Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Married to Ruin you

Married to Ruin you

Akala ni Averill Alarcon, sapat na ang sakit nang ipagpalit siya ng nobyo sa ibang babae. Pero hindi pala roon nagtatapos ang kanyang pagkawasak. Sa isang iglap, itinapon siya ng kumpanyang itinayo niya sa sariling kamay — siniraan, pinagtulungan, at itinaboy na parang walang kwenta. At sa gabi ng kanyang pagbagsak, dumating si Sebastian Dela Vega — ang CEO na kilalang walang puso, brutal sa negosyo, at mas bihasa sa laro ng kapangyarihan. Isang kasunduang kasal ang inalok niya… kapalit ng paghihiganti ni Averill sa mga taong sumira sa kanya. Pero sa likod ng kasunduang iyon, mas malupit pa pala ang kapalit. Dahil si Sebastian—hindi lang siya gagamitin, kundi unti-unting dudurugin… Kasal ba ito para sa kanyang tagumpay? O para tuluyang sirain siya
Games
582 viewsOngoing
Read
Add to library
Buy Me for a Billion

Buy Me for a Billion

Prostitute? Mababa ang tingin ng karamihan sa mga kababaihang tulad ni Rebecca. Dahil sa kahirapan, hinanda na ni Rebecca ang sarili niya na ibenta sa halagang isang bilyon pambuhay niya man lang sa ama’t ina niya. Mas lalo pang tumindi ang kagustohan niyang iyon nang kinailangang sumailalim sa heart transplant ang tatay niya. Nakilala niya si Grayson na sumubok sa pagkapilya niya. Binigyan siya nito ng isang linggo para akitin si Grayson at kumbinsihin na bilhin siya nito sa halagang isang bilyon. Pero paano kung ang isang linggong iyon ng pangungumbinsi ni Rebecca sa binata. . .makumbinsi rin kaya ang puso ni Grayson para mahulog sa dalaga? O mananatiling pera ang magpapatakbo sa relasyon nilang dalawa?
Romance
1017.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Thank Your Stars

Thank Your Stars

Iya Perez
Enemies. Iyan ang uri ng relasyon na mayroon sina Georgianna Ramirez at Eliam Sevilla. Ang kanilang mga magulang ay matalik na magkakaibigan kaya isang malaking palaisipan sa mga ito kung bakit lumaking hindi magkasundo ang dalawa. Bata palang sila ay hindi na sila magkaintindihan sa mga bagay-bagay. At ang kanilang diskusyon ay palaging nauuwi sa mga away. Pareho kasing matalino ang dalawa. At walang ayaw magpatalo sa kanila. Bukod kasi sa palaging magkalaban sa mga patimpalak sa kanilang eskuwelahan ay palagi ring nag-aagawan ang dalawa sa pagiging top 1 sa kanilang klase. Ang kanilang hindi pagkakaunawaan ay nagpatuloy hanggang sa kanilang pagtanda. Kahit graduate na ang mga ito at may kaniya-kaniya nang trabaho, hindi pa rin nagbabago ang tingin nila sa isa’t isa. Parehong rin silang galing sa angkan ng mga negosyante. Hindi pa man sila naipapanganak ay may kasunduan na ang kanilang mga lolo na silang dalawa ang siyang magbibigkis at mag-iisa sa dalawang pamilyang pinagtibay na ng panahon ang pagsasama. At kasal din lang ang natatanging paraan para mailigtas nila sa pagkakabenta ang plantasyon ng manggahan na matagal nang pag-aari ng kanilang pamilya. Pero paano nila gagawin iyon kung hindi naman nila gusto ang isa’t-isa? Handa ba nilang iwan ang kanilang mga karelasyon para lang sa kasal na hindi nila inakalang magaganap nang biglaan? At sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa, posible nga kayang may mabuong pagmamahalan sa pagitan nilang dalawa?
Romance
102.7K viewsOngoing
Read
Add to library
My Brother Wants Me

My Brother Wants Me

Si Loriene Tianelle Mejes ay lumaking makuha ang lahat bilang bunsong anak ng pamilyang Mejes, maliban sa atensyon ng panganay na si Jaxon Roan. Ang hindi alam ni Loriene, sadyang umiiwas si Jaxon dahil sa ipinagbabawal nitong pagnanasa sa kanya. Gumuho ang mundo ni Loriene nang iuwi ni Jaxon si Angelique—ang tunay na anak ng mga Mejes—na naging dahilan upang mawalan siya ng lugar sa pamilya. Para kay Jaxon, ang katotohanang hindi sila magkadugo ay nagbigay ng laya sa kanyang damdamin. Nang tumakas si Loriene sa isang bahay-tabing dagat dahil sa sakit, sinundan siya ni Jaxon at doon sumiklab ang kanilang pag-iibigan. Ngunit mariin itong tinutulan ng pamilya Mejes. Pinaghiwalay sila at napilitan si Loriene na mamuhay nang payak sa probinsya sa loob ng tatlong taon. Sa kanyang pagbabalik sa lungsod bilang isang propesyonal, muling nagtagpo ang kanilang landas sa hotel na pagmamay-ari ni Jaxon. Kahit engaged na si Jaxon sa iba, hindi nila mapigilan ang muling pag-alab ng kanilang koneksyon. Sa gitna ng gulo, nabunyag ang mas malalim na sikreto: si Loriene ay anak ng kanilang ama sa ibang babae, habang si Jaxon ay anak naman ng kanilang ina sa ibang lalaki. Sa kabila ng panibagong pagtatago ni Loriene, determinadong libutin ni Jaxon ang mundo upang hanapin at hinding-hindi na muling pakawalan ang babaeng tanging itinitibok ng kanyang puso.
Romance
1040 viewsOngoing
Read
Add to library
My Lover is a Mafia Boss

My Lover is a Mafia Boss

Akala ko simpleng gabi lang ‘yon. Pero isang sulyap sa kanya—at tuluyan nang nagbago ang mundo ko. He’s the kind of man everyone fears—cold, powerful, dangerously irresistible. CEO sa umaga, mafia boss sa gabi. Isang titig pa lang, alam kong delikado siya. Pero paano kung ‘yung panganib na ‘yon ang siya ring nagbigay-buhay sa’kin? Sabi niya, “Stay away.” Pero sa bawat halik, bawat haplos, lalo lang akong nilalapit sa kanya. Sa mundo niya, walang puwang ang kahinaan. Pero sa piling niya, natutunan kong minsan, ang pag-ibig mismo ang pinakamapanganib na armas. Sa mata ng iba, isa siyang halimaw—walang puso, walang awa. Pero ako lang ang nakakakita ng lalaking may sugatang kaluluwa, na marunong magmahal kahit mali, kahit masakit. Ngayon, nahulog na ako nang tuluyan. At alam kong wala nang balikan. Dahil sa puso ng isang mafia boss, pag pag-ibig ang pinag-usapan… wala nang ligtas. “My Lover Is a Mafia Boss” — isang dark romance na puno ng pagnanasa, lihim, at pag-ibig na handang lumaban kahit sa dilim.
Romance
716 viewsOngoing
Read
Add to library
CEO's Forgotten Wife

CEO's Forgotten Wife

Trina Montenegros, anak sa labas ng kaniyang ama at ipinagkasundo sa anak ng Dela Vegas group. She is a fashion designer subalit siya ay pinagbintangang nagnakaw ng disenyo ng iba kung kaya't siya ay ipinadala ni Darren Dela Vegas sa Paris to avoid any trouble. Ngunit paano kung ang asawa mo lang sa papel ay nahulog sayo? Sinubukang habulin ni Darren si Trina dahil ayaw siya nitong malayo sa kaniya, subalit sa isang pangyayari, sa isang aksidente ay makalimutan ka niya? After seven years she came back as successful designer at hindi na siya papayag na mamaliitin lang siya ng kaniyang kapatid sa ama. Ang asawa mong akala mo ay sinadya kang kalimutan dahil sa nangyari, subalit lingid sa kaniyang kaalaman na naaksidente ito at hindi siya maalala. May pag-asa pa bang mahalin muli siya nito? O mananatili itong walang puso at masungit na CEO? Maaalala pa ba niya ang asawa niya o mapagkakamalan pa rin niya itong patay na patay sa kaniya?
Romance
9.6259.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Nakakahumaling na Pag-ibig

Nakakahumaling na Pag-ibig

Nahatulang ng tatlong taon sa kulungan si Ling Yiran dahil sa car accident na pumatay sa kanyang fiancee na si Yi Jinli, ang pinakamayaman sa Shen City.Nang makalaya sa kulungan, sa hindi inaasahang mga pangyayari napukaw niya ang atensyon ni Yi Jinli. Lumuhod siya sa sahig at nagmakaawa, “Yi Jinli, parang awa mo na, pakawalan mo na ako!” Ngunit ngumiti lang si Yi Jinly at sinabi, “Sister, hindi kita papakawalan kahit kailan.”Bali-balita na tila walang pakialam si Yi Jinli sa kahit sinuman, pero sa di malamang dahilan, ginagawa niya ang lahat para lang suyuin ang isang sanitation worker girl na nakulong sa loob ng tatlong taon. Ngunit dahil sa aksidente na nangyari noon, naubos ang pagmamahal niya para kay Yi Jinli at nagdesisyon na lisanin siya.Makalipas ang maraming taon, lumuhod si Yi Jinli at nagmakaawa, “Yiran, bumalik ka lang saking tabi, gagawin ko ang lahat para sayo.” Ngunit tinigan lang siya ni Yiran at sinabi, “Edi magpakamatay ka.”
Romance
9.5260.7K viewsCompleted
Read
Add to library
The Disguised Billionaire

The Disguised Billionaire

Sa mismong araw ng masaya niyang kaarawan, excited si Jessica na ianunsyo ang kanyang engagement. Hinihintay niya ang pagdating ng kanyang magiging fiancé, ngunit nang dumating ito, hindi siya nag-iisa. Sa harap ng lahat, ipinakilala ng lalaki ang babaeng kasama niya—hindi bilang fiancée, kundi bilang kanyang tunay na kasintahan. Napahiya at pinag-usapan si Jessica ng kanyang mga bisita. Dahil sa matinding kahihiyan, tumakas siya palayo. Sa kanyang paglalakbay, napadpad siya sa isang malayong probinsya, kung saan nakilala niya ang isang simpleng mangingisda na si Darius. Sa kabila ng sakit ng nakaraan, unti-unting gumaan ang kanyang loob kay Darius. Dahil sa kabutihang ipinapakita nito, hindi niya napigilang mahulog sa kanya. Ngunit isang araw, natuklasan niya ang matagal nang lihim ni Darius—isang rebelasyong lubos na ikinagulat niya. Ipagpapatuloy pa rin ba ni Jessica ang pagmamahal sa lalaking bumago sa kanyang buhay? O tatakasan niya ito, tulad ng pagtakas niya sa kanyang engagement party?
Romance
10100.3K viewsOngoing
Read
Add to library
ANG SENYORITONG BILYONARYO

ANG SENYORITONG BILYONARYO

Si *Amilia Guerrero* ay isang ulila na lumaki sa simpleng bayan ng San Rafael. Dahil sa kabutihan ni *Don Manuel San Sebastian*, isa sa pinakamayayamang tao sa bayan, nakapag-aral si Amilia bilang iskolar. Kilala siya sa paaralan bilang maganda, matalino, at palaban sa mga patimpalak, ngunit kahit marami ang humahanga at nanliligaw sa kanya, wala siyang pinapansin. Samantala, si *Daniel San Sebastian*, ang kaisa-isang apo ni Don Manuel, ay isang 32-anyos na binatang kilala sa kanyang yaman at kakisigan. Bagaman maraming kababaihan ang nahuhulog sa kanya, wala pa ni isa ang nakasungkit ng kanyang puso—hanggang sa makilala niya si Amilia. --- Please Read With your own risks.. Story written by: Dwivirain02
Romance
1014.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Contract Marriage with The Heartless Billionaire

Contract Marriage with The Heartless Billionaire

Upang mailigtas ang kanyang inang may cancer, pumayag si Celestine na pakasalan ang malamig, broken-hearted at woman-hater na bilyonaryong si Enzo Madrigal. Isang kasal na walang pagmamahal. Sa madaling salita, isa lamang kontrata. Nagsimula ang lahat sa galit at maling akala. Ngunit sa paglipas ng panahon, unti-unting natibag ang pader sa pagitan nilang dalawa. Nahulog ang kanilang mga puso sa isa’t isa. Handa na silang aminin ang damdamin sa bawat isa ngunit bumalik ang unang babaeng minahal ni Enzo. Nasaktan si Celestine sa isiping mahal pa ito ni Enzo. Mula sa isang kontrata, nauwi ang lahat sa tunay na pag-ibig. Isang pagmamahalang pinili at ipinaglaban hanggang sa altar.
Romance
116 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status