Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Billionaire’s Bride: The Classroom Deal

Billionaire’s Bride: The Classroom Deal

Si Allison Reyes ay isang simpleng guro na ang gusto lang ay makaraos sa bawat araw; makabayad sa gamot ng tatay niya, makapagturo ng tahimik, at mabuhay nang disente. Pero nagulo ang mundo niya nang isang viral photo ang nag-ugnay sa kanya sa lalaking ni wala man lang siyang planong kausapin. Walang iba kundi ang may-ari ng eskwelahan, si Zion Almonte. Mayaman, malakas ang dating, at malamig ang pakikitungo ni Zion sa lahat. Pero sa likod ng itsura at yaman, desperado rin siyang ayusin ang pangalan niya. Kaya’t inalok niya si Allison ng kasunduan: isang taong peke nilang kasal kapalit ng pambayad sa hospital ng ama nito. Walang feelings na involved, walang komplikasyon, tanging business lang. Pero paano kung habang ginagampanan nila ang papel ng mag-asawa, may mga tingin at kilos silang nagagawa na hindi parte ng usapan? Paano kung kahit anong iwas nila, may parte pa rin ng araw-araw nila na unti-unting nagiging totoo?
Romance
423 viewsOngoing
Read
Add to library
Falling For The Billionaire

Falling For The Billionaire

“A marriage of convenience… turned into a love worth fighting for.” Isang kasal na hindi pinili, kundi ipinilit ng kapalaran. Para kay Vernice, ang kasal ay isang bagay na dapat nagmumula sa pagmamahal at hindi sa kasunduan. Ngunit biglang nagbago ang lahat nang mapilitan siyang pumayag sa isang arranged marriage—at ang lalaking nakatakda niyang pakasalan ay walang iba kundi si Caius, isang makapangyarihang negosyante na kilala sa kanyang malamig na ugali at walang interes sa pag-ibig. Sa simula, parang isang bangungot ang pagsasama nila. Ang buhay ng isang simpleng babae ay biglang naipit sa mundo ng karangyaan, intriga, at matinding pressure na dala ng pagiging asawa ng isang kilalang billionaire. Sa kanilang pagsasama, tila dalawang magkaibang mundo ang pinilit na pinagtatagpo—isang pusong naghahanap ng pagmamahal at isang pusong sanay nang magtago sa likod ng yaman at kapangyarihan. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, may mga simpleng bagay na unti-unting nagbabago. Ang mga tingin na dati ay malamig, naging mainit. Ang mga usapan na dati ay pormal at walang saysay, nagiging puno ng lambing at tawa. At ang kasal na dati’y walang emosyon, nagiging isang tahanan ng pag-ibig na hindi nila inasahan. Subalit hindi mawawala ang mga pagsubok—mga taong tututol, intriga ng lipunan, at takot na baka ang lahat ng ito ay pansamantala lamang. Ngunit sa kabila ng lahat, matutuklasan nilang hindi ang kasunduan ang magtatali sa kanila, kundi ang pusong natutong magmahal ng totoo. Isang kwento ng dalawang taong hindi pinili ang isa’t isa, pero pinili ng tadhana. Sa huli, mapapatunayan nilang minsan, ang pagmamahal ay dumarating sa pinaka–hindi inaasahang paraan.
Romance
10262 viewsOngoing
Read
Add to library
Secret of His Wife

Secret of His Wife

Dahil sa lolo ni Alexander, naikasal siya sa isang babae na galing sa ampunan, walang maipagmamalaki, at ang tingin ng lahat sa kanya ay walang silbi, si Ariella. Sa tatlong taon nilang pagsasama, hindi kinilala ni Alexander si Ariella bilang asawa. Magkahiwalay sila ng kwarto, walang nararamdaman na kahit na ano, dahil si Alexander ay may mahal na iba, at si Ariella ay may itinatagong lihim. Paano kung isang araw ay may magpakita kay Ariella na siyang gugulo sa kanyang plano? Paano kung malaman ni Alexander at ng buo niyang pamilya ang totoo niyang pagkatao? Paano kung isang araw, magkaroon ng pagmamahal sa pagitan nilang dalawa, pero biglang bumalik ang babaeng mahal ni Alexander? Lalabanan ba nila ang lahat ng pagsubok na darating sa kanila o masisira ang kanilang kasal?
Romance
108.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Our White Little Secrets

Our White Little Secrets

Synopsis: Sherry Francelia ay isang babaeng tumatakbo mula sa isang impyernong hindi niya pinili—isang mundo ng dugo, kasinungalingan, at kapangyarihan. Sa desperasyon, gumawa siya ng isang mapanganib na desisyon: ang lokohin ang isang lalaking mas mapanganib kaysa sa sinumang humahabol sa kanya. Si Levim Devereux ay isang kilalang mafia boss—malamig, walang puso, at walang sinasanto. Ngunit sa kabila ng kanyang bangis, may isang bagay siyang hindi inasahan: isang babae na walang takot na pumapasok sa kanyang mundo at ginugulo ang kanyang plano. Ang kanilang ugnayan ay nagsimula sa isang kasinungalingan—isang delikadong laro ng panlilinlang at kapangyarihan. Ngunit habang lalong lumalalim ang kanilang koneksyon, nagiging malinaw na may mas malaking pwersang gumagalaw sa kanilang paligid. Nang bumalik ang multo ng nakaraan, napagtanto ni Sherry na walang makatakas sa mundong pilit niyang tinatakasan—lalo na kung ang lalaking dati niyang niloko ay siya na ring kinatatakutan niyang mawala. Sa pagitan ng pagnanasa at panganib, pagtataksil at katotohanan—sino ang unang bibigay? At sa isang mundo kung saan ang tiwala ay isang bagay na maaaring pumatay, paano mo malalaman kung sino ang tunay mong kakampi?
Romance
375 viewsOngoing
Read
Add to library
The Runaway Billionaire: Mr. Thompson Real Identity

The Runaway Billionaire: Mr. Thompson Real Identity

Matapos mahuli ni Caroline ang boyfriend niya at ang half-sister niya na nagsesex sa condo ng boyfriend niya ay nagpakasal siya sa isang lalaking hindi niya kilala. Hindi man niya pinag-isipan ng mabuti ang desisyon niya pero hindi na siya pwedeng umatras lalo na at nasa harapan na sila ng civil registrar. Nang pakasalan ni Caroline si Caleb ay puro panlalait at panghuhusga ang natanggap niya. Paulit-ulit din siyang ipinapahiya ng pamilya niya. Paano kung ang lalaking inakala ng lahat na mahirap, walang edukasyon at walang maipagmamalaki ay nagmula pala sa pinakamayamang pamilya? The CEO of Thompson Legacy Group.
Romance
1077.8K viewsOngoing
Read
Add to library
My Ex-Husband Regret

My Ex-Husband Regret

Si Charlotte Scott ay walang interes sa pera at katanyagan. Nagpakasal siya kay Gerald Wilson dahil sa pag-ibig. Gayunpaman, ang kanilang pagsasama ay tumagal lamang ng tatlong taon at siya ay naging isang katatawanan pagkatapos ng diborsyo. The couple face each other for the last time at the Courthouse."Take the compensation and get lost from my life. Don't even think about getting back together." Nanatiling walang pakialam si Gerald. Isinuot ni Charlotte ang kanyang salaming pang-araw at mahinang ngumiti. "We are never getting back together. Ever! Kahit sinong dumating na nagmamakaawa na makipagbalikan ay walang pinagkaiba sa aso!"Hindi ba magandang maging mayaman at kaakit-akit na single na babae? Nang maglaon, hindi lamang nagtagumpay si Charlotte sa kanyang karera at nagmana ng kayamanan na nagkakahalaga ng sampu-sampung bilyong dolyar mula sa Scott Family, ngunit napakaraming lalaki ang humahabol sa kanya na maaari silang pumila sa kalye hanggang sa dulo ng block. Isang gabi, nakatanggap siya ng hindi inaasahang tawag. "Hoy, Charlotte...""Sino ito?""...Woof woof..."
Romance
2.7K viewsOngoing
Read
Add to library
The Betrayed Wife's Revenge

The Betrayed Wife's Revenge

Sa loob ng dalawang taon ng kanilang pagsasama, natuklasan ni Aliyah na ang kanyang pinakaiingatang sertipiko ng kasal ay isang huwad. Sa kanyang pagtatangkang komprontahin ang asawang si Frederick, hindi niya sinasadyang marinig ang katotohanan—ang lalaking nagpakita ng walang kapantay na pagmamahal sa kanya sa loob ng anim na taon ay matagal na palang kasal sa kanyang guro, na mas matanda pa sa kanya. Hindi lamang siya ginamit bilang isang panakip-butas, kundi pinaratangan pa siyang baog at pinilit na mag-ampon ng anak na dalawa. Sa matinding pagkadismaya, tinawagan ni Aliyah ang abogadong nangangalaga sa kanyang mana at buong diin na sinabi: "Walang asawa, walang anak, ako ang tanging tagapagmana." Iniwan ni Aliyah ang pamilyang Finch, habang si Frederick ay kampanteng naghihintay sa kanyang pagbabalik, umaasang magmamakaawa siya para sa tulong. Ngunit isang araw, nasaksihan ni Frederick ang hindi inaasahang paglitaw ni Aliyah sa pambansang telebisyon, kung saan ipinahayag ang kanyang pagpapakasal sa isang lalaking may angking yaman at kapangyarihan. Sa gitna ng atensyon, nakatayo si Aliyah sa tabi ng lalaking ito, tinatanggap ang mga pagbati at inggit ng nakakarami.
Romance
143 viewsOngoing
Read
Add to library
She Wasn’t Meant to Be Loved—Until Him

She Wasn’t Meant to Be Loved—Until Him

“Minsan, sa pinaka-wasak na puso, doon pa pumipili ang pagmamahal.” Akala ni Celeste ay siya na ang pakakasalan ng lalaking minahal niya ng buong puso. Pero sa harap mismo niya, ipinagpalit siya nito sa matalik niyang kaibigan. Masakit. Nakakahiya. Nakakawasak. She lost everything—her love, her trust, and herself. Pero sa gitna ng pagbagsak niya, isang lalaking hindi niya inaasahan ang dumating: Eliandro Velasquez—cold, mysterious, at isang powerful businessman na desperado ring maghanap ng mapapangasawa para sa isang kontratang kailangang masunod. Isang kasunduan. Isang papel. Isang fake marriage for 30 days. Walang puso. Walang damdamin. Walang commitments. Pero paano kung habang tumatagal, hindi na peke ang nararamdaman nila? Dahil minsan, kahit ang pusong akala mong hindi na para mahalin… May nakatakdang magmahal muli.
Romance
325 viewsOngoing
Read
Add to library
Begging Her To Love Me Again

Begging Her To Love Me Again

Anong mas masakit—ang mawalan ng anak o ang makitang masaya siyang inabandona ng sariling ama? Para kay Sabrina, isang hiling lang ng anak niyang si Eliza bago ang operasyon: makasama ang ama nito sa birthday niya. Pero sa halip na saya, iniwan siyang naghihintay... hanggang sa sumuka ng dugo at tuluyang lumisan. Ngayon, habang yakap ang abo ng anak, pinanood niyang binuhos ni Elijah ang pagmamahal sa anak niya sa ibang babae. Ngunit paano kung isang araw, bumalik si Elijah na parang walang nangyari—nakangiti, walang bahid ng pagsisisi? Mananatili bang tahimik si Sabrina, o oras na para iparamdam sa kanya kung anong pakiramdam ng maiwan sa huling sandali?
Romance
586 viewsOngoing
Read
Add to library
The Substitute Vows ni Marcandre

The Substitute Vows ni Marcandre

Si Isabella “Bella” Alcaraz ay halos nabuhay sa likod ng anino ng kanyang “almost perfect” na nakatatandang kapatid, si Marisella—ang glamorosa, walang kapintasan at ubod ng bait na mukha ng Alcazar Luxe Events. Kilala ang kanilang pamilya pero sa likod ng lahat ng ito, unti-unting bumabagsak at nababaon sa hindi mabilang na utang. Pinili ng kanilang mga magulang na ipakasal si Marisella kay Leonardo “Leon” Veyra, ang makapangyarihan, walang awa at nakakatakot na CEO ng Veyra Global Holdings. Halos lahat ng negosyo mula finance, hotels at real estate ay saklaw ng kayamanan niya. Ngunit sa mismong araw ng kasal, naglaho na parang bula si Marisella. Para maprotektahan ang pangalan ng pamilya mula sa iskandalo, walang nagawa si Isabella kundi ang maglakad patungo sa altar kapalit ng kanyang kapatid. Natatago sa belo ng sutla at kasinungalingan, siya ang naging “substitute bride” ng isang lalaking kayang ibaon sa hukay ang pamilya niya sa isang salita lamang. Hindi madaling malinlang si Leon. Alam niyang ang babaeng nasa tabi niya ay hindi ang ipinangako sa kanya. Ngunit imbes na itigil ang seremonya, inako niya si Isabella bilang kanyang asawa. Sa mundo, isa itong perpektong kasal, isang fairy tale. Pero sa likod ng mga pinto, isa itong mapanganib na laro ng sekreto, kapangyarihan at obsession. Sa ilalim ng kasal na nabuo sa panlilinlang, kailangan tiisin ni Isabella ang malamig na galit, nag-iinit na pagnanasa at walang hanggang pagdududa ni Leon. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, ang galit at pagdududa ay unti-unting lumalabo. Kasabay nito, patuloy na bumabalot ang pagkawala ni Marisella—runaway bride nga ba, o mas malalim pa? Sa bawat pangakong binibigkas, maaaring nakataya ang pamilya, kalayaan… at puso ni Isabella.
Romance
236 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
1112131415
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status