Ang simoy ng hangin ay sobrang lakas at panay ang dapo nito sa balak ni Devon. Nakatingin ito sa kalangitan at hawak-hawak ang isang picture frame. Tinitigan niya ito at saka ngumiti ng bahagya. Bawat katulong na makakakita kay Devon ay hindi maiwasan na malungkot.
Basang-basa ang kanyang puting shirt, naghalo sa madilim na kulay ng kanyang pantalon na lalo lang nagpaganda sa kanyang anyo.
Sa labas, malakas ang hangin, habang bumabagsak ang ulan na parang tabing sa bintana. Ang wipers ng windshield ay paulit-ulit ang galaw—ang tanawin sa loob ng kotse ay palipat-lipat sa malinaw at malabo.