Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
 HENDRIX LOVE

HENDRIX LOVE

Si Hendrix Montenegro ay isang demonyong nagtatago sa katawan ng isang guwapong Business Tycoon. Bilang Mafia Boss, wala siyang sinasanto. Para sa kanya, ang pag-ibig ay isang malaking basura at kahinaan na sisira lang sa kanyang imperyo. Pero nagbago ang lahat nang isang gabi, sugatan at halos mamatay na si Hendrix sa isang engkwentro. Sa madilim na parte ng eskinita, isang babaeng may mukha ng isang anghel ang sumagip sa kanya. Siya ang naging tanging ilaw sa madilim at madugong mundo ni Hendrix. Hindi alam ng lahat, si Hendrix na kinatatakutan ng mundo ay unti-unting nababaliw sa pag-ibig sa babaeng ito. He will do everything to keep her, even if it means burning the whole world down just to see her smile. Ngunit sa likod ng mala-anghel na mukha ng babae ay may isang madilim at masakit na nakaraan. Biktima siya ng sarili niyang ama—ang taong dapat sana ay nagprotekta sa kanya pero siya pang gumahasa at sumira sa kanyang pagkatao. Ngayong nalaman na ni Hendrix ang sikretong ito, hindi lang basta pag-ibig ang nararamdaman niya. It is now a deadly obsession. Hahayaan ba ni Hendrix na ang nakaraan ang sumira sa "ilaw" ng buhay niya? O ipapakita niya sa ama ng babae kung gaano kalupit maghiganti ang isang demonyong natutong magmahal?
3.1K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 111 kali sebagai sa ilalim ng puting ilaw
Baca
+Pustaka
SLEEPING BEAUTY (Tagalog)

SLEEPING BEAUTY (Tagalog)

Mican
Isang lihim ang nabuksan nilang magkakaibigan. Lugar na nasa ilalim pa ng basement na matagal ng nakakandado. Isang napakagandang babae ang natagpuan nila doon, na natutulog lang at dahil sa kapangahasan nila, nagising nila ito at napakawalan nila ang sumpa na lumulukob sa dalagang naandoon. Sa pag-gising ng dalaga sunod-sunod na kababalaghan ang nangyari sa bakasyon nilang iyon at sinisisi ng dalagang si Cassandra, na natagpuan nila sa ilalim ng basement, ang mga kababalaghang iyon sa mangkukulam na nagkulong sa kaniya sa sumpang pagtulog sa mahabang panahon. Paano nila matatakasan ang kababalaghang kalakip ng dalagang nagising nila? At sino nga kaya ang mangkukulam na gumugulo sa kanila at pati buhay nila, ay nasa bingit na ng kamatayan? Makakatakas pa nga ba sila kapahamakang iyon? O kamatayan din nila ang kahihinatnan ng kapangahasan nila? Dark Fantasy CollectionSLEEPING BEAUTY@KamijoMican
9.656.9K DibacaTamatDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 1.5K kali sebagai sa ilalim ng puting ilaw
Baca
+Pustaka
Revenge of the Vegetative Billionaire's Ex-wife

Revenge of the Vegetative Billionaire's Ex-wife

Jacob Fortejo, ang pinakamayamang tao, ay nasa vegetatibong estado sa loob ng tatlong taon, at ang kanyang asawang si Audrielle Eliza Corpuz ay nag-alaga sa kanya sa parehong tagal ng panahon. Gayunpaman, matapos siyang gumising, natuklasan ni Audrielle ang isang mensahe ng dalagang koleheyo sa kanyang telepono na nagpapakita ng kanyang pagtataksil ang kanyang unang pag-ibig, ang kanyang "puting liwanag ng buwan." ay bumalik na sa bansa. Ang kanyang mga kaibigan, na hindi pinapahalagahan siya, ay lahat ay tumatawa at nagsasabing, "Ang dalaga ay bumalik na oras na para."
102.0K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 73 kali sebagai sa ilalim ng puting ilaw
Baca
+Pustaka
The Billionaire's Debt-Paid Wife

The Billionaire's Debt-Paid Wife

Isang iglap, nagbago ang buhay ni Ava Santos nang tumakas ang kanyang kapatid na si Bella sa mismong araw ng kasal nito sa bilyonaryong si Alexander Valderamos. Dahil sa matinding utang at banta ng pagkasira ng kanilang pamilya, napilitan si Ava na palitan ang kapatid at humarap sa altar sa ilalim ng isang kasinungalingan. Ngunit hindi lingid kay Alexander ang nangyari—alam niyang hindi si Bella ang kanyang pinakasalan. Sa kabila nito, itinuloy niya ang kasal dahil may sarili siyang plano. Sa ilalim ng isang malamig na kasunduan, ginawang legal na asawa si Ava kapalit ng pagbura sa utang ng kanyang pamilya. Sa loob ng isang taon, kailangan niyang gampanan ang papel bilang perpektong maybahay, habang itinatago ang tunay niyang pagkatao. Sa marangyang mundo ni Alexander, unti-unting naramdaman ni Ava ang pagiging bilanggo—isang babae na itinuring na kapalit sa isang transaksyon. Habang lumalalim ang kanyang paghihirap, nahaharap siya sa malamig at mapaglarong ugali ng kanyang asawa. Sa isang relasyong puno ng kasinungalingan at kontrol, kakayanin ba ni Ava na panatilihin ang sarili, o tuluyan na siyang mawawala sa mundong hindi niya pinili?
10274 DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 9 kali sebagai sa ilalim ng puting ilaw
Baca
+Pustaka
Instant Billionaire's Wife

Instant Billionaire's Wife

Nakipagsapalaran sa Maynila si Charlie para makahanap ng trabaho upang makatulong sa mga gastusin, masuportahan ang pag-aaral ng mga nakakabatang kapatid, at maibsan ang pinansyal na responsibilidad ng kanyang mga magulang. Ngunit sa kanyang paglilibot para mag-apply ng trabaho, isang puting van ang biglang huminto sa harapan niya, at agad siyang pinalibutan ng mga lalaki. May kung anong tumama sa batok niya, dahilan upang mawalan siya ng malay. Pagkagising niya, nasa loob na siya ng isang engrandeng kwarto at suot ang isang wedding gown. Ilang tao ang nasa paligid niya, abala sa pag-aayos sa kanya. Nang tanungin niya kung ano ang nangyayari, nagulantang siya sa nalaman— Ikakasal na siya!
837 DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 19 kali sebagai sa ilalim ng puting ilaw
Baca
+Pustaka
Divorce Me Now, Chase Me Later

Divorce Me Now, Chase Me Later

Isang sorpresa na puting envelope ang sumalubong kay Harper, hindi galing sa kanyang asawang tatlong taon nang walang paramdam sa Japan, kundi isang brutal na request for annulment. Sa gitna ng pait at insulto, napilitan siyang umuwi ng Pilipinas. Ngunit sa halip na bumigay at magpakita ng kahinaan, isang makeover ang nagbigay-daan sa kanya para harapin ang asawang nag-iwan sa kanya nang may bagong dignidad at tapang. Pero bakit tila ngayon lang napansin ni Oliver ang kagandahan ng babaeng pinakawalan niya? At bakit ngayon pa siya humahabol, kung kailan napirmahan na ang annulment?
368 DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 13 kali sebagai sa ilalim ng puting ilaw
Baca
+Pustaka
SIRENS OF ATARGATIS  ⚫FILIPINO⚫ || WIP ||

SIRENS OF ATARGATIS ⚫FILIPINO⚫ || WIP ||

AiriiTheCoffeeCat
Si Melodia ay isang nilalang sa ilalim nang madilim at malawak na dagat. A heart full of hatred, ang puso ng mga taong may kinikimkim na kasakiman, selos at pagkamuhi ang nagbibigay buhay sa kanila. Silang mga sirena'y may kagandahang tinataglay at boses na pang-akit sa biktima. Ngunit isang insidente ang magbabago ng lahat nang buhayin muli ni Melodia ang taong nag-aagaw buhay. Ang simpleng sitwasyon ay naging sumpa ang dulot. Ang kanyang buntot ay maging paa at ang paa ng tao 'yon ay naging buntot. Kaya napagpasyahan niya na manatili muna sa lupa kahit walang ideya kung paano mamuhay bilang tao. Isinama naman sa ilalim ng dagat ang taong ngayo'y nagibg sirena. Nakita siya ng isang lalaki na noo'y namamangka na kaagad siyang tinulungan. Sa paglipas ng mga araw ay muling nagbalik ang taong tinulungan i Melodia. Ngayon ay hatid niya ang pakiusap na tanggalin na ang sumpa, na ibalik na sa kanya ang mga paa ngunit hindi alam ni Melodia kung paano.
104.8K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 125 kali sebagai sa ilalim ng puting ilaw
Baca
+Pustaka
The Mafia Series: Laxus Morgan

The Mafia Series: Laxus Morgan

Sa mundong pinatatakbo ng digital codes at madugong transaksyon, si Laxus ang hari. Isang makapangyarihang CEO sa umaga, at isang malupit na Mafia Boss sa gabi. He is the powerful Mafia Boss of the London clan, bagama’t may lahi siyang Pilipino at lumaki dito sa pinas. Hawak niya ang lahat—yaman, koneksyon, at ang buhay ng sinumang babangga sa kanya." Ngunit may isang 'system' siyang hindi kayang kontrolin nang buo: si Amara." Si Amara ang henyo sa likod ng mga firewall ni Laxus. Bilang kanyang Elite Hacker at Personal Developer, siya ang nakakakita sa lahat ng duming ibinaon ni Laxus sa ilalim ng mga encrypted files. She holds the 'Kill Switch'—ang mga impormasyong sapat upang maipakulong ang kanyang boss habambuhay. Gusto nang tumakas ni Amara. Gusto na niyang iwan ang madilim na mundong ito. Ngunit sa ilalim ng kumpas ni Laxus, ang pag-alis ay katumbas ng pagtataksil. At sa mundo ng Mafia, ang pagtataksil ay binabayaran ng dugo. Gagamitin ni Laxus ang lahat ng kanyang kapangyarihan upang panatilihin ang dalaga sa loob ng kanyang 'Golden Cage.' Pero habang sinusubukan ni Amara na i-bypass ang puso ng kanyang boss, unti-unti siyang nahuhulog sa bitag ng isang lalaking handang pumatay—at handang mamatay—para lamang manatili siya sa tabi nito. Sino ang unang bibigay? Ang babaeng may hawak ng ebidensyang makakasira sa kanya, o ang lalakeng handang sunugin ang mundo para lang sa kanya?
102.0K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 59 kali sebagai sa ilalim ng puting ilaw
Baca
+Pustaka
UNLUCKY LUKE (Tagalog)

UNLUCKY LUKE (Tagalog)

twtl_trtd
Luke Cabrera is a struggling 22 year old male left with nothing but a note full of debts. Desperado na siya at sa hindi inaasahang pagpihit ng kaniyang mundo, natagpuan niya ang sarili na nag-iisa. Ang kagimbal-gimbal pa ay naubusan siya ng pagpipilian kung kaya't ganoon na lang ang pamumursigi niyang magtrabaho sa ilalim ng taong siya ring dahilan ng paghihirap niya ngayon. Sa bawat kilos niyang inuulan ng kamalasan, darating pa kaya ang inaasam-asam na suwerte?
108.6K DibacaTamatDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 231 kali sebagai sa ilalim ng puting ilaw
Baca
+Pustaka
Lihim na pagkatao

Lihim na pagkatao

bon bernardo
Mark Lester De lima,ang natatanging personalidad sa likod ng di mapapantayang katungkulan at kayamanan.Ngunit pilit na itinatago sa karamihan at pinananatiling mababang personalidad.Palaging inaapi,kinukutya at pinagtatawanan ng karamihan,paano niya ihahayag sa lahat ang kanyang tunay na pagkakakilanlan kung walang naniniwala sa kanyang kakayahan lalo na ang kanyang katayuan sa buhay.Tuklasin ang kanyang mga hakbang kung paano niya mapapanatili ang kanyang matibay na katayuan at pagpapalawig ng kanyang kayamanan upang sakupin ang maraming lugar sa ilalim ng kanyang kapangyarihan at pamumuno ng hindi inilalantad ang kanyang tunay na pagkakakilanlan.Sa kabila ng maraming pagsubok at makakaharap na maimpluwensiyang karakter,anong mga hakbang ang kanyang gagawin?
105.6K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 179 kali sebagai sa ilalim ng puting ilaw
Baca
+Pustaka
Sebelumnya
1
...
1415161718
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status