Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
LOVE BEYOND TRADE

LOVE BEYOND TRADE

Baon sa utang at lulong sa casino, ang desisyon ng kanyang ama ay ipagpalit ang kanyang nakababatang kapatid na babae para sa isang contract marriage sa anak ng pinuno ng kanyang pinag-utangan. At upang mailigtas ang kanyang nakababatang kapatid na babae, napilitan si Claire Mariano na palitan ang posisyon ng kanyang kapatid at pakasalan ang susunod na lider ng pamilya ng mga Navarro, si Javier Zen Navarro. Ngunit paano kung higit sa malaking halaga ng pera ang puno’t dulo ng kontrata na ito? Paano kung sa likod nito ay isang sikreto ang nag-uugnay sa mga Mariano at Navarro? Magagawa kaya ng kontrata na pag-ugnayin ang dalawang pusong sangkot sa madilim na katotohanan? O’ ito ang magsisilbing mitsa sa isang malaking gulo sa pagitan ng kanilang pamilya?
9.97.3K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 212 kali sebagai sa'n
Baca
+Pustaka
King's Prostitute

King's Prostitute

Levantandose
Walang pinoproblema sa buhay si Gace. Lakwatsa at pagwaldas lang ng pera ang pinagkakaabalahan niya sa buhay. Tarantada kung tawagin siya ng iba dahil sa kagaspangan ng kanyang pag-uugali. Hanggang sa malaman niya ang masamang balita na wawasak sa kalayaan niya. Ang kumpanya nila ay nasa kritikal na kondisyon. Ang tanging solusyon lang para muli itong makaahon ay maikasal siya at ang tanging taong handang magpakasal sa kanya ay walang iba kundi si King Velasquez. Kilala ito bilang Mr. Beastly hindi lang dahil halimaw ito pagdating sa business industry kundi dahil ang kalahati ng mukha nito ay natatakpan ng gintong maskara. Pumayag siyang maikasal dito kahit hindi pa niya ito nakikita alang-ala sa kumpanya. Akala niya talaga bukal sa loob nito ang pagtulong sa kanila. Sino ba talaga si King Velazquez? Ano ang nakatagong lihim sa likod ng pagkatao nito?
102.5K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 68 kali sebagai sa'n
Baca
+Pustaka
Entangled with Mr. Ruthless

Entangled with Mr. Ruthless

Matapos makipaghiwalay sa kanya ng long-time boyfriend niya, nasangkot sa aksidente si Dr. Sylvaine Hope dahilan upang mabawasan ang chance niyang magbuntis. Tanggap na niya ang katotohanang tatanda siyang mag-isa. Hanggang isang araw, pumasok sa kanyang klinika ang isang lalaking may maitim na aura at mas galit pa yata sa mundo. Tinutukan siya nito ng baril sa ulo at hiniling na ipagbuntis niya ang tagapagmana nito. Alam niyang ang kahilingan nito ay isang bagay na hindi niya kayang ibigay. Ngunit paano siya makaliligtas sa isang lalaking kaya siyang barilin sa isang kisap-mata? Ngunit mapaglaro ang tadhana, sa takot na patayin siya nito, natagpuan niya ang sariling tumatakbo palayo rito bitbit ang sanggol sa kanyang sinapupunan. Sa kanyang pagbabalik, kakayanin ba niyang labanan ang isang lalaking tulad ni Gray Hugo Whitlock, o magpapatangay siya sa kabila ng kasamaan nito?
1043.1K DibacaTamatDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 1.2K kali sebagai sa'n
Baca
+Pustaka
She Bit The Man Who Owned Her Fate

She Bit The Man Who Owned Her Fate

Sa gitna ng isang madilim at maulang gabi, takot at kawalan ng malay ang humila kay Shaira matapos siyang lasunin ng kanyang tusong tiyahin na si Lin. Ang layunin ni Lin? Ipakasal siya nang sapilitan upang manakaw ang kumpanya ng kanyang kuya na si Mark—isang sikat na medikal na eksperto na kasalukuyang comatose matapos saluhin ang apat na bala para sa makapangyarihang si Vin Davis. Sa kanyang pagtakas, isang misteryosong lalaki ang sumalo at nagligtas sa kanya sa loob ng isang sasakyan. Doon, nilamon si Shaira ng matinding init ng lason, ngunit pinigilan siya ng lalaki nang may awtoridad at dinala sa ospital. Pagdating ng umaga, nagising si Shaira na may hawak na misteryosong butil ng rosaryong Budista—ang tanging alaala ng gabi na hindi na niya matandaan ang mukha ng nagligtas sa kanya. Bitbit ang galit laban sa pamilyang Davis na itinuturing niyang dahilan ng trahedya ng kanyang kuya, nagtungo si Shaira sa ospital. Desidido siyang harapin at panagutin si Vin Davis sa kawalan nito ng malasakit. Ngunit sa kanyang pagdating sa ICU, isang matangkad, malamig, at makapangyarihang lalaki ang naghihintay sa kanya—isang engkwentro na magbubukas sa mga sikreto ng nakaraan at sa tunay na pagkakakilanlan ng may-ari ng rosaryo.
109 DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 4 kali sebagai sa'n
Baca
+Pustaka
PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)

PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)

Sa gitna ng masalimuot na buhay sa Maynila, si Heart Cruz, isang dedicated nurse, ay nagkakaroon ng muling pagkikita kasama ang kanyang mga kaibigan mula pagkabata, sina Althea, Angie, at Janith. Isang araw, habang abala sa kanyang duty sa isang pribadong hospital, nakatagpo siya ng hindi inaasahang insidente kay Brandon Flores, isang mayamang businessman at may-ari ng hotel at beach resort at isang Multi-Billionare. Ang isang simpleng banggaan ay nagresulta sa isang hindi kanais-nais na pagkakahawakan na nagpasiklab ng galit ni Heart. Habang ang kanyang kaibigan na si Janith ay nalalapit na sa panganganak, nagiging masalimuot ang sitwasyon nang magtagpo muli ang kanilang mga landas. Sa gitna ng emosyon at tensyon, kailangang harapin ni Heart ang kanyang galit at ang mga hindi inaasahang damdamin kay Brandon, na tila may mas malalim na ugat sa kanyang galit at ang kanyang asal na para dito. Ano kaya mangyari sa dalawa habang tinatahak ang hamon ng kanilang nakaraan at kasalukuyan? May pag-ibig ba kayang mabubuo sa kanilang alitan. Ano kayang kwentong sa pagkakaibigan? May pag-ibig pa kayang bumuo sa kanilang wasak na puso? At pagtuklas sa tunay na pagkatao sa kabila ng mga pagsubok at hamon sa buhay? "PAHIRAM NG ISANG GABI (BOOK #1)
1021.8K DibacaTamatDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 609 kali sebagai sa'n
Baca
+Pustaka
The Sugar Baby

The Sugar Baby

Covey Pens
Afam hunter kung tawagin, sugar baby para sa iilan. Nilulon niya ang pride at kumapit sa patalim para sa pera, para mabuhay sila. All for her dreams and her family. Pakiramdam ni Xylca Romero ay siya na ang pinakamalas na nilalang sa buong mundo. Ang ama niya ay lasenggero at ang ina ay dakilang sugarol sa kanilang lugar. Nakapisan naman sa kanila ang dalawang may-asawa ng mga kapatid karay-karay ang mga anak at mga ka-live in nilang palamunin din sa kanilang bahay. Sa murang edad niya ay naatang na sa kaniyang balikat ang responsibilidad sa mga nakababatang kapatid at ang pagbabayad sa mga pinagkakautangan ng kaniyang mga magulang. Gustuhin man niyang makawala sa lahat ng ito pero hindi siya binigyan ng mapagpipilian ng tadhana. And so she entered the world of dating foreigners online for her dreams. Sapat na ang lahat ng pasanin niya sa buhay to last her a lifetime. The burden is too heavy for her alone. Kaya mas nainis siya nang umentra sa buhay niya ang guwapong adik na tricycle driver na may dinosaur na tattoo sa katauhan ni Pierce. He stalked her, swoon over her, and made her fall in love with him. Is love enough for the two hungry souls? Or will reality only slap them hard in the face? In the end, their choices will define if they will choose love or goodbye.
4.1K DibacaTamatDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 86 kali sebagai sa'n
Baca
+Pustaka
Mr. Romantic(The more you hate the more you love series)

Mr. Romantic(The more you hate the more you love series)

Ibinigay ni Keziah Quinn Palmer ang kanyang puri sa isang estrangherong lalaking nakilala niya sa bar—isang hakbang na dulot ng galit at tampo niya sa kanyang mga magulang matapos siyang ipagkasundo sa anak ng kasosyo nila sa negosyo. Ngunit ang galit niya ay lalo pang nadagdagan nang makilala niya si Cael Xandros Lozano, ang lalaking ipinagkasundo sa kanya. Sa kabila ng kanyang matinding pagkasuklam, hindi siya tinantanan ni Cael, determinado itong mapalapit sa kanyang puso. Paano kung malaman ni Keziah na ang estrangherong nakasama niya sa gabing iyon ay si Cael din? Magbabago kaya ang kanyang damdamin, o mananatili siyang nakakulong sa galit at pagtanggi habang buhay?
102.4K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 57 kali sebagai sa'n
Baca
+Pustaka
Muling Pagsusulat ng Iskandalo

Muling Pagsusulat ng Iskandalo

May nag-post ng pagtatapat ng pag-ibig para sa akin sa confession wall ng college. Pero nag-iwan ang nobyo ng kahati ko sa kwarto ng komentong nakipagtalik na ako sa bawat lalaki sa campus. Galit na galit ako at handa nang tumawag ng pulis. Nagmakaawa ang kahati ko sa kwarto na patawarin ang nobyo niya, nangangakong uutusan niya itong manghingi ng paumanhin sa confession wall. Pero bago dumating ang paumanhin na iyon, isang sensitibong video ang nagsimulang magkalat sa mga group chat. Sinasabi ng lahat na ako ang babae sa video. Ipinatawag ako ng college para sa makipag-usap at iminungkahi kong kumuha ako ng leave of absence. Pag-uwi ko, tumanggi ang mga magulang ko na kilalanin ako bilang kanilang anak. Nawala sa akin ang lahat. Kinain ako ng depresyon, at kasama ng walang katapusang tsismis, nawalan na ako ng pag-asa at winakasan ang buhay ko. Pagkamulat ko ulit ng mga mata ko, iyon ulit ang araw na unang lumitaw ang pangalan ko sa confession wall.
1.1K DibacaTamatDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 43 kali sebagai sa'n
Baca
+Pustaka
A Deal with the Billionaire

A Deal with the Billionaire

Si Lena Cruz ay isang masipag at determinadong babae, laging abala sa trabaho at pasan sa isipan ang karamdaman ng ina. Tahimik ang kanyang mundo—puno ng pagod, sakripisyo, at pangamba para sa kinabukasan—hanggang sa dumating ang lalaking kayang baguhin ang lahat. Si Adrian Valdez, CEO ng Valdez Holdings at isa sa pinakamakapangyarihang billionaire sa bansa, ay kilala sa pagiging malamig, matalino, at kontrolado ang lahat sa paligid niya. At nang makita niya ang kahinaan ni Lena, naglatag siya ng isang alok—isang mapanganib na kasunduang maaaring tuluyang magbago sa kapalaran ng babae. “I want one night with you, and everything—your debts, your life—will be secured.” Isang alok. Isang gabi. Isang kasunduang nagsimula sa kawalan ng pagpipilian. Habang nasasangkot si Lena sa madilim at kontroladong mundo ni Adrian, unti-unting nahahayag ang lalim ng kapangyarihan niya—at ang simpleng kasunduan ay nagiging larong mahirap takasan. Mananatili ba itong isang kasunduan lamang—o unti-unting mahuhulog ang damdamin ni Lena sa lalaking hindi niya kailanman piniling mahalin.
603 DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 12 kali sebagai sa'n
Baca
+Pustaka
First Birthday Cake

First Birthday Cake

Maya Morenang Mangangatha
Pangarap ni Mavie na makatanggap ng birthday cake, buong-buo at walang bawas ang icing. Mahirap ang kanilang pamilya ngunit nagagawa ng kanilang magulang, kapwa magsasaka, ang patapusin sila sa pag-aaral. Matalik na magkaibigan mula pagkabata sina Hugo at Mavie sa kabila ng magkaiba ang estado ng kanilang buhay. Nag-aaral ng political science si Hugo sa bayan at nangangarap magtrabaho sa gobyerno. Samantala, nag-aaral naman ng engineering si Mavie sa kanilang baryo na nangangarap na maipa-renovate ang kanilang kubo. Isang kalihim ng samahang ARC (Arts with Responsibilities Creatives) si Mavie. Sa tulong ng kanyang kaibigang si Salome, namulat siya sa paglilingkod sa kolehiyo. Ang mga dokumento ng samahan na maingat niyang hinahawakan ang magiging susi ng pagmulat ng kanyang mga mata sa totoong takbo ng kolehiyo, maging ang iba pang organisasyong humaharap sa mala-butas ng karayom sa pagre-request ng budget ng mga gaganaping programa para sa mga kapwa estudyante. Samantala, ang pangarap na birthday cake ni Mavie para sa kanyang sarili ang magiging pinto ng kanyang tadhana upang hanapin ng kanyang puso ang lubos na sinisinta. Ito ay sa kabila ng mga kinakaharap ng mga pagsubok sa gitna ng tagumpay.
106.5K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 220 kali sebagai sa'n
Baca
+Pustaka
Sebelumnya
1
...
454647484950
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status