Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
THE GANGFIA QUEENS

THE GANGFIA QUEENS

Napatawa sina Yanah at Emerald sa akto ni Marian. Lasing na kasi ito. "Ayaw mo pa lang maputulan ng kaligayahan ang gagong Drix na iyon! Sinaktan ka na nga, may awa ka pa din!" Bulyaw ni Yanah. "Ba-liw ka ba! Mag-pa-pa-anak pa ako sa hi-nayu-pak na 'yon! Sa-ka ko iwan!" Napabunghalit si Marian ng tawa sa na isip. "Ay baliw! Lakas ng tupak mo, Mars! Mas malala ka pa pala sa amin ma-inlove!" Napapailing na sambit ni Emerald. "W-Walang ba-sha-gan ng t-trip!" Bulalas ni Marian. "What's happening here, Ladies!" Isang malamig na boses ang nagpalingon sa kanilang tatlo. "Kylle" "Sean" "D-Drix!" Sabay-sabay na bigkas nila ng sumulpot bigla sa harap nila ang tatlong mga greek god na seryoso na nakatingin sa kanila na walang kangiti-ngiti.
Romance
104.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Single Mom

Single Mom

Si **Luna Reyes** ay isang 18-anyos na estudyante sa kolehiyo mula sa probinsya na nabuntis ng **Alexander "Alex" Montemayor**, anak ng isang bilyonaryo. Nang malaman ng ama ni Alex, si **Ricardo Montemayor**, ang pagbubuntis, inalok niya si Luna ng malaking halaga ng pera kapalit ng paglayo sa buhay ni Alex. Dahil sa takot sa kapangyarihan ni Ricardo, pumayag si Luna at lumipat sa Maynila upang buhayin ang kanyang anak na si **Mateo**. Pagkalipas ng labing-dalawang taon, namatay si Ricardo at sa pagbabasa ng testamento, lumabas ang isang probisyon na ang yaman ng Montemayor ay mapupunta lamang sa anak o apo. Nagkaroon ng duda si Alex tungkol sa pagkakaroon ng anak niya kay Luna. Kasama ang pulis na kaibigan, si **Miguel Santiago**, sinimulan niyang imbestigahan ang nakaraan. Nagkita muli sina Alex at Luna sa isang event, at sa kanilang pag-uusap, inamin ni Luna na si Mateo ang kanilang anak. Habang lumalapit si Alex kay Mateo, naging mapanganib ang sitwasyon dahil kay **Sofia Aguilar**, ang magiging asawa ni Alex na hindi makapagkaanak at nagpasya na patayin si Mateo upang mapanatili ang kanyang kapangyarihan sa pamilya Montemayor. Nakipag-ugnayan si Luna kay Miguel upang mapanatili ang kaligtasan ni Mateo. Nang maganap ang mga insidente ng pag-atake kay Mateo, nahuli si Sofia at ang kanyang kasabwat, si **Carmen Morales**. Sa kabila ng lahat ng nangyari, nagkaroon ng pagkakataon sina Luna at Alex na magbuo muli ng kanilang pamilya. Ang nobela ay nagwakas sa isang simpleng kasal na puno ng pagmamahal at pag-asa, na simbolo ng bagong simula para sa kanilang pamilya.
Romance
5.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Loving The Mistress

Loving The Mistress

FilipinangManunulat
Wala ng ibang maisip na lapitan si Beatrice kundi ang kapatid niyang si Zircon tungkol sa kanyang problema. Hiniling ni Beatrice kay Zircon na paibigin ang kabit ng kanyang asawa upang mapaghiwalay sila. At kapag napa-ibig na ni Zircon si Yara, ang kabit ni Jack ay iwanan na niya ito agad para maturuan ng leksyon. Hindi sana papayag si Zircon sa hiling ng kapatid dahil hindi siya ganong lalake ngunit ayaw niyang matulad sa kanya ang pamangkin niya na hindi buo ang pamilya. Parang isang mailap na tupa si Yara ng tangkain na makipaglapit ni Zircon. Ngunit dahil sa isang pangyayari na hindi nila inaasahan ay iyon ang nagbukas ng daanan para maging malapit at makilala nila ang isa’t isa. Nakilala ni Zircon ng mabuti si Yara at nalaman niya na mabuti itong babae kahit na kabit ito. Nagmahal lang naman at nabulag siya sa pag-ibig. Pinayuhan naman niya si Yara na itigil niya iyon at tila biglang natauhan ang dalaga kaya bigla itong nakipaghiwalay kay Jack, isa pa ay napapagod na rin siya na maghintay kay Jack at sa mga pangako nito, idagdag pa ang katotohanang nahulog na rin ang loob niya kay Zircon. Hindi nagtagal ay naging magkasintahan sina Zircon at Yara, akala nilang dalawa ay magiging masaya na sila sa piling ng bawat isa ngunit lumabas ang mga lihim na hindi na sana nila gusto na lumabas. Simula noon ay naging mahirap para sa kanila ang bawat araw at humantong iyon sa kanilang hiwalayan. May pag-asa pa ba na magkabalikan sina Zircon at Yara gayong nawala na ang tiwala sa isa’t isa? May pagkakataon pa ba si Yara na makaramdam ng isang totoong pag-ibig kahit minsan na siyang naging kabit? O baka naman tuluyan na silang paghiwalayin ng tadhana at dalhin sa magkaibang landas.
Romance
10966 viewsOngoing
Read
Add to library
Scars From The Past

Scars From The Past

Eliza Janice Montebon  Simpleng babae, matalino, masipag, madiskarte at malambing na anak. Lahat ay gagawin matupad lang ang inaasam na pangarap at mithiin.Ngunit may lihim na hinagpis sa kanyang nakaraang pagkatao. Ito ang nagsisilbing hugot niya upang magtagumpay sa buhay at makamtan ang inaasam na katarungan sa kanyang yumaong magulang.  Lorenzo Aragon Multi-billionaire and super hunk na business tycoon at a young age. Natotong tumayo sa sariling sikap dahil na rin sa walang makuhang suporta mula sa magulang dahil sa komplikadong pamilya niya. Walang babae ang hindi nahuhumaling sa kanya, lahat ay kanya lamang pinagbibigyan dahil sa tawag ng laman at pangungulila sa iisang prinsesa ng kanyang buhay na kanyang kababata. Isang krimen at trahedya ang nagpawasak sa malaprinsesang buhay ni Eliza. Musmos pa lamang siya nang walang-awang pinatay ang kanyang mga magulang sa loob pa mismo ng kanilang bagong biling lupain na niregalo ng kanyang ama sa kanya sa kanyang kaarawan. Ang mas masakit pa ay nasaksihan niya mismo ang pagpaslang sa mga ito at ang salarin ay walang iba kundi ang ama ng kanyang kababata at minamahal ng kanyang pusong paslit na si Enzo Aragon. Dahil sa takot at pangamba sa kanyang buhay naggawang magtago ni Eliza at mamuhay ng malayo sa kanyang nakasanayan. Sa paglipas ng panahon, nabuo sa kanyang puso't isipan ang galit at pagkapoot sa pamilyang sumira sa kanyang magandang kinabukasan. Isa na riyan ang paghihigante kay Enzo dahil wala man lang siya hinanap nito. Paano pagtatagpuin ng tadhana ang dalawang puso kung ang isa ay may masamang binabalak? Matatagumpayan kaya ni Enzo ang ibalik ang tiwala sa kanya ni Eliza kung ang kanyang puso ay puno ng hinagpis at mantsa ng nakaraan? Mapapatawad kaya ng pusong nasaktan at puno ng hinagpis ng pilat ng nakara.Mananaig kaya ang pag-ibig at pagpapatawad kaysa paghihiganti?
Romance
1.6K viewsCompleted
Read
Add to library
The Housemaid's Secret

The Housemaid's Secret

Zenshine
Para takasan ang nakatakda niyang kasal sa isang matandang lalaki ay lumuwas si Bethany Gayle Chavez sa isang malayong probinsiya. Ipakakasal kasi siya ng mommy niya sa isang Chinese business tycoon. Bagay na never niyang sinang-ayunan. Bilang heiress, alam na niya na kapalit ng pagiging marangya ng buhay niya ay ang pagpapalakas at pagpapalawak ng impluwensya ng bawat pamilya kaya naman kailangan niyang maikasal sa isang taong kaparehas o higit pa sa estado nila sa buhay. Kaya naman para makatakas sa kasunduang hindi niya gusto. . .nagpaka-layo kayo siya at nagpanggap siya bilang isang simpleng babae. Namasukan siya sa isang mayamang haciendero bilang house maid at doon ay nakilala niya si Simon Clarke Silvestre. Nagmamay-ari ito ng heka-hektaryang lupain sa probinsya at may malaking hacienda. Naging maganda at kaswal lang naman ang pagtanggap sa kanya ng binata. Pero naging mahirap para sa kanya ang pagsisilbi rito dahil kagagaling lang nito sa isang aksidente. Iritable si Simon at mabilis na magalit. Hindi naman siya ganito noon. Nagsimula lang ang pagbabago niya simula noong maaksidente siya. Hindi nila alam na si Bethany ay isang tagapagmana at nagpapanggap lamang bilang kasambahay. Bagay na sinesekreto niya sa lahat dahil ayaw niyang mahuli at ibalik sa mga magulang niya kundi ay malilintikan siya at ipapakasal sa matandang instik na iyon. Pero paano kung sa isang pagkakamali ay magbabago ang buhay ni Bethany? Si Simon ba ang magliligtas sa kanya sa masalimuot niyang magiging kapalaran sa matandang intsik na iyon, o mas lalo lang nitong sisirain ang buhay at mga pangarap niya?
Romance
105.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Elijah: The Bastard Billionaire

Elijah: The Bastard Billionaire

Bunga ng pagtataksil si Elijah Montemayor at hindi kailanman binanggit ng kaniyang ina kung sino ang kaniyang ama. At dahil mula sa mahirap na pamilya si Elijah, mababa ang tingin sa kaniya ng mga magulang ni Ava Velasquez. Tutol sila sa pag-iibigan ng dalawa at sinabing kahit kailan ay hindi nila matatanggap si Elijah. Ang hindi nila alam, si Elijah ay anak ng kanilang matalik na kaibigan na si Leonardo - ang pinakamakapangyarihan at pinakamayamang tao sa kanilang lugar. Walang nagawa sina Elijah at Ava kun'di ang maghiwalay. Ipinangako ni Elijah na babalikan niya si Ava kukunin niya ito at papakakasalan. Ngunit paano na lang kung sa pagbabalik ni Elijah ay malalaman niyang may anak na pala ang babaeng kaniyang minamahal? Mananaig pa kaya ang pag-ibig niya para dito? O babalutin siya ng galit at maghihiganti?
Romance
103.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Lustful Affair

Lustful Affair

Dahil sa isang gabi ng pagkakamali, nagsimula ang pagmamahalan ng mag-among sina Magnus at Milana. Ngunit sa pagbabalik ng nakaraan ng dalaga, ang inaakalang magiging maayos na relasyon ay biglang naging magulo. Maipaglalaban kaya ng dalawa ang kanilang pagmamahalan o magpapadala sila sa bagsik ng nakaraan?
Romance
102.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Breaking the Heart of my Untrustworthy Husband

Breaking the Heart of my Untrustworthy Husband

Nananatili sina Isabella Russo at Adam Kingsley sa kanilang limang taong pagsasama bilang mag-asawa ngunit nagsanhi ito ng pagyurak sa kanilang dignidad. Naisip ni Isabella na kahit walang pagmamahal sa isa't isa ay sapat na ang mahalin na lamang ang kanilang anak. Hanggang sa dumating ang araw. Sabay-sabay na lumabas ang balitang may malubhang sakit ang kanilang nag-iisang anak at ang balita tungkol sa paggastos ni Adam ng malaking halaga para kay Bree Morgan. Hindi na kailangang magpanggap bilang Mrs. Kingsley si Isabella. Gayunpaman, may isang lalaki binili ang lahat ng media entertainment at lumuhod sa kanya na nangungusap ang mga mata at nagmamakaawa na bumalik siya sa piling niya. Nagkataong lumitaw si Isabella na hawak ang kamay ng isa pang lalaki. Ang kanyang bagong pag-ibig ay ipinagsigawan niya sa mundo.
Romance
10851 viewsOngoing
Read
Add to library
Love Under The Summer

Love Under The Summer

marupoknakyut16
She is Shanaya Yssey Sarmiento or Aya for her nickname. She is a Nurse in Cebu Doctors Universities Hospital. Isa siyang palaban at malakas na babae sa kanilang lugar at binabansagan ito Avah Maldita dahil sa kamalditahan at katarayan nito ngunit sa mga close nito sa buhay ay totoo siya ngunit may isang tao na nagpapagulo sa kaniyang puso't isipan si Marcus. Marcus Dylan Agustin is a Doctor of St. Agustin General Hospital kung saan siya ang namamahala. Broken Hearted ito dahil mas pinili ng Girlfriend nito na sumama sa kaniyang pinsan na si Warren. Halos lahat ng atensyon niya ay nasa trabaho ngunit pinapupunta siya ng kanyang parents sa Cebu kung saan ang lupain ng kanyang abuela at kung saan nakatira ang kanyang Nanny noong bata pa lamang siya. Makilala niya si Aya ang anak ni Aling Crusing ngunit sa umpisa ay halos kung magaway sila ay aso't pusa at sa pagiging maldita ni Aya. Ngunit dumating sa punto na mahuhulog ang loob ni Aya kay Marcus dahil sa magandang ipinapakita niya sa kanya pero susubukan ng isang pagsubok ang nararamdaman ni Aya dahil sa kailangan ng bumalik ni Marcus sa Maynila at paalis papuntang Amerika upang pamahalaan ang hospital nila roon pagkatapos ng summer break. Will continue to love him if the summer break is over?
Romance
1.0K viewsOngoing
Read
Add to library
The One-Year Contract

The One-Year Contract

solasabegail
OUT of boredom, Apple thought of sketching a teddy bear on the blank side of a contract in front of her, without her realizing that it was actually a contract and her sketch would be counted as her signature. Nakasaad ditong kailangan n'yang samahan si Dravour Ichigo Forestier, isang sikat na modelo, sa loob ng isang taon, hindi lamang upang maging alila nito kundi upang paibigin ito bago matapos ang kontrata. Sa kabilang banda, kontrata ang naisip na paraan ni Dravour upang makahanap ng babaeng ihaharap sa kaniyang ina. Ito ay bilang pagtutol niya sa kagustuhan nitong ipakasal siya sa kaniyang kababatang si Shantall na hindi naman niya mahal. Ang kaibigang sina Hiro at Kio ang tumutulong sa kan'ya sa paghahanap ng babae, at kapag hindi n'ya ito nagugustuhan ay s'ya na mismo ang tumatapos sa kontrata. Bagama't mas'yadong isip-bata at 'weird' ang dalaga ay hindi kaagad tinapos ni Dravour ang kasunduan kahit na malaya siyang gawin iyon sa simula pa lamang. Hindi n'ya rin magawang ipakita sa babae ang kaniyang tunay at itinatagong kondisyon dahil sa takot — takot na iwan din s'ya nito katulad ng ginawa ng mga naunang babaeng kaniya ring pinaperma. Sa kabila ng mga balakid at problemang idinulot ng kontratang iyon, pipiliin pa rin ba nila na ipagpatuloy ito? O sila na rin mismo ang kaagad na tatapos dito?
Romance
102.2K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2728293031
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status