Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Pakita Mo Na Mas Magaling Ka

Pakita Mo Na Mas Magaling Ka

Ang life trial system na “If You Think You Can Do Better, Prove It” ay sumabog sa eksena na parang isang naglalakbay na circus na nagpapangako ng magagandang bagay. Ang ideya ay plain. “Kung sa tingin mo ang buhay ng ibang tao ay magulo at tingin mo kaya mong mas gawin ito ng maganda, sige at patunayan mo. May reward na naghihintay kung magawa mo.” Bago ko mapagtanto, ang buong pamilya ko na tinuturing akong hanggal sa gitna ng palabas. Nandyan ang ina ko, nangangarap na gawin akong inahin. Ang asawa ko, na naglaan ng mga taon umiiwas sa nararapat na hati ng bigat ng pamilya. At ang anak kong lalaki, naaawa pag nakikita ako. Tinulak nila ako sa “judgement seat” na para bang kontrabida sa isang kwento. Bawat isa sa kanila ay sumumpa, sa pwesto ko, maayos nila ang buhay ko kaysa sa kaya ko. Ang pusta? Well, kung magawa nila ito, ang consciousness ko ay mabubura—mawawala, binura na parang pagkakamali sa chalkboard—at gagawin nilang personal na katulong. Dagdag pa dito, maglalakad sila palayo ng may isang milyong dolyar. Pero kung hindi nila magawa? Kung gayon ako ang siyang makakakuha ng tatlong milyong dolyar. Ngayon iyan ay pustahang kaabang abang, hindi ba?
Read
Add to library
The Fine Print of Falling in Love

The Fine Print of Falling in Love

“Isang halik lang dapat… pero bakit parang gusto kong ulitin?” ani Alexis Vergara sa sarili, habang hinahabol ang sariling hininga matapos ang mainit na tagpo sa pagitan nila ni Ralph Santillian — ang bestfriend ng ex niyang cheater na si Julio. Isang gabing puno ng emosyon, galit, at alak, nagbago ang lahat sa isang iglap. Ang halik na dapat ay para lang ipamukha kay Julio na hindi siya nasira, ay bigla na lang nag-iwan ng init at kaguluhan sa puso’t isipan ni Alexis. Si Ralph, tahimik, misteryoso, at hindi interesado sa drama ng paligid, ay bigla na lang naging bahagi ng isang planong puno ng kasinungalingan: isang contractual marriage. Hindi sila in love, hindi sila magkaibigan, pero pareho silang may gustong patunayan — na kaya nilang makabangon mula sa mga nanakit sa kanila at gumanti sa ginawang pananakit ng mga taong minsang minahal nila ngunit sumira din sa kanila. Habang ginagampanan nila ang papel ng mag-asawa, unti-unting nabubura ang mga linya ng kasunduan. Si Alexis, na dating galit at puno ng poot, ay nahuhulog kay Ralph. Samantalang si Ralph, na tila bato ang puso, ay natutong ngumiti at masaktan para sa babaeng minsang bahagi lang ng isang plano. Ngunit paano kung bumalik si Julio para muling guluhin ang lahat? At paano kung ang dating kasunduan ay maging totoo na sa mata ng batas… at sa tibok ng puso?
Romance
9.97.0K viewsOngoing
Read
Add to library
My Cold Boss, My Secret Husband

My Cold Boss, My Secret Husband

Sa mata ng lahat, isa lang akong ordinaryong secretary na walang halaga sa pinakamalaking kumpanya sa bansa. Tahimik akong gumagalaw sa opisina habang pinapanood ang mga kasamahan kong halos sambahin ang malamig, makapangyarihan, at walang pusong CEO—si Evander de la Cruz. Para sa kanila, siya ang lalaking hindi kailanman bababa sa antas ng isang tulad ko. Pero ang hindi nila alam… asawa ko siya. Isang taon na mula nang ikasal kami nang palihim. Sa harap ng lahat, ako’y parang alipin lang ng trabaho, at siya nama’y boss na ni hindi ako pinapansin. Pero sa likod ng saradong pintuan ng kanyang opisina, nagbabago ang lahat. Doon, siya ang lalaking sabik sa aking haplos, handang lumuhod para lamang maramdaman ang init ng aking pagmamahal. Pinili kong itago ang aming kasal upang patunayan na kaya kong magsikap gamit ang sarili kong pangalan. Ngunit habang tumatagal, mas nagiging lantad ang pag-aangkin ni Evander—at mas nagiging mapanganib ang mundo sa paligid namin. Lalo na nang magsimulang gumalaw si Clarisse Montenegro, ang ambisyosang team leader na gagawin ang lahat para siraan ako at mapasakanya si Evander. At mas lalong lumala ang lahat nang pumasok sa eksena si Alessandro Cortez, ang tuso at mapanganib na CEO ng partner company na nahulog sa akin at handang gamitin ang negosyo para agawin ako mula kay Evander. Sa gitna ng mga lihim, tukso, at laban sa kapangyarihan, isa lang ang malinaw: kapag ang malamig na CEO ay umibig, hindi siya uurong sa digmaan. At ako ang dahilan ng digmaang iyon.
Romance
10422 viewsOngoing
Read
Add to library
The Castillo's Pride 1: One Shot at Destiny

The Castillo's Pride 1: One Shot at Destiny

Bern Evangeles
Yelena Denice Salvatore is a well-known TV personality. Isa siyang magaling na Newscaster sa buong Pilipinas. Isa din siyang napakagandang tagapaghatid ng balita sa balat ng telebisyon na pagmamay-ari mismo ng namayapa niyang ama. But when her Father died, everything seems not the best at what she had hoped to happen. Dahil natuklasan niya na nanganganib na pala ang kompanya. she followed what her boyfriend advice to her; and that is to sell another share of the company. She's so thankful for her boyfriend's support to the lowest part of her life. Adam Sebastian Castillo. Tagged as bad boy, heartless, play boy, and dominant. Wala din siyang pakialam kung sino man ang kanyang masagasaan. He's always hungry when it comes to business. Gusto niyang mapatunayan na magaling siya sa lahat ng bagay. Gusto niyang patunayan 'yon sa kanyang ama na ang tingin sa kanya ay hindi anak kundi isang kompetensya pagdating sa negosyo. Nang marinig niya na binebenta ang halos kalahating shares ng isang sikat na TV station sa bansa ay kaagad siyang nagkainteres na bilhin ang nasabing shares. Just as he thought it is easy for him to have it ay doon siya nagkakamali dahil ayaw sa kanya ibenta ni Yelena ang shares ng kompanya nito. But whatever it takes he would be willing step on of all that hinders him. He made an impressive proposal to Denice, but she still turned down his proposal. And he has no other option but to kidnap her. He is heartless, right? And Yelena Denice found herself married to Adam Sebastian Castillo, exactly the day she supposed to marry her boyfriend. And what's worse was, on the day of her honeymoon to supposed to be her husband; she was surrendering everything to Adam. Her body, soul, and her heart.
Romance
102.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Falling Twice for My Billionaire Boss

Falling Twice for My Billionaire Boss

Kaella Ponce has always been the sales manager everyone relies on—palaging on time, mahusay sa numbers, at hindi basta-basta natitinag. Sa mundo ng Roque Corporation kung saan bawat deal ay critical, she’s the woman who keeps the department running smoothly. Kaya nang ma-assign sa kanya ang isang tila clueless na trainee, she’s ready to roll her eyes and move on. Pero hindi ordinaryong newbie si Jerome. Sa likod ng kanyang simpleng trainee facade, siya pala ang Jerome Roque, ang tanging tagapagmana ng snack empire na pinagtatrabahuhan nila. Sa utos ng kanyang ama, nagkunwari siyang baguhan para maintindihan ang kumpanya at makita kung sino ang tunay na loyal. Nang kailangan niyang biglang umalis dahil sa family business crisis abroad, hindi na niya naipaliwanag ang buong katotohanan. Naiwan si Kaella—brokenhearted at feeling betrayed—at nangakong hindi na muling magpapaloko. Pagkalipas ng ilang taon, matagumpay at kilala na sa industriya si Kaella—mas strong, mas guarded, pero may mga sugat pa ring hindi tuluyang naghilom. Sa isang malaking business conference, nakasalubong niya ulit ang isang ngiti na matagal na niyang gustong kalimutan. Si Jerome Roque, ngayon ay isang charismatic CEO, bumalik para patunayan na hindi nagbago ang feelings niya. Muling nagbabalik ang kilig, ang sakit, at ang mga alaala. Pero handa pa bang buksan ni Kaella ang puso niya? Kaya ba niyang muling mahulog—this time sa billionaire boss na minsan na siyang iniwan? O hahayaan niyang manatili ang distansya sa pagitan nila kahit na malinaw na may spark pa rin?
Romance
10460 viewsOngoing
Read
Add to library
BE MY WIFE

BE MY WIFE

Para kay Dhalia Augustine Madrigal, ang buhay ay isang serye ng pagsubok—lalo na nang tanggapin niya ang trabahong maging sekretarya ng malupit at istriktong bilyonaryo, si Henri Yanno Garciaz. Habang lahat ng naunang sekretarya ay hindi nagtagal, siya lang ang nagtiis at nakasabay sa ugali nito. Ngunit hindi niya inasahan na ang trabahong ito ang magdadala sa kanya sa isang alok na magpapabago sa kanyang buhay. Isang kasal kapalit ng sampung milyong piso. Para kay Henri, si Dhalia ang perpektong sagot upang makaiwas sa isang sapilitang kasal sa kanyang unang pag-ibig. Ngunit sa kabila ng kasunduang iyon, hindi niya maitanggi ang lumalalim niyang damdamin para sa babaeng laging naroon para sa kanya. Unti-unting nagbago ang kanilang relasyon, at sa kabila ng mga pagsubok, natagpuan nila ang tunay na kaligayahan sa isa’t isa. Ngunit sa isang iglap, nagbago ang lahat. Isang rebelasyong nag-ugat sa nakaraan ang gumulo sa buhay ni Dhalia—isa pala siyang Lim, kapatid ng dating minahal ni Henri. At ang mas matinding dagok, isang larawan ang sumira sa kanilang tiwala—isang larawan na nagpatunay na may ibang babae si Henri. Sa gitna ng sakit at kahihiyan, pinili niyang lumayo, dala ang lihim na siya rin ay nagdadalang-tao. Limang taon ang lumipas, at sa kabila ng pagtatago ni Dhalia, hindi siya tinantanan ng lalaking minsan niyang minahal. Ngayon, muling bumalik si Henri sa buhay niya, handang patunayan ang isang bagay—na sa kabila ng lahat, si Dhalia lang ang babaeng nais niyang makasama habambuhay. Ngunit sapat ba ang pagmamahal upang paghilumin ang sugat ng nakaraan?
Romance
101.6K viewsOngoing
Read
Add to library
I Am the Lawyer's Contracted Wife

I Am the Lawyer's Contracted Wife

“Huwag ka ng umasa na tatanggapin pa kita ulit. Dahil hindi ko masisikmurang magmahal ng isang tulad mong may dugong kriminal.” Si Rocky Bouchard ay isang ulila sa Canada na inampon ng mag-asawang Mary at Roen Bouchard noong sampung taong gulang pa lamang. Hindi nila alam kung sino ang tunay na magulang ni Rocky dahil wala rin naman itong maikwento sa kanila sa tuwing tinatanong nila. Kalaunan, naging legal na Bouchard si Rocky na siyang lumaki sa isang mayaman at respetadong pamilya sa Canada. Pagkalipas ng ilang taon ay isa na siyang successful na corporate lawyer. Sa hindi inaasahan, nahulog ang loob niya sa pamangkin ng kanyang foster mom na siyang nakatadhana na rin sa iba. Napagdesisyunan niyang ibaon na lamang sa limot ang nararamdaman at mag-focus sa career. Sa kabilang banda, si Cristianna Erica Rowanda ay lumaking breadwinner simula noong hindi na bumalik mula sa Canada ang OFW niyang ama. Wala na silang naging balita rito na para bang naglaho gaya ng isang bula. Dahil dito, kinailangan niyang magtrabaho para mabigyan ng magandang buhay ang pamilya niya. Sa kasamaang palad, siya ay napagbintangang magnanakaw ng pera ng kumpanya na siyang naghatid sa kanya sa rurok ng kahirapan. Wala siyang kapera-pera dahil ang araw na inaasahan niyang unang sahod niya ay nauwi sa pagkakakulong. Nang kunin ni Rocky ang kanyang kaso, nagawa niya itong ipanalo at patunayan ang kainosentehan ni Cristianna. Gayunpaman, pagkatapos ng dalawang buwan ay muli silang nagkita bitbit ang kani-kanilang problema—si Cristianna na hindi makahanap ng trabaho at si Rocky na pressured ng parents na magkaroon ng asawa. Isang kontrata. Dalawang taon. Nag-iisang krimen na akala nila ay nabaon na sa limot. Magagawa kaya nilang ipanalo ang kanilang pagmamahal kung gayong ang dugo na nananalaytay sa kanilang katawan ay siyang hahatol sa isang ipinagbabawal na pag-ibig?
Romance
103.9K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
12
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status