Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Bound to the Billionaire's Desire

Bound to the Billionaire's Desire

Si Elena Madrigal, isang sikat at hinahangaang fashion designer, ay kilala sa kanyang Majesty Designs, mga obra na simbolo ng karangyaan at kapangyarihan. Ngunit sa isang iglap, ang mundong itinayo niya ay gumuho sa kamay ng mga taong minsan niyang minahal at pinagkatiwalaan, ang dating kasintahan niyang si Adrian De Leon, na ninakaw at ipinagbili ang kanyang mga disenyo, ang matalik niyang kaibigan na si Vanessa Alcaraz, na nilamon ng inggit, at ang boss niyang ginamit ang kanyang talento para sa sariling ambisyon. Habang unti-unting nabubura ang kanyang pangalan sa industriyang minsan niyang pinasiklab, isang lalaking matagal nang nakamasid sa kanya mula sa dilim ang lumapit. Si Nathan Arguelles, isang makapangyarihan at misteryosong billionaire. Tahimik ngunit mapanganib. May tinig na kayang bumura ng alinlangan. At sa isang boses na malamig at mabigat sa pangako, bumulong ito: “Be mine and marry me, Elena. I’ll give you back the world they stole from you.” Ang kasunduang ito ay hindi tungkol sa pag-ibig, kundi sa paghihiganti. Para kay Elena, ito ang tanging paraan para muling mabawi ang lahat. Ngunit sa ilalim ng mga halik na nilalabanan niya, sa bawat titig na tila binabalatan ang kanyang kaluluwa, unti-unting nagbabago ang laro. Sa pagitan ng pag-ibig at paghihiganti, kailangang  piliin ni Elena kung mananatili ba siya sa apoy ng paghihiganti o hahayaan niyang ang lalaking dapat sana’y biktima lang… ang maging dahilan ng pagbabagong hindi niya inaasahan. Paghihiganti ang dahilan niya…ngunit ang nakaharap niya, ang lalaking kayang baliktarin ang lahat.
Romance
10381 viewsOngoing
Read
Add to library
Tears In The Rain: The Billionaire's Heartache

Tears In The Rain: The Billionaire's Heartache

Ang pagmamahal na iniwasan ay siyang pinakamahirap kalimutan… Si Gabriel Navarro ay isang self-made billionaire at CEO ng isang matagumpay na kumpanya, ngunit sa kabila ng lahat ng kanyang tagumpay at yaman, may isang lihim na hindi pa rin niya kayang bitawan—si Sofia Montes, ang unang pag-ibig na iniiwasan niyang muling magmahal. Noong nakaraan, pinili niyang iwan si Sofia, iniisip na mas mahalaga ang kanyang negosyo kaysa sa pusong may sugat. Ngunit sa kanilang muling pagkikita, sa loob ng kanyang kumpanya, muling nabuhay ang mga damdamin na akala niyang matagal nang namatay. Si Sofia, ngayon ay isang malaya at matagumpay na babae, ay hindi na ang dating dalaga. May mga sugat na rin siya mula sa kanilang nakaraan. Ngunit sa bawat titig at bawat salitang nag-uugnay sa kanilang dalawa, unti-unting napapansin ni Gabriel na may nangyaring mas malalim kaysa sa kanyang iniwasan. Habang nagsisimula silang magkasama muli, isang malupit na lihim ang unti-unting lumalabas: si Gabriel ay may malubhang sakit na hindi niya kayang pagdaanan mag-isa. Lihim na siyang nahihirapan at wala pang lakas na aminin kay Sofia na ang bawat araw ay nagiging labanan sa buhay. Ngunit ang takot niyang mawala si Sofia ng hindi nila nasasabi ang mga bagay na hindi nila kailanman natapos, ay nagsisilbing pinakamabigat na hamon ng kanyang buhay. Puwede bang magtagumpay ang pagmamahal nilang nagsimula sa mga unang taon ng kanilang buhay? O magiging alaala na lamang ito, tulad ng ulan na tinatangay ng hangin?
Romance
512 viewsOngoing
Read
Add to library
HELP ME: West Severino

HELP ME: West Severino

Malinaw na nakikita ni Rosie Frey Israel ang magiging kinabukasan niya sa kanyang boyfriend na si Rico. Tanging alok na kasal na lamang ang hinihintay niya mula rito. Ngunit hindi niya inasahang sa pagpunta niya sa night club ay malalaman niyang pinagtataksilan pala siya nito. Sa gabing iyon, hinayaan niya ang sariling uminom at kalimutan ang pagiging guro ngunit mas hindi niya inasahan na sa muling paggising niya sa umaga ay ibang lalaki na ang nasa tabi niya. Hindi niya napaghandaan na isang West Severino pala ang magpapabago sa takbo ng kanyang buhay. Kakayanin niya kayang tumaliwas sa tukso o mas pipiliin niyang sumabay sa agos at magpalunod?
Romance
1020.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Ang Lihim ni Anastasia

Ang Lihim ni Anastasia

Biktima ng magulong nakaraan. Pinaglaruan ng kapalaran. Dapat bang siya ang sisisihin sa lahat ng kasalanan na hindi naman siya ang may gawa?  Si Anastasia ay isang ampon. Masayahin at mapagpakumbaba sa lahat. Ngunit sinubok ng tadhana ang kanyang katatagan. Pinaglaruan ng kanyang tinuturing na kapatid. Ibinenta sa isang estranghero. Pinagtabuyan at nabuntis.  Paano kung isang araw, muling magkrus ang landas nila ng lalaking pilit niyang kalimutan. Makikilala kaya niya ito?  Paano kung ang taong kanyang pinagkakatiwalaan at inalayan ng kanyang buong pagmamahal ay itatakwil siya sa araw mismo ng kanilang kasal. Magawa niya pa kayang patawarin ito?  May kaugnayan kaya ang nakaraan nina Anastasia at Vance Michael Enriquez? Sino ito sa buhay ni Anastasia. 
Romance
1047.2K viewsOngoing
Read
Add to library
DSS: TRAP

DSS: TRAP

Jc
Violet. A hacker. Tracker. K*ller. She can find you wherever you go and bring you to hell anytime. Kulang ang lupang tatakbuhan mo kapag ikaw ang malas na minarkahan. Walang sinasanto at wala ring kinatatakutan. Pumapatay para mabuhay. But she is also a woman of desire, mainit, mapaghanap at palaban sa kama. S*x gives her a different level of satisfaction, pero hindi basta lalaki ay kayang abutin ang kaniyang standards. Isa si Alex Broullet sa mga markado. But how can she k*ll the only man who can give all of her desire? Paano niya papatayin ang lalaking inaasam niyang makaniig for the rest of her life. Ang lalaking titig at haplos pa lamang ay kaya na siyang ihatid sa ika-pitong langit? Did she fall into her trap?
Romance
101.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Sailing With Destiny | Dreamboat Series #1

Sailing With Destiny | Dreamboat Series #1

Astrid and Croft were highschool sweethearts. Sandalan nila ang isa't-isa kaya nang mawala ang mga magulang ni Croft, hindi hinayaan ni Astrid na hindi matapos ni Croft ang pag-aaral nito. She did everything to support him, holding on to his promise that he will marry her pagkauwi nito galing sa unang paglalayag. Pero sa araw ng pagdaong ng Lumiriana, walang Croft na dumating at walang kasalang naganap. Seven years later, Astrid is now one of the famous actresses in the country. Sa bago nitong pelikula, karamihan ng eksena ay kukunan sa isang cruise ship. Wala siyang problema sa dagat. Ang problema, ang kapitan ng barkong sasakyan nila! The ship will sail, the cameras will roll. Pero ang puso niya, makadaong kayang ligtas mula kay Croft?
Romance
1022.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Ang Rebelde at Ang Sundalo

Ang Rebelde at Ang Sundalo

Minahal ni Aya si Dindo ngunit may sikreto ang binatang hindi niya kayang sabihin. Napatay ng sundalong Daddy ni Ava ang mga magulang ng rebeldeng si Dindo. May balak si Dindo na maghiganti ngunit hindi na niya naisakatuparan dahil mahal na niya si Ava. Ang hindi magawa ni Dindo na misyon ay ginawa ng kapatid niya mismo. Napatay ang Daddy ni Ava sa araw ng kanyang graduation at doon niya nalaman ang tunay na pagkatao ng lalaking minahal at pinagkatiwaan niya. Dahilsa galit, naging sundalo si Ava at naging kalaban niya si Dindo na siyang lider na ng mga rebelde. Mabubuo pa kaya silang muli ngayong mortal na silang magkalaban?
Romance
107.3K viewsCompleted
Read
Add to library
DYLAN’S OBSESSION (Tagalog)

DYLAN’S OBSESSION (Tagalog)

Tubong Leyte si Danica, naive at may pagka-ignorante---sa madaling salita, probinsiyana. Walang pangarap at kontinto na lamang mamuhay sa bukirin kasama ng mga magulang. Tanging ang kaibigang si Lily at kasintahang si Andrie ang nakakasalamuha niya simula pa pagkabata. At nang dumating sa puntong kinailangang umalis ni Andrie para magtrabaho sa Maynila ay naging mahirap para kay Danica. Sobrang ma-mi-miss niya ito. Pero dahil sa may tiwala naman siya sa huli ay nagawa niya ring pumayag hawak ang pangakong babalikan siya nito. Pero paano kung mabalitaan niya na lamang na ikakasal na ito? Magagawa niya kayang ipaglaban ang kasintahan at isama pabalik ng Leyte O ibang groom ang kaniyang mabingwit?
Romance
1012.8K viewsOngoing
Read
Add to library
A Contract Sealed With My Ex-Husband Half Brother

A Contract Sealed With My Ex-Husband Half Brother

Ang akala mo mala-fairytale ang kanyang buhay kasama ang lalaki na pinakasalan niya ngunit nagkamali siya na matuklasan ni Tiffany Gonzales ang pagtataksil ng kanyang asawa kaya hiniling nito ang kalayaan. Pagkatapos malagdaan ang divorce paper ay focus lamang si Tiffany sa kanyang anak. Ngunit sa hindi inaasahan ay nagkasakit ang kanyang anak kaya nakilala niya si Gabiano Silverano. Kapalit ng tulong ng binata ay kailangan niyang magpakasal sa kanya. Pumayag si Tiffany sa alok ng lalaki para sa kanyang anak. Ngunit may natuklasan siya sa pagkatao ni Gabiano. Ano kaya ang magiging kapalaran ng mag-ina sa kamay ng pamilyang Silverano? Isa kayang mala-fairytale o magulong mundo?
Romance
10418 viewsOngoing
Read
Add to library
Hiding My Best Friend's Baby

Hiding My Best Friend's Baby

Yvonne and Dexon were best friends and they never expected that their relationship will go beyond that. However, a drunken night changed their relationship forever. That night leads to an unintentional pregnancy. Mula sa pagiging magkaibigan, they decided to try having a relationship for their child. Nahirapan si Yvonne na tanggapin si Dexon dahil halos kapatid na ang turing niya dito. Pero habang tumatagal ay nahuhulog din siya dito. When Yvonne was finally ready to confess her feelings for him, saka naman dumating ang isang babaeng sisira ng relasyon nilang dalawa. Si Cassandra, ang babaeng totoong minamahal ni Dexon. Her heart became broken, it was too painful for her to endure. Dumating ang panahon kung kailan hindi niya na kayang tiisin ang sakit kaya napag-desisyonan niyang umalis at magtago kay Dexon.
Romance
1014.3K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
1819202122
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status