Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Until I Tasted You

Until I Tasted You

Hindi kailanman ginusto ni Selene na magkaroon ng kahit anong kinalaman kay Lucian Black — ang malamig at tusong CEO na may masalimuot na pagkahumaling sa kanyang ina, isang bangungot na binalot sa katahimikan at hindi kailanman binigyang-linaw. Buong buhay niyang iniiwasan ang anino ng lalaking iyon… hanggang sa isang internship sa kumpanya nito ang nagtulak sa kanya sa mismong gitna ng mundo nito. Pero may iba pang habol si Lucian. Ganti ang kanyang layunin. Ginagamit niya si Selene bilang kasangkapan — at gantimpala — sa isang mapanganib na laro kung saan bawat titig at bawal na haplos ay may kasamang panlilinlang. Para saktan ang babaeng minsang nagtaksil sa kanya, handa si Lucian na angkinin ang nag-iisang bagay na dapat ay pinrotektahan nito: ang sariling anak. Ngunit malayo si Selene sa inosenteng batang babae na inakala niyang madali niyang malilinlang. At habang unti-unting nabubura ang hangganan sa pagitan ng galit at pagnanasa, ang apoy ay mas lalo pang nagliliyab. Hindi kailanman bahagi ng plano ang pag-ibig. Mas lalo na ang magkaroon ng koneksiyon sa isang tao na minsan ng sumira sa buhay nila. Para kay Selene, si Lucian ang tao na hindi dapat ibigin. Para naman kay Lucian, si Selene ang bagay na gagamitin niya para gumanti. Pero sa bandang huli, ito pa rin ba ang kanilang gusto? O tunay na pag-ibig ang siyang mabubuo?
Romance
10382 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Premium Husband

The Premium Husband

MedeaHarlow
Ang tanging gusto lang ni Mallory Madrigal ay magkaroon ng mapayapang buhay. Taliwas naman ang kanyang mga kamag-anak dahil palagi na lang siyang hinahanapan ng asawa. As if namang nakasalalay ang paghinga niya sa lalaki. Para matahimik ang mga ito, napunta tuloy siya sa Lovefinity, ang website kung saan pwedeng rumenta ng lalaki. Good deal pa nga dahil sa murang halaga, nagkaroon na kaagad siya ng asawa. Hindi lang instant na lalaki kundi isa pang PREMIUM HUSBAND, si Nigel Laxamana. Magiging mapayapa kaya ang bagong buhay ni Mallory dahil sa pagdating ni Nigel? o mauungkat lang ang nakaraan nilang dalawa?
Romance
2.3K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
When Heart Beats

When Heart Beats

MATURE CONTENT! Minsan nga lang tumibok ang puso. Doon pa sa taong hindi inaasahan. Si Cahaya Villarin, isang dalagang napilitang lumayo, matakasan lamang ang mga magulang na gusto siyang gawing pambayad utang. Napadpad sa isang liblib na lugar kung saan doon namuhay ng payapa, malayo sa mga magulang at magulong syudad na kinagisnan. Pero ang payapang pamumuhay ay bigla na lamang nagbago at gumulo dahil sa lalaking tinulungan. Ano ang dalang pagbabago ng lalaki sa buhay ni Cahaya? Ito ba ang magiging dahilan upang tuluyang makalimutan ang buhay na tikasan o ito ang magiging dahilan upang lisanin ang lugar na pinagtaguan?
Romance
106.4K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
The Untold Heirs of the Billionaire

The Untold Heirs of the Billionaire

Athena Jade
Alianna Jade was truly, madly, and deeply in love with her childhood crush named Ruston Dwaine. She was obsessed with him to the point that she became his number one fan who keeps on watching him from afar. One day, Alianna’s father put her into an arranged marriage due to business matters and it turned out that the man of her dreams was actually her groom.  Alianna was on cloud 9. Natupad ang pangarap niyang mapangasawa ang lalaking pinakaaasam-asam niya. Ngunit maging masaya kaya si Alianna sa piling ng lalaking hindi naman siya ang gusto? Hanggang kailan siya magtitiis para sa lalaking pinakamamahal niya? Magawa kaya siyang mahalin ni Dwaine? Kung ikaw si Alianna, ano’ng kaya mong gawin para sa pag-ibig? Hanggang saan ang hangganan mo para masabi mo sa iyong sarili na tama na’t itigil mo na? Handa mo bang ibigay ang lahat hanggang sa maubos ka? Kung ikaw siya, susuko ka ba?
Romance
106.7K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Revenge of Iza

The Revenge of Iza

Iza, isang matagumpay na negosyanteng babae na tila nasa kanya na ang lahat - isang mayaman na asawa, isang pamilya, at isang maunlad na karera. Sa araw kung saan nalaman nyang buntis sya ay wala na syang maihihiling pa. Gayunpaman, gumuho ang kanyang mundo nang matuklasan niya na ang kanyang asawa, si Roman, at ang kanyang kapatid na si Rebecca, ay may lihim na pag-iibigan at nagtaksil sa kaniyang likuran. Hindi makapaniwala si Iza at luhaang umalis sa unit ng asawa, hanggang sa maganap ang aksidenteng babago sa kaniyang buhay. Matapos ang anim na taon, nagpasya si Iza na tanggapin ang mga bagay sa kanyang sariling mga kamay. Taglay ang matibay na determinasyon, masinsinan niyang pinaghandaan ang kanyang paghihiganti laban kina Roman at Rebecca. Habang mas lumalalim ang kanyang paghahanap ng kasagutan, natuklasan niya ang lihim at nakatagong motibo na sumagot sa lahat ng inaakala niyang alam niya tungkol sa kanyang mga mahal sa buhay. Dapat niyang harapin ang sariling mga desisyon at makipagbuno sa kumplikadong pag-ibig at pagpapatawad. Sa paghihiganti na hinahangad ni Iza, mahahanap ba niya ang pagmamahal at hustisyang hinahanap, o uubusin siya ng pagkauhaw niya sa paghihiganti, na hahantong sa kanya sa landas na walang kasiguraduhan?
Romance
9.639.1K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Unstoppable Desire

Unstoppable Desire

Aso't pusa, ganyan ang relasyon ni Nick at Jessica. Naging temperoray Secretary ni Nick si Jessica dahil kailangang mag leave ng kanyang lalakeng secretary. Allergic si Nick sa mga babaeng secretary at para sa kanya walang matinong  babaeng secretary at lahat sila ay may mga hidden agenda. Kaya never siyang kumuha ng babaeng secretary. He just left with no choice kasi d niya kayang gawin lahat kung walang secretary. At tanging si Jessica lang  ang available at pinagkakatiwalaan ng kanyang bestfriend na si Andrei. Kahit allergic man siya, kailangan niyang magtiis, anyways, tatlong araw lang naman. Pero paano niya Matitiis ito kung wala pang isang araw puros kapalpakan na ang pinapakita nito. Mas lalo lang pinapatunayan nito na hindi tlga mapagkakatiwalaan ang mga babaeng secretarya. At, paano kaya mapapatunayan ni Jessica na isa siyang professional na secretarya at magaling kung wala pa nga siyang ginagawa jinajudge na siya agad ng temporary boss niya na ubod ng sungit at pasan ata ang buong mundo. Hanggang saan kaya aabot ang pagtitimpi nila sa isa't isa. May pag ibig kayang mabubuo kung sa una pa lang pangit na ang tingin nila sa isa't isa.   "
Romance
1016.8K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
ESCANDALO DE SAN IGNACIO

ESCANDALO DE SAN IGNACIO

Felicity
SCANDAL... BILLIONAIRES... MARRIAGE... Exactly seven years ago, ginulantang ng sabay-sabay na eskandalo ang bayan ng San Ignacio kung saan nadadawit ang pangalan ng mga magpipinsnag Del Franco -ang pinakamakapangyarihang angkan sa bayan ng San Ignacio. Pagkatapos ng pitong taon, nagbabalik ang mga kababaihang dawit sa eskandalo para sa kani-kanilang mga dahilan. Si Elvie, isang guro na may mababang tiyansa na magkaanak ang mauugnay kay Leon Del Franco na dati niyang estudyante. Isang gabi ng pagkakamali ang magbibigkis sa kanilang dalawa ngayon. Si Miracle, alipin ng amnesia at madilim na nakaraan ang napilitang magpakasal kay Noah Del Franco -ang kakambal ng namayapa niyang kasintahan. Si Elaine, isang babaeng nakatakdang magmadre ang nagpakasal kay Kristian Del Franco Lagman na kilalang kasintahan ng anak ng pangulo ng Pilipinas. At si Misha, ang babaeng lumisan sa San Ignacio pagkatapos mawasak ang puso at buhay dahil kay Daisuke Del Franco. Ano ang mangyayari ngayong nakatakda silang magkita ng mga lalaking may utang sa kanila? Mauulit ba ang pagkakamali ng kahapon o magtatagumpay silang baguhin ang kapalaran nila ngayon. Ito ay kuwento ng apat na babae na nagpakasal sa apat na bilyunaryo. Ano nga ba ang mas makapangyarihan, pag-ibig o kayamanan? Sino ang magtatagumpay sa huli?
Romance
772 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
We'll Be Counting Stars ( The Billionaire Series 3 )

We'll Be Counting Stars ( The Billionaire Series 3 )

Juvy Pem
Walang kaawa-awang pinalayas ng kanyang step-mother si Luna, dahil hindi na sila mapapakinabangan nito. Ang ama niya ay nakaratay sa hospital dahil sa sakit na cancer. Kaya dahil dito biglang lumubog ang negosyo nila at nagkabaon-baon sila sa utang. Lumaki si Luna Marie sa magarbo at maluhong buhay, kaya hindi siya sanay sa biglang pagkalugmok ng kanyang buhay. Ang dating buhay prinsesa ngayon ay nasa lansangan na at hindi alam kung saan hihingi nang tulong.   Si Adrian De Vera ay minsan ng nakaranas ng pang-aalipusta mula mismo kay Luna at sa harapan pa ng mga kaibigan nito. Paano kung ang babaeng minsan nang nagpahiya sa kanya ay matagpuan niya sa lansangan at walang mapuntahan. Makakaya niya kayang pabayaan? O, 'di kaya'y kanyang tutulungan.    Si Luna ay walang kaalam-alam sa totoong pagkatao ni Adrian. Hihingi man siya ng tawad sa lalaki ngunit huli na ang lahat. Dahil ang lalaking minsan niyang pinagtawanan at kinutya ay malayo pala sa kanyang inakala ang katayuan nito sa buhay.  Paano paglapitin nang tadhana ang dalawang nilalang na may madilim na nakaraan. Huli na ba ang lahat para sa dalawa? At paano magbago ang isang katulad ni Luna na lumaki sa masaganang pamilya? Abangan ang kwento ni Adrian at Luna Marie. 
Romance
103.1K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO

ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO

Isang kasambahay na walang pake sa pag-ibig. Isang bilyonaryong sanay sa kontrol. At isang gabing ‘di nila inaasahan... na hahantong sa kasalan?! Si Roxane Hermenez ay simpleng babae: trabaho, uwi, tulog, ulit. Ang pangarap niya? Makaipon, makaalis sa pagiging katulong, at mabigyan ng maayos na buhay ang pamilya. Walang oras sa landi-landi lalo na’t ang amo niya ay si Dark Nathaniel Villamonte — mayaman, suplado, at ubod ng arte. Pero isang gabi, dahil sa kakaibang pagkakataon, isang basong alak, at isang sira ang elevator… may nangyari. At noong malaman ni Dark Nathaniel na may “posibleng bunga” ang gabing iyon, hindi siya nagtago— Siya pa ang nagpumilit magpakasal! “Hindi puwedeng wala akong responsibilidad. Puwede na ang kasal sa Huwes!” Ngayon, si Roxane ang natataranta. Sino ba’ng babae ang pinipikot ng sariling amo?! Pero teka… kung responsibilidad lang ang dahilan, bakit parang nagiging possessive, sweet, at seloso si Dark? May pag-ibig na ba talagang nabubuo? O baka naman… trip lang talaga siya ng bilyonaryo? Saan hahantong ang damdamin ni Roxane sa kanyang gwapong apo kung patuloy siyang susuyin nito kahit alam niyang may mga kontra barata sa ginagawang iyon ni Dark Nathaniel?!!!!
Romance
9.573.8K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Mafia's Marked Nanny

The Mafia's Marked Nanny

Hulog ng langit kung ituring ni Evie si Amora. Dumating ito sa buhay niya kung saan nasa gitna siya ng kagipitan. Pero sa tuwing nagtatama ang mga tingin nila ng ama nitong si Russell ay impyerno ang hatid niyon sa kanya— init na nagmumula sa kung saang hindi niya maintindihan. Mommy kung tawagin siya ni Amora gayong yaya lang naman siya nito. Paano kung ang susunod na offer sa kanya ni Russell ay hindi na bilang nanny ng anak niya? Paano rin kung sa paglipas ng panahon, hindi na siya kilalaning 'mommy' ni Amora? ----- Ang batang si Amora ay lalaking puno ng galit kina Evie at Russell. Hindi na siya ang inosenteng bata, kundi siya ay magiging si Gray, isang matapang at nakakatakot na nilalang. At tulad ni Evie ay magiging 'nanny' rin siya ng isang makapangyarihang mafia lord. Sa paglipas ng panahon ay magiging mortal silang kaaway. May pag-asa bang magkapatawaran o mananaig ang kasamaan? ---- Si Alliyah, isang batang naging parte ng misyon ni Gray na siiyang dahilan kung bakit lalambot ang pusong bato nito. Ngunit paano kung magaya si Alliyah kay Gray? Lumaki na puno ng pagkamuhi sa kanya. Anong gagawin ni Gray para maisalba ang batang nagpamulat sa kanya? ---- Tatlong babaeng may iba't ibang kwento pero may iisang tapang at prinsipyo. Mananaig ba ang kabutihan o aapaw ang kasamaan?
Romance
106.8K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
4445464748
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status