Ninong Stranger (SPG/TAGALOG STORY)
HANIFAHstranger tagalogstranger in tagalogstrange in tagalogspg tagalog story
"Sana totoo na 'yan, Gab. Baka bukas o sa makalawa ay magigising ka na lang na bumalik na ang alaala mo tapos marealize mo na si Beatrice pa rin pala ang gusto mo."
Marahas siyang napabuntong-hininga at mas hinigpitan pa ang yakap sa akin, sapat para maramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso niya sa likod ko.
"Look at me, Claire," utos niya kaya dahan-dahan akong humarap sa kaniya, kahit nakakulong pa rin ako sa mga bisig niya. Inangat niya ang mukha ko gamit ang kaniyang hintuturo. "My memories might be core files that got deleted, but my heart is not a machine. It knows you. It chose you before the accident, and it is choosing you again right now. Don't ever doubt that."