Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
My Bully is a Mafia King

My Bully is a Mafia King

claudellaire
Napilitan magpakasal si Harmony Rio sa lalaking alam niyang may lihim na pagtingin sa kanyang nakatatandang kapatid na babae---dahil lamang sa isang gabing pagkakamali na nagbunga ng isang supling. Ang tanging nais lamang niya ay makatakas mula sa pressure ng negosyo ng kanyang pamilya at pati na rin ang magtago mula kay Logan Silva na nagbigay sa kanya ng malaking problema. Mula nang mawala ito ng isang buong buwan matapos siyang mabuntis ay bigla nalamang itong lumitaw na parang kabute para guluhin ang pangarap niyang maging isang sikat na manhwa artist at gumawa ng sariling pangalan na hindi ginagamit ang yaman ng kanyang pamilya. Ngunit kahit anong pilit ay hindi magkasundo ang dalawa dahil sa mga hindi pagkakaunawaan na nagbigay sa kanila ng mga komplikadong sitwasyon na hindi matakasan ng dalaga. Ngunit dahil mahal niya ang binata ay nakipag kasundo siya na magpakasal dito dahil sa pakiusap nito na maging isang Silva ang kanilang magiging anak na lingid sa pagkaka-alam ni Harmony ay pamilya pala ng isang malaking Mafia na matagal nang pumuprotekta sa negosyo ng kanyang ama. Hanggang saan aabot ang hindi pagkakaunawaan nina Logan at Harmony? Hahayaan ba ng dalaga na ang pride at takot niya ang mangibabaw kahit na alam niyang si Logan lamang ang sinisigaw ng puso niya?
Romance
101.7K viewsOngoing
Read
Add to library
The  Billionaire Surrogate's Secret: A Love Betrayed

The Billionaire Surrogate's Secret: A Love Betrayed

Si Cassandra "Cassie" Saavedra, isang dalagang puno ng pag-asa para sa kanyang kinabukasan, ay nagiba ang mundo nang marinig niya ang isang nakakasakit na sikreto tungkol sa kanyang kasal. Habang naghihintay para sa kanyang prenatal checkup, hindi sinasadyang nakasaksi siya sa isang pag-uusap sa pagitan ng kanyang asawang si Tristan Troy Olivares at ng kanyang kapatid na si Chloe Ava Saavedra, na magbabago sa kanyang buhay magpakailanman. Ang kanyang asawa, na kanyang akala ay malamig at walang amor, ay naging malalim na kasangkot sa kanyang kapatid sa isang lihim na plano na kinasasangkutan ng kanilang hindi pa isinisilang na anak. Nalaman ni Cassie na siya ay isang surrogate lamang, nagdadala ng isang bata na naisip nina Troy at Chloe. Niloko at nasaktan, napilitang harapin ni Cassie ang isang masakit na katotohanan. Habang nakikipaglaban siya sa mga komplikasyon ng pag-ibig, pamilya, at panloloko, kailangan niyang pumili sa pagitan ng kanyang sariling kaligayahan at ang kabutihan ng anak ng kanyang kapatid. Ang kwento ay tumatalakay sa pangloloko, sakripisyo, at ang mga hangganan ng pag-ibig habang sinusubok ni Cassie ang kanyang mga paniniwala sa harap ng isang malaking pagsisinungaling. Habang si Cassie ay nagpupumilit na bumangon mula sa mga labi ng kanyang dating buhay, kailangan niyang pumili sa pagitan ng paghihiganti at pagpapatawad.
Romance
101.3K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Pretend Bride

The Billionaire's Pretend Bride

chantal
Si Luke Andersons, isang bilyunaryo sa sektor ng luxury real estate, ay nasa ilalim ng matinding pressure na patatagin ang legacy ng kanyang pamilya. Nang makilala niya si Pia Barrington, isang waitress na may mga pangarap na maging chef at nahaharap sa mga kagyat na problema sa pananalapi dahil sa mga bayarin sa medikal ng kanyang lola at mga bayarin sa kolehiyo ng kanyang kapatid, ang kanilang buhay ay nagsalubong sa isang hindi inaasahang paraan. Si Luke ay nagmungkahi ng isang pekeng kasal kay Pia, na nag-aalok sa kanya ng pinansiyal na seguridad bilang kapalit ng kanyang tulong sa kanyang kinakailangan sa mana. Habang nilalalakbay nila ang kanilang pagpapanggap na relasyon, ang tunay na damdamin ay nagsisimulang lumitaw, na naglalagay ng kanilang kaayusan sa pagsubok. Ang kanilang gawa-gawang pagsasama ay magiging isang tunay na kuwento ng pag-ibig, o ang kanilang mga indibidwal na pakikibaka ay maghihiwalay sa kanila?
Romance
901 viewsOngoing
Read
Add to library
My Bittersweet Mistake

My Bittersweet Mistake

Si Marion Yuna "Mayu" Selvestre ay bunga ng isang kataksilan. Uhaw sa pag-ibig ng mga magulang. Walang hiniling ang dalaga kun'di maging parte ng pamilya ng kanyang Tatay o Nanay. Ngunit iyon ay naging mas malabo matapos siyang mapiling fiancée ng isang kilalang bilyonaryo na parehong gusto ng kanyang mga kapatid. Hindi iyon matanggap ng kanyang mga magulang sapagkat maging ang mga ito ay naghahabol sa bilyonaryo. At mas lalo pang lumabo ang kanyang kahilingan nang siya ay mabuntis dahil sa isang gabing pagkakamali. Sa takot na ito ay ipalaglag ng kanyang mga magulang at sa takot na malaman ng lalaki na siya ay nagdadalang tao, nagawa niyang lumisan sa kinagisnang lugar at magpalipat-lipat pa sa tuwing siya'y nahuhuli nito. Takot man sa buhay ay mas takot si Mayu na kuhanin sa kanya ang anak ng tuso at tinuturing niyang halimaw na si Aldo Hendrix Castellanos.
Romance
1072.4K viewsCompleted
Read
Add to library
THE BILLIONAIRE'S NAUGHTY WIFE

THE BILLIONAIRE'S NAUGHTY WIFE

iamsimple
Dahil sa utang-na-loob ay pinakasalan ni Amber ang apo ni Don Fidel Salvatore na si Phil Salvatore, ang CEO ng Salvatore Conglomerate. At dahil naman nakalagay sa last will and testament ng kanyang lolong may sakit na mapupunta lamang kay Phil ang mga ari-arian nito at pati na rin ang malaking shares nito sa kompanya kung pakakasalan niya si Amber na apo ng matalik na kaibigan ng kanyang lolo kaya niya pinakasalan ang dalaga. Dalawang taong magkaiba ng mundong kinagisnan ang magsasama sa iisang bubong bilang mag-asawa. Matutunan kaya nilang mahalin ang isa't isa sa kabila ng malaking agwat ng kanilang edad at pagkakaiba ng kanilang mga ugali? Mabago kaya ng isang babaeng masayahin at kuwela ang isang lalaking seryoso sa buhay at tila hindi marunong umibig? O mauuwi lamang sa paghihiwalay at hindi pagkakaunawaan ang kanilang kuwento?
Romance
1.2K viewsOngoing
Read
Add to library
MAYARI

MAYARI

Isigani
Si Mayari na pinoprotektahan ng isang babaylan, ay isang prinsesang niligtas ni Adonis na isang tikbalang. Isang malaking pagsubok ang kakaharapin nito at kakailanganin niya ang isang matinding pagsasanay, malaking sakripisyo para sa misyon ukol sa kapakanan ng bayan ng Maharlika. Pipilitin ni Mayari na makuha ang pamumuno sa palasyo, na hawak ng isang salamangkerong dating kanang kamay ng hari na nagpapahirap sa bayang nasasakupan. Mahihirapan si Mayari sa paghahanap ng mga kasama na aayon sa kanya dahil sa takot ng mga ito na paghigantiahan ng makapangyarihang salamangkero na tumatayong pinuno sa kaharian pagkatapos nitong lasunin ang hari. Sa kaniyang paglalakbay ay makikila niya ang mga kaibigan na tutulong sa kaniya upang magwagi laban sa kay Elyazar na salamangkero. Mahihirapan man, gagawin ng bida ang lahat para maibalik sa kaayusan ang bayan.
Fantasy
102.4K viewsOngoing
Read
Add to library
THE BILLIONAIRE'S CONTRACTED WIFE

THE BILLIONAIRE'S CONTRACTED WIFE

“Be my wife, Lianna.” Kapalit ng pagpapagaling ng kanyang ama na nasa kritikal na kondisyon ay napilitan si Lianna na kumapit sa isang bagay na wala siyang kaalam-alam kung ano ang magiging kalalabasan at nagpakasal sa isang bilyonaryong lalaki na si Emmanuel Montecarlo. Akala niya ay magiging masaya na ang lahat, akala niya ay maging kaaya-aya na ang kanyang buhay sa piling ng kanyang asawa ngunit tila nagkabaliktad ang mundo ng unti-unti niyang malaman madilim at mapanganib na sikreto nito pati ang pamilya Montecarlo. Ano nga ba ang magiging buhay ni Lianna sa likod ng maamong mukha at matatamis na ngiti ng mga taong nakapalibot sa mansyon ng Montecarlo? Ano nga ba ang mga sikretong kanyang malalaman upang maranasan niya ang mala-impyernong buhay sa loob ng pamamahay ng kanyang asawa? “Good girl, Lianna. Now, start taking off your clothes. I want you naked tonight,”
Romance
1019.8K viewsOngoing
Read
Add to library
THE ABANDONED WIFE'S GRAND REVENGE

THE ABANDONED WIFE'S GRAND REVENGE

Hindi lubos maisip ni Althea na matatapos ang noon ay mala-fairy tale love story nila ng kanyang asawa na si Hendrix. Hindi kaagad niya napansin ang naging pagbabago rito, hanggang sa para nalang itong bomba na sumabog sa mukha niya. Her husband is cheating on her, at alam ito halos ng lahat ng mga kaibigan nila maliban sa kanya. Nang kinompronta niya ito ay madiin nitong itinatanggi ang mga paratang niya, kahit pa ba matibay ang mga ebidensyang nakakarating sa kanya. Dahil sa sakit, pumayag si Althea sa prinopose ng mother-in-law niya, ang sikretong papirmahin ng annulment papers si Hendrix at siya na raw ang bahala rito. Kapalit ng pagpayag niya ay ang malaking halaga na ibibigay ng mother-in-law niya. Pero sapat nga bang kabayaran ang pera para sa sakit ng pagtataksil ng asawa na noon ay labis niyang minahal?
Romance
9.786.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Ang Tipo kong lalaki

Ang Tipo kong lalaki

Lady Moon
Mula sa pag papanggap ng bilang isang nobya dala ng pagmamayabang, napahamak ang dalaga, ngunit na iligtas ng hindi kilalang tao. Buwan ang lumipas muli silang pinagtagpo ng tadhana. Ano kaya ang istorya sa pagitan nilang dalawa.
Romance
2.1K viewsOngoing
Read
Add to library
The Condemned Son In Law (Tagalog)

The Condemned Son In Law (Tagalog)

"Hindi ko alam kung sasapat ang pagmamahal ko sa iyo sa kabila ng mga nagawa ng pamilya mo sa angkan ko. Sobrang mahal kita, Noelle! Ngunit hindi ko maipapangako kung magagawa ko na palampasin ang kasamaan ng mga magulang mo," puno ng hinanakit na saad ni Kael. Si Noelle ay kabilang sa kilala at mayamang pamilya na nagmahal sa kagaya ni Kael na isang anak mahirap. Pinagbintangan at ikinulong ngunit nagbalik na may magandang buhay na maipapangalandakan. Nagbalik s’ya upang maitama ang pagkakamali na nagawa sa kanya ni Don Mondragon. Ang kanilang pagmamahalan ay napuno ng hinanakit na nagdulot ng malalim na sugat kay Kael na maagang naulila sa kagagawan at kasakiman ng ama ng babae, at si Noelle na naging biktima sa kasinungalingan at pambibintang ng sariling ama upang mapaikot sa mga palad nito at mapasunod sa gusto. May pag-asa pa kaya na manumbalik ang marubdob na pagmamahalan sa kabila ng magulong nakaraan na nagpapahirap sa kanila hanggang sa kasalukuyan? Alin ang mangingibabaw sa kanila, pagmamahal ba o mas mananaig ang galit sa dibdib ng isa sa kanila?
Romance
97.0K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3132333435
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status