Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Angel, Don't Fly So Close To Me

Angel, Don't Fly So Close To Me

Si Ysabella ay isang cloistered nun, ang babaeng mas pinili ang mamuhay sa apat na sulok ng monesteryo at ilaan ang buhay sa pagsamba at paglilingkod ng tahimik sa Diyos. Napakasaya niya at ilang araw na lamang ay matutupad na ang pangarap niyang maging ganap na perpetual cloistered nun, ngunit hindi niya inaasahan ang bilaang pagbisita ng kanyang nag-iisa at nakakatandang kapatid. Inamin nitong miyembro ng organisyon ng mga mafia at siya ay pinaparatangang nagtraidor sa grupo kaya kailangan nitong umalis at magtago. Nagmakaawa itong proprotektahan niya ang kanilang mga magulang sa maaring gawin ng grupo sa kanilang pamilya kung kayat napilitan siyang lumabas sa monesteryo. Hindi niya akalaing ganun kasama ang sinalihang grupo ng kanyang kapatid lalong lalo na ang pinuno na si Eric Madrigal na walang awang basta na lamang kumikitil ng buhay sa kanyang harapan. Sa galit nito sa kanyang kapatid ay puwersahan siyang inilayo sa kanyang pamilya upang pagbayaran ang kasalanan ng kapatid. Ano kaya ang naghihintay na kapalaran ni Ysabella sa kamay ng pinakamasamang mafia boss sa buong daigdig? Makakabalik pa kaya siya sa monesteryo?
103.6K viewsCompletedAdded to Library 134 Times as patama sa kaaway
Read
+Library
The Virgin Writer

The Virgin Writer

missfriees
Isla Adelaide Austria – isang kilalang manunulat. Ngunit malaki ang posibilidad na matanggal siya sa trabaho sa kadahilanang naalis siya sa pwesto bilang top-grossing author hanggang sa tuluyang hindi na bumenta ang kan'yang mga storya. Ang manunulat na katunggali niya ay magaling magsulat ng mga romantic novels na may kalakip na mature contents at iyan ang kahinaan niya dahil sa edad na 22, wala pa siyang karanasan sa mga gan'yan. At sa 'di inaasahang pagkakataon, makikilala niya si Ezra Hudson – gwapo, malakas ang appeal, at higit sa lahat eksperto na sa gan'yang usapan ngunit siya ay isang broken hearted. Dahil dito, magkakaroon sila ng deal, magpapanggap siya bilang girlfriend ni Ezra at ang kapalit noon ay bibigyan siya nito ng mga impormasyon at ideya upang makapagsulat siya ng mature contents. Pero paano kung ang akala niyang simpleng deal ay siya pala ang magdadala ng gulo sa buhay niya? Paano kung dahil sa isang deal na 'to ay tuluyan siyang mahulog sa binata? At paano kung dahil din sa deal na 'yan, may mabuong bata sa kan'yang sinapupunan? Paano na ang magiging buhay ng ating virgin writer?
2.0K viewsOngoingAdded to Library 65 Times as patama sa kaaway
Read
+Library
Yugto

Yugto

Fourthpretty
Mina Cortez, ang binibining may kakaibang wangis. Napakaputla ng kaniyang balat at maging ang kaniyang buhok ay naiiba rin. Mayroon siyang asul na mga mata at nagtataglay ng kahali-halinang kagandahan. Buong buhay niya ay umikot lamang ang kaniyang mundo sa loob sa kanilang tahanan at walang ibang nakasalamuha maliban sa kaniyang ama at ina. Lingid sa kaniyang kaalaman ay may isang binata ang lubos na humahanga sa kaniya noon pa man. Ito ay ang binatang si Joeliano Crisologo na nalalapit na maging isang ganap na doktor. Lubos ang kaniyang paghanga sa dalaga mula noong una niya itong makita. Ninais niyang mapalapit sa dalaga ngunit hindi iyon gano`n kadali sapagkat kinailangan niyang bumalik sa bayan kung saan siya namulat. Ipinangakoo niiya sa kaniyang sarili na hahanapin niya ito sa oras ng kaniyang pagbabalik sa Cavite. nang dumating na ang araw na kaniyang pinakahihintay ay may hahadlang upang sila ay tuluyang magkalapit. Ano ang mangyayari sa kanilang pag-iibigan kung sa umpisa pa lamang ay hinid na magtagpo ang kanilang landas patunngo sa isa`t-isa.
108.0K viewsOngoingAdded to Library 271 Times as patama sa kaaway
Read
+Library
Mamamatay Na Ako... Bukas!

Mamamatay Na Ako... Bukas!

Maja Rocha
Pito kami sa barkada: sina Laila, Janine, Eve, Alden, Dan, Jomari at ako —si Bianca. Sa maniwala kayo’t sa hindi, apat na ang nalagas sa amin matapos magpunta ng iba sa isang bulung-bulungang manghuhula sa University. Hindi nito hinuhulaan ang love life mo, o kung ano ang magiging career mo in the future, kundi ang petsa ng kamatayan mo at kung paano ka mamamatay. Sundan ang kuwento ni Bianca. Makatakas kaya siya sa kamatayan niya, o magaya rin kaya siya sa mga barkada niya? “BUKAS” na... Nakahanda ka na ba?
8.1K viewsOngoingAdded to Library 193 Times as patama sa kaaway
Read
+Library
My Sexy, Arrogant Husband

My Sexy, Arrogant Husband

Isang biglaang kasal na nagsimula sa simpleng pagkikita ngunit nauwi sa pag-ibig na masyadong matamis para maging totoo. Nagpakasal si Yu Yan sa isang lalaking dalawang beses pa lamang niyang nakilala. Walang engrandeng pangako, walang drama—tanging tahimik na pagsasama, init ng hapunan, at lambing sa pagitan ng mag-asawa. Sa bawat ngiti ng kanyang asawa, sa bawat yakap sa dulo ng araw, unti-unting nahulog ang loob ni Avabelle. Akala niya, sapat na ang simpleng pagmamahal. Hanggang sa isang araw, isang nakakagulat na katotohanan ang gumising sa kanya—ang tagapagmana ng pinakamayamang korporasyon ay kamukhang-kamukha ng lalaking minahal niya, pinakasalan niya, at tinawag na kanya. Kung ang lalaking mahal niya ay may tinatagong pagkatao… Magbabago rin ba ang pag-ibig na kanilang binuo?
299 viewsOngoingAdded to Library 10 Times as patama sa kaaway
Read
+Library
Aria's Movie

Aria's Movie

Ghost
Si Aria Mercedes, sikat na aktres at alagang-alaga ng Shining Stars dahil sa malaking perang naipapasok nito. Ngunit si Aria ay hindi lamang aktres. Siya ay sikat lamang sa larangan ng paghuhubad at paggawa ng mga pelikulang kinahuhumalingan ng kahit na sinong mga kalalakihan. Si Aria ay makakaramdam ng pagkabitin at pagkasabik sa tunay na pagtatalik dahil sa mga bed scenes na ginagawa niya kaya naman nang minsang gumawa siya ng pagpapaligaya sa sarili ay nahuli siya ni Vin Walton, ang owner ng Shining Stars. Hindi sukat akalain ni Aria na ang mga wild bed scenes na ginagawa niya sa movie ay tuluyan niyang mararanasan kay Vin at sa mga lalaking papasok sa buhay niya dahil mula nang magtrabaho siya sa Shining Stars...
101.8K viewsOngoingAdded to Library 36 Times as patama sa kaaway
Read
+Library
A Night with the Billionaire

A Night with the Billionaire

Si Addison ang nag iisang bumubuhay sa kaniyang mga kapatid simula nang mamatay ang kanilang mga magulang. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, at dahil na rin sa sobrang kalasingan, nagising na lamang siya na may singsing sa daliri at katabing mala-adonis na lalaki sa kama. "Hello there, my dear wife,"
103.1K viewsOngoingAdded to Library 70 Times as patama sa kaaway
Read
+Library
Loving Mr. Chavez

Loving Mr. Chavez

Hindi ordinaryong kwento ng pag-iibigan ang namuo sa pagitan ni Miya at Lucas. Kakatwa kung paanong nagsimula ito sa makasaysayang gabing tila limot na rin naman ng mga tauhan. Si Miya, isang Pilipinang empleyado na nagpakalasing dahil sa pagsasaya at si Lucas na naroon din na katrabaho niya. Hindi matandaan ni Miya ang nangyari at nagising na lang siya na matindi ang sakit ng ulo at walang maalala sa inuman. Naguguluhan pa kung ano nangyari nang gabing iyon dahil tila ba hinila lahat ng hangover ang alaala niya. Habang inaalam ang nangyari, bigla na lang nag-flashback sa utak ni Miya ang pakikipaghalikan niya sa isang lalaki. Ngunit ang lalaking kaharap niya ay iba naman ang sinasabing nangyari nang gabing iyon. Ngayon ay gulong-gulo na siya kung ano ba talaga ang nangyari lalo pa nang puntahan siya ni Lucas para ayain siya sa isang contract marriage. Hanggang sa naglapag ang kompanya ng bagong polisiya: isang milyon sa unang limang ikakasal na empleyado sa kumpanya. Para makuha ito, napilitan si Miya na pumayag sa pagpapakasal kay Lucas sa pamamagitan ng contract marriage nila. Ngunit sa pananatili nila sa isang kontrata, may mamuo ba na pag-ibig o mananatili na lang sa papel ang pagmamahalan nila?
101.2K viewsOngoingAdded to Library 27 Times as patama sa kaaway
Read
+Library
Taste of King: CHEATED, BROKEN, OWNED.

Taste of King: CHEATED, BROKEN, OWNED.

"Everything in this world comes with a price, and my help isn't free. Leave that boy when you find out the truth. Because from that moment on, you are mine.” Iyon ang mga katagang binitawan ng bilyonaryong si King Imperial nang humingi ng tulong si Aline Buenavista sa kanya para makaalis sa isla at mapatunayang ikakasal na nga sa iba ang kanyang nobyo. Apat na taon nang nagtitiis si Aline sa kanyang live-in partner na si Ejay. Dahil sa paninindigan niyang ibigay lamang ang sarili kapag kasal na sila, madalas siyang iwanan nito para maghanap ng aliw sa ibang babae. Ngunit sa isang gabing nalunod siya sa alak at labis na sakit, napuno si Aline ng galit. Sa gitna ng kalasingan, pumasok sa isip niya ang kagustuhang maghiganti at iparanas din sa nobyo ang sakit na nararamdaman niya. Doon niya naialay ang kapurihang apat na taon niyang iningatan sa isang hindi kilalang estranghero. Labis ang pagsisisi ni Aline nang magising. Ang akala niya ay kaya niyang ibaon sa limot ang gabing iyon upang isalba ang kanyang relasyon sapagkat si Ejay na lamang ang makakatulong sa kanya para maiahon siya sa hirap. But it was already too late. King Imperial was already onto her—the man who made her moan in pleasure during that unforgettable night.
1084 viewsOngoingAdded to Library 2 Times as patama sa kaaway
Read
+Library
The Desire of a CEO

The Desire of a CEO

Simula't-sapul, inlove na si Graziana Iglesias sa boss na si Thunder Santillan. Ang CEO ng Santillan Group of Companies. Dahil sa pagkamatay ng asawa nito, ibinuro nito ang sarili sa isang lugar sa bicol. Namuhay ito ng normal. At siya, na sekretarya nito, sa kan'ya iniatang nito ang responsibilidad nito bilang CEO. Lahat kinaya niya mapansin lang ng boss.Lahat ginagawa niya ma-appreciate lang siya ng boss. Ang buong akala ni Graziana, tutugunin na nito ang matagal na niyang pinapangarap na pagmamahal mula sa boss. Hindi pa pala. Umibig na naman ang boss niya sa isang babaeng estrangherang, na sadyang pinapalitan nito ang mukha, at isinunod sa dating asawa nito. Isang araw, nagising na lang siyang pagod na. Pagod na sa kakahintay sa boss. Nag-resign siya sa kompanya nito. Dalawang araw bago ang flight niya papuntang US, hindi niya inaasahang ipapatawag siya ni Thunder. Dinamayan na naman niya ito sa problema nito sa babae. Nagpakalasing sila, hanggang sa dumating sa puntong isinuko niya ang pagkababae dito at hindi niya akalaing magbubunga iyon... Ano nga ba ang gagawin ni Thunder kapag nalaman nitong nagbunga ang isang maiinit na gabi nila ng sekretarya?
10171.7K viewsCompletedAdded to Library 5.3K Times as patama sa kaaway
Show Reviews (33)
Read
+Library
Rizalyn Joy Borres
this story will teach you what love really means. that love should be patience, understanding and unconditional. patience interms of kung paano at kailan ka susuko at lalaban.understanding interms of understand the situation whether its good or bad but then again chose to be right and be kind.
Che Dee
mat,gal na akong silent reader ni Miss Ava nah, ang pinka una kong nabsa sa knya yung My secretary owns me, dun nagumpisa na mahook aq sa mga story ni missA, natigil lang ako nong nabsa ko ung Chasing Magda ...... natrauma ako dun, ksi nwala ung FL, pero nakita ko meron pla si mssA dito sa GN, kya
Read All Reviews
PREV
1
...
3435363738
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status