Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Mr. Wright Beside Me

Mr. Wright Beside Me

Isang malaking iskandalo ang yumanig sa buhay ni Gracie sa mismong birthday celebration ng step-father niyang si Armand Luistro. Sa kalagitnaan ng magarbong party ay biglang ipinalabas sa led screen ang isang scandalous video kung saan siya ang naroon at may kasama siya na isang lalaki. Nasa aktong pagtatalik ang tagpong napanood ng maraming bisita. At ang lalaking kasiping niya ay ang boyfriend ng kanyang wicked half-sister na si Tatiana. Hindi niya akalain na ganoon pala ang planong paghihiganti ni Narita sa kapatid niya kung saan nakipagtulungan siya sa una. Dahil sa malaking kahihiyan ay itinakwil siya ng sariling ina at pinalayas siya ni Armand sa buhay at pamamahay ng mga ito. Nakasumpong siya sa ng bagong yugto ng buhay sa may kalayuang bayan ng Lopez Quezon. Nagkaroon siya ng trabaho sa isang event center at part-time emcee rin siya. Nang matanggap siyang site manager sa bagong dini-develop na subdivision sa nasabing bayan, nakilala niya ang boss niya na si Oliver Wright. Isang cold hearted na lalaki na na nagpapadagdag appeal sa kagwapuhang taglay nito. Hindi mapigilang humanga ni Gracie sa binatang boss. Ngunit ito pala ay isa sa mga anino ng kahapong nagtakwil sa kanya noon. Susubukin n’on ang pagkakalapit nila sa isa’t isa at lumalambot na puso sa kanya ni Oliver.
Romance
101.2K viewsOngoing
Read
Add to library
My CEO Best Friend is My Baby Daddy?!

My CEO Best Friend is My Baby Daddy?!

Eyah
Hindi akalain ni Serena na ang simpleng pagtanggi niya na sapilitang maikasal sa kuya ng kanyang best friend ang magiging daan pala para maungkat ang isang rebelasyon tungkol sa pagkatao niya. Iyon din ang naging simula ng isang napakalaking pagbabago sa buhay niya. Mula sa pagiging tagapagmana ng mga Choi ay natagpuan niya na lang ang sarili niya na nasa isang napakahirap na kalagayan. Mula sa naglalakihan at mga bonggang runway platform na nilalakaran niya suot ang iba't-ibang designer items ay naroon siya ngayon sa isang maliit na entabladong nasa gitna ng madilim na club— sumasayaw ng malaswang sayaw habang suot ang maliliit na piraso ng tela na kaunti na lang ay maglalantad na sa kaluluwa niya. Mula sa tingin ng paghanga at sigaw ng admirasyon mula sa mga umiidolo sa kanya ay nauwi siya sa pagsalo ng mga malalagkit na tingin at mahahalay na salita mula sa mga lalaking hindi niya kilala na pawang mga hayok sa laman. Ang magandang katawan na dati niyang iniingat-ingatan, ngayon ay naging parausan na lang ng kung sino man ang may kakayahang magluwal ng pinakamalaking halaga para sa isang gabing impiyerno sa loob ng VIP room ng club. Paanong ang simpleng paghahangad ng kabutihan niya para sa sarili ay naging sanhi ng pagbaliktad ng mundo niya at pagkawala sa kanya ng mga taong mahalaga sa buhay niya? Ngunit sa kabila ng hirap at walang katiyakan ay pinili niya pa ring mabuhay. Kahit alang-alang na lang sa isisilang niyang anak sa lalaking nakasama niya sa isang gabing impiyerno na iyon. Sa lalaking hindi niya man lang nakikilala...
Romance
101.3K viewsOngoing
Read
Add to library
The CEO'S Abandoned Wife

The CEO'S Abandoned Wife

Lunoxlovesyou
Si Julia Perrywickles ay inabandona ng kanyang pamilya sa kanyang murang edad at napunta siya sa Isang bahay ampunan. Pinangarap niya na makadama ng pagmamahal ng Isang pamilya pero malabo itong mangyari hanggang sa pinakasalan niya si Harry Warner na Isang CEO na itinuring niyang kanyang kaligtasan. Inakala niya na masaya at madali ang buhay Kasama ang lalaki pero doon siya nagkakamali. Kabaligtaran lamang ang nangyari ng kanyang inaasahang masayang buhay. Lalo siyang nakaranas na abandonahin dahil harapan niyang ipinamumukha ang pambababae niya. Kung kaya siya tinaguriang "The CEO'S Abandoned Wife" Si Daniella na kanyang kabit ay Isang prostitute at naghahangad na umangat ang pamumuhay kaya pumatol sa lalaking may asawa. Ngunit paano kapag nalaman niya na hindi iba sa kanya ang Asawa ng kanyang nobyo?? At isang araw ay dumating sa buhay niya si Herbert Warner ang lalaking nagpadama sa kanya ng tunay na pagmamahal. Pero paano kung Ang lalaking ito ay Kapatid pala sa ama ni Harry at mortal nitong kakompitensya sa lahat ng bagay?
Romance
103.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Love At First Night

Love At First Night

Jane_Writes
“Unang beses pa lang tayong nagkatagpo, mahal na agad kita, Terrence Anderson.” - Gillian Gomez. Matapos niyang makipag hiwalay sa kaniyang kasintahan. Pumunta si Gillian sa bar para kalimutan ang lahat. Pero ng paalis na siya sa bar ay hinaras siya ng grupo ng kalalakihan. Nang biglang sumulpot ang isang maskuladong lalaki para tulungan siya sa mga lalaking humaharas sa kaniya. Nakaramdam kaagad si Gillian ng kakaibang pakiramdam at nasabi niya sa sarili na “I like this man” . Dahil sa kalasingan at pagkahumaling sa estranghero ay ibinigay niya ang kanyang pagkabirhen sa lalaking iyon.Isangg umuusok na gabi na nangyayari. Pinagsaluhan nila ang isang romantikong gabi sa pagitan ni Gillian at ng estranghero. Ano ang mangyayari kay Gillian, kapag napagtanto niyang isang malaking pagkakamali ang ginawa niya? Pagmamahal nga ba ang nararamdaman niya sa lalaking unang beses niya pa lamang nakilala? O isang temptation lamang dahil sa matinding kalasingan?
Romance
8.76.1K viewsOngoing
Read
Add to library
She Calls Him Dad, I Call Him Mine

She Calls Him Dad, I Call Him Mine

Umalis si Elizabeth sa marangyang buhay sa Maynila upang takasan ang isang sapilitang kasunduan—ang pag-date kay Greg, anak ng pinakamayamang negosyante sa lungsod. Sa pagtakbo palayo, hindi inaasahang masisira ang kanyang kotse sa gitna ng isang liblib na lugar. Isang misteryosong lalaki ang dumaan at tumulong sa kanya. Tall, dark, and handsome—isang "prince charming" sa tunay na buhay. Pero hindi niya nakuha ang pangalan nito. Pagdating sa probinsya, ibinahagi niya ang kwento sa kanyang kaibigang si Monique, na agad nilang tinawag ang lalaki bilang "Prince Charming." Ngunit gumuho ang mundo ni Elizabeth nang mapagtanto niyang ang lalaking ito… ay walang iba kundi si Benedict—ang ama ng kanyang kaibigan. Isang single dad na hindi rin inakalang ang babaeng tinulungan niya sa kalsada ay ang magiging dahilan ng muling pagtibok ng kanyang puso. Handa ba si Elizabeth na mahalin ang lalaking hindi niya dapat ibigin? At kaya ba niyang ipaglaban ang damdaming maaaring sirain ang pagkakaibigan nila ni Monique?
Romance
10574 viewsOngoing
Read
Add to library
NINONG NOAH'S LOVE CONTRACT (SPG)

NINONG NOAH'S LOVE CONTRACT (SPG)

"Marry me and I'll pay you ten million pesos." Kaya mo bang mahalin at pakasalan ang matalik na kaibigan ng iyong ama? Isang elementary teacher si Thea Faith Ferrer. Masaya siya sa propesyon at buhay na pinili niya. Ngunit may isang pangyayari ang magbabago sa kanyang buong buhay. Nang biglang magkasakit ang kanyang ama at palubog na sila sa utang kaya nawala na sa kanila ang kanilang kumpanya. Balak siyang ipakasal ng kanyang stepmom sa isang mayamang matanda. Ngunit nang malaman ito ng kanyang ninong ay inalok siya nito. Ito ay si Noah Villamor, isa sa pinakamagaling at pinakamayaman na businessman buong bansa. Ang mag-aalok kay Thea ng isang kasunduan. Ang kasuduan na mag-uugnay sa kanilang dalawa at ito ang KASAL. Mamahalin niya kaya ito o mauuwi lang silang dalawa sa hiwalayan.
Romance
10149.7K viewsCompleted
Show Reviews (22)
Read
Add to library
Gene Darden
Ang ganda ng story na to... recommended ko sya sa mga taong nawawalan ng pag asa sa buhay... magaan ang pagkawento hinde nakakastress. sobrang bait pa ng bida pero hinde nagpapaapi. Alam ko na may masayang ending ito as trade mark ni Ms. Callie♡♡♡
Nimpha
thank you so madam Ang bait nyo pinag bigyan nyo Ang kahilingan ko na mag update kayo sa kuya Raleigh god bless madam enjoy your vacation kahit paisa isa Ang update nyo sulit nman po dahil mahaba nman makuntinto muna kmi sa pa isa isa thank you and God bless you more readers to come
Read All Reviews
Something Borrowed

Something Borrowed

SELCOUTHLOVE
Nakauwi si Misha sa pamilya at fiance niya pagkatapos ng halos apat na taong pagkakatulog dahil sa coma. Sa pagbalik niya, kasabay ng pagtuklas ng katotohanan na hindi siya tunay na anak ng kinikilala niyang mga magulang ay nalaman din niyang engaged na sa iba ang lalaking pinakamamahal niya. Sa isang iglap nawala ang lahat sa kanya. Pero isang bagong pangyayari ang dumating sa buhay niya na nag-udyok para hiramin niya ang buhay ng isang babaeng kamukha niya. Hanggang saan siya dadalhin ng pagpapanggap niya? Kakatok ba ang pag-ibig sa puso niya habang nagpapanggap siya?
Romance
1.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Marahuyo

Marahuyo

Catalina De La Vega, isang babaeng baon sa utang na nangangailangan ng malaking halaga para ito'y mabayaran. Walang magulang o kaibigan na maaari niyang hingan ng tulong kaya para mabuhay, kapit sa patalim siyang gumawa ng paraan. Dito makikila niya ang isang lalakeng tutulong sa kaniya, si Rostam Lombardi. Isang taong makapangyarihan na magbibigay ng pangangailangan niya, subalit mangyayari lang ito kung papayag siya sa isang kasunduang bigyan siya ng anak sa pamamagitan ng isang gabing pagsasaluhan nila. Pumayag si Catalina kapalit ang malaking halaga, ngunit nang malaman niyang idi-dispatsya siya ni Rostam oras na mailabas ang magiging anak nila, agad siyang tumakas at hindi na nagpakita pa sa lalakeng basura pala ang tingin sakaniya. Lumipas ang ilang taong pagtatago, ang kanilang landas ay muling magtatagpo, pero sa sa pagkakataong ito, may batang babae ng kasama si Catalina at iyon ang anak nila ng lalakeng pinangakuan niya. Ipagpapatuloy pa kaya nila ang naudlot na kasunduan o ito ang magiging dahilan para ito'y masira at mauwi sa totohanan?
Romance
1022.9K viewsCompleted
Read
Add to library
The Principal's Affair

The Principal's Affair

"Isang gabing puno ng kapusukan ang nag-ugnay kay Isabella Zamora at Rafael Luis D. Grafton isang estranghero na hindi niya inakalang muling makakatagpo. Dapat ay isang lihim lang iyon, isang pagkakamaling dapat kalimutan. Ngunit sa muling pagtatagpo ng kanilang mga landas—hindi bilang magkaibigan, kundi bilang guro at prinsipal—mabubunyag ang isang lihim na matagal nang itinago. Sa gitna ng pag-iwas at pagkakaila, magagawa ba nilang talikuran ang nakaraan? O ang tadhana mismo ang pipilit sa kanilang harapin ito?"
Romance
109.2K viewsCompleted
Read
Add to library
CARIÑO ETERNO

CARIÑO ETERNO

Tale of Sol
Si Selestina Amor, isang dalagang ipinanganak noong 1724 ay nakatakdang mamatay sa kanyang ika-21st birthday subalit nakatadhana ring muling mabuhay paglipas ng isang daan taon pagtapos. Ang sumpang iyon ay bigay ng Diyos na si Ulilang Kaluluwa. Pero apat na beses lamang siyang pwedeng muling mabuhay at ang kanyang minamahal na si Pedro Lazaro lamang ang makakapigil sa mapait niyang tadhana. Si Pedro Lazaro, isang katutubong kayumanggi ang balat na nagtatago sa gitna ng kabundukan kasama ang kanyang mga ka-tribo dahil sa walang tigil na pagpatay ng mga Kastila sa kanilang lahi. Sa di inaasahang pangyayari ay nakakilala siya ng isang dalagang anak ng isang mayamang Mestizo. Ang dalagang iyon na nagpaibig sa kanya ay si Selestina. Ngunit nang mamatay ang kanyang iniirog ay nakipagkasundo siya sa Diyos na si Ulilang Kaluluwa. Binigyan siya ng walang hanggang buhay upang hintayin muli ang muling pagkabuhay ng kanyang Greatest Love.
Fantasy
5.8K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3637383940
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status