesa. Dinala niya ito sa isang diwata na si Kala na umibig sa isang mortal at namuhay bilang tao. Bago tuluyang nagpaalam si Lila ay may binigay ito na kwentas at kapirasong papel kay Kala. Di na rin pinaalam ni Lila kung ano ang nangyari at kung sino ang sanggol para sa ikatatahimik ng lahat. Pinalaki ng maayos ng mag asawa ang batang pinagkaloob sa kanila at pinangalan nila itong Callea. Lumaking maganda at masayahin ang bata ngunit sa pagsapit ng ikalabing-walo niyang kaarawan ay matutuklasan ang hiwagang at misteryong bumabalot sa kanyang pagkatao. Sa pagtuklas sa nakalipas ay makakatagpo siya ng isang taong lobo ngunit ang lobong ito ang magdadala sa kanya sa kapahamakan. Maibalik pa kaya ang ganda ng nasabing kaharian na nagmistulang isang madilim at nakakatakot na kakahuyan? Sino ang nasa likod ng paggamit ng itim na mahika? Sino o ano sa buhay ng dalaga ang taong lobo?
Fantasy
3.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Psycho Secrets

Psycho Secrets

Tanya Sanchez, isa siyang nurse sa ospital ng mga baliw. Devin Ferrer, isang pasyente ng hospital na may kakayahang makita ang kamatayan ng mga tao sa ospital na iyon. Ilang buhay ang masasawi? Sino ang salarin? Posible bang mahulog ang loob ng nurse sa kanyang pasyente? Samahan ang dalawa sa paglutas ng misteryo ng katakot-takot na ospital.
Paranormal
102.2K viewsOngoing
Read
Add to library
The First Daughter's Bodyguard

The First Daughter's Bodyguard

Si Irish ang kaisa-isang anak ng Presidente ng Pilipinas. Maganda, sopistikada, matalino ngunit nagrerebelde sa kanyang mga magulang. Upang tumino, pinadala siya ng kanyang ama sa isang immersion sa pangangalaga ng pinagkakatiwalaang gwapo at matipunong si Daniel na isang PSG/ Bodyguard. Kapwa may kasintahan sina Irish at Daniel ngunit sa liblib na lugar na iyon, nabuo ang hindi inaasahang pagtitinginan ng dalawa. Paano nila ipaglalaban ang kanilang lihim na pagmamahalan sa kani-kanilang mga karelasyon at sa Pangulo ng Pilipinas? Paano napabago ng isang simpleng bodyguard ang isang tigre sa kasungitang anak ng Presidente?
Romance
1013.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Mr.CEO silent Mistress (Tagalog)

Mr.CEO silent Mistress (Tagalog)

Halos hindi makakurap si Cash dahil ang inosente niyang mata ay nakasaksi ng isang makasalanang ginagawa ng dalawa. ''heyyy!! who are you ?"galit na tanong ng lalaki sa kanya habang nagaayos ng zeeper. ''heyyy again?" pumitik na ito sa harap ng mukha niya at doon lamang bumalik ang kaluluwa na parang humiwalay dahil sa nakita niyang ginagawa ng dalawa kanina. ''sino ba yan ?" galit na saad ng babaeng kaniig ng lalaki kanina .Abala ito sa pag aayos ng mukha mula sa harap ng isang malaking salamin. ''tapusin muna yan at umalis kana !!! '' utos nito sa babae . Napapalunok nalang siya dahil sa seryosong mukha at pananalita ng lalaki dahil parang nabitin at kasalanan niya dahil namali siya ng bukas sa isang cubicle ng banyo . ''at ikaw bakit hindi ka man lang kumatok basta basta ka nalang papasok '' galit nitong salita habang duro duro siya sa mukha . ''aba kasalanan ko pa kayo itong hindi naglolock ng pintuan haler!!!!'' pag aangal niyang sagot.Ang ayaw niya sa lahat dinuduro ang mukha niyang maganda. ''stay away here now !! '' natakot siya bigla dahil sa galit nitong boses dahil sa takot ay nagmadaling lumabas sya ng banyo dala ang takot at pagkabigla sa lahat ng kanyang nasaksihan ngayong araw at idagdag pa niya masungit na lalaki . Hindi na berhen ang kanyang mata dahil sa nasaksihan sa dalawa ni man lang manood ng isang malaswang video hindi niya magawa . Inis naman na binalibag ni Theo ang pintuan ng banyo at lumabas .Hindi niya matanggap na may makakita sa kagaguhan niya . Hindi niya gustong lokohin ang asawa nito pero nangangailangan lang siya bilang lalaki kaya nagagawa niyang maglihim at tumikim ng ibang babae . Yan ang tunghayan natin sa kwento nila Evan Theo Fortillen at Cashandra Torero .. (Warning rated SPG) 18+ only .
Romance
1047.3K viewsOngoing
Show Reviews (8)
Read
Add to library
Ma Sofia Amber Llanda
Hi Ms. author kelan mo kta balak mg update sa Past Shadow story of Kurt and Helen buti pa D2 sa story mo na to panay ang update mo gusto rn nman naming malaman Kung ano na ang progress sa kwento nla Helen and Kurt sana maisipan mo Rin na mag update sa Past Shadow ang ganda rn nmn Ng story ng Past
lhyn
Huwag na po kayong magalit . Pinipilit ko man po subukan mag update kaso talagang hindi kaya .Hirap kasi ako ngayon sa aking pagbubuntis at ayaw ko ng maulit ang nangyari sa first baby ko na nawala dahil sa stress ko . Hopefully maintindihan niyo po ako hirap kasi ako ngayon lalot walang kain .
Read All Reviews
Reborn for Vengeance

Reborn for Vengeance

Si Amanda Hale ay minsang naging biktima ng pang-aabuso, pagtataksil at kamatayan sa kamay ng mga taong pinakamalapit at tinuring niyang pamilya. Ngunit nang muling bigyan ng pagkakataon upang mabuhay dala niya ang lahat ng sugat at galit mula sa nakaraan. Sa ikalawang buhay na ito siya ba’y matututong magmahal muli o tuluyan na siyang lalamunin ng apoy ng paghihiganti?
Romance
252 viewsOngoing
Read
Add to library
The Mafia Kings Melody

The Mafia Kings Melody

Thunder Bird
NAGING tagapagmana si Nikolai sa Under ground organization ng kaniyang pamilya nang namatay ang mga magulang nito sa isang ambush sa bahagi ng Palawan. Ang layunin ni Nikolai ay ang mabigyan ng hustisya at maipaghiganti ang mga magulang. Sa kabila ng kaniyang pagiging mahilig sa musika at pagsusulat ng kanta, wala na siyang nagawa kun 'di tuluyang yakapin ang mundo ng kanilang organisasyon. Pero paano kung anak pala ng mga taong hinahanap niya si Melody Enriquez, ang babaeng bumihag sa puso niya't dahilan ng inspirasyon sa bawat kantang nabubuo niya? Makakaya niya bang maging kasangkapan sa paghihiganti niya ang dalaga? O titiwalag sa organisasyon at layunin ng pamilya?
Romance
1.3K viewsOngoing
Read
Add to library
HEIGHT DOESN'T MATTER

HEIGHT DOESN'T MATTER

Sofia Grace Alejo, iniwan ng kaniyang ina sa panga-ngalaga ng kaniyang abusadong tiyahin simula ng iwan sila ng ama niya. Nahihihirapang makahanap ng trabaho dahil kahit magna cum laude siya noong kolehiyo ng secretarial ay pagdating sa height niya ay doon siya bumabagsak. Ang malas niyang buhay ay biglang mapapalitan ng suwerte ng matanggap siya sa isang law firm bilang Personal logistic Assistant, ng isa sa kilalang lawyer ng Valenzuela firm, si Ezekiel Nehemiah Riego. Workaholic, masungit na lawyer na wala pang naitatalong kaso. Paano magki-click ang isang 4'11 na si Sophia at isang 6'9 na si Ezekiel kung sa height at ugali ay hindi sila magkasundo. May mabuo kayang pag-ibig na parehas babago sa buhay nila? "Sinusumpa ko! Hindi ako maiinlove sa egocentric kong boss!"
Romance
645 viewsOngoing
Read
Add to library
LIFE FULL OF LIES

LIFE FULL OF LIES

Precious_Wannabee
Para sa mga taong, minsan ng nagparaya para sa pagkakaibigan, sa mga taong minsan ng nagpalaya para sa ikabubuti ng lahat.Ito ay kwento ng isang teenage girl na minsan ng nakalimot sa kaniyang nakaraan. Ikinasal sa kababatang lalaki, sa edad na labing siyam. Makikilala niyang muli ang lalaking minsan ng nagkaroon ng malaking parte, sa kaniyang nakaraan. Mapapalapit muli ito sa pangalawang pagkakataon, na siya namang pag-iiba ng pakikitungo at trato sa kaniya ng naturang asawa.Darating ang panahon na malalaman at maalala niyang muli ang nakaraan. Gustuhin man niyang magalit at kamuhian ang mga taong malapit sa kaniya, dahil mistulang pinaglaruan siya ni kapalaran. Napunta siya sa taong minsan ng nagparaya para sa pagkakaibigan, napalapit siyang muli sa taong minsan na niyang minahal at ipinaglaban.Pilitin man niyang talikuran ang lahat, at kalimutan ang nakaraan, ngunit pipiliin niya paring yakapin at harapin ang kasalukuyan, sa ngalan ng pag-ibig, sa huli mananaig padin ang pagmamahal at pagpapatawad.
21.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Once Upon A Time In Dubai (Tagalog)

Once Upon A Time In Dubai (Tagalog)

Dahil sawa na si Thea sa pagbubunganga ng ina. Napilitang mag-abroad ang dalaga. Graduate siya ng BS Tourism. Sa isang construction company siya nakakuha ng trabaho sa Dubai. Maliban sa pag-o-opisina, on-call cleaner din siya. Isang araw, tinawagan si Thea ng kaibigan para maglinis ng unit ng boss nito. Sa isang hotel and casino nagtatrabaho ang kaibigan. Wala siyang hinihindian na part-time, kaya umo-oo kaagad siya. Hindi sukat akalain ng dalaga, na ang sikat na miyembro ng banda, na si Keith Hernandez pala ang kanyang kliyente nang gabing iyon. Kilala ito sa tawag na KH. Hindi niya maiwasang hangaan ito ng sobra. Sa loob ng dalawang buwan na pamamalagi ng binata, siya lang ang bukod tanging naglilinis at cook nito. At, sa maikling panahon na iyon, natutunan ni Thea na mahalin si Keith. Naisuko pa niya sa binata ang iniingatang perlas ng silangan, kahit na may iba itong minamahal. Hanggang kailan siya magiging rebound? Ano kaya ang gagawin ni Thea kapag nalamang ikakasal na pala ang binata sa iba?
Romance
1028.8K viewsCompleted
Read
Add to library
DARK POSSESSION: Bound by Blood

DARK POSSESSION: Bound by Blood

Ipinagbili si Elaris Vaeloria ng sarili niyang ama sa makapangyaring pamilyang Montefalco— at doon, tuluyan siyang  nawala sa mundo ng kalayaan at dangal. Ginapos ng utos, kontrol, at takot, natutunan niyang ang bawat sandaling malaya ay may kapalit. Sa gitna ng sakit at pagdududa, matapos iligtas ay tumakas siya kay Damian Vossryn, naniniwalang lahat ng kapangyarihan ay nagdudulot ng pagkawasak. Pero nagbaho si Damian. Ang halimaw na kinatatakutan ng mundo ay natutong maramdaman... ang pagmamahal. At nang muling pagtagpuin sila ng tadhana, hindi na niya hinihingi ang pagsuko ni Elaris— ang puso na niya ang kaniyang nais. Ngunit sa mundong pinaghaharian ng dugo at lihim, may puwang pa ba ang pag-ibig na marupok... o nakatadhana rin itong masira?
Romance
10205 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
1819202122
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status