Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
He Tricked Me Into Becoming His Daughter's Nanny

He Tricked Me Into Becoming His Daughter's Nanny

(Ship of Temptation 2) Nang dahil sa wine, nalagay sa panganib ang buhay ni Meldy. Muntik na siyang ipakulong ni Eliot Santisas, ang mayamang negosyante sa bayan nila sa pag-aakalang ninakaw niya ang isang box ng wine na nagkakahalaga ng isang milyon. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, biglang dumating si Elise—ang anak ni Eliot at inakalang si Meldy ang ina niya. “Bad ka papa! Inaway mo si mama!” Umiiyak na sabi ni Elise habang yakap-yakap si Meldy. Nakita yun ni Meldy na oportunidad para hindi tuluyang makulong. “Sir, b-babayaran ko po ang wine. Pagta-trabahuan ko po yun sa inyo kung maaari.” Tumingin si Meldy kay Elise. “Pwede po akong maging yaya ng anak niyo. Magta-trabaho po ako ng libre hanggang sa mabayaran ko po ang halaga no'ng nawalang wine niyo.” Isang mahabang katahimikan ang namayani bago sumagot si Eliot. “Pag-iisipan ko,” sabi nito at kinuha si Elise at umalis. Nakahinga si Meldy at inakalang nakalusot siya sa kamalasan sa buhay, hindi niya alam na pinasok niya pala ang pa-in na nilaan para sa kaniya ni Eliot Santisas. Ngumisi siya habang binabaybay ang daan papunta sa kwarto ni Elise. “I think it’s time for you to pay your sin.” Ang mga salitang naglalaro sa isipan ni Eliot.
Romance
1046.8K viewsCompleted
Read
Add to library
THE RANCHER'S OBSESSION

THE RANCHER'S OBSESSION

Nang magpasyang makipaghiwalay si Riko sa long-time partner niyang si Ian ay nangako siya sa sariling hinding-hindi na uli siya magpapa-uto sa mga lalaki. Ngunit ilang buwan pagkaraan ay nakilala naman niya si Alvaro. Naging malapit sila sa isa't-isa hanggang sa namalayan na lamang ni Riko na nahuhulog na ang loob niya sa lalaki. And it was too late for her to take her steps back. She was already into him—hard, and it was too much for her to bear. Magkaroon kaya ng magandang wakas ang pag-ibig na sa simula pa lang ay alam na ni Riko na matatalo siya? At si Alvaro, handa kaya siyang sumugal sa relasyong walang kasiguraduhan
Romance
104.4K viewsOngoing
Read
Add to library
UNCHAINED MY HEART

UNCHAINED MY HEART

Si Michael Luna ay isang bilyonaryong abogado, malakas ang dating at malamig ang titig—parang pader na imposibleng maabot ng sinuman. Sa kanyang mga kamay, ang batas ay isang larong kanya nang napagtagumpayan.Siya ang bilyonaryong tagapagmana ng Luna Hotelier, isang marangyang hotel chain na itinayo ng kanyang pamilya, at may-ari ng Luna Law Firm, ang pinakaprestihiyosong law office sa bansa. Ngunit sa kabila ng yaman at kapangyarihan, si Michael ay tila baga natutulog na bulkan, puno ng galit at pagkamuhi sa pagmamahal, isang damdaming sinira ng isang taong kanyang minahal at pinagkatiwalaan nang lubusan. Si Michael ay may nakaraan na puno ng sakit—si Isabella Lopez, ang kanyang dating fiancée, ay nagtaksil sa kanya kasama ang kanyang pinakamatalik na kaibigang si Brent. Ang pagtataksil ay natuklasan ni Michael dalawang araw bago ang kanilang kasal, nang makita niya ang kanyang fiancée sa kompromisong sitwasyon sa loob ng condo nito. Labis na nasaktan, si Michael ay kumuha ng video bilang ebidensya ng kanilang pagtataksil at plano niyang isiwalat ito sa mismong araw ng kasal. Mula noon, isinumpa niya ang pag-ibig at naging mailap sa mga babae. Ngunit ang pusong matagal nang sarado sa pagmamahal ay biglang nayanig nang makilala niya si Jasmine Estrada, isang matapang at makatarungang prosecutor sa Pasig Police Department. Sa kabila ng kasikatan bilang “diyosa” ng departamento, si Jasmine ay may paninindigan at puso para sa mga naaapi—isang bagay na labis na humanga kay Michael. Sa bawat pagharap nila sa korte, sa bawat tunggalian ng prinsipyo at batas, unti-unting nabuksan ang pinto ng kanyang pusong matagal nang nakakandado. Magiging handa kaya si Michael na buksan ang kanyang puso para kay Jasmine, o patuloy siyang magiging bilanggo ng nakaraan? At si Jasmine, kaya ba niyang lumaban hanggang dulo sa pagmamahal niya sa lalaking puno ng sakit at galit?
Romance
104.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Seduction: The Scumbag Uncle Kiss Recklessly

Seduction: The Scumbag Uncle Kiss Recklessly

Si Eloisa Ferrer, isang babaeng malapit nang ikasal sa kanyang boyfriend na si Khalil. Nagkaroon ng isang hindi inaasahang pangyayari sa hotel kung saan sila magkakasal. Nang dumating si Eloisa sa hotel, natagpuan niya ang kanyang fiancé na nakayakap at nakikiapid sa kanyang assistant na si Samantha. Lubos na nagulat at nalungkot si Eloisa sa nakita niya. Dahil dito, nagdesisyon siya na kanselahin ang kanilang kasal. Marami pang mga detalye ang hindi alam ni Eloisa tungkol sa nangyari at kung bakit nangyari ang ganitong sitwasyon. Kaya tinawagan ni Eloisa ang kanyang secretary at pinacancel ang kanilang kasal.
Romance
3.9K viewsOngoing
Read
Add to library
PAINFUL REVENGE: Come to Me, Senyorita

PAINFUL REVENGE: Come to Me, Senyorita

Sa edad na labinwalong taong gulang, na-in-love si Senyorita Valeria Fuentes sa isa sa mga tauhan ng kanyang ama na si Carlos Guerrero Hindi niya alintana ang malaking agwat ng kanilang pamumuhay. Langit si Valeria, lupa si Carlos at kahit kailan hindi pwedeng magtagpo ang dalawa lalo na at alam nilang tututol dito ang ama ni Valeria na mata-pobre. Ngunit, walang sekreto na hindi mabubunyag. Pagkatapos kasing malaman ni Don Juanico na nakipagrelasyon ang anak niyang si Valeria sa isang patay gutom na si Carlos, isang pasya ang nabuo sa kanyang isipan Pinapatay niya si Carlos kasama ang mga magulang nito! Paano tatangapin ni Valeria ang lahat kung ang sarili niyan Ama ang naging dahilan ng pagkadurog ng puso niya? Paano siya babangon kung isang araw, bigla na lang magpakita ulit sa kanya si Carlos, buhay at handang maghiganti sa kanyang ama pati na din sa kanya? Mananaig pa ba ang pag-ibig or galit ang mangingibabaw sa mga pusong nasaktan? Hangang saan at kailan kakayanin ni Valeria ang hagupit ng paghihiganti ni Carlos Guerrero?
Romance
102.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Her Twin's Revenge

Her Twin's Revenge

Maagang namatay ang mga magulang ng kambal na si Karina at Katherine dahil sa isang aksidente. Kaya naging sandalan nila ang isa't-isa sa hirap at ginhawa. Ngunit dahil sa kakulangan sa financial ay mas pinili ni Karina na subukan ang swerte sa ibang bansa. At tinulungan niyang makatapos si Katherine. Kaya nakapagtapos ito ng kolehiyo at nagtrabaho sa Alvarez corporation bilang secretary ng CEO na si Sergio Alvarez. Ngunit nakatangap si Karina ng masamang balita mula sa kaibigan ng kanyang kakambal. Wala na daw ito at kinitil ang sariling buhay. Kaagad na umuwi ng bansa si Karina. At ganun na lamang ang paghihinagpis niya nang maabutan ang malamig na bangkay ni Katherine. Nang makita niya ang phone ni Katherine ay natuklasan niya ang tunay na dahilan kung bakit nagawa ng kanyang kapatid ang magpakamatay. Dahil sa labis na galit ay isinumpa niya sa kanyang sarili na maghihiganti siya at pagbabayarin niya ang lahat ng naging dahilan ng pagpapakamatay ni Katherine at isa na dito si Sergio Alvarez na kakakasal lamang kay Catalina. Ano ang kahihitnatnan ng paghihiganti at pagpapangap ni Karina bilang si Katherine? Upang makapaghiganti sa lalaking lumoko sa kanyang kakambal? Paano kung imbis na paghihiganti ay pag-ibig ang kanyang matagpuan sa piling nito?
Romance
107.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Marry Him At The Age Of Eighteen

Marry Him At The Age Of Eighteen

Hindi naisip ni Charlotte na sa edad na labing-walo ay magkakaroon agad siya ng asawa— lalo na sa kaibigan ng kanyang kapatid, ang seryoso at mapalinlang na si Elijah. Sa isang gabi na puno ng tensyon at luha, nauwi ang lahat sa kasal. Matatali si Charlotte sa lalaking hindi pa niya lubos na kilala kahit pa kaibigan ito ng kanyang kuya. Sa pagsasama ng dalawa maraming lihim si Elijah na mabubunyag, at maging si Charlotte dahil may nabuo sa kanyang sinapupunan. Ngunit ang lahat ay hindi matatahimik dahil sa isang babae na handang gawin ang lahat para lang sa pagmamahal ni Elijah. Magkaroon kaya ng pagbabago habang nagsasama sila, o mauuwi ang lahat sa trahedyang hindi inaasahan ng lahat?
Romance
1035.6K viewsOngoing
Read
Add to library
A Wife's Tears: Billionaire Scoundrel Husband's Regrets

A Wife's Tears: Billionaire Scoundrel Husband's Regrets

MISERABLE WIVES CLUB SERIES #1: Bigla na lang nag-aya ng divorce si Kaia kay Bastian noong panahong naghihirap siya. Ang dahilan nito? Mahirap si Bastian at may minamahal nang ibang lalaki si Kaia. Galit ang namuo sa puso ni Bastian sa pagiging walang puso ng babaeng minamahal at pinangakong gaganti siya rito sa hinaharap. Makalipas ang limang taon, nagkrus muli ang landas nila. Si Bastian, bilang isang matagumpay na CEO ng AA World Group of Companies habang si Kaia, mula sa pagiging anak mayaman ay nahulog sa pedestal at nauwi sa pagiging waitress na lang sa isang nightclub. Ginawa ni Bastian ang lahat ng pinangako niya sa sarili, mahal man si Kaia, mas matindi ang galit niya rito. “Kaye, we can't go back to the past. My hatred for you won't stop even if you die.” Ngunit nang maubos si Kaia sa lahat ng pananakit ni Bastian sa kanya at nawalan ito ng hininga, doon napagtanto ni Bastian na mas malalim pala ang pagmamahal niya sa asawa kaysa sa galit niya at mas matimbang ang pagsisisi kaysa sa kamatayan. “Kaye, matagal na kitang pinatawad dahil ang pagmamahal ko sa ‘yo, parang hininga. Hindi matitigil. Ako dapat ang nawala… kapag namatay ba ako, maibabalik ko ba ang buhay mo?”
Romance
107.4K viewsOngoing
Read
Add to library
He's My Boyfriend

He's My Boyfriend

Thep13
May Isang anak mayaman na babae, na Ang pangalan ay Mae, SI mae ay nangangarap na sana hanggang sa huli, maayos Ang pamilya Niya, Ang pamilya Niya Na kinaiingat ingatan Niya sa kanyang buhay. Pero simula nung dumating Ang mag Ina na SI Janna at Carla, Nagbago ang lahat o Ang Buhay ni mae, at aNg pamilya ni mae, dahil halos Ang mag ina, Ang nasusunod sa buhay ng pamilya ni mae. hindi inaasahan ni mae,na magiging mahirap Pala Ang sitwasyon Niya sa mag inang iyon, at Ng kanyang pamiya, namatay Ang mommy ni mae, na SI Maezil dahil sa kagagawan Ng maginang iyon, ngunit Hindi kaagad nabigyan Ng hustisya. Subalit sa paningin ng kanyang boyfriend, isa lang itong madaling sitwasyon para Kay mae doon sa mag inang Yun, na nagpapahirap sa Buhay ni mae. Ang boyfriend ni mae, Ang tumulong sa kanya para makayanan ni mae Ang lahat ng paghihirap sa mag inang yun. Siya si mark, ang boyfriend ni mae. guwapo, matalino, at mabait, pero Hindi sa inaasahan na mangyayari, na Isa SI mark sa balak din na Kunin ni Janna sa Buhay ni mae. SI Janna Ang step sister ni mae, sa daddy Niya, dahil Ang mommy ni Janna na SI Carla,ay dating babae o kabit Ng daddy ni mae, at Hindi nga inaasahan nabuntis SI Carla, at SI janna iyon. Paano makaka-survive si mae kung pati ang daddy Niya, nakuha na rin nila Janna tuluyan Ang loob nito,At ano ang alam na paraan ni mae,para tanggapin sya ulit ng daddy niya,magkakaayos pa kaya Sila ulit Ng daddy niya? Mababawe pa kaya ni mae Ang dapat sa kanya.
Romance
101.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Your Fake Love

Your Fake Love

Maria Angela Gonzales
Si Belinda 'Billy' Monteza ay sikat na vlogger kaya ipinayo ng pinsan ni Konsehal Kidlat Romero na makipaglapit kay Billy kung ayaw niyang gumastos ng malaki sa kampanya. Siyempre dahil nga sa may pangarap si Konsehal Kidlat na mag-Mayor sa darating na election ay nakipagkaibigan siya kay Billy at nauwi sila sa pagliligawan. Sa tingin ni Billy ay si Kidlat na ang kanyang man of her dreams kaya naman ipinakilala pa niya ito sa kanyang followers. Dahil doon, nakilala na rin ng husto si Kidlat kaya naluklok itong Mayor. Masayang masaya si Billy dahil natupad ng kanyang mahal ang pangarap nito, ngunit, magiging masaya pa ba siya kung malalaman niyang ginamit lang siya ni Kidlat para sa pangarap nito?
Romance
101.9K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3132333435
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status