Seducing The Billionaire's Secretary
Rowan Villaraza is rich, good-looking, and used to being chased by women. Para sa kanya ay laro lang ang lahat. Pa-cute dito, pa-charming doon. Wala pang tumanggi sa kanya. Walang hindi bumigay.
Pero nabaligtad ang mundo niya nang dumating si Paige Acosta—ang bago niyang secretary na parang laging galit sa mundo. Luma kung manamit, laging seryoso, and the way she looked at him... it was as if she saw something disgusting on the floor.
Hindi siya ‘yung tipo ni Rowan. At lalong hindi siya ‘yung babaeng mapapatingin ka ulit sa kanya. Pero ewan ba niya kung bakit ito pa ang hindi niya matigilan pagmasdan. Lalo pa nang hindi man lang ito natinag sa mga pa-charming niyang siguradong epektibo sa iba.
Kaya nang biruin siya ng mga barkada na paibigin si Paige ay tinanggap niya ang hamon. Easy lang naman yun kay Rowan. One look, one smile, and game over.
Pero habang tumatagal, iba ang nangyari. Imbes na ang secretary niya ang paibigan, mukhang siya pa ang mahuhulog. Imbes na siya ang nilalapitan, siya ang gustong lumapit.
And by the time he realized everything was real, he was already the one chasing after her.