When Heart Beats
"Paki-linaw nga kung ano ang ibig sabihin ng sinabi mo?Anong klaseng toxic ba? Magiging toxic ka pa rin ba o magiging non toxic ka na sa buhay ng kaibigan ko?"
"Wala kang pakialam," sikmat ko pero umiwas na naman ng tingin, at saka lumayo na naman. Pero parang buntot itong babae na ‘to na sinusundan pa rin ako.
"May pakialam ako dahil kaibigan ko ang pinag-uusapan natin dito. It's my job to protect her, laban sa hayop na toxic na gaya mo. At saka mabuti na rin 'yong alam ko kung ano ang plano mo, mabuti ba o masama, para ako na mismo ang gagawa ng paraan mailayo lang si Aya mula sa'yo."