Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The CEO's Unseen Wife

The CEO's Unseen Wife

Si Heather ay isang maybahay at hands-on sa lahat ng kailangan ng pamilya niya. Siya ay isang asawa ng CEO na nagmamay-ari ng Madrigal Group of Companies at ilang mga resort sa kamaynilaan na si Cregan Madrigal. May isang anak sila na ang pangalan ay Erryc, walong taong gulang na at palaging sakitin. Mas gusto nitong kasama ang Tita Febbie na kapatid ni Heather dahil spoiled na spoiled ang bata sa dalaga. Samantalang si Heather ay isang stirktang ina at lahat pinagbabawalan ang anak. Hanggang sa nagka-anak ulit sila ni Cregan at ni isa sa pamilya nila ay walang nag-asikaso habang nasa labor siya, naroon kasi ang mga ito sa birthday party ng kanyang kapatid na si Febbie. Doon niya na-realize na wala siyang halaga sa pamilya niya lalo na sa asawa at anak niya. Makakaya pa ba niyang pakisamahan si Cregan at Erryc gayong hindi naman siya ang gusto nitong makasama? o mag-fi-file na lamang siya ng dibursyo sa asawa at magbagong buhay kasama ang pangalawang anak nila?
Romance
101.2K viewsOngoing
Read
Add to library
The Return Of The Abandoned Ex-Wife

The Return Of The Abandoned Ex-Wife

To be his wife was never a dream—it was a lifelong sentence. Sa loob ng pitong taon, namuhay si Amber Lucille Rivera sa anino ng isang malamig at walang pusong kasal. Mahal niya si West Markus Lee ng buong-buo. Pero ang lalaking iyon? He never treat her well—not once. Nang makalimutan ni West ang ika-walong anibersaryo nilang mag-asawa ay doon na tuluyang bumitaw si Amber. Hindi siya ang kailangan ng kanyang asawa’t anak. Hindi siya kailanman kakailanganin ng mga ito lalo na’t bumalik sa buhay ni West ang babaeng pinakakamahal nito na si Zendaya Madrigal. Ilang taon ang lumipas, bumalik si Amber bilang isang tanyag na fashion designer at pintor. Ngayon, ang lalaking dating tumalikod sa kanya ay ayaw na siyang pakawalan. Maging ang anak niyang minsang tumalikod ay gustong bumalik sa kanyang mga yakap. Mabibigyan ba ni Amber ng pangalawang pagkakataon ang kanyang dating asawa at anak para sa masayang pamilyang hinahangad? O mananatiling matigas ang kanyang puso at pagtatabuyan ang mga ito?
Romance
1044.8K viewsOngoing
Show Reviews (20)
Read
Add to library
Fru Dy
first time ko mag comment sana talaga mag grant na iyong divorce amber,Ang dami Niya hirap na pinag daanan at sana matupad minithi Niya maging Isang sikat na pintor. Hopefully amber deserve a happiness in life iyong mamahalin Siya iba sana maging end game Niya.
Verona Ciello
TROTAEW is finally coming to an end 🥹 thank you sa walang sawang suporta niyo sa book ko at sa pagmamahal niyo kina Amber at West 🥹🩷 sana suportahan niyo rin ang story ng mga anak nina Amber at West soon dito lang din sa book na ito 🩷 thank youuu 🥹
Read All Reviews
Taming The Ruthless

Taming The Ruthless

Si Zaki Delrama ay kilala bilang successful na negosyate sa murang edad. Legal lahat ng negosyo niya kaya wala siyang inaalala katulad ng negosyo ng kakabata niya at pinakamamahal na si Ian Mercado, na isang smuggler. Kahit mahal niya si Ian isinuko niya parin ito kay Nate dahil si Nate Guevarra ang talagang gusto ni Ian. Nagpasya na sana siyang umalis ng Crown University para kalimutan ang kababata niya, dahil ito lang ang ipinunta niya sa CU, pero paalis na siya at ang grupo niya ng CU ng inambush sila ng grupo ni Roden. Pinalagpas niya ang kapangahasan ni Roden pero nung nalaman niya na sinunog ni Roden ang tatlong establishments niya, doon na siya humanap ng paraan para parusahan ang dalaga, sa mga kapangahasan nito at kawalang takot nito sakanya. Mapaamo niya kaya si Roden o siya ang luluhod sa dalaga? Si Sharian Roden Indelcio babaeng kilala bilang matigas ang ulo, mayabang at walang awa. Dahil sa kapatid siya ng Stygian Beast lord na si Stan kaya malakas ang loob niyang manakit, mangagaw at mangapak ng iba. Ugali ng Stygian na mangolekta ng pera sa kahit anung negosyo sa Cordova city. Every end of the month nililibot ni Roden ang buong Cordova City para mangolekta ng pera at ariarian ng mga establishments, bars, clubs, restaurants, hotel at anu pang mga negosyo sa City. Kung di magbigay ng pera ang mga may ari ng establishment, sinisira niya o sinusunog ang building o establishment na di nagbabayad o nagbibigay ng maayos... She is a tyrant and proud, walang nakakapagpaamo sakanya until Zaki Delrama ruin her.
Romance
102.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Merciless Series Book 1: Target Locked

Merciless Series Book 1: Target Locked

Gigi Lang
Nakipaghiwalay si Oliver Kim sa girlfriend niyang si Serenity Oh. Sa uri ng trabahong meron siya, natatakot siyang malagay lang sa kapahamakan ang buhay nito. Pero nang muli silang magkita, pareho lang pala ang mundong itinadhana sa kanilang dalawa.
Other
101.6K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's First Love Has a Secret Child

The Billionaire's First Love Has a Secret Child

Kapwa may inililihim ang magkasintahang Diana at Ryan sa isa't-isa. Si Diana, ang napipintong arranged marriage nito sa isang mayamang binata sa kanilang bayan. Si Ryan, ang pagtatago nito ng kanyang pagkatao bilang unico hijo ng bilyonaryong angkan. Isang taon ng pagmamahalan at kinailangan na ni Diana na umuwi upang tuparin ang pangako sa pamilya. Sa gabi ng kanilang hiwalayan, nagpakalasing ang binata at inakalang may nangyari sa kanila ni Jade, ang kaibigang matalik ni Diana. Punong-puno ito ng pagsisisi sa nangyari. Pitong taon ang lumipas at nagkrus muli ang kanilang landas. Paano na lang kung malaman ni Ryan na hindi pala si Jade ang kanyang nakasama nang gabing iyon kundi si Diana? Ano kaya ang mangyayari kapag napagtanto nito na ang isang gabi ng kalasingan at kahinaan ay nagbunga pala ng isang bibo at matalinong bata?
Romance
105.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Ang fiancé ko, ang kanyang kapatid

Ang fiancé ko, ang kanyang kapatid

Si Léa ay namumuhay ng mapayapa kasama si Thomas, isang mahinahon at predictable na lalaki na kanyang pakakasalan. Ngunit ang hindi inaasahang pagbabalik ni Nathan, ang kanyang kambal na kapatid na may nakakamanghang alindog at malayang kaluluwa, ay nagpapabagsak sa kanyang maayos na mundo. Sa isang salu-salo na inihanda para sa kanya, si Nathan ay pumasok nang may kapansin-pansin na presensya at sa puso ni Léa, isang bitak ang nagbukas. Ang kanyang nag-aapoy na tingin, ang kanyang mga salitang puno ng pagnanasa, ang kanyang paraan ng pamumuhay na walang hangganan… lahat sa kanya ay naguguluhan at hindi maiiwasang humahatak sa kanya. Sa pagitan ng rasyonalidad at pagnanasa, katapatan at tukso, si Léa ay naguguluhan. At kung ang tunay na pag-ibig ay hindi matatagpuan sa lugar na palagi niyang inisip? Kapag ang dalawang puso ay tumitibok sa hindi pagkakasabay… aling dapat pakinggan?
Romance
608 viewsOngoing
Read
Add to library
The BILLIONAIRE'S Woman

The BILLIONAIRE'S Woman

Thegirlmakesyouhappy
Dahil sa matinding sama ng loob ni Wency sa nobyo, ay naibigay niya ang kanyang sarili sa isang lalaki na kalaunan ay naging unexpected husband niya. Pero paano kung kailan mahal na niya si Jokos ay saka dumating ang ex-girlfriend nito na buntis at si Jokos ang ama.
Romance
102.4K viewsOngoing
Read
Add to library
My Husband's Karma

My Husband's Karma

aiLa'veinz
Pumayag sina Hyder at Jihan na magpakasal sa isa't isa base sa napagkasunduan ng magulang nila. Napag-usapan ni Hyder at Jihan na palabas lamang ang gagawin nilang pagpapakasal at magdidivorce sila pagkatapos ng dalawang taon dahil may girlfriend na si Hyder. Nasasaktan man ay tinitiis ni Jihan dahil totoong mahal nya si Hyder. Nagkaroon ng lakas ng loob si Jihan na aminin ang totoong nararamdaman sa asawa. Mula noon ay naging malamig na ang trato ni Hyder at madalas gumagawa pa ito ng mga bagay na ikakadurog ni Jihan. Napagpasyahan ni Jihan na palayain na Hyder dahil hindi na nya kinakaya ang sitwasyon nya. Hanggang sa isang kakaibang uri ng sakit ang dumapo kay Jihan. Nilihim ni Jihan ang kanyang sakit. Sumusubok si Jihan na magpagamot pero hindi nya alam kung hanggang kailan kakayanin ng katawan nya. Muling makikipag-ugnayan si Jihan kay Hyder upang ipagbigay alam ang buong katotohan ngunit sarado na ang isip at puso ng binata. Sa pagkakataong malalaman ni Hyder ang kalagayan ni Jihan, lalambot kayang muli ang kanyang puso? Hanggang kailan lalaban si Jihan para sa lalaking mahal nya? Hanggang kailan din nya lalabanan ang sakit na dumapo sa kanya? "Kahit isa man lang sa laban na ito ang maipanalo ko, masaya na ako"- Jihan
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Married to the Wrong Billionaire

Married to the Wrong Billionaire

Naniniwala si Sloane Persephone Rivera o mas kilala sa tawag na Percy na ang tanging makakapagligtas lang sa pamilya niya laban sa kahihiyan ay iyong pumayag siya na makipagpalit nang pwesto sa kanyang kakambal na si Blaire sa kasal nito pansamantala. Pero nagbago ang lahat nang 'yon nang maaksidente si Blaire at magpanggap si Percy bilang kakambal niya at mapunta sa buhay na hindi naman niya kinabibilangan. Hindi handa si Percy na makilala ang lalaking pinakasalan niya noong araw na 'yon lalo na ang pakisamahan ang ugali nito. Nangako siya sa sarili niya na kahit kailan ay hindi mahuhulog ang loob niya sa lalaking hindi naman niya talaga asawa dahil nagpapanggap lang naman siya.Pero sa bawat gabi na nagkakasama sila sa iisang bubong, mga pag-uusap at tawanan na tanging sila lamang ang may alam, ay unti-unti no'n nabasag ang pader na pilit niyang itinatayo para protektahan ang sarili niya. Nakulong si Percy sa pagkatao na kailanman ay hindi niya pinili na naging sanhi nang pagkahulog niya sa lalaking hindi niya naman dapat mahalin pero aksidente niyang minahal. Ang mapaglinlang ba na pag-ibig ay kayang mabuhay kapag dumating na ang katotohanan? Paano kung kailan handa ka nang ipaglaban ang taong mahal mo ay saka pa bumalik ang taong nagmamay-ari naman talaga nito?
Romance
75 viewsOngoing
Read
Add to library
With Hard Feelings

With Hard Feelings

Deliciouwsooo
Knight Monte Forteros, isang CEO sa tanyag na F Newspapers and Magazines Company at galing sa isang mayamang pamilya ay ikakasal na sana sa kaniyang fiance na si Cayleigh Sasa Montemayor na galing rin sa pamilya ng mga negosyante at ang nagmamay-ari ng Hotel de Montemayor, ngunit naudlot ito dahil sa isang aksidente. Aki Rodrigo Salamangca, isang fashion designer at nagmamay-ari ng sikat na Magic Fashion Boutique ay ang nakabangga sa fiance ni Knight na si Cayleigh na naging dahilan upang maputulan ito ng dalawang paa. Dahil sa galit ay ikinulong ni Knight si Aki at itinago sa publiko ang mga pangyayari gamit ang kaniyang mataas na posisyon sa lipunan. Nang makitang wala ng ibang pag-asa ay nakipagsundo si Aki na maging alalay ni Cayleigh habang buhay kapalit ng kaniyang kalayaan. Naging paa at mata ni Cayleigh si Aki na naging dahilan din naman ng madalas na ugnayan nilang dalawa ni Knight. But if the heart of the oppressed falls into false love, is the feeling of the heart heavier than the depth of gratitude? Is it wrong to fall in love with a conqueror? Maybe so, but it's worse to fall in love secretly.
Romance
945 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status