Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Billionaire Who Watched me Die

The Billionaire Who Watched me Die

Sa loob ng limang taon ng kasal, buong puso at kaluluwa na ibinigay ni Theariza Huston ang sarili upang maging karapat-dapat na asawa ng makapangyarihang si Alexander Huston. Tiniis niya ang malamig na tingin ng pamilya nito, ang mga bulong sa likod ng kanyang likod, at ang sakit ng paulit-ulit na tanong—“Bakit hanggang ngayon wala pa rin siyang anak?” Araw-araw niyang pinilit maging perpektong asawa. Nagdasal. Umiyak nang palihim. Umasa na balang araw ay muli siyang titingnan ng kanyang asawa tulad ng dati—na may pagmamahal. Ngunit habang lumilipas ang mga taon, unti-unting naging malamig ang lalaking minsang nangakong siya lamang ang mamahalin. Hanggang dumating ang araw na tuluyan siyang sinukuan. Sa utos ng pamilya Huston, napilitan siyang tanggapin ang isang surrogate mother—ang perpektong si Althea Montoya. Maganda. Elegante. At may kakayahang ibigay ang tagapagmanang hindi niya kayang ibigay. Ngunit ang babaeng iyon ang naging simula ng kanyang pinakamadilim na bangungot. Sa kanyang unang buhay, ninakaw sa kanya ang lahat—ang kanyang dignidad, ang kanyang asawa, at maging ang kanyang karapatan bilang legal na asawa. At sa huli, pinatay siya ng mismong mga taong pinili niyang mahalin at pagkatiwalaan. Ngunit hindi doon nagtapos ang kanyang kwento. Nagising siyang muli… sa nakaraan. Sa kanyang ikalawang buhay, sinubukan niyang baguhin ang kapalaran. Naging maingat siya. Lumayo. Nanahimik. Ngunit kahit anong gawin niya, tila nakatakda pa rin ang kanyang kamatayan. Muli siyang pinatay. Ngayon, sa kanyang ikatlong buhay, bumalik siya na may dalang galit, alaala, at katotohanan. Hindi na siya ang mahina at umiiyak na babae na umaasa sa pagmamahal ng isang lalaking hindi marunong magmahal. Sa pagkakataong ito, hindi na siya magmamakaawa. Gaganti siya. Makakamit nga ba niya ang paghihiganting matagal niyang inaasam? O ang kanyang ikatlong buhay ang magiging huling pagkakataon para sa isang pagmamahal na matagal na niyang inilibing?
104.1K viewsOngoingIdinagdag sa Library 118 Beses bilang positive and strong quotes
Read
+Library
Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)

Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)

Isang kontrata ang magtatali kila Ysla at Nathan. Kasunduan na may hangganan at dahil lamang sa mga personal nilang dahilan. Si Nathan upang masunod ang kanyang lola at si Ysla upang makaganti sa kanyang fiance at sa mga taong inakala niyang pamilya. Paano kung magbago na ang pagtingin nila sa isa't-isa kasabay ang pagbabalik ng dating pag-ibig ni Nathan at pagdating ng mga problemang dulot ng pamilya ni Ysla?
1024.4K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 804 Beses bilang positive and strong quotes
Read
+Library
Isa Akong Multi-Billionaire Part 2

Isa Akong Multi-Billionaire Part 2

Matapos ang tatlong taon na kasal sa isang hindi tapat na asawa, ang multi-bilyonaryo ay pinalayas sa kanyang tahanan! Pagkatapos ng diborsyo… Ang kanyang hindi tapat na asawa ay humihingi ng tawad habang sinasabi niya, "Nagkamali ako, mangyaring bigyan ako ng isa pang pagkakataon!"
1012.3K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 416 Beses bilang positive and strong quotes
Read
+Library
Three Little Cupids: Daddy, Steal Our Mommy’s Heart Back!

Three Little Cupids: Daddy, Steal Our Mommy’s Heart Back!

Napilitan magpakasal sina Anastasia Alarcon at Enzo Padilla dahil sa kagustuhan ng lola ng binata. Para kay Enzo, obligasyon lang iyon—pero para kay Anastasia, ito ang pagkakataon niyang makasama ang lalaking sampung taon niyang lihim na minahal. Akala ni Enzo, pera lamang ang habol ni Anastasia sa kaniya. Kaya sa loob ng isang taon nilang mag-asawa, malamig at maingat niyang itinago ang tunay niyang nararamdaman. Tiniis ni Anastasia ang bawat sandali, umaasang balang araw, mararamdaman din siya ng lalaking minahal niya ng buong puso. Hanggang sa namatay ang lola ni Enzo, at sa ika-pitong araw pagkatapos ng libing, sinabi nito na makikipaghiwalay na siya. She was nearly driven mad by Enzo’s demand for an annulment—at pagkatapos nito, umalis siya upang tuluyang kalimutan ang lalaking minahal niya ng buong puso. Ngunit hindi niya alam, iniwan ng kanilang huling gabing magkasama ang isang lihim: tatlong anak na hindi puwedeng malaman ni Enzo. Pagkalipas ng anim na taon, bumalik si Anastasia sa Pilipinas para hanapin ang anak na nawala noong sanggol pa lang. Ngunit sa halip na asahan, natuklasan niyang ang batang matagal niyang hinahanap ay nasa ilalim pala ng pangangalaga ng dati niyang asawa. Ang kanilang mga anak ang naging tulay upang muling magtagpo ang mga pusong sugatan. Hindi naglaon, lubos na pinagsisisihan ni Enzo ang lahat nang malaman niyang ang babaeng matagal niyang hinanap at pinangarap sa bawat gabing walang tulog ay si Anastasia pala. Determinado siyang ibalik at ipanalo muli ang puso ng kanyang dating asawa—ngunit sa harap ng lahat ng nakaraan, pagkukulang, at mga lihim… kaya nga ba muling magtiwala at magmahal si Anastasia kay Enzo?
104.4K viewsOngoingIdinagdag sa Library 172 Beses bilang positive and strong quotes
Read
+Library
The Billionaire's Accidental Accomplice

The Billionaire's Accidental Accomplice

Para takasan ang isang arranged marriage sa isang lalaking doble ang tanda sa kanya at kilalang marahas, nag-layas si Iris. Walang pera, gutom, at hinahabol ng mga tauhan ng kanyang stepfamily, nakapuslit siya sa isang ultra-exclusive charity gala para magtago. Sa kanyang desperasyon, pumasok siya sa isang pribadong VIP suite para magpalit ng kasuotan at umiwas sa mga humahabol sa kanya. ​Ngunit nagbago ang lahat nang bumukas ang pinto at pumasok si Damian Vance—isang reclusive, cold, at mailap na tech billionaire. May hinihintay si Damian—isang elite, undercover female investigator na kinuha niya para mag-imbestiga sa isang maseselang kaso ng pagnanakaw sa kanyang kumpanya. Dahil sa suot ni Iris at sa tyempo ng kanyang pagkilos, napagkamalan siya ni Damian na ito ang investigator. ​Upang makaligtas sa mga bodyguard na nag-aabang sa labas ng hotel, pinatulan ni Iris ang maling akala ni Damian. Tinanggap niya ang kontrata at sumama sa mansyon nito. Ang problema? Zero ang kaalaman ni Iris sa pagiging investigator. Habang sinusubukan niyang gampanan ang pekeng papel, unti-unting nahuhulog ang loob niya sa mailap na billionaire—habang bawat araw ay isang sugal dahil isang maling galaw lang, mabubunyag ang kanyang sikreto. Poprotektahan ba siya ni Damian kapag nalaman nitong isa lang siyang magandang impostor?
85 viewsOngoingIdinagdag sa Library 3 Beses bilang positive and strong quotes
Read
+Library
Hunter Buencamino: My Runaway Groom

Hunter Buencamino: My Runaway Groom

Si Hunter Buencamino na isang kilalang business tycoon sa Pilipinas ay binigyan ng isang buwan na palugit ng kanyang ama na kailangan niyang maiharap ang babaeng makakasama niya habang buhay, kapalit ang malaking project sa Brown Corporation . Halos hindi makapaniwala si Hunter sa mga salitang narinig niya sa kanyang ama, lalo pa't wala sa kanyang vocabulary ang salitang kasal. Kaya hindi niya alam kung matutuwa ba siya sa pagpayag ng ama sa proyekto na matagal na niyang pinapangarap na makuha, ngunit kapalit ay ang pagpapatali niya sa isang kasal na labis niyang kinamumuhian. Sa kagustuhan ni Hunter na makuha ang project, isang plano ang nabuo sa kanyang isip at nakahanda siyang magbayad kahit na magkano sa isang babae na magpapanggap na kanyang girlfriend at asawa. Makikilala ni Hunter si Nathalie del Prado sa isang agency na bride for hire at aakalain niya itong babaeng bayaran. Ngunit dahil sa isang gabing pagkalimot ay matutuklasan ni Hunter na isa pa lang birhen ang babaeng inakala niyang marumi. Si Nathalie na nga ba ang babaeng magpapabago sa pusong bato ni Hunter?
1011.2K viewsOngoingIdinagdag sa Library 245 Beses bilang positive and strong quotes
Read
+Library
Addicted to the Imperfect Billionaire

Addicted to the Imperfect Billionaire

Mula pagkabata ay nakatatak na sa murang isipan ni Daviana Policarpio na si Warren Gonzales ang kanyang magiging asawa dahil sa naging kasunduan ng kanilang mga Lolo. Hinihintay na lang nila na maka-graduate siya sa kolehiyo para matuloy iyon. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, at ng dahil sa mapaglarong kapalaran at panahon; kalahating taon bago mangyari ang plinano ng matatanda sa kanilang pamilya ay nalaman ni Daviana na mayroon pa lang girlfriend ang lalaking itinatangi at itinakda sa kanya. Hindi alam ng dalaga kung marapat bang ipagpasalamat niya iyon, dahil nang gabing matuklasan niya na may lihim na kasintahan si Warren ay iyon din ang gabing hindi inaasahang muling magsasanga ang landas nilang dalawa ni Rohi Gonzalez; ang anak sa labas at half-brother ni Warren na mula pagkabata nila ay natitipuhan na ng dalaga. Subalit, hindi niya pwedeng ipilit dahil ang sabi ng mga magulang nila ay si Warren at hindi si Rohi ang lalaking nakatakdang maging kabiyak niya at makasama hanggang sa kanyang pagtanda.  Susuwayin ba ni Daviana ang mga magulang upang tuluyang pagbigyan ang isinisigaw ng kanyang puso?
1073.6K viewsOngoingIdinagdag sa Library 2.3K Beses bilang positive and strong quotes
Read
+Library
Indayog sa Gabi (SSPG R-18+)

Indayog sa Gabi (SSPG R-18+)

"Isang milyon kapalit ng isang sayaw. Isang kontratang nakatali ang puso at katawan niya." Para madugtungan ang buhay ng kaniyang ina, walang pag-aatubiling ibinenta ni Kikay ang sarili bilang isang high-class entertainer sa Crimson Cloud Nine. Ang nakabili sa kaniya? Isang misteryoso, makapangyarihan, at malupit na 'VIP'. Pero ang tunay na bangungot ay nagsimula nang dumating ang lalaking inatasan ng VIP para maging 'handler' niya. Si Rhamesis Wilton. Ang bilyonaryong CEO. Ang lalaking nandurog sa puso niya limang taon na ang nakararaan. "You think he owns you now, Kikay?" paos at mariin nitong bulong habang kinukulong siya sa dilim, ang mainit nitong hininga ay sumusunog sa kaniyang balat. "He only bought your contract. Pero ako... ako ang magpapasunod sa katawan mo." Akala ni Kikay, kaya niyang tiisin ang bawat mapanuksong haplos at agresibong pag-indayog ni Rhamesis para sa perang kailangan niya. Wala siyang kaalam-alam na sa likod ng mapanganib na laro ng poot at pagnanasa, ang lalaking pilit siyang inaangkin ay ang mismong demonyong may hawak ng kaniyang kontrata. Sa muling pagtatagpo ng kanilang mga balat, sino ang unang bibigay? Ang babaeng pilit isinisigaw na pera lang ang habol niya... o ang lalaking handang sunugin ang buong mundo makuha lang siyang muli?
107.4K viewsOngoingIdinagdag sa Library 274 Beses bilang positive and strong quotes
Read
+Library
Naglalagablab na Secrets and Revenge

Naglalagablab na Secrets and Revenge

“Gusto mong matuto? I can teach you. But remember, the lesson requires us... f*cking.” Sa ngalan ng pag-ibig at takot na tuluyang malamig ang kama nila ng asawang si Lukas, gumawa si Angel ng isang mapangahas na hakbang: ang kumuha ng isang estrangherong magtuturo sa kaniya na maging mapusok sa kama. Ngunit sa bawat Secret Sex Session nila ni Darken, ang apoy na dapat ay para kay Lukas ay unti-unting nalilipat kay Darken. Sa bawat haplos at malalim na ungol, hindi alam ni Angel na ang lalaking binabayaran niya ay may bitbit na mas malalim na lihim. Paano haharapin ni Angel ang isang lihim na babasag sa kan'yang mundo, dalawang beses na mas masakit sa panluluko ng asawa? Sino nga ba si Darken, na kinikilala niyang g*golo at assistant? FORMERLY: Naglalagablab na Secret S*x Sessions.
1066.2K viewsOngoingIdinagdag sa Library 2.4K Beses bilang positive and strong quotes
Read
+Library
Her Raging Flame - (Tagalog)

Her Raging Flame - (Tagalog)

Kagandahan at katusuhan. Iyan ang mga katangian ng isang Femella Alcantara na pinipilahan ng mga kalalakihan sa club na kaniyang pinagtatrabahuan. She knows what her assets are and she uses them to her own advantage. Kaya naman inasahan na niya ang pagdating ng isang taong tulad ni Maverick Fuentebella. He is an alpha male who hates losing. He is someone you can't win against but he found the most willing opponent in the face of the angelic Femella. He wants her and he will do everything to get her. Call it an obsession, Maverick doesn't care. He threw his reason aside and relentlessly pursue the woman. Their bodies clicked and the fire has been ignited. The temptation is proven to be too strong for them to ignore. Ito ang kanilang pinakamalaking pagkakamali. Someone gladly fell into the trap set by one of them.
108.2K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 188 Beses bilang positive and strong quotes
Read
+Library
PREV
1
...
1920212223
...
29
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status