Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
My Billionaire's Boyfriend

My Billionaire's Boyfriend

Anasthasia
Si Harris ay Isang Bilyonaryong nagpanggap na ordinaryong tao lamang upang mahanap Ang kanyang truelove, hanggang sa makilala nya si Sophia Salieri isang simpleng babaeng mag Isang sumusuporta sa ama nitong tatlong taon ng nasa coma. Isang gabing Hindi inaasahan nabuntis ni Harris si Sophia ngunit Wala silang kaalam-alam. Nagkaminabutihan silang dalawa hanggang sa nagkaroon sila ng malalim na pagtitinginan. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana, dahil ang dahilan ng paghihirap ni Sophia ay ang mismong Ama nito. Ano ang Kaya nyang gawin para sa taong pinakamamahal nya? Handa ba si Harris na kalimutan ang Mahal nya para sa reputasyon ng kanyang Ama? O handa nyang kalabanin Ang kanyang ama para sa taong pinakamamahal nya?.
Romance
1.6K viewsOngoing
Read
Add to library
A Tale That Wasn't Right

A Tale That Wasn't Right

Dalawang bata ang pinagtagpo ng ‘di inaasahang pangyayari. Si Sidharta Gabriel Palma,isang ulila at nasa poder ng kaniyang lola kasama ang kaniyang nakatatandang kapatid na si June. Maaga silang naulila nang mamatay ang kanilang mga magulang. Tanging ang lola na lamang nila ang nagtataguyod upang sila ay makapag-aral. Maagang nagtrabaho si Junr upang makatulong sa kaniyang lola at para na rin saluhin ang kaniyang kapatid na si Sid. Nang minsang lumuwas sila ng Ormoc galing Camotes, habang nakasakay sa de-motor na bangka ay nahagilap ng kaniyang mata ang isang batang nalulunod, si Aroon. Si Aroon ay isang batang nagnanais na makita ang kaniyang ama sa pamamagitan ng pagpapakalunod sa naglalakihang alon. Dito niya nakikita ang sagot sa kaniyang pangungulila. Tila tadhanang magkatagpo ang dalawa dahil dito nagsimula ang di inaasahang pagkakaibigan na nabuo sa maikling panahon. Sa loob ng maikling panahon ay nakabuo sila ng pagkakaibigan na hindi matutumbasan ng kahit na ano. Pinagtagpo ngunit agad ding nagkalayo. Nangakong magkikitang muli at hindi na maghihiwalay pa. Ngunit paano kung sa panglawang pagkakataon ang tadhana’y hindi ma pumabor sa kanila? Ipaglalaban ba nila ang kanilang mga pangako? O hahayaan nalang itong maging isang pangakong napako? Magsasama tayong dalawa. Pangako yan…
LGBTQ+
2.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid

Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid

Synopsis Siya si Attorney Harrison, isang matagumpay ngunit ubod ng supladong abogado, na ang isip ay higit sa lahat. Nagulo ang tahimik niyang buhay nang kumuha siya ng bagong kasambahay, si Margarita, na isang palaban na babae, determinado, at hindi natatakot na sabihin ang kanyang nasa isip. Habang sila ay nagbabangayan, nagsasagutan, at nagbibiruan, nagsimulang makita ni Harrison si Margarita, na nagbibigay liwanag sa napakaboring niyang buhay na hindi niya naramdaman sa fiancée niya. Naging masaya ang bawat araw ni Harrison dahil sa atensyon na ibinibigay ni Margarita sa kanya. Hindi lang niya matanggap na nahuhumaling na siya kay Margarita dahil sa kanyang pride at takot na umamin sa nararamdaman. Lalo na't nalaman na ni Margarita na may fiancée na siya. Pero huli na ang lahat dahil iniwan na siya ng babaeng bumago sa buhay niya. Pinilit niyang kalimutan si Margarita, pero hindi kayang turuan ang puso, siya pa rin ang hinahanap-hanap. Hiniwalayan niya ang fiancée niya at nagsimula siyang hanapin si Margarita. Ginawa niya ang lahat para bumalik lang sa kanyang buhay si Margarita. Mapaamo at mapamahal ulit ito sa kanya. This time, hindi na niya pakakawalan pa.
Romance
9.9174.3K viewsOngoing
Show Reviews (33)
Read
Add to library
Analyn Bermudez
Hala!! grabeh Tama nga ako binayaran pla SI Judy ni Tiffany hays..Buti nlng nabisto niya agad...sana maputulan din Ng pakpak itong mahaderang nanay ni Harrison sobrang kontrabida na Ms A asan naba Sina grandpa at grandma baka skali Sila Ang makaputol sa sungay Ng nanay ni Harrison hahaha
Chelle
Hello Guys! Happy to share this achievement to all of you that this book is got promoted to non-exclusive to exclusive. This is all for you my dear readers. CONGRATULATIONS sa ating lahat. Thank you sa walang sawang pagsuporta sa story na ito. God bless you all ......🫶🩷...
Read All Reviews
Bound To My Boss

Bound To My Boss

“You'll be my wife until I receive the inheritance. After that, we go our separate ways. Don’t worry—I’ll make sure you get your fair share.” — Walter Robles Desperadang madagdagan ang suweldo, pumayag si Samantha sa alok ng kaniyang boss na si Walter—magpanggap bilang nobya nito sa isang family event. Isang araw lang sana ang usapan. Pero nagbago ang lahat nang pumayag si Walter sa kasunduang iniatang ng pamilya: Walang kasal at asawa, walang mana. Dahil may makukuha rin siya, muling pumayag si Samantha. Pero ngayon ay hindi na bilang nobya kung hindi bilang asawa. Ngunit paano kung habang tumatagal ay unti-unti silang nalulunod sa emosyon na wala dapat doon. Pipiliin kaya nilang panindigan ang kanilang kasunduan?
Romance
1023.1K viewsCompleted
Show Reviews (11)
Read
Add to library
thegreatestjan
Bound To My Boss (Light & Feel Good Office Romance Story) | COMPLETE Wala pang complete o kumpleto na tag, pero tapos na po ang story na ito. Maraming salamat sa lahat ng nagbasa at magbabasa pa lamang. Love you all.
Nhvenz Mhae
ai alah ang ganda tapusin mu to author sayang kung d mu matapos ang ganda pa namn,,wag mu ng pahirapan ang pgmamhalan ni walter at samantha,,in fairness ah nakakakilig sila,,gumagnda n etong mga huling chapter
Read All Reviews
My Husband's Secret Affair

My Husband's Secret Affair

Si Brianna ay anak ng isa sa pinaka mayaman sa bansa . Ngunit gugulo ang kanilang mundo dahil sa pag tataksil ng kanyang asawa na si Greg. Hanggang saan ang kayang tiisin Brianna sa ngalan ng pag ibig?
Romance
1018.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Owned by A Hot Billionaire lawyer

Owned by A Hot Billionaire lawyer

Sa araw ng kanyang engagement party ay gumimbal sa madla ang isang video ng isang babae at lalaki na nagtatalik. Ang lalaki ay walang iba kundi ang kanyang fiancee, si Xavier Lopez at ang ex-girlfriend nito. Sa pinaghalong kahihiyan at kalungkutan, umalis si Luna Gray sa nasabing party at natagpuan na lamang niya ang sariling kaniig ang isa sa mga tanyag na abogado sa bansa. Si Giovanni Alexander Cortez. Kilala si Giovanni bilang isang tuso sa larangan ng ligal, bukod sa matalino at mayaman, ubod din ito ng kagwapuhan kahit na suplado. Lahat ng kababaihan ay halos luhuran siya. Except kay Luna Gray, ang babaeng brat at puno ng kapritso. Makakaya kaya niyang paamuhin ang isang babaeng laki sa yaman at nakukuha ang lahat ng gusto?
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Add to library
My Beautiful Stranger

My Beautiful Stranger

Si Yvonne Buenavista ay lumaki sa pangangalaga ng kanyang Lolo. Noong mamatay ang kanyang Lolo Isko ay naawa sa kanya si Don Frederick Castellanos. Ipinagkasundo siya nito sa apo nitong si Alaric Harlan Castellanos na noon ay iniwan ng girlfriend nitong modelo. Labag man sa loob niya ay pumayag siya sa engagement matapos makitang mukhang mabait ang apo nito. Ngunit hindi niya inasahan na pagkatapos ng engagement ay ang lalaki mismo ang magpapalayas sa kanya dahil hindi pa ito handang magpakasal. Binigyan siya nito ng pagkakataong lumayo at takasan ang nakatakda nilang kasal. Paglipas ng limang taon, nagulat na lamang siyang makita si Alaric Harlan Castellanos sa harap ng apartment niya at sinisingil siya ng kasal.
Romance
1038.1K viewsCompleted
Show Reviews (13)
Read
Add to library
Yenoh Smile
May bagong story po ako na hot and spicy! Ang title ay Entangled with Mr. Ruthless. Everyday update! Iba pang kwento: 1. Isang gabing pagsasalo (completed) 2. My Bittersweet Mistake (completed) 3. Treat Me Right, Misis! (completed) 4. Help me: West Severino (completed)
AiXanne
𝙳𝚒𝚝𝚘 𝚊𝚔𝚘 𝚍𝚊𝚖𝚒 𝚝𝚊𝚠𝚊.. 𝚜𝚘𝚋𝚛𝚊! 𝙼𝚊𝚙𝚊𝚙𝚊𝚑𝚊𝚐𝚊𝚕𝚙𝚊𝚔 𝚔𝚊 𝚝𝚊𝚕𝚊𝚐𝚊 𝚜𝚊 𝚋𝚊𝚛𝚍𝚊𝚐𝚞𝚕𝚊𝚗 𝚗𝚒𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚍𝚊𝚕𝚊𝚠𝚊. 𝙾𝚗𝚎 𝚘𝚏 𝚝𝚑𝚎 𝚐𝚛𝚎𝚊𝚝 𝚗𝚘𝚟𝚎𝚕𝚜 𝙸'𝚟𝚎 𝚛𝚎𝚊𝚍. 𝚃𝚑𝚊𝚗𝚔 𝚢𝚘𝚞 𝙼𝚜. 𝙰𝚞𝚝𝚑𝚘𝚛! 𝙰𝚙𝚘𝚕𝚕𝚘 𝚗𝚎𝚡𝚝... ×͜×
Read All Reviews
AKALA KO AY LANGIT

AKALA KO AY LANGIT

Warning! Bawal po sa bata! ---------- Walang pagdadalawang-isip na inialok ni Leia ang sarili niya sa sundalong si Bryle na maging asawa nito. Umasa siyang iyon ang magiging susi upang matakasan niya ang kahirapan. Subalit ang hindi alam ni Leia ay mas mararanasan pa pala niya ang hirap ng buhay kapag siya ay may asawa na. Gayunman, dahil mahal na mahal na niya ang kanyang asawa ay hindi niya ito sinukuan. Sunod-sunod man ang naging dagok ng kanilang pagsasama ay nanatili siyang tapat sa kanilang pangako na magsasama sa hirap at ginhawa. Pero ang hindi inasahan ng mag-asawa ay biglang darating sa buhay nila ang isang bilyonaryo at gustong maging asawa si Leia. Ginawa nito ang lahat maagaw lamang si Leia kay Bryle. Paano kaya haharapin ng mag-asawa ang pinakamatinding hamon ng kanilang pagsasama? Malalagpasan pa kaya nila kung si Leia ay may kapansanan na at si Bryle naman ay may problema sa pag-iisip at wanted pa sa batas? Magkikita pa kaya sila at bubuo pa kaya nila ang kanilang pamilya?
Romance
107.5K viewsCompleted
Read
Add to library
The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle

The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle

Limang taon.. Limang taon na nakulong si Sapphire, dahil sa kagagawan ng kanyang asawa, at ng kabit nito, na kanya mismong kapatid. Sa kanyang paglaya, mismong ang hudas pa niyang asawa ang sumundo sa kanya, dahil hindi maaaring iakyat sa bahay ng mga Briones, ang isang kabit. Alam na ni Sapphire ang kanyang plano, ang maghiganti sa kanyang asawang si Dexter, at sa kanyang kakambal na si Emerald. Nais din niyang hanapin, ang batang iniluwal niya, na pinalabas nilang patay, bago siya makulong. Ngunit pagdating niya sa kanilang bahay, ang isang lalaking gwapo, at hinahangaan ng lahat, ay naroroon, si Ezekiel Briones, na may bitbit na anak. Hindi niya mawari sa kanyang sarili, kung bakit ang pakiramdam niya sa lalaki, ay inaakit siya, at yun naman ay pinayagan ng kanyang puso. Saka pa lang malalaman ni Dexter, na nagkamali ito, at nais ayusin ang kanilang pagsasama.. Sino ang pipiliin niya? ang dati niyang minamahal, na pinahirapan siya, o ang gwapong si tito Ezekiel, na hindi niya malaman kung seryoso sa kanya?
Romance
1032.1K viewsCompleted
Show Reviews (22)
Read
Add to library
nehj ollav
wag mo igaya sa character ni Maureen SI sapphire na ito uto,sana nmn Yung lumalaban,,tsaka bakit ba lagi iniisip Yung matanda babae,ipagpilitan pa wag maghiwalay DBA nya naisip mga pinagdaanan ni sapphire,at bakit di nya alamin bakit nakulong SI sapphire
Angel Broadway Pitt
damihan nyupa po ang update Dito author, sana Malaman na nla Sapphire at Ezekiel na anak nila si Liam at sna magka aminan na tlaga ng feelings.. hwag na masyado pahirapan c Sapphire author lage Nalang cyang pinapahirapan sa kwento, bigyan nyu din po ng Kaligayahan ang puso nya..
Read All Reviews
Nakakahumaling na Pag-ibig

Nakakahumaling na Pag-ibig

Nahatulang ng tatlong taon sa kulungan si Ling Yiran dahil sa car accident na pumatay sa kanyang fiancee na si Yi Jinli, ang pinakamayaman sa Shen City.Nang makalaya sa kulungan, sa hindi inaasahang mga pangyayari napukaw niya ang atensyon ni Yi Jinli. Lumuhod siya sa sahig at nagmakaawa, “Yi Jinli, parang awa mo na, pakawalan mo na ako!” Ngunit ngumiti lang si Yi Jinly at sinabi, “Sister, hindi kita papakawalan kahit kailan.”Bali-balita na tila walang pakialam si Yi Jinli sa kahit sinuman, pero sa di malamang dahilan, ginagawa niya ang lahat para lang suyuin ang isang sanitation worker girl na nakulong sa loob ng tatlong taon. Ngunit dahil sa aksidente na nangyari noon, naubos ang pagmamahal niya para kay Yi Jinli at nagdesisyon na lisanin siya.Makalipas ang maraming taon, lumuhod si Yi Jinli at nagmakaawa, “Yiran, bumalik ka lang saking tabi, gagawin ko ang lahat para sayo.” Ngunit tinigan lang siya ni Yiran at sinabi, “Edi magpakamatay ka.”
Romance
9.5259.5K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
4041424344
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status